FIWME-19.1

266 11 3
                                    

*Topher's Pov*

Hawak hawak ko ngayon ang isang bouquet ng bulaklak.. Balak ko kasing salubungin si Ally sa gate at ihatid sa room nila.. Gusto ko sana syang sunduin sa apartment nya kaso nahuli ako ng gising dahil sa gig at tinulungan namin si Karen sa shop.. Nagtext kasi si Ally na tulungan ko daw muna si Karen dahil masama ang pakiramdam nya.. Gusto ko siyang dalawin pero busy ako.. Hindi siya pumasok kahapon pati ang hambog na Zhirck na yun.. Kampante naman akong di sila magkasama.. Alam kong galit si Ally sakanya..

Malabo.. Pero kahit anong isip ang gawin ko... Masakit padin..

Katulad ngayon..

Humigpit ang hawak ko sa bouquet.. Tumindi ang kirot na nararamdaman ko sa dibdib.. Gusto kong tumakbo at suntukin sa mukha si Zhirck.. Pero nanatili lang ako sa pwesto ko.. Sa pwestong kita kita ko silang pareho..

Kita kita ko sa mga mata ni Ally ang saya.. Ang saya na kahit kelan di ko nakita tuwing magkasama kaming dalawa.. Alam ko naman nung umpisa palang talo na ko.. Pero di naman masamang umasa diba? Umasa sa taong mahal mo.. Umasa na mamahalin ka din nito.. Pero totoo nga ang sabi nila.. Di lahat ng bagay mapipilit mo.. Ilang beses na din siyang tumangi sa panliligaw ko.. Ako lang 'tong gago.. Nagpumilit pa kasi ako..

Napapikit ako ng hawakan ni Zhirck ang kamay niya.. Lalo akong pumikit ng marinig ko ang mga tawa nila.. Lalo na ang tawa nya.. Parang may kung anong malakas na tunog na itinapat sa aking tenga.. Ang sakit.. Ang sakit na dumideretso sa puso ko..

Hindi ako nakatiis.. Humakbang ako papunta sa kanila.. Sinundan kung san sila nagpunta.. Para akong baliw na tinitignan ng iba.. Pero wala akong pakealam, wala akong pakealam sa mga sinasabi nila.. Ang gusto ko lang ay makita siya.. Makita siya kahit wasak na wasak na ako.. Ang tanga ko diba?

Nang makita kong malapit na sila sa room.. Di ako nagdalawang isip na tawagin ang pangalan niya.. Para akong kinapos sa paghinga nung banggitin ko ang pangalan niya..

"Al.."

parang lahat ng bahagi ng katawan ko tinawag din siya.. Ang bigat.. Sobrang bigat..

Huminto sila pareho.. Napansin kong humigpit lalo ang hawak ni Zhirck sa kamay niya.. Tangna! Gustong gusto kong alisin ang kamay na yun sa kanya.. Pero alam ko namang kahit alisin ko yun, hindi hindi nya bibitawan.. Kung bibitawan niya man alam kong hahawakan niya ulit..

Bakit pa ba ako nandito? Bakit hindi pa ko umalis para di na ko nasasaktan.. Bakit?!

"A-al.."

medyo basag na ang boses ko.. Ilang saglit pa lumingon na sya.. Nakita ko ang lungkot.. Lungkot para sakin..

Para saan pa 'tong mga hawak kong bulaklak? Para saan pa,gayong alam kong may hawak hawak na siya.. Di man bulaklak pero alam ko mahalaga sakanya..

Humakbang ulit ako.. Tinignan ko siya.. Andun padin yung lungkot.. Gusto kong hawakan ang maamo nyang mukha at sabihing.. Ayos lang ako, ayos lang ako...

Tumingin din ako kay Zhirck.. Tinignan ko siya ng matalim.. Kung nakakamatay lanng ang titig matagal na nasa hukay 'tong kumag na 'to..

Tanggap ko na na talo ako sa kanya.. Pero wag niya lang sasaktan si Ally.. Kasi sisiguraduhin kong hindi niya mahahawakan kahit dulo ng daliri ni Ally..

Lumunok ako at pumikit bago nagsalita ulit..

"A-al.. Para sayo.." abot ko sakanya ng bulaklak.. Tinignan niya yun na may lungkot.. "ahahahaha b-bakit ko ba binibigay sayo 'to? Di mo naman kelangan.. A-ahm s-sige pasok na ko" tumalikod ako sabay takbo.. Narinig kong tinawag niya ko pero di parin ako huminto.. Para saan pa?

Fck! Naiiyak ako.. Wala namang nagsabi na bawal umiyak ang mga lalake diba? Ang sakit kasi.. Sobra..

Napunta ako sa music room.. Walang tao.. Siguro pumasok na sila sa klase..

Sinara ko ang pinto at humarap sa pader.. Fck! Fck! Fck!

Binato ko sa pader ang bouquet na hawak ko.. Pagtapos inulan ko ng suntok ang pader.. Suntok ako ng suntok pero di ko naramramdaman ang sakit.. Kasi mas masakit ngayon yung puso ko..

Suntok parin ako ng suntok hanggang pabagal ng pabagal.. Napaluhod ako at tuluyan ng umiyak..

SAKIT lang ang tanging nararamdaman ko..

"To-topher"

rinig kong may tumawag sakin pero di ko pinansin.. Tuloy lang ako sa pag-iyak..

"Topher a-ayos ka lang?"

parang isang suntok sa mukha ang natanggap ko ng narinig ko ang tanong nya..

Tumayo ako bigla at hinarap siya.. Di ko siya napansin dahil blurred na ang nakikita ko..

"AYOS???!! TINGIN MO AYOS LANG AKO?! T*NG*NA! IIYAK BA KO KUNG AYOS LANG AKO?! SINO KA BA HA?! SINO KA PARA TANUNGIN AKO NG GANYAN?! HINDI MO ALAM KUNG ANO ANG PAKIRAMDAM NG NASASAKTAN KAYA TUMAHIMIK KA!!" sigaw ko sakanya.. Tuloy padin ang agos ng mga luha sa mga mata ko.. Sobrang sakit ng nararamdaman ko..

"oo nga.. Sino nga ba ako? Aa ako nga lang pala ang TAONG NAAGMAMAHAL SAYO! Ang taong laging nakatingin sa likod mo.. Ang... Ang taong tinitignan ka mula sa malayo.. Ang taong palaging nasasaktan pag nakikita kang nasasaktan.. Hindi lang ikaw ang nasasaktan Topher.. Hindi lang ikaw.. Hindi lang ikaw ang umiiyak ngayon.. Kasi ako simula ng minahal kita di na nawala ang luha sa mga mata ko habang tinitignan ka na nakatingin sa mahal mo.. Nahihirapan ka ngayon? Naisip mo bang mas may nahihirapan pa sayo? Na sa tuwing kinukwento mo si Ally sakin parang pinapatay ako.. Sa tuwing magpapatulong ka hinihiling ko na sana ako nalang siya.. Masakit sobra.. Na ako nakatingin lang sa likod mo at ikaw nakatingin din sakanya.. Kelan ka ba lilingon sakin?"

umiiyak na siya.. Hindi pag dating nya dito umiiyak na talaga siya..

Si Karen.. Di ko alam kung anong gagawin ko.. Natulala lang ako sakanya habang nagsasalita siya..

"k-kelan ba na ako naman ang titignan mo? Kelan ba ako naman ang kakantahan mo? Kelan ako naman yung magiging dahilan ng pagluha mo? Kelan ba ako naman ang mamahalin mo? Sana nga kayang ayusin ng salitang 'ayos lang' ang lahat.. Sana kaya niyang alisin lahat ng sakit dito" turo niya sa tapat ng dibdib niya.. "kasi katulad mo sobrang sakit na.. Pero hindi niya magawang tumigil na mahalin ka!" singhal niya sakin at tumakbo palabas..

Napaupo ako bigla at napasabunot sa buhok ko.. Nalilito ako na nasasaktan..

"WAAAAAAHHHHHHHHH!" sigaw ko at umiyak ulit..

Ganito ba talaga ang pag nagmamahal? Puro sakit..

Ang g*g* ko din pala sigawan si Karen..

Ano nang gagawin ko?

---------

pakasalan mo ko papa Topher ayun ang gawin mo ahahaha..

Gaya ng lagi kong sinasabi.. Maraming salamat po sa mga nagbaabasi ng FIWME.. Kahit na iilan lang nagcocomment at minsan ee vote masaya na din ako :D malaman ko lang na may nagbabasa pala nitong kalokohan ko ahahaha.. Godbless sating lahat :)))

COMMENT lang po :)))

MabuHangin

Falling Inlove With My EnemyWhere stories live. Discover now