Just the Girl

By AyoshiFyumi

22.8K 868 200

Ipinangako ni Red na hinding-hindi siya magkakagusto sa isang babae na katulad ni Miah Serano. Mistulang lang... More

BUOD
SIMULA
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
Author's Face Reveal
KABANATA 41
KABANATA 42
Author's Note
KABANATA 43

KABANATA 34

294 15 4
By AyoshiFyumi

Please do vote and comment thank you!


KABANATA 34


Madaming tao sa resort ngayon at talaga namang naging abala si Miah. Walang pakiaalam si Miah kina Nikko at Badith. They can do their thing kahit siguro hindi kaylangan ang tulong niya. If they need her help, pwede naman siya tawagan ng mga ito. Ilang oras na siyang nagtatrabaho at hindi pa niya nakikita si Nikko after niyang layasan ito kanina. At si Badith, hindi pa niya nakikita.

Oh, siya nga pala ang naka-toka para paliguan at pakainin ang mga aso sa Kennel. Idadamay na rin niya si Barky. Anyway, Barky is having a good time with the other dogs. Active ito kapag playtime pero ang lakas nito kumain at matulog. Such a beast.

Nang nasa gate na siya ng gate ay agad na tumakbo si Barky patungo sa kaniya. Hindi ito magkaintindihan sa saya nang makita siya.

"Dahan-dahan sa pag wag ng tail, Barky! You may break your tail again." Maalala niyang minsan nang na-sprain ni Barky ang sariling buntot nito sa sobrang excited nitong makita siya galing sa school. She even paid two thousand pesos for the vet bills. That's the stupidest thing that Barky did.

Nang maliguan na niya ang mga aso ay saka naman niya pinakain ang mga ito. Nang makakain ang mga ito ay bumalik siya sa resort. Maghahanap ng gagawin dahil hindi na nag reply sa text ang kumag niyang katipan.

"Hey, Miah." Kilala niya ang tinig na iyon. Si Nikko. Lumingon siya dito at nakita niyang may kasama ito. Lalaki. He must be..?

"Ikaw pala si Miah. I'm Benedict. Also known as Badith." Pakilala nang medyo malambot na boses sa kaniya ni Badith. Nakalahad ang kamay nito sa kaniya.

So Badith is gay. Buong akala niya ay babae iyong Badith.

"Nice to meet you." Aniya sa pormal na tinig.

"Kanina ka pa naming hinahanap. We need your help. Kulang daw ng room attendant sa hotel kasi busy sila sa lobby. We need to fix the rooms before daw dumating 'yong mga tourist." Paliwanag nito. Tumatango-tango lang naman si Nikko sa tabi nito.

"Sure, no problem." Aniya at sumama na siya sa dalawa.

Magaan ang loob niya kay Badith. She doesn't know why. Then she found out na OJT pala ito sa resort. Papunta pa lamang sila sa resort ang dami na kaagad nitong nabanggit sa kaniya.

"Maganda ka, Miah. May boyfriend ka?" biglang tanong nito.

"Yes. I have." Pag amin niya. Napansin niya ang pag taas ng dalawang kilay ni Nikko at tumango-tango ito.

"So, you're not single. That's good." Ani Nikko pero hindi niya ito inintindi.

"Ikaw, Nikko? May jowa ka?" si Nikko naman napagbalingan ni Badith.

"I don't have." Deretsong sagot ni Nikko at nagsimula nang tupiin ng maayos ang bed sheet. Tumulong naman si Badith.

"Sa gwapo mong iyan?" parang hindi pa rin kumbinsido si Badith.

"Seryoso. Wala akong matipuhan." Anito.

Tumawa si Badith. "Ang taas siguro ng standards mo? Pasok ba kaya ako?" sabay hirit ni Badith at nagpa-cute pa kay Nikko.

Napatawa ng mahina si Miah.

"Of course. You're a nice person, Badith." Ani Nikko. Namula naman ang huli.

Pumasok na lamang si Miah sa CR para tupiin ng maayos ang mga towels at i-check ang mga gamit sa banyo. Mukhang makakaistorbo ata siya sa dalawa.


NATAPOS DIN sila sa ginagawang pag-aayos mula sa limang kwarto ng hotel. She had fun with Nikko and Badith. And okay naman pala kausap si Nikko. She's starting to talk to him nang magkaroon na rin ito sa wakas ng sense kausap. Si Badith naman ay masayang kasama dahil maingay. Kapag bakla talaga ang daming kalokohan and he also confessed sa kanilang dalawa ni Nikko na isa siyang gay. They both accepted Badith's gender at hinangaan pa nila ang pagiging open nito about his gender.

"Miss mo na siguro ang boyfriend mo?" nakangusong tanong sa kaniya ni Badith. Nanananghalian na sila ngayon.

Lumungkot ang mukha ni Miah. "Oo. Kanina pa siyang hindi nagrereply, eh. Baka busy na siya sa kung anong bagay." Aniya.

"Ano bang pangalan niya?" si Nikko naman ang nagtanong.

"Red," sagot niya. "Nasa Candelaria siya. Naiwan ko."

"One month ka pa naman din na mag i-stay dito." Kinuha ni Nikko ang plato niya para sandukan ng kanin at ganoon din ang ginawa nito kay Badith.

"Thanks." Pasalamat niya at siya na ang nag abalang kumuha ng ulam niya.

Nikko is gentleman. Medyo nasungitan lang niya ito noong una kasi medyo nahanginan siya dito kahapon.

"By the way, Miah. I'm sorry about yesterday. Hindi ko talaga sinasadya iyon." Hinging paumanhin ni Nikko sa kaniya.

"Ha? Bakit? Ano'ng nangyari kahapon?" confused na tanong ni Badith.

At kinuwento naman ni Nikko ang nangyari pati na rin ang pagsusungit niya kay Nikko.

"Masungit talaga ako sa mga taong mahangin. Pero okay na sa akin iyong about sa nangyari kahapon. No issue." Aniya at nagsimula nang kumain.

Hapon na at ramdam ni Miah ang naging pagod buong maghapon dahil sa pagtatrabaho sa buong resort. Alam niyang pati si Badith at Nikko ay napagod din. Kasalukuyan silang nagpapahinga sa may veranda ng hotel nang mag ring ang cellphone niya. Excited niyang dinukot iyon sa bulsa para sagutin ang tawag ng maha niya ngunit nang makita niya ang caller ay ang Auntie Joy niya pala.

Nagsisimula na siyang magtampo kay Red. Maghapon an ata silang hindi nagka-usap. Pangako pa naman din nito na tatawagan daw siya nito time to time. Utot.

"Miah, punta kayo ni Nikko at Badith dito sa office. Ipapakilala ko sa inyo ang bago n'yong kasama sa grupo. After this pwede na kayong mag dinner at magpahinga."

"Sige po, Aunt. On the way na po kami."

Patungo na sila sa office ng Aunt niya nang may tinanong si Badith. "Lalaki bad aw 'yong bago nating makakasama?"

Nag kibit-balikat si Miah. "No idea. Walang namention si Aunt, eh."

"Sana babae para masaya." Ani Badith.

"Sana lalaki para may katulong ako mag buhat." Biro ni Nikko.

Nang makarating sila sa tapat ng office ay kumatok muna sina Miah bago sila binigyan ng signal para pumasok. Ganoon na lamang ang pagkalaglag ng panga ni Miah nang makita si...

"Red?!" aniya.

"Hey." Ngiting bati ni Red sa kaniya at narinig niya ang paghagikhik ng Auntie Joy niya.

"Now kumpleto na ang grupo niyo. Everyone, this is Red. Bagong part-timer at makakasama niyo sa grupo."

Hindi pa rin makaimik si Miah sa bigla. Geez, she miss her man so much. Halos gusto niya ito sugudin ng yakap. Sina Badith at Nikko naman ay nalilito sa nangyayari.

Napalingon na lamang siya kay Badith nang suminghap ito at nagtakit ng bibig.

"You're Miah's boyfriend!" turo pa ni Badith kay Red.

"Yes." Pagkumpirma ng Auntie Joy niya. So alam ng Auntie niya na boyfriend niya si Red. Sinabi malamang ng mokong.

Si Nikko naman ay mukhang naiintindihan na ang nangyayari. Pero she's glad at pinayagan ng Auntie niya na magtrabaho dito si Red kasama niya. She's so happy...

"So, lahat kayo ay pagod. Magpahinga muna kayo at mag dinner. And also if you want to swim then go ahead. But go to bed early, okay?"

"Yes, Auntie Joy." Sagot nilang lahat.

"I'm sorry hindi kita matiis na sundan dito. I just miss you so much." Ani Red nang makalabas sila ng opisina ng Aunt nila.

Napansin ni Miah na hinahatak ni Badith palayo si Nikko. Gusto ata silang bigyan ng privacy ni Red.

"Let's talk later. Samahan muna kita sa room mo." Aniya kay Red.

"Okay. Medyo malayo din pala itong resort ng Aunt mo. Nag commute lang ako papunta rito."

"Then magpahinga muna tayo bago tayo mag dinner." Suhestiyon niya.

"Sure."


NASA LOOB na sila ng kwarto ni Red para ayusin ang gamit nito. Katabi lang naman halos ng kwarto niya. Nang maisara ni Red ang pinto at sila na lamang dalawa ay sinunggaban siya ng yakap ni Red.

"I miss you so much..." kulang na lang ay mapisa si Miah sa sobrang yakap ni Red.

"I miss you too. I'm glad you're here. Buti naisipan mong sumunod." Aniya habang magkayakap pa rin sila ni Red.

"As I said earlier, hindi ko matiis. Ayaw kong napapalayo ka sa akin. Napapraning ako." Kinilig si Miah sa sinabi ni Red. Well, ganoon din naman siya.

Hinaplos ni Red ang pisngi niya at tinitigan siya nito. Halatang na-miss nga siya nito. Alam niyang hahalikan siya nito kaya napangiti siya.

Hindi nga siya nagkamali, naramdaman niya ang marahang paglapat ng labi ni Red sa labi niya. God, bakit pakiramdam niya ay ilang taon niya itong hindi nahalikan?

Naging malalim ang halik na pinagsasaluhan nila nang maramdaman ni Miah ang paglapat ng likod niya sa malambot na kama. Si Red naman ay nakapatong sa ibabaw niya. Pakiramdam tuloy ni Miah ay nawala ang naging pagod niya sa buong maghapon.

God, she is madly in love with him. Anong rason para itanggi iyon?

"I miss your lips..." sambit ni Red nang magkaroon ng pagitan ang labi nila sa isa't isa.

"Lips ko lang?" himutok niya.

"Of course everything about you." Saka nito hinalikan ang buong parte ng mukha niya pati na rin ang kaniyang leeg. Hindi mapigilan ni Miah ang mangilabot. Nagwoworry siya kung baka saan pa makarating ang halik nito kaya niyakap na lamang niya si Red ng mahigpit.

Umayos naman ng higa si Red para mayakap ng ayos si Miah. Tumagal ng ganoon ang posisyon nila ng ilang minuto.

"Bakit feeling ko ang tagal nating hindi nagkita?" sambit ni Red habang nilalaro ang kamay niya.

"We love each other kasi kaya ganoon." Sagot niya. Iyon naman talaga.

"You're right. Thank you for loving me, Miah." Sabay halik ni Red sa sintido niya.

"Why are you thanking me? You deserve to be love." Sagot ni Miah at binigyan niya ito ng smack.

"I'm so lucky to have you, Miah. Parang wala na akong iba hihilingin pa." humigpit ang yakap ni Red sa kanya.

Hinding-hindi magagawa ni Miah na saktan o iwanan si Red. Maswerte rin siya dito. Sobrang bait nito sa kanya at sobrang mahal pa siya nito. Hindi katulad ng ibang nangligaw sa kaniya before na puro kahanginan lamang sa katawan ang alam. Unlike, Red. Iniisip lagi nito ang makakabuti sa kapakanan nila. Masipag ito at mapagmahal sa magulang. Masipag din ito at matalino. Saan pa siya hahanap ng isang tulad ni Red? Bonus na lamang ang aking kagwapuhan nito. Pati na rin pala ang dimple at kulay nito.

Napangiti si Miah.

"Why are you smiling?" natatawang tanong ni Red sa kanya.

"Wala. I just love your tan skin." Sagot niya.

"Hindi ako maputi pero pag nabilad ako sa araw namumula din ako."

It's true. Alam iyon ni Miah. "Love, you are tall. And we're only eighteen. May itatangkad ka pa di ba?" She's worrying. She's only five two in height. Samantalang si Red ay five nine. Kumusta naman ang height differences nila?

"I guess. Ano'ng meron?" nalilito na si Red sa sobrang pagka random niya.

"Magmumukha akong unano kapag kasama kita. Ang bilis mo kasing tumangkad." Himutok niya.

Kapwa na silang nakaupo sa kama at magkaharapan nang bigla siyang yakapin ni Red. Magrereklamo sana siya dahil naumpog ang ilong niya sa matipunong dibdib nito pero naantala iyon nang magsalita ito.

"Naririnig mo ba ang tibok ng puso ko?" tanong ni Red.

She nodded.

"Para sa iyo 'yan. Ganyang ang tibok niyan kapag nakikita kita. Ang height mo, pantay lang sa dibdib ko. Para sa oras na yakap kita, alam mo kung gaano kita kamahal."

Niyakap na rin niya ito ng mahigpit. Daming alam ng mahal niya. Natutuwa siya sa sinasabi nito.

"Okay, okay. I won't complain about my height anymore." Aniya.

Nasa ganoon silang muni-muni nang may kumatok sa pinto.

"Sorry sa istorbo, Miah at Red. Dinner time na." masiglang boses iyon ni Badith.

"I guess kaylangan na natin bumaba." Ani Red at magkahawak kamay silang nagtungo sa kusina. 

Continue Reading

You'll Also Like

10.1M 143K 54
[Completed] Malaking palaisipan si Xander para kay Mica. Tila ba may sariling mundo ang lalake. Kahit anong mangyari, walang ibang expression ang mak...
1M 13.1K 61
COMPLETED. I'M 20 BUT STILL NBSB SEQUEL. "Hindi naman sa wala akong tiwala sa asawa ko. Wala lang akong tiwala sa mga nakapaligid sa kanya. At kahi...
1.4K 73 55
True enough that heart do pumps the blood. But-what will you do if your heart started to bring you on the final point of your life? Are you going to...
548K 10.9K 186
#WATTYS2015 winner! -Instant Addiction and TNT Katropa Favorite One boy. One Girl. Endless possibilities. Book 1 of Endless Series #1 Short Story...