FIWME-18

230 7 2
                                    

*Ally's Pov*

"hindi mauubos yan kung tititigan mo lang"

"h-ha?" para akong nagising dahil sa sinabi nya.. Nilingon ko sya pero agad kong binawi ang tingin ko sakanya.. Ikaw ba naman tignan ng nakakatunaw at nakangiti ee >/////<

ramdam ko na naman ang pag init ng mukha ko.. Grabe talaga 'tong asungot na 'to tingin palang nakakakilig na.. Enebey.. Ahahaha

naalala ko tuloy yung mga sinabi nya kanina..

*flashback*

"Ally GUSTO KITA!"

lalo akong di nakagalaw sa sinabi nya.. Para akong napako sa kinatatayuan ko.. Yung tibok ng puso ko lalong bumilis.. Matutuwa ba ako sa sinabi nya? Kikiligin ba ako? Maniniwala?

Isa na naman ba 'to sa trip nya? Maniniwala ako pagkatapos ano? Pagtatawanan ulit? Paaasahin?

Ayokong maniwala kahit gustong gusto ko.. Ayokong maniwala dahil alam ko na masasaktan lang ulit ako.. Ayokong maniwala kahit ramdam kong parang totoo..

Inalis ko ang kamay niya na nakahawak sa braso ko..

Habang ginagawa ko yun parang nakalunok ako ng malaking bato at gumagasgas sa lalamunan ko.. Ramdam ko din yung pamumuo ng luha sa mga mata ko..

"S-sikoy nakakatawa yang joke mo HAHAHA!!! Ang sakit sa tiyan sobra HAHAHA" tama Ally tawanan mo nalang.. Tawanan mo kahit nasasaktan ka.. Tawanan mo para ipakita sakanya na di ka naaapektuhan..

Maglalakad na sana ako para lumabas sa kwarto ng maramdaman ko na niyakap nya ko mula sa likod..

"Chibi, gusto kita.. Gusto kita sobra.. Hindi ako nagbibiro alam ko.. Alam ko na nagkamali ako nung una.. Nagkamali ako na sabihin sayo na hindi kita magugustuhan kahit kelan.. At ang laki kong tanga para saktan ka.. Saktan sa mga sinabi ko sayo.. Pero maniwala ka Chibi gustong gusto kita.. Naduwag ako! Natakot! Baka pag sinabi ko sayo iwan at layuan mo din ako! Natakot ako na baka gusto mo yung pangit mong manliligaw.."

tuluyan ng tumulo ang luha ko.. Di dahil sa sakit.. Kundi sa tuwa..

Totoo diba? Hindi lang ako nagkakamali ng dinig? Gusto nya ako? Gusto nya ako...

"tuwing nakikita ko kayong magkasama nasasaktan ako Chibi.. Nagseselos ako.. Gusto ko ako lang ang kasama mo.. Gusto ko ako lang nagpapasaya sayo.. Gusto ko ako lang.."

di ko na alam kong ano mararamdaman ko..

Kung panaginip man 'to please lang wag niyo na akong gisingin..

Umalis sya sa pagkakayakap sakin at hinawakan nya ako sa magkabilang balikat.. Hinarap nya ako sa kanya..

Syet di ako makatingin sakanya kaya napayuko ako.. Baka pag tumingin ako sakanya di ko kayanin ahahaha.. Di ko kayanin sa sobrang kilig XD

napapikit ako ng maramdaman ko ang mainit nyang palad sa pisngi ko.. Marahan nya 'tong hinaplos..

"pwede naman yun diba Chibi? Pwede namang ako lang?" pinunasan nya ang luhang pumapatak sa mga mata ko.. Di ko mapigilan na umiyak sa tuwa..

"Chibi, masaya ako na nakilala kita.. Ikaw ang nagbalik sa ngiti sa mga labi ko.. Kaya gusto ko ako naman ang magpangiti sayo.." sabi nya at niyakap nya ako..

Para akong matutunaw sa lahat ng mga sinabi nya.. Lumulutang ako sa saya.. Hindi ako makapaniawala.. Lalo akong naluha..

Ilang minuto kaming nasa ganong posisyon.. Nagpapakiramdaman.. Rinig na rinig ko ang tibok ng puso nya.. Pareho kami.. Di ko maiwasang mapangiti.. Ilang araw akong umiyak at nasaktan dahil sa kanya pero ito ngayon, nakangiti at masayang masaya dahil sakanya..

Falling Inlove With My EnemyDonde viven las historias. Descúbrelo ahora