03

385 18 9
                                    

*✿❀ ❀✿*


TAEYONG

Pinagmamasdan ko si Jungwoo gumawa ng love letter nya para kay Jaehyun. Pansin ko din ang masasaya nyang mga ngiti habang sinusulat sa stationary paper ang nararamdaman nyang paghanga kay Jaehyun.

Wow sana nagagawa ko din yan.

Uwian na ngayon, at nandito kami nakatambay sa harap ng 7-11 store. Malapit lang kasi dito yung pinagbilhan nya nung stationary.

Ang effort naman.

"Paano mo yan ibibigay sa kanya?"

"Ipapaabot ko nalang. Or, ilalagay ko sa locker nya ganon. Ayieee okay na kaya ito hyung? Kinakabahan ako."

Medyo nagiguilty ako habang tinitingnan sya. Hindi ko naman intensyon na magkagusto din sa crush nya eh. Tangina kasi, bakit nakakapokpok si Jaehyun?

Ang gwapo kasi talaga nya eh.

Sino ba naman ako para hindi magkagusto at bigyan ng attention ang nilalang na hinubog ng panginoon diba?

"Ginagawa mue bading?" Bigla namang sumulpot si Yuta habang may sinisipsip na lollipop, kasama nya si Kun at Taeil hyung. Saan naman kaya galing tong mga ulupong na to?

"Love letter. Where have you been?"

"Rumampa, baket?" Sagot ni Yuta.

"Nagpasama si Yuta papunta kay Hansol." Buti pa si Kun matino sumagot.

"May something sa inyo no?" Napa atras naman si Yuta nung sundutin sya ni Taeil hyung sa tagiliran nya.

Tanga nalang ang di makakapansin ng something sa dalawang yan. Sa sobrang lakas ng gay panic ng Hapon na yan e, nakita ko yon kahapon.

"Wala no." Tanggi pa nya sabay iwas ng tingin.

"Potaena wag ka pabebe ha. Di ka maganda! Hindi kami tanga Yuta!" singhal ni Taeil hyung sa kanya pero natawa lang si Yuta.

"Ako may something sa kanya. Aba malay ko kung meron sya sakin o wala. Basta ako I'll keep supporting lang."

Sus. Malamang meron din yun si Hansol sa kanya. Nakita ko yung ngiti nya kahapon nung nakita nya si Nakamoto. Alam ko ang pagkakaiba ng ngiting masaya kapag si mahal ang kasama at ngiting kaibigan ang kasama.

Napunta ang tingin nila kay Jungwoo na nagsusulat pa din ng love letter.

"Uy nagsusulat ng love letter. Uso pa pala yan?" Kun said at umupo sa tabi ni Jungwoo. He tried to read the message pero iniwas agad yun ni Jungwoo.

"Wala namang basahan! Gumawa ka ng sayo aba." Jungwoo pouted.

"Pabasa lang. Malay mo mali-mali yang spelling mo jan. Nakakahiya naman yun."

"Asus, palusot ka pa jan. Shoo! I need privacy."

Sumimangot lang si Kun, pati ako napasimangot kasi curious din ako sa laman nung sulat nya.

"Taeyong tara." Lumingon naman ako kay Yuta nung tawagin nya ako.

"Pasaan?"

"Basta."

Hindi pa ako nakakasagot nung lumapit sya sakin at hinila na ako paalis.

Tanginang to, baka kung saan ako dalhin nito ah.

"Hoy san kayo?" Tanong pa ni Taeil hyung pero hindi na sumagot si Yuta. Nakalayo na kami nung magtanong ulit ako.

"Hoy baklang Hapon! San mo ba ako dadalhin? Hindi ka magsasalita dyan?"

•Be Mine• (JAEYONG)Where stories live. Discover now