•Be Mine• (JAEYONG)

By nctwayzenkei

11.6K 527 114

JUST A FANFIC OF JAEYONG ⚠WARNING⚠ It contains of murahan overload and everything here is just a fanfic. If a... More

00
01
02
03
04
05
06
07
08
09
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
EPILOGUE

10

310 11 2
By nctwayzenkei

**✿❀ ❀✿**


TAEYONG

So, yung dapat date namin ni Jaehyun ngayon hindi na date kasi sumama yung tatlo samin. Hindi yun totally date kasi ako lang naman nag-iisip nun. Hindi naman masamang maging assumera minsan mga bakla. Atin-atin lang naman yun at alam ko naman na if ever yayain kayo ng crush nyo gumala, automatic talaga na date ang maiisip nyo dun.

Since nagdate na kami kahapon, (charot) okay lang naman sakin na magsama-sama kaming lima.

"Bakit ba nakasimangot ka jan? Hindi ka naman pinipilit na sumama ah." Reklamo ni Hansol sa kanya.

"Hansol hyung naman, alam mo yung word na makiramdam?"

"Ikaw naman, nagawa nyo na kahapon. Enough na yun." Sabi naman ni Doyoung.

"Luh anong enough? Hindi yon enough." Rinig kong maktol ni Jaehyun.

About ba to dun sa date dapat namin ngayon?

Awee he looks upset, I wanna cuddle him, ang cute-cute nya doon.

Eh kung itanan nya na kaya ako para hindi na sya nagsisimangot dyan.

Charot lang.

"Taeyong, kausapin mo nga yan oh. Ang pabebe." Hinila ako ni Yuta papalapit kay Jaehyun na nagpangiti ng kaunti sakin.

Kaunti lang, para hindi tayo obvious.

"Okay ka lang?"

"Hindi nga eh." Sabi nya tapos nagpout.

Ay ang cute. Bakit ganyan sya? Ang sarap nyang ibulsa.

"Why bebe ko?"

Charot, hindi yan ang sinabi ko.

"May next time pa naman Jae." I smiled at him para naman kumalma sya jan. Pupunta kami sa playzone ngayon, madaming token si Hansol hyung sa bahay nya at nakita yun ni Yuta. So sabi nya gamitin namin ngayon. Akala mo kanyang gamit eh kay Hansol hyung yoon.

"Next time? Sige. Next time ha, sabi mo yan."

I nodded and ruffle his hair.

Akalain mo nga naman, kamakaylan ko lang nakilala si Jaehyun pero heto kami ngayon close na. Sana all? Di nyo kaya yon.

Dapat may friends kayong kagaya ni Nakamoto. Todo support.

Nang makarating kami sa playzone, kaagad tumakbo si Hansol at Yuta kung saan-saan, nakasunod lang kaming tatlo sa kanila.

"Jaehyun, tara basketball." Doyoung said while sucking a milktea.

"Ako pa talaga ang niyaya mo?" Jaehyun smirks.

"Why not? Malakas ang loob ko eh, sana namana mo." Doyoung smirks too.

Aba, aba. I smell competition.

Di ko alam kung bakit pero parang double meaning yun at mukhang dinibdib ni Jaehyun.

Inabot sakin ni Doyoung yung milktea saka kumuha ng tokens sa pocket nya galing kay Hansol hyung, ganoon din ang ginawa ni Jaehyun sabay nagbattle sila ng tinginan.

"Tara."

Sumunod naman ako sa kanila. Syempre dapat supportive kay crush, curious din ako sa kung anong kayang gawin ni Doyoung. Sya lang yung katropa ni Jaehyun na hindi sumali ng basketball eh.

"Doyoung pahingi ha." Sabi ko, pertaining to his milktea.

"Sure." Tumango sya kaya ngumiti ako.

I was about to higop na when Jaehyun stopped me. "Wag yan, itong sakin nalang." He said at iniabot sakin yung milktea nya. Strawberry flavor yun kaya walang pakundangang kinuha ko na.

Gawd, is he serious? Sabi ni Yuta wag daw ako magsweets ngayon eh.

"Sure ka? Sure ka talaga?"

"Mm, it's all yours and don't worry, 25% sugar lang yan."

"Thank you."

Ngumiti lang sya kaya sinundot ko yung dimple nya na lumabas, habit ko na ata yun simula nung isang araw. Hindi naman sya nagrereklamo. Hahaha. Lovelots.

So, naghulog na sila ni Doyoung ng coins at ako naman ay gumilid para panoodin sila.

Then, the battle just started.

Well, hindi ko ineexpect na marunong naman pala si Doyoung. Akala ko instruments lang ang kaya nyang i-play eh, basketball din pala.

At si Jaehyun? Expected na mas magaling talaga sya. Walang duda.

"Amputa, paimpress si kupal." Natatawang sabi naman ni Doyoung at nakatingin samin ni Jaehyun.

Kanino? Kanino nagpapaimpress?

May ibang babae ba si Jaehyun? All this time, niloloko nya lang ako?

Charot, practice lang.

"Taeyong hyung!"

Napakunot-noo ako at lumingon sa pinanggalingan ng boses na yun at nanlaki ang mata ko nang makita ko si Jungwoo, masayang kumakaway sakin at papalapit.

Hala, hoy bakit sya nandito sa Busan? Paano sya napunta dito?

"J-J-Jungwoo!"

Parehong natigilan sa paglalaro yung dalawa at tumingin sakin, then kay Jungwoo.

Bigla akong nanlamig nung nakita nya si Jaehyun sabay tingin ulit nya sakin na medyo nagtaka pa.

"Hyung! Nandito ka pala, at.. kasama mo sila?" Jungwoo then pointed Jaehyun and Doyoung. Medyo unsure pa sya.

Pocha kinakabahan ako shet!

"O-oo eh." I said and smiled awkwardly.

Pucha naman wala kaming label lahat dito pero may crush na nagaganap like Jungwoo likes Jaehyun first and I know it, wala pa nga akong pakialam nung una kasi hindi ko kilala at nung makilala ko na sya, naging crush ko din. Sino ba naman kasinghindi mapopokpok kay Jaehyun diba? Alam ko yung ibang readers din dito nakakarelate sa nararamdaman ko, walwal nga tayo minsan. Then ito, magkasama kami at sobrang close pa.

Ano nalang ang sasabihin sakin ni Jungwoo?

"Bakit?"

Asan na ba si Yuta?! Mamaya na sila magharutan ni Hansol hyung. I need help.

"Oy bading, bakit nandito ka?" At last! Dumating din.

"Yuta hyung!"

"Sinong kasama mo dito?"

"Ako lang, dinalaw ko sina lola here. Ikaw? Kasama mo sila?!" Jungwoo sabay turo kina Hansol, Doyoung and Jaehyun.

"Hindi ba obvious?"

Ang sarap din talagang sapakin ni Yuta minsan. Imbis na nagpapaliwanag nalang eh nagaattitude din. Potangenang yan.

"Hindi nga? Ka close mo sila? Kailan pa?" He asked at mukhang hindi makapaniwala.

Same Jungwoo. Same.

"Hindi ka naman nagtatanong eh."

"Siraulo ka talaga." Siniko ko si Yuta.

"I mean..sasabihin ko naman. Nakakalimutan ko lang. So eto... Surprise?"

Napahimas naman ako ng noo dahil don.

"Hala sya! Hindi man lang ako ininvite! Hindi ko alam na close ka sa kanila ha!"

Napatingin sakin si Yuta. Ako naman umiwas ng tingin at patuloy lang sa pag-inom ng milktea na binigay ni Jaehyun.

"Oh well, guys si Jungwoo nga pala. Kaibigan namin ni Taeyong." Pagpapakilala na ni Yuta, ramdam nya na hindi ko magagawang ipakilala sila eh.

Shet, para akong kabit na nahuli ng na asawa na ngayon ay kinakabahan kay Jungwoo. Masasaktan kasi sya kapag nalaman nya na, gusto ko din si Jaehyun at magkasama pala kami ngayon.

"Hi Jungwoo." Bati ni Doyoung.

Pero yung mata nya, nakatingin lang kay Jaehyun.

"H-Hi Doyoung, J-Jaehyun."

Jaehyun looks at him and smiled. "Hi."

Pano ba maglaho ngayon? Sana lamunin na ko ng lupa.

----

"Hyung! Hindi mo sinabi sakin na close pala kayo ni Jaehyun baby!"

"K-Kailan ko lang sila naging kaclose. Si Yuta naman talaga ang matagal na nilang kilala, n-nadawit lang ako." I said. Kinakabahan pa din ako hanggang ngayon.

Napangiti naman si Jungwoo. "Mm, does it mean magiging close na din kami ni Jaehyun? Mapapalapit na kami sa isa't isa." He smiled na parang nag-eexpect pa sya ng mas higit pa doon.

Tanginang life to. Nakakabitter ampocha.

"Hehe oo, siguro."

Kaagad akong lumayo syempre kay Jaehyun kasi baka kung anong isipin ni Jungwoo, nagtaka din sya sa kinilos ko at patuloy na lumalapit pero lumalayo ako.

I feel bad. (╥_╥)

Pasensya ka na bebe ko, si Jungwoo kasi nauna sa buhay ko eh. Syempre sya yung uunahin ko din sa ganitong sitwasyon.

"Gusto ko pa sana magspend ng time maghapon para makasama kayo, lalo na sya. Pero kailangan kong umuwi eh, pinapauwi ako ng maaga ni mader."

Hindi maitatago ang kasiyahan sa mata nya. Para bang mas nabuhayan sya ng loob para umamin kay Jaehyun.

Sana oil.

I was talking to Jungwoo kanina nang maramdaman ko na kinakalabit ako ni Jaehyun sa likod nang dahan-dahan. Alam nyo yun? Yung parang nilalambing nya ako na ewan at talagang nakakapanlambot nga naman.

Tapos kapag susulyapan ko naman sya, nakasimangot lang at parang gustong magtanong kung bakit biglang hindi ko sya pinapansin.

Sorry Jae...(ㄒoㄒ)

Wala akong ibang maisip na gawin kundi ito lang.

Yawa.

"Sana hindi ito ang last na pagkikita natin Jaehyun." Baling ni Jungwoo kay Jaehyun na hanggang ngayon ay kinakalabit pa din ako.

Kaagad kong tinabig sya ng mahina.

"Sure." Sagot ni Jaehyun sabay tingin ulit sakin kaya bigla akong umiwas.

Kinginang yan, ano bang ginagawa namin. Para kaming nagdedate sa likod ni Jungwoo.

Maya-maya pa, nagpaalam na si Jungwoo na aalis kaya nakahinga ako ng maluwag. Saglit lang kasi sya, well actually pauwi na sya talaga ng Seoul pero naisipan nya lang daw dumaan dito then nakita nya kami.

Grabe Taeyong.

"Uy, bakit hindi mo ako pinapansin?" Jaehyun came to me and cupped my cheeks at pinaharap sa kanya.

"A-Ano kasi eh-"

"Galit ka ba?"

"Hindi ah. Bakit naman ako magagalit?"

"I don't know eh. May nagawa ba akong hindi mo nagustuhan? Sabihin mo lang sakin."

"Wala. Promise wala."

"Eh bakit ganun?" He sulked.

Shutanginang yan. Susuyuin ko ba to?

Paano? Di naman kami magjowa.

Diba magjowa lang ang gumagawa nun?

"Oy, bili muna kami ng makakain." Bigla akong hinila ni Yuta paalis kaya binitawan ako ni Jaehyun.

Buti nalang kasi hindi ko alam ang sasabihin sa kanya eh.

Pero letche ha. Ano nanaman kayang problema nito at naninira ng moment? Kitang naghaharutan pa kami ni Jaehyun eh, kapag sya hinaharot si Hansol hindi ko naman ginugulo.

Hay life, putangina ka.


THIRD PERSON

nakatingin lang si Jaehyun kay Yuta na biglang hinila si Taeyong paalis. Kasi naman ang epal, kitang sinusuyo pa eh kinuha agad, pwede naman sila ni Hansol nalang yung bumili ng makakain eh.

"You see that?" Hansol nudge him.

"Alin?" Tanong nya na hindi naman interesado.

"Si Jungwoo, the one who likes you. I told you before about him diba?"

"Ah, sya ba yun?" Sagot nalang nya, still not interested.

"Ganda?"

Jaehyun looked at him in disbelief. "Leave me alone, namomroblema ako."

"Charot lang." Hansol chuckled. "Alam ko namang whipped ka kay Taeyong. Pero siguro napansin mong hindi ka nya pinapansin kanina."

"Yup. But you know, Lucas likes him. Jungwoo. Pero mas priority ko si Taeyong dito."

Napatango-tango lang si Hansol sa kanya.

Samantala, hindi mapigilang kabahan ni Taeyong at panay din ang pagshare nya kay Yuta kung gaano sya kinabahan kanina nang makita nya si Jungwoo. Buti nalang at hindi ito nakahalata.

"Paano na Nakamoto? Baka humingi sya ng favor sakin na ilakad sya kay Jaehyun? Anong gagawin ko?"

"Tanggihan mo."

"Luh sya. Akala mo madali yun?"

"Hindi. Pero alam kong hindi mo kayang gawin yun diba dahil gusto mo din si Jaehyun?"

"Pero mahalaga din yung friendship namin." Taeyong pouted. "Ikaw, si Kun, si Taeil hyung mahalaga kayo sakin."

"Aww, nakakatats naman. Pero if ever nga na ganoon ang gawin ni Jungwoo? Anong gagawin mo? Papayag ka?"

"Siguro?"

"Tanginang yan. Try mo mag-no. Kung gusto nyang magpatulong dapat sakin muna sya lalapit."

"Tinago mo kasi na kaclose mo sila kaya malamang di na yon hihingi ng favor sayo."

"Oh, bakit parang kasalanan ko? Totoo naman na hindi sya nagtanong ah. Ikaw, hindi ka din naman nagtanong."

"Oo kasi nakakalaro mo sila. Pero di ko ineexpect na close nga kayo. Kumusa ka kasi sakin."

"Tch. Eh ikaw kung gusto mo edi ilakad mo. Iyak ka nalang pagtapos."

"Hayop ka talaga no? Sobrang supportive eh."

"Shet ako lang to."

Taeyong sighs. Actually hindi nya din alam at hindi pa sya ready kung sakali mang gagawin nga yun ni Jungwoo.

Pero posible kasi eh.

Kung bakit ba naman kasi nakita sila ni Jungwoo?

"Pero malaki ang possibility na tatanungin ka nun. Syempre dapat handa ka."

"Oh sige nga, ikaw sa shoes ko. Isipin mong mabuti."

"Hah! Ibahin mo ko. Syempre sasabihin ko sa kanya ng direcho kasi hindi ko nga kaya. Hindi pati ako martyr, magmumukha akong tanga non kahit pa sabihin mong nauna syang magkagusto kesa sakin."

Napapailing lang si Taeyong. Ang dali lang talaga ng lahat para kay Yuta eh no. Well, ganyan naman kasi talaga si Yuta. Ayaw ng pasikot-sikot.

"So, kailan kayo magkakalabel ni Hansol hyung? Gusto mo pala ng direcho eh!"

"Gaga ka, syempre ibang usapan yun! Tara na nga!"

Continue Reading

You'll Also Like

169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
3.4M 134K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
8.7K 566 102
Warning! Not your ordinary Man x Man story. Sizzling hot! Controversial! Tear jecker! Love-Filled! ALL Emotions in One Gay Love Story Synopsis I St...
113K 3.6K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...