06

377 17 5
                                    

**✿❀ ❀✿**


TAEYONG

"Oh diba sabi ko sayo si Taeyong hyung pa rin ang makakasungkit nun? Ang yabang kasi nung mga yon. Lakas ng loob makahamon!"

"Wala naman kaming sinabi na hindi si hyung ang makakakuha nun ah." Sagot naman ni Jeno at napatango si Xiaojun.

"Oo nga, wala naman Hyuck ah." Si Yangyang naman.

"Di pwedeng share lang? Ha?"

Natawa ako ng mahina sa kanila. Break time ngayon at heto kaming lima, nagpapahinga.

Tangina kinakabahan ako kanina kasi nakita kong pinapanood ako ni Jaehyun and the rest of the team.

Gago kasi ang gwapo nya kanina. Nakakalaglag panty kahit di ako nagpapanty.

Pota ano bang iniisip ko? May mga bata akong kasama. Taeyong umayos ka!

Nagpahinga kami ng mga ilang minuto saka nagpractice ulit. Nakakapagod pero masaya naman, actually ang cute nung dalawang batang naghamon sakin kanina. Pero okay naman kami, hindi pwedeng hindi at nasa iisang club kami.

"Good work everyone! Pwede na kayong umuwi!" Sumigaw si Kai, yung v.pres namin. Oh, asan si Hoya?

"Oy uwi na daw tayo. Tara kina Chenle, uuwi ngayon yung daddy nya pinapapunta tayo sa kanila." Kaagad na sabi ni Yangyang at inakbayan si Donghyuck at Jeno.

Hindi ba nila ako yayayain?

"Sama ka hyung?" Baling ni Jeno sakin.

Joke, naaalala naman pala nila ako. Babait talaga ng mga baby ko.

"Hindi na, enjoy nalang kayo. May lakad ako eh."

"Ayieee. May date sila ni Jaehyun." Donghyuck teased me. Pinisil ko naman sya sa pisngi nya. Paano nya nalaman yun? Aba?

"Anong date ka jan. Hindi ah."

"Hindi daw. Hala ka, ang pabebe."

"Isa Lee Donghyuck!"

"Tara takbo!" Hinila ni Donghyuck si Jeno at Yangyang paalis. Aba't! "Xiaojun save your life before it's too late!"

"Donghyuck tangina ka yung likod ko masakit!" sigaw naman ni Jeno. Pano pwersahan syang hinila ni Donghyuck.

"Una na kami hyung. Bye!" Si Xiaojun na ang nagpaalam sakin na umalis kaya tumango nalang ako.

Napangiti ako nung makita silang tumakbo paalis. Ang cute kasi nung likod nila. Alam kong halos magkakaheight lang kami pero mukha kasi silang mga baby pa para sakin. Hahaha.

"Taeyong hyung!" Aalis na dapat ako pero narinig ko yung boses ni Jungwoo na tinatawag ako.

"Oh?"

"Nakita mo ba si Jaehyun?"

Luh, bat sakin nya tinatanong? Mukha ba akong tanungan ng nawawalang tao?

De joke lang.

Oo nga, asan ba yun? Akala ko may lakad kami?

Napansin ko din na kapit nya yung love letter na ginawa nya. Mukhang ibibigay nya na yun ngayon.

"H-Hindi eh. Kakatapos lang ng practice namin. Bakit di mo itanong kay Lucas?"

"Hala! Ayoko. Mabwibwisit nanaman ako don."

Napansin ko na wala sya kanina sa practice nila. Ano kayang nangyari don?

"Hoy Zeus! Hinahanap ka nung jowa mo!" Biglang sumingit si Taeil hyung, kasama si Kun.

Jowa? May jowa si Jungwoo?

•Be Mine• (JAEYONG)Where stories live. Discover now