I Saw the Future Once

By HartleyRoses

92.6K 4.3K 616

Everything change when I saw the future once. šŸ–‡:: COMPLETED šŸ–‡:: Photo that used in the book cover is not mi... More

I Saw The Future Once
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34 - Flashback
Chapter 35 - Flashback
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Epilogue
āœŽ facts
āœŽ note

Chapter 36

1.1K 59 12
By HartleyRoses

After nine years...

Halos habulin ko ang aking pag hinga nang tuluyang mag mulat ang aking mga mata.

Hingal na hingal na para akong nalunod ng napakatagal.

Puro puti lamang ang aking nakikita. Mulat na mulat na ang aking mga mata, pero ramdam ko ang init na kung ano sa aking pisngi dahil sa luhang tumulo mula sa aking mga mata.

Parang kahapon lang nangyari ang lahat.

Gusto kong gumalaw at magsalita pero hindi ko magawa.

Sobrang nanghihina ang buong katawan ko at hindi ito maramdaman.

Sa pagkakaalala ko ay makakatulog kami ng nine years.

Ito na ba 'yon? Gumising na ba kami? Anong taon na ba?

Ang alam ko lang ay ito na yung panahon kung saan nakita ko dati ang future. Nandito na ako.

Nakatulala lamang ako habang nakahiga pa rin dito sa glass transparent capsule na ito.

Teka?! Nasaan na yung mga kaibigan ko?

Pero agad akong nanlumo sa naisip. May karapatan pa ba akong tawagin silang mga kaibigan ko? Gayong nalaman ko na kung ano nangyari sa buong nakaraan ko.

Kailangan ko silang makausap. Lalo na sila Ream at Francine. Ano nangyari sa mga magulang nila?

A-Ako ba yung may kasalanan? Sa pag kakaalam ko rin noon nang may naikwento sila Francine ay wala na ang kanilang mga magulang kaya si Ream na ang nag papatakbo ng business ng pamilya nila.

Kahit namamanhid ang aking buong katawan ay nagawa kong ihilig ang aking ulo.

Sobra akong nadismaya sa aking sarili.

Katulad nang mga bata pa kami ay nangako rin akong babalikan sila at ililigtas pero kinalimutan ko sila.

At sa pangalawang pagkakataon, ako na naman ulit ang inasahan nila pero pinagkanulo ko sila sa mga kalaban.

Ako na talaga ang pinaka walang kwentang tao.

Wala ng mas sasama pa sa akin. Walang kapatawaran ang mga kasalanang ginawa ko.

Lahat ng plano ko ay nasasawalang bahala dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari.

Katulad na lamang noong bago kami makatulog.

Yung mga magulang ko, kahit masakit ay natanggap kong wala na talaga sila. Alam ko iyon sa aking sarili.

Dinahilan at pinaniwala ko ang aking sarili na para sa mga magulang ko ang aking ginagawa.

Alam kong magagalit sila mom and dad sa plano ko pero ito lang ang paraan ko para mailigtas ang mga kaibigan ko.

Pinaniwala ko silang lahat na trinaydor ko sila at para magawa ito ay pinaniwala ko ang aking sarili na hindi para sa mga kaibigan ko ang aking ginagawa.

Dahil nang masabi sa akin ng ama ni Nolan na hahanapin nila kami, alam kong mahahanap at mahahanap nila kung nasaan kami. Kaya't ang pinaka walang kwentang paraan na lamang ang aking naisip. At iyon ay paniwalain silang nag traydor ako.

Pero ano na mangyayari ngayon? Gayong alam ko na ang nangyari noong mga bata pa kami.

Maidadahilan ko pa ba ang lahat ng ito? Lahat ng mga pinaplano ko kaya nagawa ko silang traydurin?

Wala akong idadahilan sa kanila, ngunit aamin ako na ako ang may kasalanan. Lahat ay aking kasalanan.

Ang dapat kong gawin ay kausapin sila. Pero paano? Nasaan sila ngayon? Kamusta na sila? Katulad ko ba ay nagising na rin sila sa pagkakatulog?

Napapikit ako ng mariin. Parang gusto ko pang lumaban na ayaw ko na.

Walang katapusang problema.

Huminga ako ng malalim at nag mulat ulit ng mga mata para tignan ang paligid.

Puro mga taong naka lab gown ang aking nakikita at lahat sila nag kakagulo.

Kita ko sila dahil transparent lang naman itong kinalalagyan ko.

Nagawa kong lumingon sa gilid ko dahil medyo sanay na ako sa katawan ko.

Wala na roon ang kinalagyan nila Ream. Gising na kaya sila?

"Gising na ang limang bata, matapos ang siyam na taon!"

"Oo nga! Ibalita na kaagad natin ito kay boss!"

"Tara! Samahan mo ako at kayong tatlo naman ay maiwan dito, para bantayan ang batang Montilla."

Ito ang mga narinig ko sa anim na nagkakagulong mga naka lab gown o mga scientist din ata.

May lumapit na isa sa kinalalagyan ko. "Kailangan ka muna ulit naming patulugin pansamantala, mararamdaman mo na ulit ang iyong katawan pag gising mo."

Nakatingin lang ako sa ginagawa nila. May inilabas silang syringe at doon nila ito tinurok sa mga nakakabit sa transparent capsule na ito na nakakonekta rin sa katawan ko.

Unti-unting bumigat ang aking pag hinga at bumibigat na ulit ang talukap ng aking mga mata.

Kapag tuluyan na muli akong gigising, hindi na ako mangangako ngunit gagawin ko ang lahat para sa mga mahal ko sa buhay.

I will face the consequences, alam kong may masasaktang muli sa gagawin kong plano.

For now, kailangan kong makausap ang ama ni Nolan na si Marco. At pagkatapos ang mga kaibigan ko naman ang aking kakausapin, kahit na masaktan ako kapag sinabi ko sa kanila ang katotohanan.

Tuluyang dumilim ang aking paligid at nalunod muli sa pagkakatulog.

Naalimpungatan ako sa aking pagkakatulog nang may marinig akong boses.

It was husky but it's like a lullaby to my ears. Parang nawala ang nakadagan sa aking puso nang marinig kong muli ang boses na iyon.

"Xyxy..."

Ang nakapikit kong mga mata ay nagmulat. Halos maduling ako sa sobrang lapit ng kanyang mukha.

Napatitig ako sa mga mata niyang kulay tsokolate, na parang ang daming gustong sabihin ngunit wala akong mabasa.

Katulad nga ng sinabi sa akin ng scientist kanina na may itinurok sa akin, naramdaman ko na muli ang aking buong katawan.

Inangat ko ang aking sarili sa pagkakahiga at bahagya ko siyang itinulak para lumayo sa akin.

Nakabukas na ang transparent na capsule na kinalalagyan ko.

"R-Ream." Medyo namamaos din ang boses ko.

"Lets go, Xyxy. We're running out of time." Nagtataka man ay umalis ako sa transparent capsule at agad lumapit kay Ream.

"Nasaan ang bantay sa kwartong ito?" tanong ko, dahil sa pagkakaalala ko kanina pinabantayan ako ng ibang scientist sa iba pa nilang kasamahan.

"I'll explain it later." Hinila na niya ang aking kamay at wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya.

Pagkalabas sa kwarto kung nasaan ako kanina ay nasa main research center na kami at nanlaki ang mga mata ko dahil napakagulo roon.

Napatingin ako sa magkahawak naming kamay ni Ream.

Napatakip naman ako sa aking tenga nang may marinig akong mga putok ng baril.

"Watch out, Xyxy!" Nagulat ako nang may magpasabog sa gawi namin.

Mabuti at naagapan kaagad ni Ream dahil naitulak niya ako pero sabay kaming bumagsak sa malamig at puting tiles na sahig.

Habang nakatitig pa sa mga mata ni Ream na puno ng pag-aalala.

Naalala ko noon nang makita ko ang future. Ganitong-ganigo rin iyong nangyari.

Napatingin ako sa kung sino yung nagpasabog sa gawi namin. And thank God, hindi na siya ang nakita ko noon sa future.

Hindi na si Celestine ang nagpasabog sa gawi namin, kundi si Romy... ang Tito ko.

"F*ck!" sigaw pa ni Ream at agad na kaming tumayo at tumakbo muli dahil may nagpapaputok na naman ng baril.

Hinawakan niyang muli ang aking mga kamay upang maprotektahan ako.

Ito na yung panahon noong nakita ko ang future. At tuluyan ko na nga itong nabago.

Everything change, but I think it's getting worst.

May pinasukan kaming kung ano ni Ream at familiar ako rito.

Sa isang bodega.

"Ream! nakita mo na siya?" tanong ni Nick.

Napatingin naman silang dalawa ni Nick at Steel nang tuluyan na akong makapasok sa bodega.

"Thank God! You're safe!" biglang sabi na lang ni Steel.

"Nasaan pala sila Celestine and Francine?" tanong naman ni Ream.

"Pinauna na namin at naghihintay na sila roon, so we better go now," sagot ni Steel.

Nauna si Nick at may kung ano siyang binuhat at tinanggal sa pagkakatakip sa may pader na may butas.

Nag sipasukan na roon si Nick at Steel.

"Ream, I need to explain." Tama ba na sumama ako sa kanila matapos ko silang traydurin?

He cupped my face and intently looked at me.

"Ako naman ang pagkatiwalaan mo ngayon, alright?" Nag-alinlangan akong tumingin sa kanya.

"Ream, bilisan niyo na! Baka maabutan nila tayo rito!" Pareho kaming napatingin ni Ream kay Steel na nakadungaw habang nakaluhod at nakatukod ang mga palad sa sahig para gumapang sa maliit at masikip na lagusan na 'yon.

Tumango lang si Ream, at bumalik muli ang tingin sa akin.

"I trust you, Xyrene. At kung ano man ang nagawa mo sa amin, alam kong may malalim kang dahilan. I trust you, kahit tama o mali pa 'yang desisyon mo. Always remember that."

Para akong nanlambot sa sinabi ni Ream. Nanubig ang gilid ng mga mata ko.

Sa ngayon ay dedepende na muna ako sa mga desisyon nila. At mamaya ay sasabihin ko na sa kanilang lahat ang mga sekreto ko. Because how can I trust them and how can they trust me, if we're full of secrets. Walang mangyayari at walang maidudulot na mabuti kung puro pagtatago lamang ng katotohanan sa isa't-isa ang gagawin. At iyon ang aking natutunan sa aking mga pagkakamali.

And maybe I can be selfish for now? Sa ngayon ay kasiyahan ko muna ang aking pipiliin.

Being happy is with my friends and being happy is with Ream, then so be it.

"Halika na, mauna ka na." Tumango ako at pumasok na rin kung saan pumasok sina Steel at Nick.

Naramdaman kong nasa likod ko rin si Ream at nakasunod sa akin.

Nag simula na akong gumapang habang nakaluhod at nakatukod ang mga kamay sa sahig.

Medyo masikip itong dinaraan namin ngunit ito lang ang safe na lugar para makatakas.

Nang tuluyan na naming narating ang dulo sa haba-haba ng ginapang namin ay nakalabas na rin kami.

Pinagpagan ko ang aking tuhod dahil bahagya itong sumakit at namumula pa dahil sa pagkakagapang.

Napatingin ako kung nasaan na kami ngayon. Ito na pala yung pinaka labas. Yung malawak na lugar na kita ang buong kalangitan pero nasa tago kami dahil nasa gilid kami ng pader na dumaan, at nakita ko pa ang mga kalaban na nag-aabang sa main gate na kahit may kalayuan ay naaninag ko ang mga ito.

Nakita ko kaagad sina Celestine at Francine na nakatingin na rin sa amin.

"Saan tayo ngayon?" tanong ni Francine. Nakatitig pa rin ako sa kanya pero hindi niya ako nagawang tapunan ng tingin.

Kasalanan ko naman iyon, hindi dahil sa sinama nila ako sa pagtakas nila ay napatawad na talaga nila ako sa mga pagkakamaping ginawa ko.

"F-Francine..." mahinang bulong ko, tama lamang para makuha ang kanyang pansin.

Si Celestine naman ay nakatingin sa akin ng walang emosyon na parang wala lang ang ginawa ko, pero alam ko sa loob niya, galit din siya sa akin.

"Why? Do you have any suggestions?" Halos mangilabot ako sa sobrang lamig ng kanyang boses.

Napayuko ako.

"M-Magpapaliwanag a-ak—" Napahinto ako sa pagsasalita.

"Cut that drama kung wala ka namang ma-suggest kung saan tayong lugar pupunta, maabutan pa tayo sa drama mo." Parang may kung ano ang nagbara sa aking lalamunan.

"Francine!" Napalingon si Francine kay Ream.

"What?"

"Watch your words." Nakita ko ang pag irap ni Francine kay Ream.

"I'm just saying the—" Naputol naman ang sasabihin ni Francine dahil magsalita na si Nick na kanina pa nanonood sa amin ng tahimik.

"Tumigil ka na Francine. Pumunta na tayo sa sasakyan." Nauna nang umalis si Nick na sinundan ni Steel at Celestine.

"Wow! So ako pa yung mali?" habol na sigaw ni Francine pero hindi na ito pinansin ni Nick.

"S-Sorry, Francine."

"Tsk." Nauna na rin siyang umalis at sumunod na sa kanila ni Nick.

"Understand her, nasaktan lang iyon sa nagawa mo." Napatingin ako kay Ream na nakatayo pa rin pala malapit sa akin.

Nagsimula na kaming lumakad at sumunod sa mga kasama namin.

"Pwede ba tayong mag-usap, Ream? A-About sa p-past."

Napahinto si Ream sa paglalakad.

"Sure, kapag nasa safe na tayong lugar." Tumango ako kahit hindi na niya nakita dahil nauuna na siya sa aking maglakad.

Naramdaman ko ang pagpatak ng luha sa aking mata pero agad ko iyong pinunasan. Kailangan kong maging matatag para sa lahat.

Ramdam ko rin ang panlalamig ni Ream kahit sabihin niyang pinagkakatiwalaan niya ako, na naiintindihan niya ako pero alam kong galit rin siya sa akin. Alam kong galit silang lahat sa nagawa ko at tama lamang iyon sa akin na maramdaman ang panlalamig nila.

Siyam na taon sa kanilang buhay ang nasayang dahil sa akin. Dahil pinagkanulo ko silang lahat sa kalaban namin.

Huminga muna ako ng malalim at nag desisyon na alisin muna lahat ng aking pag-aalala sa mga nakaraan namin.

Sa likod kami dumaan, dahan-dahan at maingat lamang ang aming galaw upang makapunta sa kotse na sasakyan namin nang hindi nahuhuli.

Nakapasok na kami sa isang puting van at si Nick ang nasa driver seat dahil siya ang pumili ng sasakyan at magmamaneho.

Si Steel ay katabi si Nick at sa pangalawang upuan naman ay sina Celestine at Francine. Kaming dalawa naman ni Ream ang magkatabi sa likod.

"So saan tayo pupunta ngayon? Alam kong hahanapin pa rin nila tayo," ani ni Nick habang nakahawak sa manibela at nagsimula ng paandarin ang sasakyan.

"S-Sa bahay namin!" sigaw ko nang maalala yung secret underground nila mom and dad.

Napahinto at nagtapon sila ng tingin sa akin at bumalik muli ang tingin sa daan.

"Duh! Baka mamaya ibugaw mo lang ulit kami sa mga kalaban. Huwag na!" Nakagat ko ang aking pang ibabang labi at napayuko sa narinig mula kay Francine.

Natahimik ang lahat sa loob ng sasakyan na parang sumang ayon sa sinabi ni Francine kahit na hindi nila sabihin.

"Hindi sa ganoon Trixy pero baka alam na rin ng mga kalaban ang bahay niyo lalo pa't mainit tayo sa mga mata nila. Yung mansyon nga nila ni Ream diba, sinunog," ani ni Celestine.

Nakita kong nakatingin si Steel sa rear view mirror para mag tama ang mga mata namin.

"T-Tama si Celestine, baka mahuli tayo roon." Parang nabubunutang tinik na sabi ni Steel dahil nawala yung pag ka-awkward sa buong sasakyan.

Kahit kinakabahan ay nagsalita pa rin ako. Para naman ito sa mga kaibigan ko, para sa kaligtasan nila.

"May secret underground kami sa bahay, at sa loob ng kwarto iyon nila mom and dad para makapasok tayo."

"Paano kung may mga tauhan na doong ipinadala ng mga kalaban?" tanong ni Steel.

"A-Ano, may isa pang nakakaalam ng lagusan maliban sa kwartong iyon nila mom and dad para makapunta sa secret underground."

"Ano?" Si Steel lang ulit ang sumasagot sa akin, dahil parang walang balak magsalita ang iba.

"Yung family driver namin, kaso hindi ko na maalala kung nasaan siya." Napayuko pa akong muli dahil wala naman atang kwenta ang suggestion ko, dahil saan ko naman mahahanap ang family driver namin.

"So wala pa rin tayong mapupuntahan ngayon na mas safe na lugar?" ani ni Nick.

"P-Pero mas safe kayo sa lugar na iyon. Laboratory iyon nila dad and mom. Kung kilala ko lang sana yung family driver namin, pero pangalan niya lang ang naalala ko," malungkot kong sabi.

"May pag-asa pa! Anong pangalan ng family driver niyo?" masayang tanong ni Steel.

Nangunot ang noo ko dahil sa pagtataka.

"Ronaldo Ramirez?"

"Ronaldo Ramirez? Ang ama ni Clinton?!" Lahat kami ay napatingin kay Francine na nananahimik lang kanina.

"Paano mo nalaman?" tanong naman ni Nick.

"A-Ano, kinausap ko kasi si Clinton noon about sa life niya since..." Napatingin sa akin si Francine na parang nag-aalinlangan."May gusto si Clinton kay Trixy."

Parang sumaya ang aking puso dahil ginawa niya pala iyon para sa akin. She cared for me.

"So hanapin muna natin si Clinton? Sht, I didn't know na kakailanganin natin ang ungas na 'yon," ani Steel.

"Grabe ka naman kay Clinton," suway ni Celestine.

"So oplan hanap Clinton tayo ngayon? Yey!" Nakita ko na naman ang pag ka-hyper ni Francine pero bigla siyang napahinto at nawala ang galak sa mga mata niya nang mapatingin siya sa gawi ko.

"Magpahinga na lang kayo," dagdag niya pa at sinandal ang kanyang ulo sa balikat ni Celestine para matulog.

Tumahimik ulit ang buong sasakyan.

Napatitig pa ako muli sa kanilang lahat. Mga nag matured na ang kanilang mukha, dahil nine years na rin ang nakakaraan.

And we're not teenage anymore, dahil twenty six years old na kaming lahat ngayon. Dapat nakapagtapos na kami ng pag-aaral at may mga trabaho na at maari ng bumuo ng sariling pamilya, kung normal lamang ang aming mga kanya-kanyang buhay, pero hindi. Hindi normal ang naging buhay namin.

Bumuntong hininga ako, at napatitig kay Francine na tulog na.

Dapat masanay na ako kay Francine na ganoon ang tungo sa akin, dahil alam kong mas magagalit pa siya sa mga sasabihin ko.

Alam kong magagalit silang lahat, lalo na ang mag kambal na Mercedes.

"Matulog ka na lang, huwag mo ng titigan ang gwapo kong mukha." Bulong ni Ream habang nakapikit na ang mga mata.

Napakit na lang din ako sa kahihiyan dahil napansin niya pala na nakatitig ako sa kanya.

Hindi ko makakaila na mas lalo siyang gumwapo ngayon, at mas lalong nadepina ang mga muscles niya sa katawan.

May gap na nakapagitan sa amin kahit magkatabi kami rito sa likod ni Ream.

Sumandal na lang ako sa salamin at ipinikit ang mga mata para matulog.

Magkikita na muli kami ni Clinton. Kaya pala marami rin siyang alam tungkol sa akin dahil tatay niya pala ang family driver namin na pinagkakatiwalaan ng mga magulang ko.

Pero kamusta na kaya si Clinton? Maayos na ba ang pamumuhay niya ngayon?

Naiinis na naman ako sa sarili ko dahil may isang tao na naman ang mahalaga sa akin ang madadawit sa sitwasyon kong ito.

Maaaring madamay si Clinton sa gulong ito.

--

HartleyRoses


Continue Reading

You'll Also Like

2.3K 156 24
Nang isilang kagandahan ng mundo ay nasilayan. Kumpletong pamilya nakasama sa kamalayan.Ngunit hindi inaasahang kalupitan sa batang edad ay mararanas...
5.2M 267K 73
Online Game# 1: DANI X RAYDIN
46.7K 2.5K 59
Myth Series 5 For Queen Hera of Olympus being an immortal is a torment, but being married with King Zeus is the biggest curse she received.
8.9K 540 45
Infinito has become the top group of illegal street racers with the guidance of mentor Erie Illyria Vosslen. Under the organization named Les Voleurs...