10

308 11 2
                                    

**✿❀ ❀✿**


TAEYONG

So, yung dapat date namin ni Jaehyun ngayon hindi na date kasi sumama yung tatlo samin. Hindi yun totally date kasi ako lang naman nag-iisip nun. Hindi naman masamang maging assumera minsan mga bakla. Atin-atin lang naman yun at alam ko naman na if ever yayain kayo ng crush nyo gumala, automatic talaga na date ang maiisip nyo dun.

Since nagdate na kami kahapon, (charot) okay lang naman sakin na magsama-sama kaming lima.

"Bakit ba nakasimangot ka jan? Hindi ka naman pinipilit na sumama ah." Reklamo ni Hansol sa kanya.

"Hansol hyung naman, alam mo yung word na makiramdam?"

"Ikaw naman, nagawa nyo na kahapon. Enough na yun." Sabi naman ni Doyoung.

"Luh anong enough? Hindi yon enough." Rinig kong maktol ni Jaehyun.

About ba to dun sa date dapat namin ngayon?

Awee he looks upset, I wanna cuddle him, ang cute-cute nya doon.

Eh kung itanan nya na kaya ako para hindi na sya nagsisimangot dyan.

Charot lang.

"Taeyong, kausapin mo nga yan oh. Ang pabebe." Hinila ako ni Yuta papalapit kay Jaehyun na nagpangiti ng kaunti sakin.

Kaunti lang, para hindi tayo obvious.

"Okay ka lang?"

"Hindi nga eh." Sabi nya tapos nagpout.

Ay ang cute. Bakit ganyan sya? Ang sarap nyang ibulsa.

"Why bebe ko?"

Charot, hindi yan ang sinabi ko.

"May next time pa naman Jae." I smiled at him para naman kumalma sya jan. Pupunta kami sa playzone ngayon, madaming token si Hansol hyung sa bahay nya at nakita yun ni Yuta. So sabi nya gamitin namin ngayon. Akala mo kanyang gamit eh kay Hansol hyung yoon.

"Next time? Sige. Next time ha, sabi mo yan."

I nodded and ruffle his hair.

Akalain mo nga naman, kamakaylan ko lang nakilala si Jaehyun pero heto kami ngayon close na. Sana all? Di nyo kaya yon.

Dapat may friends kayong kagaya ni Nakamoto. Todo support.

Nang makarating kami sa playzone, kaagad tumakbo si Hansol at Yuta kung saan-saan, nakasunod lang kaming tatlo sa kanila.

"Jaehyun, tara basketball." Doyoung said while sucking a milktea.

"Ako pa talaga ang niyaya mo?" Jaehyun smirks.

"Why not? Malakas ang loob ko eh, sana namana mo." Doyoung smirks too.

Aba, aba. I smell competition.

Di ko alam kung bakit pero parang double meaning yun at mukhang dinibdib ni Jaehyun.

Inabot sakin ni Doyoung yung milktea saka kumuha ng tokens sa pocket nya galing kay Hansol hyung, ganoon din ang ginawa ni Jaehyun sabay nagbattle sila ng tinginan.

"Tara."

Sumunod naman ako sa kanila. Syempre dapat supportive kay crush, curious din ako sa kung anong kayang gawin ni Doyoung. Sya lang yung katropa ni Jaehyun na hindi sumali ng basketball eh.

"Doyoung pahingi ha." Sabi ko, pertaining to his milktea.

"Sure." Tumango sya kaya ngumiti ako.

I was about to higop na when Jaehyun stopped me. "Wag yan, itong sakin nalang." He said at iniabot sakin yung milktea nya. Strawberry flavor yun kaya walang pakundangang kinuha ko na.

•Be Mine• (JAEYONG)Where stories live. Discover now