They Came from the Sky

By Alesana_Marie

719K 43.8K 9.2K

[Congratulations! You have successfully become a Hunter!] More

Copyright
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine
Chapter Forty
Chapter Forty-One
Chapter Forty-Two

Chapter One

59.2K 1.4K 136
By Alesana_Marie

Chapter One


"Solan, napapansin ko lang, ha. Kanina mo pa tinitignan si Alas. May gusto ka ba sa kanya?" tanong ni Savanah sa kanyang kaibigan habang nagjo-jogging sila paikot sa soccer field.

"Kilala mo siya?" tanong ni Solan na may halong taka at gulat.

"Ano ka ba? Classmate kaya natin 'yan simula first year. Don't tell me, hindi mo siya natatandaan?" natatawa nitong tanong pabalik.

Hindi umimik si Solan. Puno ng takot ang kanyang puso. Imposible. Classmate simula first year? Noong unang makita ni Solan si Alas a week ago, ang akala niya ay isa itong transferee. Ngunit nagulat siya nang wala siyang makitang curiosity sa kanyang mga kaklase pagdating kay Alas. Para bang matagal na nila itong kakilala.

Nakagat ni Solan ang kanyang ibabang labi. Bakit siya lang ang hindi naapektuhan sa pagdating ng lalaki?

"Nga pala, ano ang meron sa'yo? Bakit hindi ka na masyadong sumasama sa barkada? Nagtatampo sina Kyra at Alexi dahil hindi ka na sumasama sa mga lakad natin."

"Sorry. Marami lang talaga ako'ng ginagawa ngayon."

"Katulad ng?" tumaas ang isang kilay nito.

"Nag-sign up ako sa self-defense class."

"Huh? Kaya mo ba kami palaging niyayaya na mag-sign up? Ang akala namin phase lang 'yon. Nag-sign up ka talaga?"

"Sav, sumama na kayo sa akin sa class. Mabuti na 'yong kaya mong protektahan ang sarili mo sa panganib."

"Itong PE class nga natin kinatatamaran ko'ng pasukan, 'yan pa kaya? Same with Kyra at Alexi. Alam mo naman na hindi kami 'yong type na athletic or mahilig magpa-pawis."

Bumuntong hininga si Solan. Gusto niya talagang pasamahin ang mga kaibigan niya sa self-defense class na pinupuntahan niya.

Ang totoo niyan, katulad ng sabi ni Savanah, hindi sila ang tipo na sumasali sa mga ganitong klase. Happy go lucky sila at mahilig lang sa window shopping, pagkain, at gossip. Mga normal lang silang sixteen-year-old high school students. Nagbago ang lahat para kay Solan nang bulabugin siya ng kanyang mga panaginip.

Tuwing gabi, palagi niyang napapanaginipan ang katapusan ng mundo. May mga kakaibang nilalang ang biglang umatake sa kanilang lugar. Malabo ang kanyang memorya at hindi niya masabi kung ano'ng klaseng nilalang ang mga iyon.

Ngunit maliwanag sa kanyang isip ang mga pagsabog ng mga gusali at sigaw ng mga taong nagtatakbuhan.

Ang huli niyang panaginip ang nagsabi sa kanya kung kailan ito mangyayari.

Tatlong bwan simula ngayon, sa araw ng kanilang high school graduation. Uulan ng apoy at dadanak ang dugo sa lupa. Maraming tao ang mamamatay.

"Kahit one-month lang?" pilit niya.

Tinignan siya saglit ni Savanah bago huminga nang malalim.

"O sige. Kakausapin ko sina Kyra pero ngayon palang sinasabi ko na hindi ko mapa-promise na magtatagal kami sa class na 'yan. Kasi you know naman us."

Tumango si Solan at ngumiti. Muli siyang napatingin sa unahan, sa direksyon ni Alas.

'Sino ka ba talaga, Alastair? Isa ka ba sa kanila?'

***

Nagtagal ng tatlong oras si Solan sa self-defense class na kanyang pinapasukan. Pumupunta siya rito tuwing lunes, miyerkules, at biyernes.

Matapos ng klase ay dumiretso siya sa grocery store upang bumili ng mga ipinapabili ng kanyang Mama.

Umuwi si Solan sa kanilang forty square meter apartment na nasa third floor ng isang lumang building. Pagbukas niya ng pinto ay kaagad niyang nakita ang kanyang nakababatang kapatid na babae sa sala. Abala ito sa pagsusulat sa kanyang notebook.

Inabutan pa niya ang kanyang Mama habang ito ay nag-susuklay ng buhok. Night shift ito sa pinapasukang call center.

"Ma," tawag niya.

"Solan, nakauwi ka na? Tulungan mo si Vivian sa assignment niya. Kailangan daw gumawa ng family tree. Gumupit nalang kayo ng pictures dyan sa photo album," nagmamadali nitong sabi saka kinuha ang bag. Sinuot nito ang sapatos at hinalikan siya sa kanyang pisngi. "May pagkain dyan sa lamesa. Pakitiklop sa cabinet ng mga bagong labang damit. Aalis na ako."

"Ingat ka, Ma."

"I-lock mo ang pinto pag-labas ko."

"Opo, Ma."

Pinanood ni Solan na umalis ang kanyang ina. Nang sumarado ang pinto ay kaagad niya itong ini-lock.

"Ate, hindi ko mahanap ang picture nina Lolo at Lola," sabi ni Vivi habang binubuklat ang malaking photo album. Napakamot ito sa ulo at kaagad na nagulo ang nakatirintas nitong buhok.

"Teka, hahanapin ko sa lumang box."

Kalahating oras ang ginugol nila upang matapos ang family tree project ni Vivian. Matapos non ay sinamahan niya sa kanilang kwarto ang kapatid upang matulog. Nang makita niyang tulog na ang kanyang kapatid, tumayo siya at lumabas ng kwarto.

Binuksan niya ang kanyang laptop at nag-search ng mga articles at videos tungkol sa mga extra-terrestrials.

***

"Wait lang, wait lang!" sabi ni Kyra habang naglalakad kami palabas ng building. Hinawi niya ang kanyang mahabang buhok, mapapansin na nawala na ang bangs na pinakaiingatan nito na hwag magulo.

Biyernes. Ngayon ang first day ng self-defense class ng tatlong kaibigan ni Solan. Umabot pa ng isang linggo bago niya nakumbinsi ang mga ito na samahan siya.

"Ano'ng nangyari sa'yo?" takang tanong ni Savanah.

"I think my boobs are falling off," sagot nito habang hawak ang dibdib.

"Ambisyosa. Wala kang boobs!" kontra ni Alexi.

"Ugh. Bakit pakiramdam ko nawala sila?"

"Hahaha! Ilang beses ba naman tayong nabalibag sa mat kanina, pati yata intestines ko nalaglag na," natatawang sabi ni Alexi.

"Tumatawa ka pa! Akala ko ba self-defense class ang pinasukan natin? Eh bakit parang sinasanay tayong maging goons sa mga action movies?"

"Naibalibag mo rin naman ako kanina, Kyra. Quits lang. Masyado ka lang weak," sabi ni Alexi.

"Hindi na yata ako makakatagal..."

"One month, Ky," paalala ni Solan. "Ituloy mo na. Sayang naman yung bayad."

"Masaya naman e, weak lang talaga 'yang si Kyra."

"Masaya ka lang kasi ilang beses mo akong ibinalibag kanina. Naka-ilang testing ka, ah! Next time, babawi ako ng balibag sa'yo. Tignan ko kung makatawa ka pa sa Lunes."

"Okay guys, ano na? Tara samgyeop tayo, malapit lang dito 'yong alam kong kainan," aya ni Savanah bago pa tuluyang mag-away ang dalawa. Siya ang 'Mom' o matured friend sa grupo ng magkakaibigan.

"Yan tayo, e. Kaya nananaba e. Baka hindi na magkasya yung susuotin ko sa graduation. Ipapadala pa naman 'yon ni Tita galing Paris," reklamo ni Alexi.

"Haha, fatty! Mag-tubig ka nalang at langhapin ang amoy ng niluluto namin," tukso ni Kyra. Sa wakas ay may naipang-bara rin siya. Kanina pa siya kinakawawa nitong kaibigan niya.

"At least hindi weak, payatot!" Ipinuyod ni Alexi ang kanyang hanggang balikat na buhok habang naglalakad.

"Guys, tigil na. Nandito na tayo. Wait lang tayo kasi may pila." Kumuha si Savanah ng number nila.

"Sana mabilis lang," bulong ni Solan habang tinitignan ang number nila—pang anim pa sila.

"Maiba nga muna tayo, Solan. Ano ba ang rason kung bakit ka biglang nag-sign up?" tanong ni Alexi.

"Oo nga, akala namin phase lang 'to. Mahilig ka kasing magka-interest sa new hobby and then biglang mawawala after one month. Pero mukhang seryoso ka this time? Ano ba ang meron?" tanong ni Kyra.

"Sasabihin ko sa inyo pero hwag ninyo akong pagtatawanan," seryosong sabi ni Solan sa mga kaibigan.

Biglang sumeryoso ang tatlo habang nakatingin sa kanya.

"Palagi ko kasing nakikita sa mga panaginip ko na..."

"Na ano?"

"Na parating na raw ang mga aliens para sakupin tayo."

Limang segundong katahimikan ang dumaan bago tumawa ang tatlo. Tanging si Savanah lang ang nagtangka na magpigil ng tawa.

"PFFT! What the heck, Solandis? Akala ko may iniiwasan kang creepy stalker kaya ka nag-sign up, but aliens?" natatawang sabi ni Kyra.

"You promised not to laugh," inis na sabi ni Solan sa mga kaibigan.

"I'm sorry pero kasi ang dami naming naisip na rason tapos aliens pala? Seryoso?" nakangiting tukso ni Alexi.

"Seryoso ako, ilang gabi ko nang napapanaginipan 'to."

"Ilang gabi na? Nasabi mo na ba 'to sa Mama mo?" nag-aalalang tanong ni Savanah.

"Hindi."

"At kailan naman darating ang mga aliens sa earth?" tanong ni Alexi.

"Sa graduation day natin."

"Baka naman stress lang 'yan dahil ayaw mo pang gumraduate?"

"Maniwala ka kay Kyra. Psychologist 'yan e," sabi ni Alexi.

"Ang mga panaginip may ibig sabihin 'yan na nire-represent ang reality natin. For example, kapag nakapanaginip ka na tumatakbo ka. In reality, meron kang gustong takasan o iwan."

"Iba 'to okay?" diin ni Solan. "Same dream every night."

"Napanaginipan ko rin si crush, three times na magkakasunod," pahayag ni Alexi.

"Oh my gosh, you hoe, si Kristoff ba 'yan?"

"Ano ka ba, hindi. Nag move-on na ako kay Kristoff kasi naging sila na nung malditang kinaiinisan ko. Iba 'to, si Micah ng class C."

Bumuntong hininga si Solan. Suko na siya. Ang mahalaga ay napasama niya ang mga ito sa self-defense class. Siguro naman ay makakatulong iyon sa pagdating ng araw?

Humawak sa balikat niya si Savanah. "It's okay. Magkakasama parin naman tayo kahit na gumraduate na tayo. Walang iwanan."

"Tama! Walang iwanan!"

"Forever besties!"


Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 35.7K 61
Maxreign Ezriel always watch her brother's friend, Bullet Knights, from afar. Supporting him silently and loving him will all her heart even if he do...
1.4M 45.4K 63
Astreille knew her capability as a hacker and how her strength in that field can ruin someone else's life. For years, aside from writing stories, she...
432K 16.8K 48
Saellyn Yosjua was born with golden spoon in her mouth, being spoiled with all the things she want, and was even trained to act like a princess. But...
10.1M 101K 16
Daughters and sons of conglomerate families gathered at Fukitsu Academy. They believe they are untouchable, yet there is one clan they fear the most...