11

292 13 1
                                    

**✿❀ ❀✿**

TAEYONG

"Wag nalang kaya akong pumasok Nakamoto?"

"Shunga ka? Kahit hindi ka pumasok dadayuhin ka ni Jungwoo dito. Wala na, nakita na nya."

"Eh kasi! Baka humingi ng favor!"

"Bakit kasi kayo nagpakita?"

"Hala ang gago kausap nito. Alam ko ba na pupunta din sya ng Busan? Alam ko? Kung alam ko lang sana sa bahay ni Hansol hyung nalang kami nagharutan ni Jaehyun diba?"

Yuta looked at me in disgust. Oh ano nanaman problema nya? "Ang sagwa ng term mo alam mo yun?"

Hindi naman sa ayoko dahil gusti ko din si Jaehyun. Basta ayoko lang, baka kung anong isipin nya sakin, isa pa hindi ko din kaya at baka pumalya ako. Lalo na at walang kusang loob yun.

Nakakagago na ha.

"Hahanapin ka pati ni Hoya kapag umabsent ka. Baka puntahan ka dito nun."

"Hala oo nga."

"Lika na, walang mangyayari kung iiwas ka lang." Tuluyan na akong nahila ni Yuta paalis at wala din akong energy para pigilan pa sya. "Sabi ko nga sayo, kung pumayag ka man at naging close nga sila ni Jaehyun dahil sayo edi iyak ka nalang sa huli."

"Tangina mo ka talaga."

"Taeyong!"

"Ay bakla!" Napahawak ako sa dibdib ko nang makita kong bigla nalang sumulpot si Jaehyun sa harap ng pinto namin.

Ay tangina men, ang gwapo ng lolo nyo at ang bango pa.

"J-Jaehyun! Hi, good morning."

"Morning. Tara sabay na tayo."

"Ha? Ano kasi-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nung biglang inabot ni Yuta yung kamay ko na kapit nya kay Jaehyun.

"Oh, kapitan mo ng mahigpit baka makawala pa." Sabi pa nya.

Aba. May hugowt?

Ngumiti si Jaehyun sabay take ng hand ko.

Enebe, kingina kinikilig eke, ang aga-aga eh. Kitang namomroblema pa ako kay Jungwoo. What if makita nya to?

Should I enjoy this moment? Baka last na to at si Jungwoo na yung susunduin nya?

Ay wait. Sinundo?

"Oo nga pala, bakit dumaan ka pa dito? Pwede ka naman dumirecho nalang sa room nyo diba?"

"Gusto kita. Gusto kitang kasabay."

Mga bakla, santong bakla ano ba. Bakit ba ganyan yan? Mahihirapan akong i-let go sya pag ganyan sya sakin. Nako, kahit pa wala lang sa kanya yung mga sinasabi nya, eh iba ang effect sakin non.

Feel me mga marurupok?

Wow, i-let go eh wala ngang kami. Taeyong ang lakas ha. Bida-bida ka talaga.

"Taeyong hyung!"

Ay putangina si Jungwoo anjan.

I was about to bitaw na kay Jaehyun but nagtaka ako nung mas hinigpitan nya ang kapit sakin at hinila nya ako patakbo kaya napatakbo nalang din ako at walang lingon-lingon kay Jungwoo. Alam ko si Jungwoo yun!

"Jae! Bakit tayo tumatakbo?" I asked in the midst of running with him.

"May ibibigay ako sayo, dadaanan natin sa locker room ngayon, kailangan nating bilisan."

Okay, sabi nya eh. Wag na magtanong Taeyong.

Pero seryoso para kaming magjowa talaga! Holding hands while running, wow lang.

•Be Mine• (JAEYONG)Where stories live. Discover now