Second Best 「 Choi Soobin 」✓

By -chypher

33.9K 2K 1.2K

"Tinapay o ako?" "Tinapay." "Yung aso o ako?" "Siyempre yung aso." "Almond Milk o ako?" "Malamang hindi ikaw... More

00
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
48
49
50
Author's Note
51
52
53
54
55

47

422 28 8
By -chypher

Suri;

"Nak, okay lang ba si Soobin? Pansin ko lang,  kanina pa siya nakatulala jan sa may bintana."

Sabi sa akin ni mama habang naghahanda kami ng almusal. Tinignan ko si Soobin. Mukhang ang lalim ng iniisip niya.

"Hindi ko nga rin alam ma eh. Hindi pa siya nagkukwento sa akin tungkol sa mga nangyari sa kanya kagabi. Siguro hayaan po muna natin siya."

Tumango si mama bilang sagot. Pagkatapos naming maghanda, lumapit ako kay Soobin at umupo sa tabi niya.

"Nagugutom ka na ba? Tara na, kakain na tayo."

Ani ko. He looked at me. Nagtama ang mata namin. His eyes were full of sorrow and loneliness. Binigyan ko siya ng ngiti.

"Ang ganda ko diba?"

Pagbibiro ko para gumaan yung atmosphere sa pagitan naming dalawa. Hindi siya umimik. Wala pa ring ka emosyon-emosyon ang mukha niya.

"Sakit sa bangs ha! No reaction talaga? Oo na, tanggap ko ng panget ako sa paningin mo."

Pagdadrama ko sabay yuko. Pero siyempre peke lang yun.

"You are beautiful... You are beautiful in my eyes..."

Inangat ko ang tingin ko sa kanya. Nagsalita siya! Binigyan ko siya ng ngiti.

"Akala ko talaga di mo na ako kakausapin eh."

Sabi ko. Inipit niya sa tenga ko ang buhok kong nakaharang sa aking mukha. Tinignan niya ako sa mata.

"Ikaw ang pinakamagandang babae para sa'kin."

Kahit na emotionless pa rin yung mukha niya masaya pa rin ako. He never fails to make my heart flutter.

"At ikaw naman ang pinakagwapong lalaki para sa akin."

Ani ko. This conversation may sound cliche and cringe but still, the kind of emotion it brings is still the same.

"Suri..."

"Hmm?"

"Do you love me?"

"Oo, mahal na mahal kita."

"Then always stay with me even if fate gives you a million reasons to leave."

------------------------------

Nagtutupi ako ng mga damit sa kwarto. Pumunta muna si Soobin sa mini garden namin sa likod ng bahay. Magpapahangin daw muna siya.

Napansin ko ang phone niya sa ibabaw ng study table ko. Kinuha ko to at binuksan. Wala naman akong intensyon na galawin ang phone niya, kaso na-curious lang ako sa inasal niya ngayon. Tsaka hindi pa siya umuuwi. Siguro may nangyari sa bahay nila.

Pagkabukas ko ng phone niya, bumungad sa akin ang 153 missed calls niya galing kay Eunbin unnie. I was about to press something nung biglang tumawag ang ate niya. Sinagot ko ito.

"Yobosaeyo?"

"Wait. Who is this? Where is my brother?"

Tanong ni Eunbin unnie. Napakamot ako sa batok ko.

"Si Suri po ito, classmate ni Soobin."

Pagpapakilala ko.

"Oh? So ikaw pala yung Suri na napupusuan ng kapatid ko. Manang is right, nasa sa inyo nga si Soobin. I'm Eunbin, Soobin's old sister. I'm glad na nakilala na kita. You're his girlfriend right?"

Nagulat ako sa tanong niya. Hindi ako maka-imik. Ano daw? Girlfriend? Napa-isip ako. Hindi ko pa pala sinasagot si Soobin. Pero kung maka asta kaming dalawa para na kaming mag-jowa.

"It's okay. No need to be shy, I already knew about your relationship with him. By the way, is my brother fine?"

Puno ng pag-alala na tanong ni Eunbin unnie.

"Ang totoo po niyan, kagabi pa po siya balisa. Kaninang umaga, nakatulala lang siya. Wala naman po siyang sinasabi sa akin. Ayoko rin pong magtanong, baka kasi lumala lang yung nararamdaman niya."

Nagpakawala ng isang buntong hininga si Eunbin unnie.

"That bastard! Look what he did to his younger brother."

Kumunot ang noo ko.

"Po?"

Narinig ko ang pagsinghot ni unnie. Umiiyak ba siya?

"Kagabi, may natanggap kaming balita galing sa States. I never thought that he will leave is this soon. Hindi man lang siya nagpaalam sa amin."

"Ano pong ibig niyong sabihin?"

"Seulbin is dead."

Parang gumuho ang mundo ko sa aking narinig. Ano? Patay na si Seulbin oppa? Parang ayaw kong e absorb yung information na nalaman ko.

"Everyone in the house is grieving pati na rin si Soobin. Alam kong mas masakit sa part niya since sila yung palaging magkasama. Seulbin is a good hyung to Soobin kaya naiintindihan ko kung hindi pa niya kayang tanggapin na wala na ang kuya niya. I have a request for you, please be there for our little brother. Hangga't maaari samahan mo siya sa pagdadalamhati niya. Comfort him until he feels better."

A tear escaped in my eye. So yun pala ang rason kung bakit nagkakaganito si Soobin.

"Wag po kayong mag-aalala, gagawin ko po ang makakaya ko para maibsan ang nararamdaman niya. Condolence rin po sa pamilya niyo."

"Thank you. I'm thankful kasi nahulog ang kapatid ko sa taong tulad mo. I'll hang up now, marami pa kasi akong aasikasuhin."

"Sige po."

Pinatay na ni Eunbin unnie yung tawag. Dun na nagsimulang tumulo ang luha ko. Tandang tanda ko pa yung huling pag-uusap namin ni Seulbin oppa. Napakabuti niyang tao. And he love his brother so much to the point na willing siyang gawin ang lahat maprotektahan lang ito.

I wiped my tears at lumabas ng kwarto. Pinuntahan ko si Soobin sa likod ng bahay. Nakaupo siya isang bench doon. Nakatulala na naman siya. Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya.

"Anong tinitignan mo?"

Hindi siya sumagot sa tanong ko. Ni hindi rin siya lumingon sa akin. Hinawakan ko ang kamay niya.

"Hindi mo ba sasabihin sa akin yung nangyari sayo?"

Lumingon siya sa akin. Puno ng kalungkutan ang mga mata niya.

"Ani... Hindi ko kaya."

Sagot niya. Hinalikan ko siya sa noo.

"Mahal na mahal ka ng kuya mo Soobin. Bago siya umalis sinabi niya sa akin na proud na proud siya sayo. Alam kong mahirap tanggapin pero it's time to let him go. Kung nasaan man siya ngayon sigurado akong masaya siya. Kaya dapat masaya rin tayo para sa kanya, okay?"

Soobin began to cry. He cried his heart out. Niyakap ko siya. He is crying on my shoulder.

"Shhh gwaenchanha."

Niyakap niya ako ng mahigpit.

"Ang daya daya niya. He told me that we will go fishing once we he comes back. Kung alam ko lang sana na mawawala siya eh di sana sinulit ko na yung mga araw na magkasama kami. Ang sakit Suri, he is always there for me. Pero ngayon, iniwan na niya ako. Wala na siya."

Napaiyak rin ako. Nararamdaman ko ang sakit. This pain is too much for everybody.

"Hindi siya nawala, nandito pa rin siya. He is always in your heart Soobin. Hindi siya mawawala."

Ani ko.

"Everything will be fine, okay?"

Sabi ko ulit. Matatag si Soobin, alam kong malalampasan niya rin ang lahat ng ito.

Third Person's POV

"He's dead."

Napatigil si Lia sa pagme-make up. Kumunot ang kanyang noo sa sinabi ni Jisung.

"What do you mean?"

Tanong niya sa kanyang kapatid. Umupo si Jisung sa kama ni Lia.

"Patay na si Seulbin. So tell me, may kinalaman ka ba sa pagkamatay niya?"

Nagulat si Lia sa balita na kanyang narinig. Kahit galit siya sa mga Choi, naging kaibigan niya rin naman ito simula nung mga bata pa sila. They shared a lot of memories in their childhood. But no, hindi siya magpapakita ng reaction na nalulungkot siya sa pagkawala ni Seulbin.

"What kind of question is that? You know me well Jisung, I know I did a lot of bad things pero di ko kayang pumatay. Tsaka, Seulbin have a heart disease. It's his time to go, wala na tayong magagawa dun."

She really don't know anything about this. Kung hindi sinabi ni Jisung ang balitang ito sa kanya, hindi niya rin ito malalaman.

"He didn't die because of his condition. Kakalabas lang ng autopsy report kanina, may nag inject ng chemical kay Seulbin para tumigil ang pagtibok ng puso nito."

"Ano?? Sino naman ang gagawa nun?"

"Better ask your good father."
















Continue Reading

You'll Also Like

43.4K 1.5K 100
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"
126K 3.4K 27
WARNING: THIS IS A TAGALOG FF HINDI PO ENGLISH What will happen if an alien meet an another alien? Kim Taehyung of Bangtan Seonyeondan will be your h...
223K 13.4K 11
Athena wants to be an architect to fulfill her late father's dream, but she secretly loves music and wants to be a composer. At West Town University...
29.9K 1.2K 43
【COMPLETED 】 ⇒ ❝ i think i'm starting to like you❞ ✎Written in Taglish ✎Choi Yeonjun 최연준 epistolary ✎ (Not yet edited) ✎ All rights reserved ...