FIWME-20

107 7 4
                                    

Naglalakad ako ngayon sa hallway papuntang second floor ng school, bakit kasi doon pa yung room namin eh, kakatamad tuloy. Oo ako na talaga ang tamad. Hindi naman sa tamad talaga ako, pero kasi masyado lang akong pagod, dami ko kasing iniisip. Si Zhirck, si Topher at si Karen.

Halos di na ko makapag-focus sa pag-aaral at trabaho dahil may asungot na nanggugulo. Hanggang ngayon hindi padin ako nakakahingi ng tawad kay Topher. Hanggang ngayon malungkot padin si Karen, alam ko isa ako sa dahilan kung bakit siya ganoon.

Nalulungkot ako kasi hindi ko parin siya makausap ng maayos, nag-uusap kami oo, pero hindi na katulad ng dati. Lagi niyang sinasabi na wala akong kasalanan at wag ko siyang intindihin, magagawa ko ba yun eh bestfriend ko siya.

Wala sa isip na naipukpok ko ang librong hawak ko sa noo ko. Ang tanga mo kasi Ally eh. Pangaral ko sa sarili ko.

Dahil sa pinaggagawa ko hindi ko namalayang nakabangga na pala ako at dahil dun muntik na ko matumba pero agad ako nahawakan sa mga kamay ng taong nabangga ko.

"Sorry, sorry po" sabi ko habang nakayuko padin, hindi ko na kasi nagawang tignan kung sino ang nabangga ko sa sobrang hiya.

Patuloy lang ako sa paghingi ng sorry sakanya. Nag-angat ako ng tingin, laking pagkakamali ko na ginawa ko yun.

Dalawang pares ng mga mata. Mga matang dama mo ang lungkot at sakit, napayuko ulit ako. Hindi ko siya kayang tignan.

"wag kang magsorry, hindi mo kasalanan." parang tumagos sa akin ang mga sinabi niyang yun. Parang lalo akong naguilty, naiiyak ako.

"hindi rin naman ako tumitingin sa dinaraanan ko" pagpapatuloy niya.

"T-Topher" nauutal kong sabi.

Napansin kong may pinulot siya sa sahig at inabot niya sa akin, ang libro ko.

"sige na, mauna na ako. malelate na kasi ako" sabi niya at dinaanan lang ako na parang walang nangyari.

"nga pala, smile.. Just smile" hindi ko na nagawang lingunin siya para kasi akong pinako sa kinatatayuan ko dahil sa sinabi niya.

Nasaktan ko siya pero ako padin ang iniisip niya. Sorry Topher. Bigla nalang bumagsak ang mga luha ko. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko, hindi ko na alam ang gagawin ko. Kung sasaya ako may masasaktan na iba.

"tss."

Ang boses na yun. Alam ko na nasa harap ko na siya.

"stop crying chibi, hindi bagay sayo." yeah right. Kahit kailan talaga panira ka talagang asungot ka.

inirapan ko lang siya. Naglakad ako ulit. Wala akong panahon makipagbwisitan sa kanya, madami na kong iniisip.

"sungit" rinig ko sa kanya. Nakasunod pala siya sa akin.

Naramdaman ko nalang ang mga kamay niyang nakahawak sa mga braso ko, napatigil tuloy ako sa paglalakad. Hinarap ko siya.

"bakit ba?" mataray kong sabi at tinanggal ang mga kamay niyang nakahawak sa akin.

"tss.. Dapat pala kanina pa kita nilapitan. Di sana hindi na kayo nagkabanggaan. Hindi ka na sana niya nahawakan." nakatingin siya sa akin. Tinging tumutunaw palagi sa akin. Bakit ka ba palaging ganito sa akin Zhirck?

Naramdaman ko nalang na niyakap niya ako. Libo-libong mga daga na naman ang naghahabulan sa dibdib ko. Tuwing ginagawa niya ang mga ganitong bagay lalo akong nahuhulog sa kanya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 03, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Falling Inlove With My EnemyWhere stories live. Discover now