01

487 26 8
                                    

**✿❀ ❀✿**

TAEYONG

Nakatunganga ako sa bintana ng dorm namin habang nanonood ng soccer game. Malapit lang ang field sa dorm namin kaya naman eto, nanonood ako. Tinatamad akong lumabas para sana mas maayos ang view pero, okay na din tong ganito.

"Wow, nanonood ka ng soccer? Hayup, iba ka na talaga." Sabi sakin nung hinayupak kong roommate na si Yuta.

"Di ba pwedeng wala lang akong magawa ngayon? Tss. Dami mong alam." Sagot ko naman. Sasali din sya ng soccer ngayon kaya ayan sya nagbibihis. "Marunong ka ba nyan? Baka naman pa lampa lampa kang tumakbo ha. Naku doi wag ka magkalat don, nakakahiya!"

"Wag ka nga! Hindi mo pa nga ako nakikitang maglaro. Niyaya ako nina Johnny eh, so ayan."

Johnny? Kaibigan ni Jaehyun yun ah.

So, niyaya sya ni Johnny at may chance na nandoon din si Jaehyun.

Tangina shit! Andun sya malamang.

"Oy! Anong ginagawa mo? Saan ka pupunta?" Tanong ni Yuta nang mapansin nya na nagbibihis din ako.

"Sasama sayo."

"Seryoso ka?"

"Mukha ba akong nagjojoke? Bawal? Ikaw lang dapat? Ayaw mo nun, susuportahan pa kita."

Napatikhim naman si Yuta sa sinabi ko. "Ako ba talaga ang sadya? Ehem, baka may iba pang reason? Yoee pokpok!"

"Manahimik ka jan! Ano bang pinagsasabi mo?" Reklamo ko pero binigyan nya pa din ako ng tingin na hindi sya naniniwala.

"Wala. Malamang nandun nga yung gusto mong makita pihado. Ano, bilisan mo na kaya jan no?"

Hindi ko na sya sinagot at nagmadali na akong magbihis. Matapos yon, ay lumabas na kami pareho at natanaw agad ang mga player din ng basketball na maglalaro ngayon ng soccer. Aba edi sila na marunong sa sports.

Kaagad naman kaming napansin nung matangkad na lalaki na blonde ang buhok.

"Yuta!" Nakangiti nyang tawag sa kasama ko na kung maka ngiti din ay abot langit.

"Hansol hyung!" Sagot ni naman ni Nakamoto. Tanginang ngiti yan, bading na bading eh.

Napansin naman nya na nakatingin ako sa kanya kaya nilingon nya ako ng nagtataka. "Bakit?"

"Wala."

"Tch. Bakit nga?"

"Wala nga! Parang gago naman." Sagot ko pa bago ko inirapan.

Magsasalita pa sana si Yuta para batahin din ako pero dumating na yung Hansol hyung daw na tinawag nya ngayon-ngayon lang.

Ito pala yung Hansol? Medyo hawig sila ni Nakamoto. Ako lang ba o magkamukha talaga? Ang galeng!

Sabi pa naman nila what you eat is who you are.

Char wala namang konek. Malisyosa lang ako sadya when it comes to my friends' kalandian.

"May kasama ka pala. Ano, maglalaro din?"

"Hindi ah. Si Taeyong pala, kaibigan ko. Asan sila Jaehyun? Sasali ba?" Tanong pa ni Yuta at halatang pinaparinig sakin yun. Mukhang hindi ko na kailangang aminin na nafafall nga ako doon sa Jaehyun. Halata naman na nya eh, wag lang talaga syang magkakamaling sabihin kay Jungwoo at masasapak ko sya ng masarap-sarap.

"Oo naman, si Jaehyun pa ba. Hi Taeyong." Bati nya sakin at ngumiti.

"Hello po." Bati ko din naman.

Pumunta silang dalawa sa gitna, ako naman ay naiwan dito malapit sa malaking puno para umupo at manood sa kanila. Napansin ko din na medyo madaming babae ang manonood ngayon. Malamang.

Malayo palang, tanaw ko na ang isang binatang puti na tumatakbo.

I mean si Jaehyun pala.

Tangina ang gwapo talaga.

Maging jowa ko lang sya, magpapakabait na ko kay Yuta at Taeil hyung.

Pero imposible yun, hindi ko alam kung mapapansin nya ako. Isa pa, gusto sya ng kaibigan ko, ni Jungwoo.

Hindi ko napansin na nandito pala yung mga gamit nila, sige bantayan ko nalang.

Andito din kaya yung kay Jaehyun?

"Hansol hyung! Nasaan yung bagpack ko? Naandoon kasi yung soccer shoes na hiniram ko kay Minho hyung." Rinig kong sabi nya.

"Andun malapit kay Taeyong. Doon nilagay ni Winwin mga gamit natin." Sagot ni Hansol.

"Taeyong?"

"There!" Tinuro ako ni Johnny kaya umiwas ako ng tingin, so basically hindi ko nakita reaction nya.

Tangina mga bakla pupunta sya dito.

Hindi ko namalayan na kinakagat ko na pala yung kuko ko sa daliri nung mapansin ko na papalapit na sya sa pwesto ko.

Nung malapit na sya, tumingin sya sakin at ngumiti.

Ay potek may dimple ang koya mo Jaehyun, sarap sundutin nun sigurado.

Pasundot nga!

Wag mokong ngingitian jan at baka sakin ka na sumaya wala nang bawian yon.

De joke. Kumalma ka Taeyong, tangina wag mong ipapahiya ang sarili mo.

"Hi Taeyong." Binati nya ako bago sya magsimulang isoot yung sapatos na kinuha nya sa bag nya.

Hindi ko ineexpect yon. "H-Hi."

"Paano ka nakilala ni Hansol hyung?"

"Ah, pinakilala ako ni Y-Yuta. Sumama ako p-para manood." Sagot ko naman.

"Talaga?"

"Oo."

Ngumiti lang sya pagkasagot ko. Lihim ko naman syang pinapanood, nakakahiya kasi kung mapapansin nyang pinapanood ko sya. Ang sama kaya nun.

Ang puti nya talaga at, ang kinis pa ng balat. Basta ang perfect nung skin nya at nakakainggit. >_<

Ano kayang gamit nya?

"Jaehyun." Mahina kong tawag sa kanya. Curious talaga ako mga bes.

"Mm? You know my name?" Ngumiti ulit sya pakshet!

"Ehehe, oo. Nababanggit ka ni Yuta."

Hayop ka Yuta, kaclose mo pala si Jaehyun eh. Bakit di mo sinabi kay Jungwoo?!

"Ahh, so what is it?"

Huminga muna ako ng malalim. "A-Ang ganda ng kutis mo at ang puti mo, m-may ginagamit ka ba? Pwede ko bang malaman?" Sabi ko ng medyo nahihiya.

Tumigil naman sya sa pagsasapatos at tumingin sakin ng nagtataka. Napansin ko din yung grabeng pamumula ng tenga nya.

Mali ba yung tanong ko? Oh baka nagmukha akong weirdo?

Hala.

"A-Ano k-kasi, ngayon lang ako nakakita ng ganyan kagandang kutis sayo." Sabi ko pa.

Nagulat ako nung narinig ko syang tumawa ng mahina.

Sige Taeyong ipahiya mo pa sarili mo, bida-bida ka.

Bakit sya tumawa?

"Ang cute mo." Tumayo na sya after at lumapit sakin, at sa paglapit nyang yun, pakiramdam ko ay sasabog ang puso ko.

Magsasalita pa sana ako pero pinatong nya yung kamay nya sa ulo ko at dahan-dahang ginulo yung buhok ko. "Wala akong gamit Taeyong. Sorry ah. You looked pretty already, you don't have to change." Sabay ngiti pa nya.

Sa sobrang gulat ko hindi na ako nakaimik at namalayan ko nalang na bumalik na pala sya sa field.

Anong sabi nya?

Ang pretty ko daw?!

Ayieee gago ka Jaehyun iiyak na ako!

•Be Mine• (JAEYONG)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα