Purple-Eyed Princess (Publish...

Από Ms_Teria

25M 626K 132K

A girl that has a lot of names.The lady with different faces and a gangster known for ages.She's calm,fearles... Περισσότερα

Teaser
Chapter 1 "Meet Her"
Chapter 2 "The Nerds"
Chapter 3 "His Side"
Chapter 4 "Friends"
Chapter 5 "They Met"
Chapter 6 "Tour Guide"
Chapter 7 "Troubles"
Chapter 8 "My First Lead"
Chapter 9 "Stalker"
Chapter 10 "No Ordinary Nerd"
Chapter 11 "Kathie"
Chapter 12 "Sudden Change"
Chapter 13 "WTF?!"
Chapter 14 "45 Seconds"
Chapter 15 "New Target"
Chapter 16 "Club"
Chapter 17 "Stalking Her"
Chapter 18 "Misunderstanding"
Chapter 19 "Luna's Captain"
Chapter 20 "Sweetest Smile"
Chapter 21 "illegal Battle"
Chapter 22 "The Battle"
Chapter 23 "The New Member"
Chapter 24 "Sorry?"
Chapter 25 "Nightmares"
Chapter 26 "Favor #1"
Chapter 27 "Traitors"
Chapter 28 "Favor #2"
Chapter 29 "Six Rings"
Chapter 30 "Last Favor"
Chapter 31 "Unexpected"
Chapter 32 "Same Roof"
Chapter 33 "Stupid Yumi"
Chapter 34 "Escape 101"
Chapter 35 "Living Devil"
Chapter 36 "Club Members"
Chapter 37 "Changes"
Chapter 38 "Halo"
Chapter 39 " Dark Purple (part 1)"
Chapter 40 "Dark Purple (part 2)"
Chapter 41 "Purple vs. Purple"
Chapter 43 "Twin Brother"
Chapter 44 "Reason #1"
Chapter 45 "Teardrops"
Chapter 46 "Kill Me"
Chapter 47 "Last Battle"
Epilogue
Announcement!
The Dark-Eyed Prince

Chapter 42 "Unmasked"

317K 9.6K 853
Από Ms_Teria

Halo's POV

"Lady."

Walang kainte-interes na tawag ko sa pangalan nya.Tumalon sya pababa mula sa punong tinataguan nya.

Si Lady.Ang ikalimang miyembro ng grupo namin.Dahil sa suot nya ngayong V-neck na t-shirt na itim,kitang-kita ang tattoo nya sa ibabaw ng dibdib.Napairap na lang ako ng mapansin ko ang suot nyang pink na maskara.

Tss.Girly as ever.

"Pwede bang sumali?"-Lady

"Mapapatay ko na talaga si Hunter."

Mahinang usal ko.Sigurado akong sya ang nagpadala kay Lady dito.Ano bang akala nya sakin?Hindi ko kayang talunin si Saisumi ng mag-isa?Ang sarap talagang tadtarin ng saksak ng lalaking yun.Psh.

"Umalis ka na,Lady.Hindi kita kailangan dito."

"Wag ka ngang masyadong hard.Kitang-kita naman na nadedehado ka na."

Ang kapal!Ako?!Dehado?!Nagwawarm-up pa nga lang ako!

"*roll eyes*Whatever,Lady."

Saisumi's POV

Lady.

Yun ang narinig kong tinawag sa kanya ni Halo.Kahit na medyo madilim,kita ko pa rin ang tattoo nya sa bandang itaas ng dibdib nya.

Hindi ko inaasahan to.

Hindi ko inaasahan na makakaharap ko ang dalawang miyembro ng Six Rings ngayon.

"Sabi nga pala ni Hunter,sunduin kita pero dahil mukhang masayang kalaro si Miss Purple,pwede pa naman siguro tayong magtagal ng ilang saglit."

"Tsk.Iba talaga pag baliw sa pag-ibig.Lahat sinusunod mo kahit anong iutos sayo ni Hunter."

"Cut it off,girl.Sinabi ko na sayo,wala akong gusto kay Hunter.Kung tutuusi, mas gusto ko pa ang malokong si Cross kesa kay Hunter na walang ibang ginawa kundi ang ngumiti tapos seseryoso."

Sinasadya ba nilang iparinig sakin ang pinag-uusapan nila o hindi lang talaga nila ako napapansin?Tss.

Dahil tuloy lang sila sa pagkukwentuhan at naiinip na ako,naghagis ako ng kunai na dumaan sa gitna nila.

Sabay silang napatingin sakin.

"Mainipin pala sya,Halo."-Lady

"Wag kang makikielam."-Halo

"Asa ka naman!"

Malawak ang ngiting sumugod sakin si Lady.

Pagkasabik.

Yan ang nakikita ko sa kanya ngayon.Parang ang tagal na nyang hinihintay ang pagkakataong makalaban ako.

Sinubukan nya akong suntukin pero nasalo ko ang kamao nya gamit ang isang kamay.Nagtaka ako nung lalong lumawak ang ngiti nya.

"Gotcha."

Nakaramdam ako na may balak sya kaya sinubukan kong alisin ang pagkakahawak ko sa kamao nya pero hindi ko nagawa dahil agad nyang nahawakan ang kamay ko gamit ang isa nya pang kamay.

Dinala nya ako sa likod nya at buong pwersa akong inihampas sa sahig.Ramdam na ramdam ko ang pananakit ng likod ko. 

Mula sa pagkakahiga,nakita ko si Halo na tumalon mula sa isang puno pababa sa pwesto ko habang may hawak na kunai.Napagulong ako sa kabilang direksyon para iwasan sya.

Pagkalapat na pagkalapat pa lang ng paa nya sa simento,agad akong tumayo at pinagpag ang dumi sa damit ko.

Mas mahirap pala to kesa sa inaasahan ko.

Liryu's POV

Napatihaya ako sa pagkakahiga ko sa kama nung biglang tumunog ang cellphone ko.

Purple calling.....

Yun ang nakalagay sa screen.Napaupo ako sa higaan at walang pagdadalawang-isip na sinagot ko yung tawag.

"Saisumi?"

Bungad ko sa kanya.

[L-liryu,s-si Nicka to.]

Okay.Aaminin ko.Nakaramdam ako ng dissapointment.

"Nicka?Bakit na sayo yung cellphone ni Saisumi?"

[A-ah...Liryu...s-si Ken...kailangan nya ng tulong.]

Halata sa boses nya ang kaba at pagpapanic.Hindi ko na kailangang tanungin kung anong nangyari dahil sigurado akong hahaba lang ang usapan namin at baka kung ano pang mangyari kay Ken (kahit hindi ako sure kung ano ngang nangyari sa kanya.)

Napatayo na ako sa kama at kinuha ang susi ng kotse ko.

"Nasan kayo?"

[S-sa Shinra park,w-west side.]

Shinra park?Malapit lang yun dito.

"Okay.3 minutes,Nicka.Hintayin nyo kami."

Nicka's POV

[Saisumi?]

"L-liryu,s-si Nicka to."

Kinakabahan kong sagot sa kanya.Tinawagan ko si Liryu habang patuloy pa rin ako sa pagtakbo papunta kay Ken.

Kahit sa cellphone lang kami magkausap ni Liryu,hindi ko maiwasang kabahan.

[Nicka? Bakit na sayo yung cellphone ni Saisumi?] 

Nagpanic na ako.Anong sasabihin ko?Ano bang kailangan kong ipaliwanag muna?

" A-ah...Liryu...s-si Ken...kailangan nya ng tulong."

Napatahimik sya saglit.H-hindi kaya nagalit sya?Sabi na eh.Dapat si Louie na lang ang tinawagan ko.

[Nasan kayo?]

Nakahinga ako ng maluwag nung itanong nya sakin yan.

"S-sa Shinra park,w-west side."

[Okay.3 minutes,Nicka.Hintayin nyo kami.]

Sakto namang pagkababa nya ng tawag ay nakarating ako kung nasan si Ken.Naabutan ko sya sa ilalim ng isang puno at nakapikit habang nakasandal.Mabigat ang mga paghinga nya habang hawak ang sugat nya na patuloy sa pagdudugo.

Tatakbo na sana ako papunta sa kanya pero napatigil ako nung maramdaman ko ang pagtaas ng balahibo ko sa bantok.

Kinikilabutan ako.....

Unti-unti akong napalingon sa likod ko at napaatras ako nung may nakita akong tao dun.

I-isa syang lalaki.Nakasuot din sya ng maskara pero hindi tulad ng babaeng humahabol sakin kanina,ang itaas na bahagi ng mukha nya ang natatakpan ng maskara.

"S-sino ka?"

Nangangambang tanong ko.Eto na naman yung matinding takot na naramdaman ko kanina.

Lalo akong napaatras nung mag-bow sya sa harap ko.

"Hunter 'the Bishop',Miss Nicka Anderson."

K-kilala nya din ako?At teka.Ano daw?Hunter 'the Bishop'?Ano to?Chess?

Napansin ko ang saglit na pagsilip nya sa bandang likod ko kung nasan si Ken.

"Mukhang madami ng dugo ang nawala sa kanya."

Nataranta ako nung maglabas sya ng baril at itinutok nya yun kay Ken.

"Mabuti pang pagpahingahin na natin sya."

Napatakbo na lang ako bigla papunta kay Ken at humarang ako sa harap nya habang nakadipa ang dalawang kamay.

"Wag!"

Sigaw ko sa kanya.

Poprotektahan ko si Ken.Handa syang mamatay para sakin kaya ganun din ako.

"Bakit?Hindi mo ba nakikita?Nahihirapan na sya."

Napalingon ako kay Ken dahil sa sinabi nung lalaki.

Nakayuko lang si Ken.Hindi ko alam kung may malay ba sya o kung alam nya bang nandito ako ngayon pero isa lang ang sigurado ko.Humihinga pa si sya at habang hindi pa sya tumitigil sa paghinga,hindi rin ako mawawalan ng pag-asa.

Muli akong tumingin sa lalaking nagngangalang Hunter.Alam kong kahit hindi ako magsalita,alam na nyang wala akong balak na umalis sa pagkakaharang ko.

Ibinaba nya ang baril at nginitian ako.

"Matalik kang kaibigan ni Miss Saisumi,di ba?"

Nakakatakot ang ngiti nya pero kahit ganun,hindi ko pinahalata sa kanya na nasisindak ako.Marahan akong tumango bilang sagot sa tanong nya.

"Hmm...Iiyak kaya sya kapag nawala ka na?"

*dug.dug.*

Saglit na huminto ang paghinga ko dahil sa tanong nya.

"Gusto kong makita ang reaksyon nya."

Napapikit na lang ako ng mariin nung muli nyang itaas ang hawak nyang baril pero sa pagkakataong ito,sakin na yun nakatutok.

Alam mo ba yung pakiramdam na biglang nagbabalik ang lahat ng masasayang bagay na nangyari sayo dahil sa tingin mo,yun na ang huling sandali ng buhay mo?

Yun ang nararamdaman ko ngayon.Nakikita ko lahat ng happy moments na naranasan ko at ang huling sandaling nagflash sa utak ko.....ay ang sandaling nakita ko ang pinakamatamis na ngiti ni Ken.....

"Hay....."

Napadilat ako nung marinig ko ang isang napakalalim na buntong-hininga.Ibinaba nung lalaki ang baril na hawak nya at muli na namang bumuntong-hininga.

"Napakainosente."

Napakurap ako.Anong ibig nyang sabihin?Hindi nya itutuloy?

Tinalikuran nya ako at nagsimula na syang maglakad paalis na ikinagulat ko pero ikinagaan din naman ng loob ko.

Napaupo na lang ako dahil sa pangangatog ng tuhod ko.Hinarap ko si Ken at sinilip ang mukha nya.

"Ken?Ken?"

Marahan ko syang niyugyog.Nakita ko ang unti-unting pagbubukas ng mga mata nya.

"N-nicka?Bakit---bakit bumalik ka pa d-dito?"

"Hindi kita-----"

Napahinto ako nung may dalawang kotseng tumigil sa harap namin.Isang kulay gray at isang black.

Bumaba sa kulay gray na sasakyan sila Mirco at Louie.

"Sh*t,Ken.Ano bang nangyari?"

May pag-aalalang tanong ni Louie kay Ken habang tinutulungan nila itong makatayo.

Hindi sumagot si Ken kaya sakin tumingin si Louie.

"H-Hindi ko alam kung b-bakit p-pero...may sumugod saming b-babaeng nakahalf-mask a-at.....p-purple yung mata..."

Kinakabahang sagot ko kahit hindi pa sya nagtatanong.

"S-si.....Purple?"-Louie

"Imposible."-Mirco

"H-Hindi sya si P-purple."

Hirap man sa sugat nya,nakuha pa ring magsalita ni Ken.Sino ba si Purple?

Biglang bumaba si Liryu sa kotse nya.

"Si Saisumi?Nandito ba?"

Seryosong tanong nya sakin.Nakakatakot......

"S-si Sai.....?A-ano.....s-sya yung tumulong s-sakin kanina kaya natakasan ko y-yung b-babae."

"I knew it!"

Sigaw ni Liryu tsaka muling sumakay sa kotse nya at pinaandar ang makina.

"Kayo ng bahala kay Ken."

Bilin nya pa kila Louie at Mirco bago nya pinaharurot ang kotse.Nagkatinginan lang kami nila Mirco at Louie.

"Basta si Saisumi talaga...natataranta sya.*iling-iling*"-Louie

Saisumi's POV

"Damn..."

Napahawak ako sa ulo ko dahil parang umikot ang paningin ko.Di ko akalaing maiisahan ako ni Halo at mahahampas nya ako sa ulo gamit ang baril na hawak nya.

Sa sobrang hilo ko,napaluhod ako.Pumwesto si Lady at Halo sa magkabilang gilid ko.

"Hindi natin sya pwedeng patayin.....Magagalit si Sheol."-Lady

"Kung hindi pa natin gagawin ngayon,kelan pa?Naiinip na ako."

"Patience,Halo.Naghahanda na rin si Sheol para dyan."

"Tsk.Naiirita ako sa tuwing nakikita kong humihinga pa sya."

"Kahit na ano pang sabihin mo,wala tayong magagawa kundi maghintay."

"Kaya ayokong nandito ka,Lady.Lagi kang kontra sakin."

Dahil sa pag-uusap nila,nakakuha ako ng oras para mawala ang pagkahilo ko.Palihim kong pinulot ang kunai na malapit sa kamay ko.

"Hindi naman sa kontra ako sayo,Halo kaso lang,parehas tayong malilintikan kapag namatay agad sya."

Binaliktad ko ang hawak ko sa kunai at dahan-dahang hinanda ang sarili ko.

"Edi parang sinabi mo ring pakawalan na lang nati---"

Napahinto sya dahil sa isang hakbang ko,nakapunta agad ako sa harap nya.Nagpanic sya at sinubukang itutok sakin yung baril pero yumuko ako at tinabig ko ang kamay nya.Mabilis kong iwinasiwas paitaas ang kunai papunta sa mukha nya.

Napangiti ako nung bumagsak ang maskarang suot nya dahil sa pagkakahiwa ko dito.

Gumana ang plano ko.

Pero nawala din agad ang ngiti ko sa mukha nung makita ko kung sino sya.

"Z-zia?Zia Alcantara?"

Συνέχεια Ανάγνωσης

Θα σας αρέσει επίσης

941K 32.1K 61
Highest rank reached in Humor category is #5 as of Dec.6,2016. "A story of friendship, love and adventure of a girl with her bunch of guy friends." ...
School Life With You (Book 2) Από kaye

Εφηβική Φαντασία

7.8K 689 51
Empyrean Academy, the so-called "school of elites," will slowly reveal its true colors to the student body. The student council, the Prophet's, the R...
473K 11.8K 83
Tyraene Alaire Imperial is one of the most famous student in their school, nasa kanya na ang lahat, but what if he likes a simple cold hearted girl...
1.7M 55.2K 123
Highest rank reached in Humor category: #4 as of Nov. 14, 2016 "A story of friendship, loyalty, and love between a girl and her bunch of guy friends...