07

338 13 2
                                    

**✿❀ ❀✿**

THIRD PERSON

"Hoy Huang Xuxi." Tawag ni Jungwoo sa lalaking hinahanap nya at nahanap na ngayon.

Kaagad namang lumingon si Lucas at nakangiting sumagot. "Yes baby?"

"Baby ka jan." Inismiran sya ni Jungwoo. "Pero hoy, ano yung kumakalat na magjowa tayo ha? Ano yon?!"

"By, sinabi mo na. Yun nga yon. Magjowa tayo." Nakangisi nyang sabi at halos mapasapo naman ng noo si Jungwoo.

"Kumakalat pala eh, wala ka bang gagawin para pigilan yun?" Hindi makapaniwala nyang tanong.

Kasalukuyang kumakain ng spicy rice cake at kung ano-anong street food si Lucas kasama ni Hendery at Mark. Kagagaling lang nila ng bahay ni Chenle at ngayon heto sila, hindi pa nabusog at kumakain nanaman.

"Bakit ko pipigilan?" Takang tanong nya.

"Kasi hindi yun totoo wag naman tanga!"

Kumuha si Lucas ng fish cake bago ulit lingunin ang nakakunot-noo pero maganda nyang jowang si Jungwoo. Ayieee.

Medyo naglaway ng kaunti si Jungwoo doon sa kapit na pagkain ni Lucas.

"Sino nagsabing hindi totoo? Naniniwala ba kayo doon Mark? Hendery?"

Parehong umiling yung dalawa at tuloy lang sa pagkain na akala mo ay sarap na sarap sa kinakain.

Napahawak si Jungwoo sa tummy nya. Para kasing anytime tutunog yon. Nakakahiya, walang poise pag ganon. Call him maarte na pero conscious talaga sya.

Baka naman may plano kayong alukin si Jungwoo nyang kinakain nyo.

"Kita mo yun?"

"Eh basta! Hindi totoong magjowa tayo! Gumawa ka ng paraan para matigil yon!"

"Par, ano bang ginawa mo jan at nag gaganyan? Inaway mo? Oh baka dahil nakita nyang kasama mo si Soohyun kanina?"

Nanlaki ang mata ni Lucas dahil doon sa sinabi ni Hendery kaya liningon nya si Jungwoo.

"Wala akong gusto kay Soohyun. Kalma ka lang, ikaw lang ang pinakamagandang nilikha sa aking mga mata." Nakangiti pang saad nito.

"Sarap sumuka Mark." Hendery said, while Mark cringed.

For some reasons, pakiramdam ni Jungwoo ay pinamulahan sya ng mukha doon. "A-Anong sinasabe mo jan! Nakakainis ka!"

"Gusto mo?" Inalok sya ni Lucas ng pagkain, kaagad naman syang umiling kahit ang totoo ay natatakam na sya. "Lumayo ka sakin. Diet ako."

"Hala ka. Wag ka na magdiet. Sexy ka na naman at kahit maging bloated ka mahal pa din kita."

"Ay tangina si lover boy bumabanat." natatawang sabi ni Hendery at ngayon ay pareho silang natawa ni Mark dahil nga ang korni ng kasama nila.

"Medyo nakakasuka yon." Sabi naman ni Mark pero pabulong lang, narinig pa din naman sila ni Lucas kaya naman pabiro silang siniko nito.

"Wala akong pakialam sa iniisip mo! Wag mo nga akong diktahan! Boyfriend ba kita ha?"

"Hinde. Kasi asawa mo ko. Oh kain na baby." Bigla syang sinubuan ni Lucas ng rice cake. "Kuha ka lang jan, ako bahala sayo."

Gusto mang magpigil ay hindi na din nakapagreklamo si Jungwoo at bumanat na ng kain. Sa ngayon, ang mahalaga lang sa kanya ay ang makakain kesa sa kung anong isipin ng ibang tao kasi kasama nya si Lucas.

Bahala sila jan.

Proud naman syang pinanood ni Lucas.

---

•Be Mine• (JAEYONG)Onde histórias criam vida. Descubra agora