Falling Inlove With My Enemy

By MabuHangin

8.7K 258 119

More

Falling Inlove With My Enemy
FIWME-1
FIWME-2
FIWME-3
FIWME-3.1
FIWME-3.2
FIWME-4
FIWME-4.1
FIWME-4.2
FIWME-5
FIWME-6
FIWME-7 [CHIBI]
FIWME-8
FIWME-9
FIWME-10
FIWME-11
FIWME-12
FIWME-13
FIWME-14
FIWME-15
FIWME-16
FIWME-17
FIWME-19.1
FIWME - 19.2
NOTE!
FIWME-20

FIWME-18

230 7 2
By MabuHangin

*Ally's Pov*

"hindi mauubos yan kung tititigan mo lang"

"h-ha?" para akong nagising dahil sa sinabi nya.. Nilingon ko sya pero agad kong binawi ang tingin ko sakanya.. Ikaw ba naman tignan ng nakakatunaw at nakangiti ee >/////<

ramdam ko na naman ang pag init ng mukha ko.. Grabe talaga 'tong asungot na 'to tingin palang nakakakilig na.. Enebey.. Ahahaha

naalala ko tuloy yung mga sinabi nya kanina..

*flashback*

"Ally GUSTO KITA!"

lalo akong di nakagalaw sa sinabi nya.. Para akong napako sa kinatatayuan ko.. Yung tibok ng puso ko lalong bumilis.. Matutuwa ba ako sa sinabi nya? Kikiligin ba ako? Maniniwala?

Isa na naman ba 'to sa trip nya? Maniniwala ako pagkatapos ano? Pagtatawanan ulit? Paaasahin?

Ayokong maniwala kahit gustong gusto ko.. Ayokong maniwala dahil alam ko na masasaktan lang ulit ako.. Ayokong maniwala kahit ramdam kong parang totoo..

Inalis ko ang kamay niya na nakahawak sa braso ko..

Habang ginagawa ko yun parang nakalunok ako ng malaking bato at gumagasgas sa lalamunan ko.. Ramdam ko din yung pamumuo ng luha sa mga mata ko..

"S-sikoy nakakatawa yang joke mo HAHAHA!!! Ang sakit sa tiyan sobra HAHAHA" tama Ally tawanan mo nalang.. Tawanan mo kahit nasasaktan ka.. Tawanan mo para ipakita sakanya na di ka naaapektuhan..

Maglalakad na sana ako para lumabas sa kwarto ng maramdaman ko na niyakap nya ko mula sa likod..

"Chibi, gusto kita.. Gusto kita sobra.. Hindi ako nagbibiro alam ko.. Alam ko na nagkamali ako nung una.. Nagkamali ako na sabihin sayo na hindi kita magugustuhan kahit kelan.. At ang laki kong tanga para saktan ka.. Saktan sa mga sinabi ko sayo.. Pero maniwala ka Chibi gustong gusto kita.. Naduwag ako! Natakot! Baka pag sinabi ko sayo iwan at layuan mo din ako! Natakot ako na baka gusto mo yung pangit mong manliligaw.."

tuluyan ng tumulo ang luha ko.. Di dahil sa sakit.. Kundi sa tuwa..

Totoo diba? Hindi lang ako nagkakamali ng dinig? Gusto nya ako? Gusto nya ako...

"tuwing nakikita ko kayong magkasama nasasaktan ako Chibi.. Nagseselos ako.. Gusto ko ako lang ang kasama mo.. Gusto ko ako lang nagpapasaya sayo.. Gusto ko ako lang.."

di ko na alam kong ano mararamdaman ko..

Kung panaginip man 'to please lang wag niyo na akong gisingin..

Umalis sya sa pagkakayakap sakin at hinawakan nya ako sa magkabilang balikat.. Hinarap nya ako sa kanya..

Syet di ako makatingin sakanya kaya napayuko ako.. Baka pag tumingin ako sakanya di ko kayanin ahahaha.. Di ko kayanin sa sobrang kilig XD

napapikit ako ng maramdaman ko ang mainit nyang palad sa pisngi ko.. Marahan nya 'tong hinaplos..

"pwede naman yun diba Chibi? Pwede namang ako lang?" pinunasan nya ang luhang pumapatak sa mga mata ko.. Di ko mapigilan na umiyak sa tuwa..

"Chibi, masaya ako na nakilala kita.. Ikaw ang nagbalik sa ngiti sa mga labi ko.. Kaya gusto ko ako naman ang magpangiti sayo.." sabi nya at niyakap nya ako..

Para akong matutunaw sa lahat ng mga sinabi nya.. Lumulutang ako sa saya.. Hindi ako makapaniawala.. Lalo akong naluha..

Ilang minuto kaming nasa ganong posisyon.. Nagpapakiramdaman.. Rinig na rinig ko ang tibok ng puso nya.. Pareho kami.. Di ko maiwasang mapangiti.. Ilang araw akong umiyak at nasaktan dahil sa kanya pero ito ngayon, nakangiti at masayang masaya dahil sakanya..

"Chibi, gusto mo din ako diba?" tanong nya.. Nakayakap padin sya sakin..

Di pa ba obvious? Magpapayakap ba ako kung di ko siya gusto? Andito parin ba siya kung di ko siya gusto? Bakit ba bang manhid ng asungot na 'to? =______=

humiwalay ako ng yakap sa kanya..

"Gusto mo ko diba?"tanong niya ulit..

Sasabihin ko na ba? Sasabihin ko na.. Gusto nya ako.. Walang mawawala kung sasabihin ko..

Huminga akong ng malalim at tumingin sa mga mata nya.. Nakita ko yung kaba at excitement.. Nakakatuwa siyang tignan.. Para siyang bata na may gustong bilhing laruan :)

"Sikoy, hindi kita gusto.." di ko naman talaga gusto siya ee..

Nagbago ang expression ng mukha nya.. Nalungkot siya..

Tumalikod siya sakin at nagsimulang maglakad papunta sa mga gamit niya..

Gusto kong tumawa ng malakas ahahahaha.. Ganun nalang ba siya kabilis sumuko?

Naglakad ako palapit sakanya at niyakap siya.. Bakit ba? Ee ang sarap niyang yakapin ee ahahaha..

"Sikoy di kita gusto..kasi mah---"

*crooooookkkkkkkkk*

(tunog po yan ng tiyan.. Ahahaha)

>______< nakakainis..

Napabitaw ako ng yakap sakanya at yumuko.. Naramdaman ko naman na humarap siya sakin..

"tara kain tayo.. Ipagluluto kita" sabay hawak sa kamay ko..

Tumingin ako uli ako sakanya.. Nakangiti siya sakin.. Ngiting hindi mo matutumbasan ng kahit ano.. Ngiting sakin niya lang pinapakita..

Ang ngiting paulit ulit tumutunaw sa puso ko..

*end of flashback*

"psshh akin na nga!" para akong nagising ng bigla nyang kunin sakin yung kutsara na hawak ko.. Napatingin ako sakanya.. Nasakanya na pala yung pagkain ko.. Langya to balak pa ko agawan..

"anong--- hoy ibalik mo yan! Kumuha ka n---"

"ayan.. Kasi gusto pa ng sinusubuan ee.. Kung alam ko lang na tititigan mo lang 'to di sana kanina ko pa ginawa 'to" sabi nya sakin ng nakangiti..

Di ako makapagsalita hindi dahil sa puno ang bibig ko dahil sa dami ng pinakain nya sakin.. Di ako makapagsalita dahil sa ginawa at sinabi nya sakin..

Di ko alam ang gagawin ko.. Halo halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon simula ng magising ako kanina..

Napayuko nalang ako habang nginunguya ang pagkain sa bibig ko..

"matsalap naman pala 'tong niluto ko ee.." napatingin ulit ako sakanya.. Halos mabulunan ako ng tignan ko siya..

Bigla kong nilunok yung pagkain na nasa bibig ko..

"waaaaahhh b-bakit mo ginamit kutsara ko?!" alam ko pulang pula yung mukha ko ngayon..

>/////<

"anong masama dun? Tinatamad akong kumuha ee" sabi nya at sumubo ulit..

Di nya ba inisip na parang.. Parang.. Waaaaahhhh!!!

"kumuh---"

"ang ingay mo talaga!"

sinubuan nya ako ulit.. >______<

kakainis 'tong asungot na 'to ipapakain ko sakanya yung plato ee..

"akin na 'to!" sabay agaw ng pagkain ko..

"hoy Chibi ako nagluto nyan! Penge ako aba!" sabay hawak nya ulit sa plato ko..

"waahhh! Umuwi ka sa bahay mo! Dun ka kumain!" sabay hila ulit sa plato.. Buti nalang di natapon yung pagkain.. Tinignan ko sya ng masama.. Porket ba sya nagluto kelangan makikain sya? At at at.. Waahhhhhh >///<

"ang pangit mo talaga" sabay tayo nya.. Lumakad sya papuntang sofa at kinuha ang gamit nya.. Di siya lumingon sakin hanggang makarating siya sa pinto..

Napayuko ako.. Nagalit ata siya sakin.. Ikaw naman kasi Ally! Nakakaasar ka talaga.. Gusto kong sabunutan ang sarili ko.. Kakaayos lang namin pero inaway ko na naman siya..

"uuwi na ko.. Bukod sa pangit ka na nga ang takaw takaw mo pa.. Mauubos ata yung pera ko sayo.. Kita nalang tayo bukas" naramdam ko yung mainit nyang hininga sa tenga ko.. Ayoko lumingon.. Baka di ko kayanin yung mangyayari pag lumingon ako..

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat ng maramdaman ko ang mainit na bagay sa pisngi ko.. Bumilis na naman lalo ang tibok ng puso ko.. Di ako makagalaw..

Narinig ko nalang yung pagsara ng pinto ko..

Ilang minuto pa akong ganun bago ko hinawakan ang pisngi ko.. Di ako makapaniwala.. Hinalikan nya ko.. Sa pisngi nga lang.. Pero waaaahhhhhhh (////) asungot ka talaga..

--------------

"mamili ka hahawakan ko kamay mo o bubuhatin kita hanggang makarating tayo ng room?"

nakakainis naman 'tong si Sikoy ee >_____<

kanina pa siya simula pa kaninang umaga.. Simula nung umalis kaming apartment gusto niya lagi kaming magkatabi..

Lalo na nung nasa daan kami alam kong sinadya nyang bilisan ang pagpapatakbo nya sa motor nya para makayakap ako sakanya.. Oo kinikilig na ko kahapon pa.. Ee kasi naman kung umakto 'tong si Sikoy parang kami :'>

"anong nginingiti ngiti mo dyan Chibi? Ang pangit mo di bagay.. Iniisip mo na naman ako, katabi mo na nga ako.. Pss--- aray bakit ka ba nangungurot!" singhal siya sakin..

Natutuwa na naiinis ako sakanya..

Lagi nya kong sinasabihang pangit.. Akala ko ba gusto nya ako? Bakit puro nalang pangit naririnig ko sakanya? >3<

natutuwa ako kasi hanggang ngayon di ako makapaniwala sa mga nangyayari.. Akala ko kanina paggising ko panaginip lang ang lahat.. Akala ko lang pala kasi hanggang ngayon ramdam ko padin yung kilig at saya dahil kay Sikoy..

"napakayabang mo talaga kahit kelan!" sabay lakad ko.. Napangiti naman ako.. Bakit ba?! Ee kinikilig ako..

Naramdaman ko nalang yung mainit nyang palad sa kamay ko.. At gaya ng nararamdaman ko tuwing ginagawa nya yun, libo libong boltahe na naman ng kuryente ang kumalat sa katawan ko..

"sabing wag kang aalis sa tabi ko ee!" may inis nyang sabi.. Tumigil ako sa paglakad at humarap sakanya na nakataas ang kilay..

Oo na ako na mataray ahahaha..

"bakit ba?! Ee sa ayaw kong tumabi sayo! Ang yabang yabang mo.. Palagi mo pa akong sinasabihan ng pangit! Kahit alam ko yun masakit padin ha.. At saka kung umakto ka kala mo boyfriend kita!" inis kong sabi pero wala sa loob ko yun.. Gusto ko lang syang pagtripan ahahaha..

"ayaw kong mawala ka sa paningin ko kaya gusto kong katabi kita palagi.. Ayaw kong may makatabi sayo, gusto ko ako lang.. Ayaw ko nang maranasan na sa malayo ka lang tignan.. Ayaw kong may ibang humawak sa kamay mo kasi di mo alam kung gaano ako nasasaktan.. Gusto kong ipagdamot ka sa iba, kahit sino pa sila..di naman masamang maging makasarili diba? Kung ikaw naman ang

ipagdadamot ko sa kanila.. " seryoso nyang sabi sakin at nakatingin sa mga mata ko.. Ako, napatulala lang sa mga narinig ko..

"lagi kong sinasabing pangit ka dahil di ko alam kung paano sasabihin sayo na napakaganda mo.. Oo na torpe na ko.. Masisisi mo ba akong laging umuurong yung dila ko dahil sayo? Sorry kung umaakto akong ganito.. Pero sa maniwala ka o hindi.. Kahapon pa kong nanliligaw sayo.. Pwede naman diba Chibi?" sabay hawak nya sa balikat ko..

Phaksyet lang yun lang talaga yung masasabi ko.. Gusto kong tumili sa sobrang kilig.. Kasi naman 'tong si Sikoy.. Pakiramdam ko ako na ang pinakaswerteng babae sa buong mundo >////<

di parin ako makapagsalita.. Sino ba makakapagsalita kung may magsabi sayo ng ganyan? Kahit kayo alam ko lulubog din kayo sa kinatatayuan nyo XDD

"oh ngumingiti ka dyan? Di mo naman kelangan pigilan yang kilig mo ee.. Sa gwapong kong 'to ahah--- aray nakakarami ka na ha!" hinampas ko siya sa braso.. Kasi naman di ba pwede alisin nya muna yung kayabangan sa katawan nya? Yun na tapos aiiiiisssshhh..

Lumakad ulit ako, pero bilisan ko na.. Nakakainis kasi panira ng moment..

"uy Chibi saglit! Binibiro ka lang ee.." nakasunod siya sakin..

Nakakainis talaga 'tong asungot na 'to kahit kelan..

Naramdaman ko nalang ulit na nakahawak na pala ang kamay niya sa kamay ko.. Nang tinignan ko siya nakangiti siya at nakatingin ng deretso sa daan..

Napangiti ulit ako.. Humigpit ang hawak nya sa kamay ko..

Ay grabe nanliligaw palang DAW siya pero pakiramdam ko kami na talaga XD

syete ka Sikoy.. Wag mo kong sanayin na ganito baka hanapin ko..

Wala na kaming imikan papunta sa room.. Siya na din nagdala ng mga gamit ko.. At habang naglalakad kami, ang daming mga matang nakatingin samin.. Madaming bulong bulungan.. Di ko masyadong marinig dahil bulungan nga diba? Siguro dahil magkahawak kamay kami ni Sikoy na naglalakad.. Mainggit kayo bleehh!

"Al..."

awtomatiko akong napahinto sa paglakad.. Huminto din si Sikoy at lalo nyang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko..

Bigla nalang akong kinabahan at para ba akong nakagawa ng isang krimen.. Di ako makalingon sa likuran.. Alam ko pag lumingon ako makikita ko ang isang tao na nasasaktan..

***

ahahahaha at last nakapagud din.. Pasensya na kong lame 'to.. Pagtyagaan nyo nalang yung landian ng dalawa ahahaha XD

thank you sa mga new readers :D

Comment lang kayo XD

MabuHangin

Continue Reading

You'll Also Like

49.7K 1.4K 40
As a assassin , Charlotte Vinci is best at kill . Shes a college student , currently studying in Medical field. And in her free time , shes studying...
34K 764 42
Ako si Isabella Fernandez, isang simpleng mamamayan sa bayan ng Asturias. Simple at tahimik lang ang buhay ko, hindi man kami mayaman pero masaya kam...
4.4M 170K 77
He ordered two men he could trust to fetch the woman he had chosen to marry. But due to a mistake, a different woman than he expected came.... "S-sor...