The Broken Scalpel [Ace Lucif...

Da chasingplaridel

366K 7K 1.4K

He's a doctor, and so is she but then, he has the broken scalpel in his hands. Book 2 Volume 1 Altro

JAXON AND MACEY
PROLOGUE
[1] First Scalpel
[2] Second Scalpel
[3] Third Scalpel
[4] Fourth Scalpel
[5] Fifth Scalpel
[6] Sixth Scalpel
[7] Seventh Scalpel
[8] Eighth Scalpel
[9] Ninth Scalpel
[10] Tenth Scalpel
[12] Twelfth Scalpel
[13] Thirteenth Scalpel
[14] Fourteenth Scalpel
[15] Fifteenth Scalpel
[16] Sixteenth Scalpel
[17] Seventeenth Scalpel
[18] Eighteenth Scalpel
[19] Nineteenth Scalpel
[20] Twentieth Scalpel
[21] Twenty First Scalpel
[22] Twenty Second Scalpel
[23] Twenty Third Scalpel
[24] Twenty Fourth Scalpel
[25] Twenty Fifth Scalpel
[26] Twenty Sixth Scalpel
[27] Twenty Seventh Scalpel
[28] Twenty Eighth Scalpel
[29] Twenty Ninth Scalpel
[30] Thirtieth Scalpel
[31] Thirty First Scalpel
[32] Thirty Second Scalpel
[33] Thirty Third Scalpel
[34] Thirty Fourth Scalpel
[35] Thirty Fifth Scalpel
[36] Thirty Sixth Scalpel
[37] Thirty Seventh Scalpel
[38] Thirty Eight Scalpel
[39] Thirty Ninth Scalpel
[40] Fortieth Scalpel
[41] Forty First Scalpel
[42] Forty Second Scalpel
[43] Forty Third Scalpel
[44] Forty Fourth Scalpel
[45] Forty Fifth Scalpel
[46] Forty Sixth Scalpel
[47] Forty Seventh Scalpel
[48] Last Scalpel
Epilogue 1/2
Epilogue 2/2
Author's Announcement and Acknowledgment
SPECIAL CHAPTER: CLODOVEO AND NAMI

[11] Eleventh Scalpel

5K 137 4
Da chasingplaridel

Sorry if this took too long. I was so busy. Last week pa dapat itong update kaso ang daming gawain, and the joke part, ang hirap gawin para saakin. Mahirap din kasi akong patawanin.Shala!

Enjoy Reading, Chasers!😘😍

MACEY'S strength gave in. Mabuti nalang at nasalo niya ito. He doesn't know what to do, but he remained calm. He's panicking. Nasa bisig niya ang dalaga habang habol nito ang sariling hininga at halos pumikit na ang namamaga itong mata pero hindi niya alam ang gagawin.

Maxine...

Ilang saglit siyang tumingin kay Macey. "Damn it, Macey." Bulong niya bago niya ito tuluyang binuhat. He carried her bridal style, and good thing, he's holding the key card of his condo. Hindi na siya mahihirapan masiyado.

"J-jaxon..." nahihirapan nitong sambit habang nagtataas baba ang dibdib nito.

Tinignan niya ito at pasimpleng sinimangutan. "Shut up, you stubborn woman."

Naging mabilis ang kilos niya nang makapasok na siya sa loob ng condo niya. Kaagad niyang inilapag si Macey sa sofa ng dahan dahan. She's still catching her breathe kaya nang mailapag niya ang dalaga sa sofa ng maayos ay naging mabilis din ang lakad niya papunta sa kusina para kuhanin ang kailangan niya.

Nang makuha niya ang kailangan niya ay binalikan niya si Macey. She's covering her mouth and nose with both of her hands while breathing heavily.Pilit pinakalma ang sarili. Kunot noo niyang binuksan ang kinuha niyang brown paper bag na maliit at inisang kamay niyang tinanggal ang kamay nito sa mukha bago itinapat ang nakabukas na paperbag sa ilong at bibig nito.

Then he saw her tears flowing again.

Napabuntong hininga siya at lumuhod sa harap nito at itinukod ang siko sa sariling hita. "Stop crying." Aniya.

Macey nodded her head while her eyes are closed, but her tears flowed continuously. Para bang mas pinaiyak niya ito. Kulang nalang ay humikbi ulit ito. Tsk.

"Why the hell are you crying?" Pinigil niya ang iritasyon sa boses niya. Baka natatakot na ito sa kanya o kaya naman nasasaktan sa inaasal niya dahil alam niyang may gusto ito sa kaniya..

Umiling ito habang hawak nito ang binitawan niyang brown paper bag sa mukha niya.

"Macey." He called her. Napansin niya ang panginginig ng mga kamay nito. Napayukom ang kamay niya. Alam niya ang dapat gawin sa ganitong pagkakataon. He was doctor back then. He may not be practicing and performing the profession that he finished, he still knows what to do at times like this.

But failing to save the most important person in his life gives him fear... He feels like he will fail again, or rather, he'll make things worse. He's scared for it to happen again. Yung alam niyang may magagawa siya, pero hindi siya sapat.

"Macey, calm down." Aniya ng kalmado, but he knew better. Mahirap kumalma sa ganitong sitwasyon. The hardness in breathing with the mixture of fear and nervousness makes it hard to calm down, and Macey is not an exception to that.

His hands were trembling too, and he's also hesitating but he managed to hold her hands. Nanlalamig ang mga iyon nang hawakan niya. Tiningala niya ang dalaga. Hindi siya nag-salita pero tinitigan niya lang si Macey habang marahan niyang minamasahe ang kamay ng dalaga.

And then Macey opened her eyes. Halata parin ang paghihirap sa mga mga nito, pero naramdaman niya ang kaunting pagkalma nito.

Ganito ba kalakas ang epekto mo sa'kin, Macey?

Gusto niyang umiwas ng tingin pero hindi niya alam kung bakit hindi niya magawa. Napalunok siya. "That's right." Pinisil niya ang kamay nito. "Calm down yourself..."

Macey nodded her head. Trying to calm down herself. Unti-unti niyang minasahe ang kamay nito, at nanatili ang tingin niya sa dalaga na nakatitig din sa kaniya. They were like that until he realized that Macey is finally calm. Ilang beses siyang napakurap bago tumikhim at nagsalita.

Pasimple niyang inalis ang pagkakahawak sa kamay ng dalaga at umiwas ng tingin. "Feeling better?"

Tumango ito.

"O-Oo..." ginalaw nito ang sariling kamay. "Thank you, Jaxon."

Kumunot lang ang noo niya bago tumayo. "I'll go get some water." Akmang maglalakad na siya papaalis nang hawakan ni Macey ang braso siya para pigilan siya.

Umiling ito at matamlay na ngumiti habang nakatingala sa kaniya. Hindi niya alam kung bakit naiirita siya sa ngiti nito. Maybe he was just used to see her smiling witty or rather with genuine happiness. Yung may binabalak. Hindi bagay sa kaniya ang malungkot.

"Huwag na. Uuwi na ako."

Awtomatikong bumuka ang labi niya para sumagot. "Nakauwi kana."

Macey's forehead creased, and after a while of realization, her lips formed into a smile. "Ikaw ah. Kailangan ko lang palang magkasakit para mapansin mo ako."

Napabuntong hininga siya at namulsa. "Umasa ka naman."

"May aasahan naman ako." Macey replied before standing up. "Uuwi na ako, Jaxon."

Kinunutan niya lang ito ng noo.

Macey smiled at him, but it didn't meet her eyes. "Thank you, Jaxon." And then she grinned. "Sa uulitin ah."

Macey walked away, and he already heard the door closed, but he remained standing. Napahawak siya sa sentido bago siya nanhihinang napa-upo sa sofa na pinaglapagan niya sa dalaga.

Macey, what I'm gonna do with you?


***

"HOW IS SHE?" Macey asked while her hands were inside the pocket of her scrubs. Kakatapos lang ng operasyon na ginawa niya kaninang umaga na tumagal ng anim na oras. Hindi naman siya nakaramdam ng pagod kahit matagal na oras isyang nasa loob ng operating room at siya pa ang nanguna, kaya napagdesisyunan niyang bisitahin muna ang kaibigan na mag-iisang linggo ng naka-confine. And then she saw, Spy, doing her check up on her.

"Still the same." Sagot nito.

Napabuntong hininga siya. "She's improving. I can see it."

"A bit,Macey. Hindi ko alam ang plano nila tita kay Arce..."

"Hayaan mo muna silang magdesisyon. Mas mahirap sa kanila ang nangyari kay Arce. Mahirap din para sa kanila ang magdesisyon para kay Arceloisthe." Pag-aassure niya sa kaibigan. "Sige na, Spy. Ako na bahala dito."

"Sige. Pupuntahan ko muna si Russel." Napatingin ito sa kaniya na para bang may napagtanto ito. "Ay, naglunch ka na ba?"

Macey shook her head. "Not yet. May food naman siguro sa room ni Arce, doon nalang ako kakain."

"Mayroon doon. I-reheat mo nalang."

Tumango siya. "Sige, thank you."

Nang makaalis ang kaibigan ay tsaka lang niya pinihit ang door knob at binuksan ang pintuan para makapasok sa loob. She immediately saw her bestfriend, Arceloisthe lying on her bed, while staring at the ceiling.

Naglakad siya papalapit sa kaibigan. "Hey, Arce." Bati niya. Arce just blinked and then she saw tears came out from Arce's eyes.

Umupo siya sa gilid ng kama nito. "Arc, talk to us please?"

Napapikit lang ang kaibigan nila.

"Nag-aalala kami sa'yo. Hindi ka ganito eh. Ayaw namin ng umiiyak ka." She sighed. "Mas gugustuhin ko ng bullyhin mo ako, kesa ganito."

Arce rested her one arm, covering her eyes.

"Arce, please talk to us? Or kahit saakin nalang. I promise to zip my mouth shut. Talk to me so I will know how to help you." Pinuansan niya ang nanggigilid na luha sa mga mata niya. Arce shouldn't see her weak. Sa kaniya—sa kanila ito kumukuha ng suporta, kahit hindi nito sabihin kaya hindi dapat siya nito makitang mahina.

"M-mace..." humihikbing tawag ng kaibigan sa kaniya. Umangat ang isang kamay nito at kinapa ang braso niya. Arceloisthe held her arms tight. "I feel so dirty...They played with me...like I was a freaking toy."

---

"Ano? Seryoso ka?" Nurse Chin's voice echoed inside her office.

She rested her back on her swivel chair. "Yep."

"Gaga ka." Umikot ang mga mata nito. "Isa ka sa pinaka-kilalang Doctor ng mga senior citizen at ng mga bata dito—"

Kaagad niyang inawat ang nurse. "No.no...I mean, magpapalit lang ako ng sched dito for week days. Alam ko naman na hindi ako pwedeng magpalit ng sched ng clinic ko e."

Nurse Chin seems to be relieved. "Good." Napahawak ito sa sariling bibig. "Taray. Ako ba ang boss saating dalawa? Parang kinu-kwestyon kita. Parang ano eh—"

Hindi niya alam kung matatawa siya o babatukan ang kaibigan. "That's okay. At least, I'm comfortable to talk to you like this, you know our other doctors and nurses out there seems to be intimidated with me."

"Duh!" Nurse Chin rolled her eyes. "Sinong hindi maiintimidate sa'yo. Eh ikaw ang boss at ang may ari nitong Hospital? Seriously,Mace? Hindi ko nga alam kung saan ako humuhugot ng lakas ng loob para kausapin ka ng ganito."

Napangiti siya sa nurse. "Alam mo kung saan?"

Tinaasan siya nito ng kilay. "Saan?"

She grinned. "Sa friendship natin. Kasi kaibigan mo ako, at kaibigan ang turing ko sa'yo. Okay na?"

Nurse Chin's cheeks flushed, and went silent.

She chuckled. "Now, okay lang po ba, Boss Chin na paki-ayos na ang sched to sa OR? This is just temporary, and please paki palitan ako ng kasing galing kong doktor...." she paused. "Charot."

Umingos ang kaibigan. "Why sudden change? May iniiwasan ka?"

"Baliw wala. Arce talked to me earlier, she's still hesitant to speak with us, tsaka gusto ko rin siyang bantayan in my own way. Naiiwan kasi siyang mag-isa kapag gabi na."

"Gaga, edi nasa operating room ka 'non."

She sighed. "Kaya nga po paki-ayos ang aking sched. Gets?"

Para namang natauhan ang kaibigan. "Fine."

"Emergencies lang ang tatanggapin ko."

"What if—"

"Arce needs me more." She just answered. As a doctor, patients should be the first priority, but at times like this, kailangan niyang unahin ang taong malalapit sa kaniya. If she can save them the way they can, she'll do it in her own way. At this point, hindi siya limitado. Ayaw niyang mawalan ng importanteng tao sa buhay niya kung may kaya naman siyang gawin.

She might sacrifice at lot, pero kaya niyang balewalain 'yon para lang sa taong malalapit sa kaniya.

"Okay, shut up na me." Sagot nito. "Ano bang gagawin ko?"

"My schedule shall be cleared, pero hindi pwedeng maka-apekto ang pagkawala ko sa operating room anytime. Dapat laging may doktor na naka-abang."

"Yon lang?"

Tumango siya. "Iyon lang."

"Alright. Pwede na ba akong umuwi?" tanong nito sa kaniya ulit.

She laughed. "Oo na. Pakour!"

Tumayo na ito mula sa kina-uupuan. "Bye."

She waved her hand dismissingly. "Ge."

WHEN nurse Chin left her office, inayos na din niya ang mga gamit niya para maka-uwi na. Since it's Monday tomorrow, bukas palang magiging effective ang inutos niya kay nurse Chin kaya bukas pa mag-uumpisa ang night shift niya. When Arce started to talk to her, nang yumakap ito sa kaniya at parang batang nagsusumbong sa kaniya ay nangako siya na hindi siya aalis sa tabi nito.

She needs to work things out with Jaxon. Gusto niyang makasama ang binata. But then, Arceloisthe needs her more. Mas kailangan niyang unahin ang kaibigan niya, kesa sa pansariling kagustuhan.

She's running out of time.

Pero bahala na.

Akmang kukuhanin niya ang face powder sa bulsa ng bag niya, nang iba ang makapa niya. Sinilip niya muna 'yon bago inilabas nang tuluyan sa bag niya. Kaagad siyang napangiti nang makita ang bagay na 'yon.

A brown paper bag.

Umayos siya ng upo sa swivel chair habang pinagmamasdan ang brown paper bag na maliit. She suddenly remembered what happened a week ago. She had a hyperventilation syndrome attack. Hindi kinaya ng isip at katawan niya ang nalaman noong araw na iyon. Her sickness wasn't severe, hindi naman bawal sa kaniya ang mai-stess, o kaya sobrang matuwa, but everything has a limit so her sickness attacked.

Jaxon was there for her when she needed someone to hold on to.

Akala niya, iiyak siya buong magdamag.

Akala niya, mag-isa niyang papatahanin ang sarili niya.

But then, unexpectedly, Jaxon came.

One hug, and a single hold in her hand.

Madali siyang kumalma. Instantly, she became okay.

It might be an emergency comfort, but still, it was Jaxon who comforted her, and that's all that matters. Kung pwede lang siyang magpasalamat sa sakit niya na umatake 'nong gabing 'yon ay ginawa na niya. Very right timing one!

And then she thought of something. In-usod niya ang upuan paatras bago binuksan ang drawer kung nasaaan ang blueberry planner slash diary niya. She opened the back page where she wrote the Steps to Fix his Broken Scalpel. Ipinatong niya ang notebook sa lamesa niya, at kinuha ang brown paper bag at scotch tape. Then she pasted the brown paper bag sa katabing blank page, kapagkuwan ay kumuha siya ng ballpen.

She started to write the date it happened with a satisfied smile on her lips.

On this day, he gave me this. I had an attack, and he was there for me. He was there to calm me down, and to stop me from crying.

On this day, he just proved himself that I shouldn't give up on chasing him.

She diverted her attention in the other page of the notebook after writing. tatlo na ang nakasulat doon.

· Make him smile.

· Make him laugh.

· Make him enjoy my company. (para kasing gusto na niya akong sakalin tuwing nakikita niya ako. Hindi naman masaket. Sanay na ako, pero sana ngumiti naman siya o kaya kahit papaano, ayos mukha.)

THE NEXT DAY, maaga siyang nagising. Alas-sinco palang yata ay gising na siya at naniningin na ng mailuluto sa convenience store sa ibaba ng condo. Kailangan niyang umabot bago mag-alas syete. She needs to greet Jaxon a very good morning before anything else, with a freshly cooked breakfast on her hands.

Hindi pa siya nakakabawi sa kabutihang ginawa nito sa kaniya. Ehem.

Nang mabili ang mga kailangan niya sa lulutuin niya ay muli siyang umakyat pabalik ng unit niya at nag-umpisang magluto. She chose to cook Arroz Caldo and Empanada with sausage inside. Hindi naman siya aabutin ng mahigit isang oras sa pagluluto ng mga ito. Kaunti lang naman ang iluluto niya at kumpleto na ang kailangan niya kaya hindi na siya matatagalan.

And at exactly fifteen minutes before six, nagawa niyang matapos ang pagluluto ng dalawang putahe. And coffee... Napatingin siya sa sachet na nakapatong sa hinanda niyang tupper wares ng mga niluto niya. "May thermos naman siguro siya 'don."

And yet, she excels in cooking, but a simple preparation and mixing of coffee, she doesn't know how. Namatay na lahat lahat ang lolo niya na siyang taga tikim niya ay hindi pa din siya natuto.

Dala dala ang dalawang tupperware, and with her usual blue berry printed pajama terno, and a bunny headband in her head, she went out of her unit at pipinduntin na sana niya ang doorbell ng unit ni Jaxon ng bigla itong bumukas. Kaagad silang nagkatinginan. Kaagad niya itong nakilala, at ang lalaking kaharap naman ay biglang napangisi.

"Woah, Good Morning...indeed." napatingin pa ito ng taas baba sa suot niya. It was Zane Luna. Of course she knows him. One of Jaxon's best friends.

Kaagad siyang tinamaan ng hiya. "Good Morning...Si Jaxon, nandiyan?" Inginuso niya ang likod ng lalaki. Ang loob ng condo.

"Ah yeah. He's being grumpy inside." Napakamot ito sa ulo.

"Uhm..." nag-aalangan niyang itinaas ang tupperware na hawak. "Baka gusto mong mag-almusal?"

Napatingin ito sa bahagya niyang itinaas na almusal. Napalunok ito bago parang napipilitang umiling. "No thanks... Kung para kay Jaxon 'yan." Zane Luna chuckled. "It's just that someone told me that Jaxon will throw a knife kapag may nang-aagaw ng pagkain niya."

Really?

Akmang sasagot pa sana siya nang naunahan na siya nito. "Aalis na ako. Pasok ka nalang diyan."

Hindi na siya nagpumilit sumagot dahil malalaki ang hakbang nito papasok sa elevator. Siya naman ay napagdesisyunang pumasok na sa loob. A silent and dark atmosphere greeted her. Tahimik niyang isinara ang pintuan ng condo bago nagpatuloy sa paglalakad papasok sa loob.

"Jaxon?" Baby Babe, where are you?

Nakarating siya hanggang sa kusina pero walang nakasimangot na Jaxon ang bumungad sa kaniya. Napanguso siya habang ipinpalibot ang tingin. "Sabi ni Zane, nandito lang siya."

Inilapag nalang niya ang pagkaing dala sa island counter. Nakita niya pang nakasabit sa hawakan ng refrigerator ang bag niyang naiwan. Napangit siya. Akala ko nasa basurahan na eh. Umalis nalang siya sa kusina at wala pa ring tao sa living room, kaya nang mahagip ng paningin niya ang hagdan paakyat ay napangisi niya.

Walang inhibisyon siyang umakyat. Panigurado namang kasing wala si Jaxon sa ibaba dahil tanging kusina at living room lang ang naroon. Alam niya dahil 'yon ang isa sa mga sinabi sa kaniya ng management ng condo bago siya pumili ng unit. All units are identical, except the outside view, and the few details of each unit.

Tatlong pintuan ng kwarto ang nabungaran niya. Macey bit her lips. Hindi niya alam kung saan sa mga pintuan na nasa paningin niya naroon si Jaxon.

With no choice left, inuna niyang puntahan ang direksyon ng pintuan sa kanan, and for the second time around this morning, akmang bubuksan niya ang pintuan nang marinig niya ang pamilyar na boses ni Jaxon.

"Fuck."

Napalingon siya sa katapat na pintuan ng kwato. May maliit na siwang ang nakasilip. Inisang hakbang nalang niya ang distansya niya sa pintuan at binuksan 'yon.

At napanganga nalang siya sa pagkamangha dahil sa bumungad sa paningin niya.

The room was half full of flat screen TV. A blue lightnings and black mixed with that dark room. Halatang sarado ang binta. Walang ibang laman ang kwarto kundi ang mga flat screens, computer sets, key boards na hindi niya alam kung para saan dahil ang qwerty keyboard lang naman ang tanging nahawakan niya at nagamit.

And in the middle of it was the man he's looking for. Sitting like a busy man, and his hands was as fast as the air. Hindi niya masundan ang bilis ng pagtipa nito sa keyboard.

Her Baby Babe, Jaxon.

Napangiti siya. Gusto niyang mapasandal sa hamba ng pintuan para pagmasdan ang lalaki pero parang nakaramdam ang binata. Mabilis nag naging kilos nito at namalayan nalang niya ay may baril na nakatutok sa direksyon niya habang nanlalaki ang mga mata niya.

"Who the fuck—What the fuck are you doing here?!"

Macey wanted to blink her eyes, but the gun that was pointed to her stopped her from doing so. Tanging paglunok nalang ang nagawa niya.

Jaxon asked again while slowly putting his gun down. Doon lang siya nakahinga ng maluwag.

And with all her strength, she smiled. Nervously. Nanginginig pa ang kalamnan niya sa takot at parang nanghina siya bigla pero pinilit niyang ngumiti.

"Uhm...Have a breakfast with me, baby babe?"



***

JAXON'S inside trembled. Gusto niyang biglang mawala sa kamay niya ang hawak na baril nang magpatanto kung sino ang kaniyang tinutukan. Akala niya may ibang tao na ang nakapasok sa unit niya.

Kitang kita sa mukha ni Macey ang takot at pagkagulat na para bang pilit lang nitong tinatago. Hindi niya napansin ang pagpasok ng dalaga sa loob ng kwarto. Hindi niya alam kung dahil sa konsentrasyon niya sa ginagawa o sadya lang na hindi niya napansin at bigla nalang naramdmaan ang presensya nito.

"Paano ka nakapasok?" He remained his stoic face. Hindi niya pwedeng ipakita sa dalaga na natataranta na rin siya sa loob loob niya. She saw me holding a freaking gun!

Alanganin itong ngumti sa kaniya. "Uhm...Have a breakfast with me, baby babe?"

Pasimple niyang itinago sa likod niya ang baril na hawak. Kinunutan niya lang ito ng noo. "Get out."

"Ayoko nga." Macey's stubbornness slowly irritates him.

Nagtagis ang bagang niya. "Get the fuck out!"

Parang bata nitong inilagay sa likod nito ang parehong kamay. Mukhang nakabawi na ito sa pagkagulat, pero mahahalata parin sa nakakalokong ngiti nito ang pag-aalinlangan. "I just want to have breakfast with you...since you rescued me last week."

Tinitigan niya lang ang dalaga bago niya ito inirapan. "Get out of this room, you stubborn woman."

Macey pouted. "Mag-bebreak fast tayo?" tanong nito. "You said get out of this room...only." Macey emphasized the word 'only', mischievously.

He sighed. As if he has a choice. The stubborn woman in front of her doesn't know the word rejection in any way. It's beyond level. "Just get out, now!" He raised his voice, and looked at Macey sharply.

She smiled at him. "I'll wait for you down stairs, baby babe!"

***

"GOOD MORNING BABY BABE!" Macey greeted with a wide grin on her face. Nakadipa pa ang braso nito na para bang wine-welcome talaga siya nito. How ironic, she seem to welcome her in his own house.

Hindi niya sinagot ang pagbati nito. If he'll greet her back, baka masanay ito at mag-assume lang ng kung anong hindi dapat asahan. If she wants to play the game of being nice neighbor, and then fine. Madali lang naman tumakas sa babaeng ito na nagawa na niya ng mahigit isang linggo.

"Paano ka nakapasok?" tanong niya.

Macey just shrugged while smiling. Hindi nito pinansin ang tanong niya at ibinalik nalang ang atensyon sa ginagawa. Tinignan niya din ang ginagawa nito.

"Of course, hindi naman kita aayain mag-almusal kung hindi ako handa noh. So I brought you...Arrozcaldo and Empanada with longganisa inside."

Hindi siya sumagot. Umupo nalang siya sa katapat na upuan.

"and, Mi dispiace, baby babe, but I don't know to prepare a coffee so bumili nalang ako ng instant!" She smiled at him when their eyes met.

Inirapan niya lang ito ng pasimple bago nagtanong. "You speak spanish?"

Macey chuckled. "Si, señor." Then she pointed the plates on the table. "Pinaki-alaman ko na ang mga utensils at plates mo." Macey pushed the bowl of arrozcaldo and a mini plate that contains the empanada.

Kaagad na kumulo ang tiyan niya. Damn. Real food is real. Ito na siguro ang maituturing niyang suwerte at pangpalubag loob niya sa sarili mula sa iritasyon niya kay Macey. Hindi niya napigilang abutin ang Arrozcaldo.

Sa lahat ba naman ng kahinaan ang mayroon siya, 'yon pa ang magiging advantage sa kaniya ni Macey. Hindi manlang niya magawang tanggihan.

"Let's eat na, baby babe." Aya nito sa kaniya at umupo na din, and like before, Macey did a sign of the cross before started eating.

Napatitig siya sandali sa dalaga bago nagumpisa na din kumain.

Even if I moved on, she doesn't deserve someone who can't even step a single foot in church. She deserves someone...who's good as her.

"You know what babybabe..." Macey trailed. Hawak nito ang kutsara at naramdaman niyang nakatingin nanaman ito sa kaniya.

He met her gaze with a frown on his face. "I have this...objective—" Then she laughed. "Sorry, nilamon lang ng trabaho... hindi ka naman project—pero pwede din. Project Jaxon. At alam mo ang main goal non?"

"Hindi." Pambabara niya. Nagpatuloy siyang kumain habang pinakikinggan ang madaldal niyang kasama.

"Syempre hindi pa." sansala naman nito. "Kala mo ah. So ayun nga—"

"Ang daldal mo." Pagpapatahimik niya.

"Jaxon!" parang bata itong nagreklamo. "Ilang araw tayong hindi nagkita—"

"dapat lang—"

"HINDI MO BA AKO NAMISS?!" halos sigaw na nito.

Tinitigan niya lang ito saglit. Mas priority niya ang kumain. "Kamiss-miss ka ba?"

"Sumosobra ka na!"

"Sakto lang." pambabara niya ulit.

"Whatever you stiff man!"

Awtomatikong tumaas ang kilay niya dahil sa narinig.

"What did you say?"

Napalunok ito. "Stiff. Walang galaw.Walang emosyon. Stagnant."

Hindi nalang siya sumagot. Paubos na ang arrozcaldo niya lahat lahat pero hindi parin tumitigil kakadakdak 'yung kaharap niya.

"Ay ewan. So ayun nga. I have my goal...uhh...purpose...pero mas maganda kung ambition."

Kumunot lalo ang noo niya. "Ambition? So deep." He said with sarcasm.

Macey laughed. "Tawa ka nga."

"Excuse me?"

"Ngiti nalang?" Urot nito ulit.

"Come again?"

Macey just laughed. "I have a joke."

Hindi siya sumagot.

"at kapag ngumiti ka, papayagan mo akong—"

"Pagkatapos mong kumain, lumayas ka na sa pamamahay ko." He interjects. Nagsisimula nanaman ang kalokohan nito sa kaniya at hindi na ulit siya magpapalako. Craving for more arrozcaldo, he scraped the very last drop of the food before turning his attention for his next food, Empanada.

"Sarap ng luto ko ano?" nang-aasar na tanong nito habang nakangisi ng nakakaloko.

Tumikhim siya bago sumagot. "I'm just hungry."

Macey laughed. Yung nakakainsultong tawa pa. "Hay nako. Basta mag jojoke ako ah."

Hindi na niya ito sinagot.

"Knock knock."

He didn't speak. Hinayaan niya lang ito.

"Jaxon!" Para itong batang hindi pinagbigyan sa gusto nito.

Hindi nalang niya ito pinansin. Kinuha niya ang pangalawang empanada na nasa platito. May isa pang natitirang empanada, at kapag naubos na niya ang kinakain ay tsaka niya nalang babalikan ang ginagawa niya sa itaas na dinistorbo ng makulit na babaeng nasa harap niya.

"Tao po! Jaxon! Duh!"

He looked at Macey who's frowning. "What?"

"Sabihin mo, who's there."

Huminga siya ng malalim. Fine. He'll endure. He's a hundred percent sure that Macey can't make him smile. Lalo na't kaharap niya ito. Macey don't deserve her smile. Pambwisit pa nga ito sa buhay niya e.

Halos magsalubong ang kilay niya bago nagsalita. "Who's there?"

From frowning, Macey's face immediately lit up. "Annie!"

"okay." He replied.

"Jaxon!"

Wala na siyang sinabi. Akmang aabutin niya ang pangatlo at huling empanada sa platito nang maunahan siya ni Macey at kunin ito papalayo sa kaniya. "No reply, no food!"

Sinamaan niya ng tingin si Macey. "Nag sumagot ako."

"It shouldn't be okay, but Annie who?! Kainis!"

Hindi niya alam kung bakit parang may kumiliti sa kaniya. Para siyang nakikipag-usap sa may ADHD na bata.

Tumikhim siya ulit, the he breathes. "Okay, Annie who?" he asked. "Now, give me back my food." He demanded.

Macey pouted kapagkuwan ay inirapan siya nito. "Magtatampo na sana ako kaso di mo naman ako susuyuin. Hmmmp."

Hindi niya pinansin ang rant nito. Sino ka ba para suyuin?

"I can do..." Macey grinned as she looked at him. "ANNIEthing for you..."

Kung may kinakain lang siya, baka kanina pa siya nasamid.

"My food." He pointed his long distance food.

"Kiligin ka naman."

"Ba't ako kikiligin?" tumaas ang pareho niyang kilay.

"Kasi ako 'yung bumabanat. Hoy! Grabe ka! Ang daming nanliligaw saakin pero ikaw, hinahabol habol ko lang."

Gusto niya pang sumagot. Gusto pa niyang barahin ito pero ayaw niyang humaba pa ang usapan. Maybe. Just Maybe, Macey will get tired, and will just eat silently.

"Ano? Guilty? Ang ganda ko—"

"False." Pagpuputol niya kaagad.

"Okay next joke! Hindi tayo matatapos hangga't hindi ka ngumingiti." Bahala ka diyan.

"Tss."

"Anyway, kapag napangiti kita, may free pass na ako dito anytime." ANito habang ibinalik sa kaniya ang pagkain niya.

"Ano?" Natigilan siya saglit. "Assuming."

Hindi na pinansin ni Macey ang sinabi niya. "okay, next joke. Hah! Kala mo, ready ako."

Kahit mag-ready ka, hindi mo ako mapapangiti.

"What did the ocean say to the beach?"

Wala. Nag-wave lang.

"Hulaan mo kung ano!" Macey urged him.

"Wala nag-wave."

"eh! Ba't mo alam?!"

Nang matapos niya ang kinakain ay pinakatitigan niya si Macey. Macey blinked before she went silent. Hindi niya alam, pero pilit niyang itinago ang mapangiti. Ilang beses na niya iyong napansin. Ang lakas ng loob nitong mambwisit sa kaniya, at mangulit pero kapag pinatulan niya ng kahit titig lang ay tumatahimik ito kaagad.

Macey diverted his gaze first. "N-next joke na nga lang!"

Umiwas na din siya ng tingin.

"Okay..." Macey clasped her hands together. "What did the cake say to the knife...?"

He frowned. This time ay hindi niya alam ang sagot.

"Jax looked at me." Macey demanded.

Tumingin naman siya. Kinindatan siya ng dalaga. "You want a piece of me...baby babe?"

Napailing nalang siya.

"okay next! Hindi ka natawa. Anong tawag sa shampoo na hindi pang matanda, hindi din pang bata?"

"Shampoor." Hindi niya alam kung bakit 'yon ang isinagot niya.

"Nyawits! Siya na 'yung nagjoke! Hahahaha!" Macey laughed while hitting the table. "Shampoor! Nyahahahaha!"

Macey sighed. "Ayaw mong ngumiti?"

"Ayoko."

"Nyedi wow pu. Hmmm...ano kayang magandang joke?"

Nanahimik lang siya.

"Anong tawag sa maitim na chinito?" tanong nito. Desperation was evident in her voice.

"Edi...CHINunog!" Macey tried to make her voice cheerful, pero parang napagod na ito at nauubusan na ng energy.

"Ito, last na! pag di ka pa ngumiti, ewan ko nalang."

"after this, you'll go."

"I'll comeback tomorrow. I swear. Ngingiti ka."

"Fine." He surrendered.

Ilang minuto ang lumipas bago ito nagsalita.

"Anong sabi ng isda sa kapwa niya isda?" Her energy came back. Nakangiti na ito ulit sa kaniya.

"Ano?"

Nagulat nalang siya nang tumayo at naglean papalapit sa kaniya. Blankong tingin lang ang ibinigay niya sa dalaga. "Edi, yow, SAPSAP!"

He wasn't supposed to smile, but he wants to. Hindi siya natatawa sa mga kalokohan nito, pero sa efforts na ginagawa nito. It's just been so long since someone became persistent just to make him smile.

Mabuti nalang at napigilan niya ang sariling labi na ngumiti.

Macey came to face to face with him. Napakalapit ng mukha nito sa kaniya at pinatitigan siya na para bang ine-examine ang mukha niya kung ngumit na ba siya.

Then she pouted. "Ay, shala! Ayaw ngumiti." Padabog itong umalis sa pagkakalean.

Halatang lugmok ito.

Somehow, he finds it cute.

Hindi niya namalayan na may maliit na ngiti ang namutawi sa labi niya.

And unluckily, Macey saw it.

Macey smirked at him. "Akalain mo nga namang...nasa akin pa din ang swerte."

Hindi siya nakasagot. Gusto niyang batukan ang sarili.

"Sa susunod, tatawa ka na at sisiguraduhin kong ako ang dahilan 'non." 

****

I'll be at MIBF on Sunday! Last day! See youuuuu, my loves!

Continua a leggere

Ti piacerà anche

497 51 32
Miah Zhang believes letting her mother control her life is okay. At isa na roon ang pagpili ng lalaking papakasalan niya. She thought it would be fin...
1.1M 39.8K 43
In order to support her parents financially, Petianna Bami Velasco had to give up her education at a young age. She frequently provides vegetables to...
35.9K 1.1K 36
When the strong shimmer of light finally touched her fragile toe, she started to hope for miracles that can save her from distress she was caged. Kis...
21.9K 1K 45
Delaney Shell Marquez was born in Zamboanga City. She's known for her stagy attitude. She hate mud and dirt. She also hate disgusting places like the...