Exclusively His

Por xxakanexx

4.2M 92.8K 18K

Yvo Jorge Consunji's life turned black and gray when he got his heart broken. He is a Consunji and yet his he... Más

Exclusively His
Prologue: Fairytale
2. Changes
3. That gesture
4. Why am I?
5. No turning back
6. Emotions
7. Sleepless nights
8. Plans
9. Harder to breathe
10. Suprise
11. Inheritance
12. Hold on
13. It will be fun
14. Thea
15. Yvo
16. Nearing
17. Dead Ends
18. Endings
19. Anew
20. It's you
21. Going back to the corner
Epilogue: Endings

1. Worlds apart

430K 5.6K 814
Por xxakanexx

There are many things in this world that we couldn't explain - even to ourselves. Questions - no matter how irrelevant they are remains unanswered. We might waste our time thinking about these questions but we can't really find the answers for it. Some remains a mystery, tulad nang kung bakit tayo nandito. Bakit tayo humihinga? Kailan hihinto ang puso natin sa pagtibok? Para kanino ka bumabangon? At bakit hanggang ngayon, mahal mo ang taong nanakit sa'yo?

I was just looking at the presentation made by one of my people. Nakapangalumbaba ako habang nanonood and somehow that last line triggered a memory. Ipinilig ko ang aking ulo at saka pinahinto ang presentation. My secretary turned the lights on and I looked around the conference room.

"Sir?" Megara - my advertising executive looked at me. She knew that I didn't like what I saw kaya hindi rin maipinta ang mukha niya.

"What is that crap? How do you expect us to compete with the other advertising company with that shit that you have just shown me? Baka nakakalimutan mo? You're inside the Consunji Empire and mistakes are not allowed! Ulitin mo iyan!" Napatiim ang bagang na wika ko. Tumayo ako at lumabas ng conference room. The last question kept playing inside my head like my life depended on it.

Bakit hanggang ngayon mahal mo ang taong nanakit sa'yo?

Kung tutuusin napakasimple ng tanong pero napakahirap naman ng sagot. Hindi ko alam kung anong sagot doon at bakit may mga taong tulad ko ay nagmamahal pa rin ng taong nanakit. I[ve been hurt before, I've waited. I've been a total fool. Iniisip ko nga kung bakit sa akin nangyari ang mga bagay na iyon - I did nothing but to love her with all my heart and yet she disgraced me by marrying an older man - it's not a pretty memory. Hindi na yata naganap na hindi ko siya naalala na wala akong sakit na nararamdaman sa puso. Galit ako pero hindi ko itatangging mahal ko siya.

I was walking on the corridors of the Consunji building - hands are on my pocket - I was thinking very deep. I thought that I wanted to smoke and so I did. I went to the smoking area and puffed my cigarette. I was still thinking about the big boned woman I loved with all my heart. Kung may makakakita sa isip ko ngayon - they'll know how vulnerable I am and I'd be the laughing stock inside the family. Wala pa yatang Consunji na dinamdam ng husto ang pagkawasak ng puso.

The Consunji men are heart breakers. No one had ever had their hearts broken. Ako pa lang yata. Sabagay, sabi nga ng bunso kong kapatid na si Yllak, there's always a first time in everything. I just sighed. Napatingin ako sa pack ng Marlboro lights ko. Napangisi pa ako nang makita kong wala na palang laman iyon. Muli akong tumayo at pumasok sa loob. Walang araw na iniisip ko kung kalian kami magkikita ulit ng babaeng iyon. Handa naman ako, papahirapan ko siya. Gusto kong makita niya at maramdaman niya first hand kung anong naramdaman ko noong iniwan niya ako. Who would do such thing? She managed to change my life but didn't have the decency to stay with me? Fuck her right?

"Good afternoon, Sir."

Tinanguan ko na lang lahat ng nakaksalubong ko. I was grinning as I look at their gray and black or white office uniforms. Lahat sa opisina ko ay ganoon lang ang kulay. I like monochromatic things so much - iyon na yata kasi ang kulay ng buhay ko mula nang mawala siya sa akin. I shook my head. Kailangan ko lang naman siyang makita. Kailangan ko lang makaganti para maging malaya na ako.

After all, I am Yvo Jorge Consunji - I break hearts, I fuck and I get even.

--------------

Chicago, US.

He used to call me "Akin" Siya lang yata iyong taong naniniwala na maganda ako despite my physical appearance and no, he's not my dad. He was the first man who ever loved me and the last man I'll ever love. He loved me for being me, he loved me so much I could still feel it in every bone in my body, kaya lang...

Hindi kami nagkatuluyan. Umalis ako, nagpakasal sa iba dahil sa resposibilidad sa pamilya ko. I wanted to ask him for help - after all, he belongs to a very powerful family. Hindi ko nga lang kinaya dahil hindi ko kayang sikmurain ang sasabihin ng ibang tao sa oras na humingi ako ng tulong sa kanya. Mahal ko siya, minahal ko siya pero hindi naman kami ang magkasama. Hindi naman kami ang magkakaroon ng happy ever after - now, we have different lives and different priorities. Hindi ko na siya mababawi at masasabi ko na ang pag-iwan sa kanya ang pinaka malaking pagkakamali sa buhay ko.

"Thea?"

I closed my eyes and wiped the tears on my face. Naghanda ako ng isang magandang ngiti bago humarap sa aking asawa. I smiled at Sebastian - my sixty-four year old husband. He was wearing his brown silk robe and he was looking at me. His eyes were beaming with amazement.

"I still don't know how you got so thin." He chuckled. Tumayo ako at saka lumapit sa kanya. I'm twenty - eight and unhappy. Hindi ako Masaya dahil kay Sebastian pero naging mabuti naman siya sa akin. We are best friends. Siguro alam na rin niya sa ngayon na hindi ko kayang maging asawa sa kanya tulad ng inaasahan ng lahat. Mag-asawa lang kami sa papel, pero sa loob ng kwrato at sa pagitan naming dalawa, kami ay matalik na magkaibigan.

"Do you wanna go back to Nashville this weekend?" He even asked me. Siguro ay naalala niya ang saya sa mukha ko nang mamasyal kami sa Tennessee noong nakaraan. I shook my head, Inalalayan ko siyang makaupo sa kama. Itinabi ko sa gilid ang baston niya at inayos ang mga unan niya. I tuck him to bed.

"May check up ka sa weekends diba? Kailangan ka sa doctor, Seb." I sighed again. "I worry about your heart a lot."

"And I worry about yours too." He said to me. Napatitig ako sa kanya. "Thea, is it still about the boy in our wedding. The Consunji boy? He loves you - I saw it in his eyes."

"Ikaw talaga." Napailing ako. Noong mga panahon na hindi ko na kaya ang sakit, naikwento ko lahat kay Sebastian. Ang buong akala ko ay magagalit siya sa akin pero inalo niya ako. He was really concern. He made me feel like I could tell him everything and when I did - he didn't hate me. Hindi siya katulad ng mga magulang ko. Ang sabi lang niya sa akin ay mga taong talagang nasasaktan dahil sa pagmamahal - tulad niya nang mamatay ang kanyang asawa. I smiled at him. Hinagkan ko siya sa pisngi at saka kinumutan.

"Basta, Seb. Tuparin mo na lang iyong pangako mo sa akin na hindi mo ako iiwan ha?"

"I will never leave you, Thea. You know how much I care about you, right?" Wika niya pa. Tumango na lang ako at saka lumabas na ng silid niya. We never ever shared a room. He never touched me. Pinakasalan ko siya bilang pambayad utang ng pamilya ko pero inalagaan niya ako. He never took advantage of me. He took care of me and treated me like and equal and for that O thank him for everything.

Pumasok na ako sa silid ko at nahiga sa kama ko. Living with Seb for the past six years isn't a burden at all. Noong sabihin ko sa kanya na ilayo niya ako sa pamilya ko ay sinunod niya ako. Nanirahan kami dito sa Chicago. Dito na kami namirmi, hindi na ako umuwi ng Pilipinas kahit na anong mangyari. Hindi rin naman ako dinadalaw ng mommy ko o ni daddy, ni hindi ako tinatawagan ng mga kapatid ko. Si Tabatha lang akong koneksyon ko sa kanila - my older sister. Iyon na lang tapos ay wala na - para bang nag-vanish na lang ako sa pamilya naming matapos kong bayaran ang mga pagkakautang nila. Huminga na lang ako nang napakalalim tapos ay kinuha ko ang laptop sa bedside table at saka binuksan iyon.

Awtomatikong tumulo ang luha ko nang makita ko ang wallpaper ko. Litrato naming iyon ni Yvo - the last picture we had as a couple. Kuha iyon sa beach na pinagbakasyunan namin noon. He was half naked and I was fat.

Napangiti ako - para akong tanga, lumuluha at umiiyak. Damang-dama ko sa puso ko ang pagsisisi. Kung hindi ko kaya siya iniwan noon, asan na kaya kami ngayon? Napahikbi ako, I miss my prince - I missed him. Hanggang ngayon ay umaasa pa rin ako na sasagipin niya ako mula sa kalungkutan pero paano mangyayari iyon kung galit naman siya sa akin?

Galit siya sa akin. Kitang-kita ko iyon sa mga mata niya noong huli kaming ngakit. Hindi ko pwedeng kalimutan ang mga sinabi niya sa akin noon. Nakatatak na iyon sa puso ko - markado ako ng mga salitang iyon.

I sighed again...

I miss my Yvo... Sa panaginip ko na lang siya pwedeng makasama.

-------------

"Goodbye, boyfriend! I love you!"

I sent flying kisses to my boyfriend - Edgar Morales. Inihatid niya ako sa nago kong trabaho. Mukha lang siyang napiupilitan kasi ni-text ko siya kagabi at kinulit nang kinulit pero alam ko naman na gusto niya din kasi nga gusto niyang makita kung paano ako sa first day ng trabaho ko. I am an advertising artist. Ako iyong gumagawa ng mga animations sa mga commercials na napapanood sa tv - be it sa eskinol, toothpaste o kaya man iyong sa kulay red na bubuyog na palaging masaya.

Pakanata-kanta pa ako habang naglalakad ako papasok sa Consunji buildings. I was wearing my pink blouse, my creamy pink slacks, my pinks shoes and I have my pink headband for luck. Yes, I love pink! Pink is my color.

"Good morning, mamang guard!"

"Sino ka? Hetty? Spagetti?" I just made a face. Sanay na ako sa mga tao na ginagawa akong katatawanan dahil sa timbang ko - yes I am chubby - not fat but chubby. Masarap kasing kumain, pero kahit naman chubby ako palaging sinasabi ni Tatay sa akin na ako ang pinakamagandang binhi ng mga Emilio. At naniniwala ako talaga doon dahil sa aming magpipinsan - ako lang ang babae. Lahat kasi ng pinsan ko ay boys, sabi ni Mama sa akin, mababait daw kasi ang magkakapatid kaya puro lalaki ang anak - may pinsan pa nga pala akong babae si Mavis pero medyo psychotic siya sa mga panahong ito. Ang huli kong balita ay nabuntis siya ng kababata niyang doctor pero hindi ko pa sigurado kasi hindi ko pa naman siya gaanong nakakausap.

"Liwayway Abigail Emilio po." Ipinakita ko ang ID ko. "Ako iyong bago sa Illustration department."

"Ay akala ko si Hetty ka. Kamukha mo kasi. Sige, pumasok ka na doon. Alam mo naman siguro kung saan ka pupunta, diba?"

"Opo, kuya! Salamat!" I went inside tapos ay in-scan ko ang ID ko. Nagtuloy ako sa elevator pero bago pa ako makaabot ay nakipag face to face muna ako sa lupa. Hindi ko alam kung bakit kahit kalian, bago ko gawin ang mga bagay na dapat kong gawin ay tinatawag ako ng lupa.

"Ay!" Napasigaw ako. Alam kong pagtitinginan ako ng mga tao sa palogid. Inulit-ulit ko sa isipan ko na malakas ako, confident at maganda - maganda ako. Maganda ako. Maganda ako at hindi nila kaya ang ginawa kong pakikipag-good morning sa tiles ng Consunji Building. I am so pretty.

Dahan-dahan akong tumayo. I composed myself. Habang patayo ako ay iniisip ko na slow motion ang lahat at dahil doon yata kaya hindi ko napansin ang isang kamay na nakalahad sa harapan ko. I took that - wala sa loob na kinuha ko ang kamay na iyon - his palm - oo his talaga kasi nga kamay lalaki ang nahawakan ko - is rough. Sign daw iyon ng pagiging manly ng isang tao.

"You okay?"

I gasped. Literally. I heard the voice of that man and I just gasped. Napakalamig ng tinig niya na para bang nanunuot sa buong pagkatao ko. Dahan-dahan akong tumingin sa nagmamay-ari ng tinig at ganoon na lang ang pagtibok ng puso ko.

Ngayon lang din ako nakakita ng ganoong klaseng mata. His eyes were so dark - dark in color. His hair is too dark too. Clean cut siya - normally wala naming appeal ang lalaking clean cut pero kakaiba siya. Siguro dahil sa mga mata niya. Iyong mga mata kasi niya para bang ha-haunt-tingin ka kahit saan ka magpunta. Ganoon iyong effect.

"Are you okay?" He asked again.

"Uh-hah." Of all the words in the English vocabulary that can answer his question - iyon lang ang lumabas sa bibig ko.

"Cat caught your tongue, honey?" He asked me. Nakita kong tumaas ang kamay niya. Ipinahid niya ang thumb niya sa baba ko tapos ay ngumisi. Literal na huminto ang lahat sa paligid.

"Honey, you're drooling. I'm still clothed and you're drooling." He was grinning like adevil. Pulang-pula naman ang mukha ko. My eyes widened when he kissed my right cheek.

"Have a good day, honey." Umalis siya. Lumakad palayo at ako naman, naiwan na nangingnig ang tuhod.

"Oh my God!"

Seguir leyendo

También te gustarán

Scoop Por anamariess

Ficción General

15.9K 403 21
[ Buenos Mafios Operations #2 ]
24.4M 712K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
4.6M 191K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy
Corazón Perdido Por Cher

Ficción General

124K 5.2K 23
Alpha Series 2: Book 1