FIWME-17

246 10 7
                                    

Isang malakas pa na suntok sa mukha ang binitawan ko bago ako tumayo..

Mga hayup! Ang lakas ng mga loob.. Mali sila ng binangga.. Mali sila ng pinaglaruan..

Nung nakita ko kaninang tumatakbo at parang takot na takot si Chibi, sinundan ko siya.. Lagi akong ganito.. Sinusundan siya kahit saan siya magpunta.. Buti nalang binabantayan ko siya.. Kung hindi baka kung ano na nagawa ng mga gagong 'to sakanya..

Isang sipa pa ng napakalakas sa tiyan ang ginawa ko..

"gago!"

galit na galit talaga ako ngayon.. Gusto kong wasakin ang mga mukha nila.. Wala silang karapatang ganunin si Ally..

Sasapakin ko pa sana ulit ng biglang naramdaman ko ang patak ng ulan sa katawan ko.. Saka ko lang naalala si Chibi..

Nilingon ko siya..

Napatakbo agad ako ng makita syang nakahiga sa lupa at walang malay.. Basang basa nadin siya dahil nauulanan siya..

"fck!"

dali dali kong hinubad ang uniform ko at tinakpan ang katawan nya.. Napunit ang uniform nya gawa ng mga gago..

"Chibi! Chibi!" tinapik tapik ko ang pisngi nya..

Fck ang init nya...

Binuhat ko siya agad dinala agad sa may silong..

Nilapag ko sya sa sahig at kinuha ang cellphone ko sa bulsa.. Buti nalang di nabasa gaano 'to..

"hello Bert. bring my car here--- yes.." in-off ko agad at nilagay ulit sa bulsa ko..

"hmmm" napalingon ako kay Chibi.. Kita ko ang panginginig nya dahil sa lamig.. Sht talaga.. Dahil sa nalilito ako kung anong gagawin ko niyakap ko siya..

Inaapoy na siya ng lagnat..

Niyakap ko lang siya ng mahigpit..

"konti nalang Chibi.. Antay ka lang ng konti"

nasasaktan ako ngayon.. Nasasaktan na makita siyang ganito.. Okey lang na ako ang masaktan.. Okey lang.. Pero SIYA? Hindi ko kaya..

Ngayong alam ko na kung ano talaga ang nararamdaman ko para sakanya.. Gagawin ko ang lahat para di siya masaktan.. Ang laki kong gago para sabihin sakanya na hindi ko siya magugustuhan.. Ang laki kong tanga.. Pero nasabi ko lang yun sakanya dahil nalilito ako sa tunay kong nararamdaman..

Nung makita ko sila ni Topher sa Canteen, tngna gusto kong basagin ang mukha nya.. Gusto kong sabihin sakanya na wala siyang karapatan.. Pag nakikita kong tumatawa si Chibi kapag kausap siya.. Gusto ko siyang sigawan at sabihinh AKO lang dapat ang NAGPAPASAYA sakanya..

Nilalamon ako ng selos at inggit.. Naiinis din ako sa sarili ko dahil ang laki kong duwag.. Naduwag ako.. Natakot.. Natakot na baka pag sinabi ko talagang gusto ko siya.. Mawala din siya katulad ni Kei.. Natatakot akong masaktan ulit..

Pero ngayon na nasa bisig ko siya.. Hinding hindi na ko magsasayang pa ng pagkakataon.. Kahit itaboy niya pa ako.. Patuloy ko parin siyang babantayan..

GUSTO ko SIYA.. Gustong gusto..

Mga ilang minuto pa ang lumipas at dumating nadin si Bert..

"Sir Zhirck"

napalingon ako sakanya.. Nakatayo siya at may hawak na payong..

Dahan dahan kong binuhat si Chibi at naglakad palapit kay Bert..

"Sir, tulungan ko na po kayo"

"no Bert, kaya ko na 'to"

ayaw ko siyang ibigay sa iba.. Mas gusto kong ako ang nahihirapan basta para sakanya..

Falling Inlove With My EnemyWhere stories live. Discover now