David's POV
It's been two week since naging kami ni Sabrina. We know na bawal na kami magkita pa pero, mahal namin ang isa't-isa. Wala nang makakapigil sa'min.
Sa loob ng dalawang linggo, patago kami kung magkita ni Sabrina. Sa tuwing umuuwi siya galing sa University nila ay sinu-sundo ko siya at doon kami nag-uusap.
I saw her sweetest smile. As in ngayon lang. Ngayon lang ba siya naging masaya?
Doon ko na-realize na, ayokong mawala ang ngiting iyon sa mga labi niya. Dahil napapangiti na din ako doon.
"Hoy, David... May naghahanap sayo." sabi ni Tita Annabelle, kapitbahay namin.
Saan ba napunta utak ko?
"Sino daw Tita?", tanong ko.
"Ayon oh." sabay turo niya doon sa babaeng nagsasalamin. At nang makita ko siya ay halos napalaki ang mata ko.
What she's even doing here?!?
"Nico, ikaw muna ang mag-bantay ng tindahan. Magtatago lang ako." sabi ko at kinuha ko ang cellphone.
"Si Sabrina ba pinagtataguan mo?", tanong niya sabay punas niya ng towel sa ulo. Kaka-ligo niya lang kasi.
"Hindi..." sabi ko at lumabas na ng tindahan at dumaan sa harap ng bahay. Tumakbo na ako bago pa man ako makita nila.
"Hoy, David!", sabi niya kaya napahinto ako sa pagtakbo.
'Lagot na'.
Pero imbis na humarap ako sa kaniya ay tumakbo pa din ako. Pero imbis na tumigil siya kaka-sunod sakin ay lalo niya pang binilisan.
"Hoy, David, wag mo kong pinapahabol ah!", sigaw niya pa kaya napahinto ako at hinarap ko siya.
Hinila niya ako at pumunta kami sa labas ng subdivision.
'Sana, hindi to makita ni Sabrina.'
"Hoy, isusumbong kita kay Ate Sabrina. Kasama mo yong ex mo ah." sabi no Nikki at tumakbo na siya papunta sa bahay nila Sabrina.
Tama, ex ko nga to... Si Kristine.
Hindi ko naman alam na pupunta siya dito eh at alam kong hindi lang siya ang nag-punta dito.
'Wag naman sana sabihin nila Nicole at Nikki ito... Alam kong magagalit siya.'
"Oh, David!", sigaw ni Virgie.
Bakit nandito yang babaeng yan?!?
Magagalit talaga si Sabrina.
"Nasaan yong Girlfriend mo? Tawagin mo nga David!", sabi ni Kristine.
"Tss... Hindi mo magugustuhan kapag pumunta siya dito." sabay ngisi ko. Kasabay niyon ay pagtapik sa'kin ni Potpot.
"Kompleto kayo ah." sabi niya sabay tawa.
Anong nakakatawa?!?
"Ano? Nasan na yong girlfriend mo?", tanong ulit ni Virgie.
"Gusto mo tawagin ko?", biglang sulpot ni Nicole sa likod ko. Naka-taas ang isang kilay.
"Oo, pakibilisan. Sabihin mo mag-uusap kami." pagtataray ni Loren.
Nilagpasan lang kami ni Nicole at pumunta siya doon sa kabilang daan na para bang may hinihintay siya.
"Ang tagal mo daw ate Sab... Sabi nong babae." rinig kong sabi ni Nicole kaya napatingin ako sa kausap ni Nicole. And it was Sabrina...
May kasama siyang apat na lalaki. At maski isa doon ay wala akong kilala.
What a kind of boyfriend am I?
Her sweet smile... Again... Ayokong mawala yon dahil lang sa mga walang kuwentang babaeng nandito.
"Sino ba yong nagsabi na gusto akong maka-usap?", kalmado niyang tanong.
Nang ituro kami nila Nicole ay tumingin si Sabrina sakin nang naka-kunot noo.
"Ayan yong girlfriend ni David... Ayan yong nakaka-chat ko." bulong ni Virgie. Tss.. Bubulong pa, ang lakas naman.
Hindi ko na lang sila pinansin at pumunta sa kanila Sabrina.
"Ayan, ate oh... Ex niya yong tatlong kausap niya."
Tumingin ako kay Sabrina at ang sama ng tingin sakin.
"Totoo ba?", tanong niya sakin.
"Mga classmates ko lang sila." sagot ko.
"Hindi nga... Ex mo nga yang mga yan." sabi naman ni Nicole.
"Wag ka... Naninira ka na naman. Umuwi ka na Sabrina. Mga kaklase ko lang sila." sabi ko.
"Siguraduhin mo lang." sabi niya sakin.
"Oo, promise... Umuwi ka na." sabi ko at ngumiti sa kaniya. Pero siya, tinaasaan lang ako ng kilay. Ang hirap niya talagang patawanin.
"Sabrina!", rinig kong sigaw ng paparating na mga lalaki na may dalang balesong.
Wait... What's happening in here?
Bakit may dala silang mga balesong?
At sampo sila, samantalang lima sila Sabrina. Nasaan na ba sila ate Andrea?
"Umuwi ka na." sabi ni Sabrina kay Nicole tumango naman agad siya at umalis na at tumingin sakin.
"Bye." sabi niya at lumayo sa'kin.
"Buhay pa pala kayo? Nasaan na nga ba ang leader niyo?", sabay ngising tanong ni Sabrina.
"As if naman, natatakot kami sayo... Eh babae ka lang naman. Masakit kasi ang ulo ng leader namin kaya natalo mo siya." sabi naman nong isang may tattoo na bungo sa kaliwang balikat.
"What?! Paano ako magiging leader kung mahina ako?"
"Siyempre, dahil kay pogs kaya naging leader ka."
Dito ko na nakita sa mukha ni Sabrina ang galit.
"Ano pa bang hinihintay natin dito? Pasko?", galit na tanong ni Sabrina.
"Okay... Sorry na lang sa mga masasaktan." at pinalo nong lalaki ang palad niya ng dos por dos na kahoy.
Tiningnan ako ni Sabrina tapos maya-maya bigla niya akong tinulak palayo.
At sumugod siya kasama ang apat na lalaki doon sa sampong lalaki.
"Girlfriend mo ba talaga yan?", tanong sa akin ni Potpot.
"Oo naman." at napangiti ako at tiningnan ko si Sabrina habang nakikipag-away. Sinipa niya yong tiyan ng lalaki, yong may tattoo ng bungo. Tapos sumuka ng dugo.
Ang yabang, weak naman pala.
"Makahanap nga din ng ganiyang girlfriend." natawa ako sa sinabi ni Potpot.
"Oo naman... Mga kaibigan ni Sabrina." napalaki naman ang mata niya.
"Lakad mo nga ako tol." sabi naman niya kaya natawa ako.
Tiningnan ko naman sila Virgie at base palang sa mukha nila ay natatakot na sila kay Sabrina.
Hinila ko naman si potpot at pumunta sa puwesto nila Virgie.
"Girlfriend mo ba talaga yon?", tanong ni Kristine.
Tiningnan ko naman si Potpot. At tumango siya.
"Oo, siya nga."
"Diba, sabi niyo gusto niyo siyang maka-usap? Maybe, later."
"Ahh hindi wag na... Sige alis na kami. Stay strong na lang sa inyo." sabi naman ni Loren at hinila niya na ang dalawa.
Kaming dalawa naman ni Potpot ay natawa sa inasal ng mga yon.
Takot na takot?
Bumalik naman agad kami sa puwesto nila Sabrina. At nakita ko si Ate Andrea na nakikipaglaban, kakadating niya lang?
"Tol, alis na muna ako ah." hindi ko na sinagot si Potpot.
Nang tingnan ko si Sabrina ay mukhang nahihilo siya kaya lumapit ako sa kaniya. At nang makalapit ako sa kaniya ay bigla na lang siyang natumba, kaya binuhat ko na lang siya.
"Sino ka?", tanong sakin nong lalaking kasing-tangkad ko lang.
"Don't worry Marvic... Boyfriend siya ni Sabrina. Tara sa Van, sa bahay muna tayo." sabat ni Ate Andrea.
"Paano tong mga nandito?", tanong nong isang blonde ang buhok.
"Pabayaan mo na... Mahimbing silang natutulog oh." sabi naman nong isa.
"Oo nga naman... Tara na." sabi nong isa at pumunta na kami sa loob ng Van, at nag-drive yong Marvic.
Hindi naman nag-tagal ay naka-rating kami sa bahay nila Ate Andrea.
Pumunta naman agad kami sa kuwarto ni Ate Andrea at doon ko inilapag si Sabrina.
"I've heard what the both of your problems." panimula ni Ate Andrea.
"Yeah..."
"Promise me David, you will never leave her. Kahit na anong mangyari."
"Promise Ate Andrea. I won't leave her again anymore. I know she's the one I've been waiting for." sagot ko kaya ngumiti si Ate Andrea.
"Pero once na iwan mo si Sabrina. Pasensyahan tayo bro pero mang-hihiram ka ng mukha ng aso." sabi ni Marvic kaya natawa kaming lahat.
"Hindi mangyayari yon bro." sabi ko.
"Ang kapal naman ng mga mukha niyong pagsa-litaan ng ganiyan si David. Kilala niya ba kayo?", sabay taas ng kilay ni Ate Andrea.
"Oh I'm sorry I forgot... I'm Marvic." Sabay extend ng ni Marvic kaya nakipag-shake hands na din ako.
"Makmak."
"Peter."
"John... Kabit niya." at natawa siya kaya natawa kami.
Madami din kaming napag-usapan. Parang gusto ko na tuloy makipag-kaibigan sa kanila.