FIWME-14

280 9 5
                                    

"Chibi! Saglit nga.. Bakit ba ayaw mo kong pansinin? Kagabi ka pa aa" hinigit nya ang braso ko para pigilin ako sa paglalakad..

Simula kasi kaninang pasukan di ko siya kinakausap at iniiwasan.. Matapos ng sinabi niya kahapon sa gym na.. na.. na >////< paulit ulit ko kasing naaalala yung sinabi nyang gusto nya ko.. Ewan naiilang talaga ako..

Inalis ko yung kamay nya at hinarap ko syang nakayuko..

"m-may gagawin pa ko.. Sige" lalakad na ko ulit ng hawakan na naman nya yung braso ko..

"wait! Ano bang gagawin mo?"

"a-ano gagawa ako ng.. ng assignment!"

o.O?? =____=

"umayos ka nga Chibi.. Wala naman tayong assignment"

nako patay na.. >__< isip Ally isip!

"hehe ano pala.. Project! Oo gagawa ako ng project!"

binatukan nya ko..

"aray naman!"hinimas himas ko yung ulo ko.. Masakit ha >3<

"ano ka ba nakadrugs?! Anong project pinagsasabi mo dyan?! Wala pa namang binibigay.. Tell me Chibi.. What's wrong?"

hindi ko alam kung malilimutin ba talaga tong si Sikoy o malilimutin ba talaga ee.. Di nya ba magets na naiilang ako sakanya? Saktan ko kaya ng bongga toh?

"okay fine! NAIILANG ako SAYO! Masaya ka na?" inis ko sabi sakanya..

Tinignan nya lang ako ng seryoso.. Umiwas naman ako ng tingin dahil lalo lang ako naiilang sakanya..

"dahil ba yun sa sinabi ko kahapon?"

bigla nalang akong kinabahan at napaharap sa kanya.. Oh ghad.. My heart beats fast..

"a-ata" tumingin ulit ako sa ibang dereksyon.. Kung makatingin kasi parang nantutunaw..

"Chibi. Dahil ba yun sa sinabi kong GUSTO KITA?!" nagsitayuan ang mga balahibo ko sa batok ng maramdaman ko yung mainit nyang hininga sa tenga ko.. Bwesit ka Sikoy!

Pero yung kabang nararamdaman ko kanina ay napalitan ng pagtataka ng bigla syang tumawa..

"ahahahhaha you're really Stupid Chibi.. Di kita gusto.. Do you remember what I've said before? I will never like you.. Ginawa ko lang yun para asarin si Topher.. Haha"

para akong nabingi sa sinabi nya... Bigla nalang ako nakaramdam ng kirot sa puso ko.. Yung kirot lalong sumakit dahil lalong lumalakas yung sinabi nya sa isip ko.. Sa isip na napunta sa puso.. Parang hindi ako makahinga..

Oo naalala ko yun.. Pano ko hindi maaalala yun ee yun din ang araw na sinabi ko sakanya na hindi ko din sya magugustuhan.. Pero, mali ako..

"ha-ha-ha joker ka noh? Ee hindi naman yun tungkol kahapon ee.." hinampas ko sya sa braso nya.. "m-may mahalagang gagawin lang talaga ako ngayon.. Sige" kahit feeling ko hirap ako magsalita sinabi ko padin.. Ayoko kong isipin nya na gusto ko sya.. Baka lalo nya kong pagtawanan..

Tumalikod ako sakanya.. At nagsimula ng maglakad..

"Chibi tara kain tayo! Saka sabay ka na sakin mamaya!" huminto ako pero hindi ako lumingon.. Kasi baka pag lingon ko makita nya yung mga luha kong nagpipigil na tumulo..

"h-hindi na.." dun na bumagsak ang luha ko.. Masakit pala.. Mas masakit kesa kay Dave..

Sa ilang araw na palagi kaming magkasama bakit di ko iniisip na wag mahulog sakanya.. Bakit ang tanga ko para magkagusto sakanya.. Una palang sinabi na nya na hindi nya ko magugustuhan.. Tama sya STUPID nga ko..

Falling Inlove With My EnemyWhere stories live. Discover now