Book1:Courting my Future Husb...

By crunchh

4.4M 75.3K 8.1K

Istorya kung saan babae ang nanliligaw sa lalaki. Goodluck to Mika Mendoza! More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11: ^___^V
TRIPPINGS
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21 to 22: ^___^
Chapter 23: Toothbrush
Chapter 24: Couple shirt
Chapter 25: Rebound
Chapter 26: I need a job
Chapter 27: Hindi kaya?
Chapter 28 part 1: Surprised
Chapter 28 part 2
Chapter 29: Kim, Clarisa, Christine
TRIPPINGS #2
Chapter 30
Chapter 31: Trust Nathan
Chapter 32: Diary
Chapter 33: Necklace
Chapter 34: It's MOO
Chapter 35 Oh no..
Chapter 36: Mag-lock
Chapter 37: The great Jonathan Smith
Chapter 38: Face Down
Chapter 39
Chapter 40: Tinuruan ako ni...
Chapter 41: Happy birthday
Chapter 42: Always and Forever
Chapter 43: Just one more step
Chapter 44: Tristan's girl
Chapter 45: CANADA baby
Chapter 46: Kiss
Chapter 47: One percent
Chapter 48: My jacket
Chapter 49: Why return?
Chapter 51: answer
Special Chapter part 1
Special Chapter part 2
Special Chapter part 3
EPILOGUE
Thank you
Thank You
Thank You
Thank You
Thank You
Thank you
Thank You
Thank You
Thank You
Accounts

Chapter 50: See me after class

48.8K 925 149
By crunchh

Nasa Starbucks kami ni Tristan. Patuloy lang ako sa paghalo sa frappe ko nang mapansin niyang hindi ako nakikinig sa mga sinasabi niya.

"Mika."

"Ah... ano nga uli 'yung sinabi mo?" He sighed.

"Kung gusto mo, iuuwi na muna kita sa bahay ninyo."

"Hindi na. Tristan, pwede bang huwag mo muna akong ihatid ngayon? Kasi... kasi gusto ko munang mapag-isa." Tiningnan ko ang mga mata niya at seryoso naman siyang nakatingin sa 'kin.

Hinawakan niya ang buhok ko at ginulo ito.

"Sige, pero kung may kailangan ka, tawagan mo lang ako."

Katulad ng dati, nagbigay siya sa akin ng ngiti. Napangiti na rin ako sa kanya.

"Pero wala akong load na pangtawag," sabi ko na medyo nahihiya pa. "Kaka-expire lang ng unli ko," sabay pout nang ilabas ko 'yung cellphone ko.

Nag-text na agad 'yung lechugas na unlimited na 'yan. Dapat 'di 'yan nag-eexpire eh. Kaya nga unli, 'di ba? Parang pagmamahal lang, madaming nagsasabi ng I love you forever pero nasaan ba talaga ang forever? Leche. Ang emo ko na naman nang dahil lang sa unlimited text na 'yan!

"Here," sabi ni Tristan sabay abot ng cellphone niya sa 'kin.

"Para saan iyan?"

"Palit muna tayo." Kinuha niya 'yung phone ko at inilagay sa pocket niya. 'Yung kanya naman ay inilagay niya sa palad ko.

"Palit na lang tayo bukas o sa ibang araw," sabi niya sabay tayo. "Pa'no ba 'yan? Mauna na ako ha? Basta tawagan mo ako, naka-line naman 'yan." Dumiretso na siya sa pinto at lumabas.

"Pero Trist—" Hindi ko na siya naabutan. Iyon ang cellphone na ibinigay sa akin ni Nathan.

Tiningnan ko naman ang cellphone niya. Nagulat ako na ako ang nasa wallpaper. Binuksan ko rin ang gallery niya. Puro pictures ko! OMG! Iyong cellphone ko naman ay puro pictures ni Nathan.

~Amazona Alert! Amazona Alert!~

Tumunog at nag-vibrate ang cellphone ni Tristan. Ugh ka talaga Tristan. Nakakainis ang message alert tone mo! Talagang naka-set pa sa akin 'yung tone na iyon para malaman na ako iyong nag-text.

From: Amazona Girl♥

I deleted his photos. Hehe! At niloadan ko na itong number mo. I'll use it for the mean time.

Naglakad-lakad lang ako sa paligid. Alas-singko na ng hapon. Dapat ngayon pa lang ako lalabas ng school pero dahil isa akong masipag na mag-aaral, nandito ako sa labas at naglalakad habang iniisip si Nathan.

Napailing ako. Erase! Erase! Erase! Hindi ko na siya dapat iniisip!

Nag-flashback na naman sa isipan ko 'yung mismong pwesto ni Nathan kanina sa hallway ng school. Seryoso siyang nakatingin sa 'kin... Napatingin din siya sa leeg ko.

Hinahanap ba niya 'yung kwintas? Pero...bakit naman niya hahanapin?

Sa sobrang pag-iisip ko sa bagay na iyon, hindi ko na napansing may mga grupo ng lalaki akong nabangga.

"Araaaay..." sabi ko habang hawak 'yung ilong ko.

"Sorry. Hindi ko lang kayo napansin. Pasensya na po." Tatalikod na sana ako nang hawakan ako nung nabangga ko sa balikat.

"Aba, ayos 'to ah? Hindi siya chix pero maganda naman. Pwede na. Anong tingin niyo, boys?"

Ang tatangkad nila. Katulad ko, mga mukha rin silang high school.

"Bitawan mo ako." Lumayo ako sa kanya at napaatras.

Anim sila. Kaya ko ba? Bahala na.

"Pwede na 'yan, pre." Nilapitan ako nung naka-cap at hinawakan sa mukha. "Hmm... makinis ang balat mo ha? Ayos 'yan," he said then smirked.

Nagtawanan naman 'yung mga kasama niya.

"Bitawan mo nga ako!" Pilit kong inaalis 'yung kamay niya sa mukha ko pero hindi ko magawa dahil malakas siya.

"Bitawan mo nga ako sabi eh!"

"Sumama ka sa 'kin para hindi ka na masaktan. Gagawin kitang girlfriend ko, ayaw mo ba nun? Pasasayahin kita. At siguradong maraming babae ang maiinggit sa 'yo dahil ako ang boyfriend mo." Nagtawanan na naman sila.

Maiinggit? Eh marami na talagang naiinggit sa 'kin noon pa lang. Kulang na lang ay patayin na talaga ako. Aish! Dahil kina Tristan at Nathan iyon... Ah! Isama pa si Drew! Waaah!

"Ayaw mo akong bitawan ha! Hetong sa 'yo!" Sinipa ko siya sa tyan dahilan para tumalsik siya. "Hah! Para yata akong kabayo kung sumipa!"

"Ikaw na babae ka!!!" sabi niya sa 'kin habang nakaturo. Sumenyas siya sa mga kasama niya at sumugod na sila sa 'kin.

Sinuntok ko 'yung isa sa panga at 'yung isa naman, nasipa ko ang tooooot niya.

"Aaaaaaahhh!" Namimilipit na 'yung lalaki sa sakit.

"Mayabang kang babae ka ha!" Sasapakin sana niya ako pero nakaiwas ako sa kanya. Iyon nga lang, nahawakan ako ng isa niyang kasamahan kaya wala na akong takas. May humawak din sa kabila kong kamay. Tumayo 'yung pinaka-leader nila at hinawakan ako sa buhok.

"Huling pagkakataon, sasama ka sa 'kin o hindi?"

Hindi ako umimik. Matalas ang mga tinging ibinabato ko sa kanya. Die, freak! Hindi ako kaladkaring babae na sasama na lang ng basta sa kung sino lang. Ngumiti lang siya at saka unti-unting inilalapit ang mga labi niya sa labi ko.

May itsura siya pero walang-wala siya kumpara sa Three Prince. Nang malapit nang maglapat ang mga labi namin ay iniiwas ko ito sa kanya.

"Kung ganun, matigas ka," sabi niya nang seryoso. Pagkatapos nun, sinuntok niya ako sa tyan. Ang sakit. Napaluhod ako sa sakit pero nananatili pa rin na may nakahawak sa mga kamay ko. Sinisiguro nila na wala akong takas.

"How pathetic..." sabi ko na lang habang nakangiti na kahit ang sakit ng suntok niya.

"Anong sabi mo?!"

"Isa kang... loser."

Sa sobrang inis niya ay sinampal niya ako sa mukha.

"Mayabang ka." Nanginginig 'yung mga kamay niya habang sinasabi sa 'kin ang mga salitang iyon. Halatang galit na galit siya sa 'kin.

"Kung mayabang ako, ano ka pa?" I smirked. Magkukunwari na lang akong balewala sa 'kin ang mga ginawa niya pero sa suntok pa lang niya sa tyan ko ay nanghihina na ako. Sinuntok niya ako na parang hindi isang babae ang tingin sa 'kin. Sa tingin ko, kung sa iba nangyari ito, baka nahimatay na agad sila. Pero unti-unti na ring nanlalabo ang mga mata ko.

Mas lalong nainis sa 'kin 'yung lalaki. Nakahanda na akong masuntok sa mukha. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko.

"Aaahhh!" Napamulat ako nang makita 'yung lalaki na namimilipit sa sakit nang pilipitin ni...

"Nathan," mahina kong sabi. Hindi ko na rin kaya, pagod na ako.

"Masakit ba?" Nakakatakot 'yung aura niya. Parang makakapatay ng tao.

"Aaaah! Tama na! Hindi ko na kaya! Babaliin mo ba ang kamay ko?!! Aaahhh."

"Magandang ideya." Gamit ang isang kamay ni Nathan, binali niya ang kamay nung lalaki. Napapikit na lang ako. Nakakatakot ang ginawa niya. Para siyang wala sa sarili. Parang hindi siya si Nathan.

Bakit ba siya nandito?

At bakit pa niya ako tinutulungan?

Itinapon ako nung dalawang lalaking naghahawak sa 'kin kaya tumama ang likod ko sa sahig sa hindi maganda posisyon.

Sinugod nila si Nathan. Nakatayo siya sa gitna na para bang hinihintay talagang umatake ang dalawang susugod sa kanya. Masyadong mabilis ang pangyayari, 'yung anim na lalaki ay nasa sahig na.

"'Wag... tama na.. huwag kang lalapit sa 'kin. Lahat ng yaman ko, ibibigay ko sa 'yo, 'wag mo lang akong lapitan! Aaaahhh..." Inapakan ni Nathan 'yung dibdib niya.

"I don't need your damn trash!" Pinagbubugbog niya 'yung lalaki.

Natatakot ako. Papatayin ba niya 'yung lalaki sa bugbog? Kahit kalian, ayaw kong makita si Nathan na ganito. Nathan...

"Naaaattthhhaaaannn!" buong pwersang sigaw ko. Napatigil naman siya. Wala ng malay 'yung lalaki. Hindi ko alam pero sana ganun na nga lang, huwag naman sana siyang mamatay. May bali pa ang kamay niya.

Pinilit kong tumayo. "Nathan, tama na."

Naiiyak na ako. Natatakot ako. Ayoko siyang makita sa ganyang kalagayan. Hindi ko gustong makita siyang nakapatay ng tao.

Lumapit siya sa 'kin.. Hinawakan niya ako sa balikat nang mawala ang balanse ko sa paglalakad.

"Idiot. Tumakbo ka na lang sana kaysa nakipaglaban pa."

"N-nathan." Niyakap niya ako.

Pagkakataon ko na. Pagkakataon ko na para maitanong sa kanya kung ano ang nangyari sa aming dalawa. Gusto kong malaman. Gustung-gusto.

Ngunit hindi umaayon ang katawan ko sa gusto ng utak ko.

Nawalan ako nang malay habang yakap niya.

***

Nagising ako at agad na naramdaman ang sakit ng katawan. Teka, nasaan ba ako? Nanlaki ang mga mata ko nang maging pamilyar na ako sa kwarto. Shemay! Alam ko 'to ah! Hindi kaya...

"What the hell are you all doing?! Move! Bilisan niyo kung ayaw ninyong mawalan ng trabaho!" Narinig ko ang boses ni Nathan sa labas ng kwarto. Tama ako, nandito nga ako sa mansion nila.

"Aish!" Inis na pumasok si Nathan sa loob. Nagulat siya nang madatnan niya akong gising. Kumalma 'yung mukha niyang galit kanina at tumingin sa ibang direksyon.

"Are... are you alright?" tanong niya pero nananatili pa ring hindi nakatingin sa 'kin.

"Medyo ayos na ako." Oo, medyo lang. Ang sakit kaya ng katawan ko!

Narinig ko ang pagmura niya. Napahilamos pa siya ng mukha at agad na hinawakan ang door knob.

"Teka Nathan, saan ka pupunta?"

"I'm gonna kill those fcking bastards." Nanginginig 'yung kamay niya sa galit.

Naupo ako nang marahan sa kama. Ipinatong ko ang dalawa kong kamay sa lap ko at tinitigan siya.

"Pero... bakit?" mahina kong sabi.

Natigilan siya sa tanong ko.

"That's none of your business."

"None of my business?" gulat kong tanong. Hindi ko inaasahan ang isasagot niya kaya napatingin ako sa kanya nang may magulong expression. "Kung ganun... bakit ka biglang dumating at tinulungan ako?"

"Nagkataon lang ang lahat." Bigla siyang bumalik sa pagiging cold niya sa 'kin.

"Nathan..."

"Kapag ayos ka na, pwede ka nang umalis. Nagamot naman na ang mga sugat mo. 'Yung cellphone mo, nasa side table lang." He smirked. "Nagpalit pala kayo ni Tristan ng cellphone?" Tiningnan niya ang cellphone ni Tristan.

"Walang ibig sabihin—" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil na-interrupt na niya ito.

"I don't give a damn, Mika. It's up to you."

Bawat salita niya, parang mga bala ng baril na tumatagos sa katawan ko. Hindi ko alam kung bakit siya nagkaganito sa 'kin. Tama bang pagkatapos ng lahat ay tatratuhin na lang niya ako na parang hindi niya nakilala? Na parang wala man lang kaming pinagsamahan?

Biglang may pumasok na maid na tarantang-taranta.

"S-sir, heto na po ang pagkain," sabi nung maid.

"Ilagay mo na lang dyan," sabi ni Nathan sabay alis.

Gusto ko pa sana siyang tawagin pero mukhang ayaw na niyang makipag-usap sa akin.

"Psh. Ang sungit talaga ng amo ko. Kanina, tarantang-taranta na akala niya mamamatay ka na. Napaka-OA! Tapos ngayon naman, daig pa ang parang yelo sa lamig," sabi nung maid.

"Natataranta siya?" tanong ko.

"Opo, ma'am. Sobrang nag-alala siya sa inyo kanina."

Umalis naman 'yung maid matapos akong ipaghanda ng pagkain. Wala akong ganang kumain kaya lumabas ako ng silid dala ang cellphone ni Tristan.

Nagmasid ako sa paligid. Ang laki talaga ng buong mansion na ito. Maliligaw ka kapag hindi mo kabisado ang daan.

Tulad ko, nasaan na ba ako?

"God dammit, Andrea!"

Nagtago ako nang marinig ko ang boses ni Nathan. Sinilip ko siya, nakatalikod siya sa 'kin habang may kausap sa phone. Si Andrea iyon dahil narinig ko ang pangalan niya. May LQ ba sila?

"I told you, I'll be back in a week...." Bigla siyang naging seryoso.

Ano kaya ang pinag-uusapan nila? Babalik na si Nathan sa Canada pagkatapos ng isang linggo? Naluha na naman ako. Ang sakit na talaga. Sana hindi na lang siya nagpakita sa akin.

Tumakbo ako palayo sa kanya. Gusto ko nang umalis sa bahay na ito. Sa simula pa lang, dapat hindi na ako napunta dito.

Ayoko na... Ayoko nang masakatan.

"Ma'am, saan po kayo pupunta?!"

Hinabol ako ng butler na si Greg. Hindi ko siya pinansin at patuloy lang ako sa pagtakbo. Ang mahalaga ay makaalis ako sa lugar na ito.

Kinabukasan, naging matamlay ang buong maghapon ko. Nakita ko si Nathan pero parang walang nangyari. Ni hindi niya ako magawang tingnan kahit sandali lang. Hindi na pumupunta ng third floor si Tristan dahil alam niyang magkakasalubong lang sila ni Nathan, at baka pagmulan pa ng away.

"Hindi ko maintindihan kung bakit ganun si Nathan," sabi ni Nix habang magkausap kami sa corridor.

"Dapat pa ba siyang intindihin?" sabi ko.

"Pinipilit siyang samahan ni Arden pero siya mismo 'yung lumalayo. Ano bang problema ng ex mo?"

"Aba, malay ko, 'yung sa 'kin nga bigla na lang akong iniwan sa ere eh." Napilit ako ni Nicole na sabihin sa kanya ang mga nangyari kaya may alam na siya ngayon.

"Hindi kaya may dahilan? Hindi naman siya magkakaganyan kung wala, 'di ba?"

"Ewan ko, tara na nga sa classroom."

Mukha lang akong walang pakialam pero mamamatay na talaga ako sa kakaisip kung ano ang problema niya. Ano kaya ang eksena sa loob ng classroom nina Tristan? 'Di ba magkakasama silang tatlo dun? Haaay.

Lumipas ang mga araw. At araw-araw ay gigising ako na parang laging may kulang, nakikita ko siya pero parang ang layo niya sa 'kin. Hanggang sa dumating ang araw na alam kong pabalik na si Nathan sa Canada kinabukasan. Kung aalis din pala siya, sana hindi na siya nagpakita! Leche, okay na ako kay Tristan eh!

Tahimik ang buong eskwelahan nang dumating ako, napaaga siguro ako ng pasok. Nang mapadaan ako sa gym, nagulat ako sa aking nakita—may malaking tarpaulin na may nakasulat na...

"SEE ME AFTER CLASS AT THE ROOFTOP." -Tristan

Continue Reading

You'll Also Like

32M 775K 136
Published by VIVA PSICOM <3 Now available in bookstores! *Kayleen's Story* Next book: Dear Ex-Boyfriend [Completed]
5.5K 304 29
Carly Elizalde is the new girl in Hillpointe University. With the help of her cousin and her friends, she planned to keep a lowkey profile and be as...
229K 5K 34
KLANE EVANS CRAIG is known for powerful and strongest person in the underground world- where illegal things happen. He become the mafia Lord when he'...
476K 2.5K 9
Aeyzha Aviemorr Benevente made her biggest mistake when she accused her close friend for letting their company down. Hindi siya nagtiwala sa kaibigan...