I Saw the Future Once

By HartleyRoses

100K 4.6K 618

Everything change when I saw the future once. šŸ–‡:: COMPLETED šŸ–‡:: Photo that used in the book cover is not mi... More

I Saw The Future Once
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34 - Flashback
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Epilogue
āœŽ facts
āœŽ note

Chapter 35 - Flashback

1K 57 0
By HartleyRoses

Nakalipas na ang araw noong hindi natuloy ang pagtakas namin kaya naman mas lalong humigpit yung pagbabantay sa amin.

Pero sa ngayon ay nagagawa ko na ulit ngumiti dahil sa mga batang kaibigan ko.

Kasalukuyan akong nilalagyan ni Celestine ng mga pang ipit niya sa buhok na may iba't ibang design.

"Ayan! Ang ganda-ganda mo na Xyrene!" Bigla akong nag pout.

Hindi ko naman talaga gusto ng mga taling nilalagay ni Celestine sa buhok ko, gusto ko yung simple lang pero dahil ito ang makakapag pasaya kay Celestine, ayos lang sa akin dahil masaya na rin ako.

"Talaga? Sayo lang naman bagay ito e."

Si Celestine naman ang nag pout ngayon.

"Fashion 'yan, Xyrene. Kapag lumaki na tayo, ako palagi mag aayos sayo ah? Kasi baka hindi ka marunong." Sabay kaming napahagikhik ni Celestine dahil sa sinabi niya.

"Oo ba!" sang-ayon ko na sinamahan ko pa ng pag tango.

"Yey!" Napapalakpak siya at niyakap ako.

"Ream! Ang ganda ni Xyrene, right?" Napalingon sa aming gawi ang tatlong batang lalaking nag lalaro.

Masayang tumango si kuya Ream habang nakatingin sa akin kaya lumawak ang ngiti sa aking mga labi.

"Sobrang ganda."

"Salamat kuya Ream!" sabi ko.

Bigla namang sumingit si Steel sa pag-uusap namin.

"Mas maganda ka pa rin Celestine, para sa akin!"

"Tse!" Lahat kaming nasa loob ng kwartong ito ay nagtawanan dahil kay Celestine at Steel.

Pakunwaring sinuntok ni Nick si Steel.

"Wala ka pala Steel kay Celestine!" Masamang tinignan ni Steel si Nick.

"Pag ako lumaki! Mag papapogi ako ng husto para mag kagusto sa akin si Celestine!"

"Hindi kaya! Kahit ikaw na lang matirang lalaki sa mundo, never ako sayong magkakagusto. Bleh!" Nilabas pa ni Celestine ang kanyang dila na inaasar lalo si Steel.

Mas lalong lumakas ang tawanan namin dahil sa mukha niya.

"Alam mo, Steel. Yung mukha mo para kang pinagbagsakan ng laruan!" Tumawa ang lahat sa sinabi ni kuya Ream pero ako ay nangunot ang noo.

"Is it supposed to be, pinagbagsakan ng langit at lupa not pinagbagsakan ng raruan! Right, kuya Ream?"

"Boom! Wala ka pala kay Xyrene e! Kawawang Ream!" Pang aasar ni Nick at Steel.

Napakamot naman si kuya Ream sa kanyang batok at may nahihiyang ngiti sa kanyang labi.

"Grabe ka naman, Xyxy. Okay na 'yon! And it's laruan not raruan." Napasimangot ako.

"Bakit ba? Raruan din naman 'yon!"

"Hays, an eight year old girl call the laruan, raruan." Pailing-iling pang aniya.

"Sabi mo e! Basta I still call it raruan, and i'm not bulol!" Inunahan ko na sila.

I know it spell as l-a-r-u-a-n but I am comfortable to call it raruan so I don't have any choice but to fight for it.

"Okay, talo na ako." Sumusukong sabi ni kuya Ream tapos nag taas pa ng dalawang kamay.

Wala akong nagawa kundi tumawa na lang.

Habang nakatingin sa kanilang masasayang mukha ay hindi ko maiwasang malungkot.

Sana ganito na lang palagi. Sana masaya na lang araw-araw.

Kahit na puro bad guy ang mga tao sa loob dito, nagawa ko pa ring maging masaya at tumawa dahil sa mga kaibigan ko.

**

Ilang araw na naman ang nakalipas at as usual ganoon pa rin ang nangyayari.

Masaya pa rin ako sa mga kaibigan ko pero iiyak na naman kapag ini-experiment kami.

Yeah, we call it experiment kapag may itinuturok sa aming syringe, sabi kasi 'yon nila kuya Ream... at gagamitin daw kami para sa experiment na 'yon.

Pero nakakapag taka ang araw na ito dahil seryoso ang lahat.

"Kuya Ream, anong ginagawa niyo?" taka kong tanong habang nakaangat ang tingin dahil mas matangakad siya sa akin.

Hinawakam niya ang magkabila kong pisngi at tinitigan ako sa mga mata.

"Tatakas ka, Xyxy. This time, ikaw lang pero susunod kami. Babantayan lang namin yung mga bad guy para makatakas na tayong lahat." Hindi ko alam pero nag uunahan ng mag laglagan ang luha sa mga mata ko.

Wala akong nagawa kundi ang pumayag sa gusto nila. Kung ito lang ang paraan para makatakas kami ay ayos lang sa akin.

Nag kahiwa-hiwalay na naman kami at nasa sulok ako kung saan ako iniwan ni Kuya Ream para daw hanapin ang kanyang mga magulang at makausap.

"Kuya Ream!" Iyak lang ako nang iyak dahil hindi ko mahanap si Kuya Ream.

"Kuya Ream?" sigaw ko ulit.

"Xyxy." Agad siyang napalingon sa kaliwang bahagi ko ng may mag salita doon.

Tumakbo ako papunta roon at niyakap ang lalaki na tinuturing kong kuya dahil ito palagi ang nagliligtas sa akin.

"Kuya Ream... Kailan tayo aalis dito? Sabi mo aalis tayong lahat dito? Nasaan na yung ibang batang kasama natin?" Malalim na tumitig si Kuya Ream sa akin at hinawakan ang aking mukha.

"Shh... susunod kami sayo. Sa ngayon ay ikaw muna ang lalabas. Napag-usapan na natin ito diba?" Hindi mapakali na tumingin-tingin sa palagid si kuya Ream na para bang may hinahanap.

Hinawakan niya ang maliit kong kamay at sabay kaming tumakbo.

"Pumasok ka diyan, may naghihintay sayo sa may dulo ng pasilyo. Kasama mo sila na aalis. Mga magulang ko sila. You can trust them." Wala akong nagawa kundi ang tumango sa kanya.

Mabilis akong tumakbo sa tinurong daan ni Kuya Ream. At tama nga siya dahil may nakita akong lalaki at babae katulad ng magulang ko.

"Xyrene, let's go..." kinarga ako ng papa ni kuya Ream at tumakbo kami.

Tumitig ako sa kumarga sa akin. Hindi pa rin sila humihinto sa pagtakbo kasama ang mama ni kuya Ream.

Nakita ko naman na may nakasunod sa amin.

Ibinaba ako ng Papa ni Kuya Ream at kinausap nila ako.

"Listen, Xyrene..." sabi ng Mama ni Kuya Ream.

Iyak pa rin ako nang iyak dahil sa nangyayari. Natatakot ako.

"I know na hindi mo pa ito maiintindihan. But I want you to leave this place, okay? Kailangang may makaalis sa inyo para hindi matuloy ang plano." Tama siya dahil hindi ko siya naintindihan pero yung pag labas at pag alis ko sa lugar na ito ang malinaw sa akin.

Naabutan na kami ng mga humahabol sa amin at nakipaglaban ang Papa ni kuya Ream.

May nakita rin akong mga nakaputing tao na may dala-dalang syringe na papalapit sa amin.

Hindi ko alam ang ginawa ko at tumakbo ako, narinig ko pa ang sigaw ng dalawang tao na kasama ko.

"Xyrene! Hindi diyan! Mali ang dinadaanan mo, Xyrene!!!"

Patuloy lang ako sa pagtakbo nang may marinig akong malakas na putok ng baril...

Napalingon ako sa mga magulang ni kuya Ream.

Halos napatakip ako sa aking bibig dahil sa nakita. Duguan ang papa ni kuya Ream!

Nagawa pa rin nilang lumaban sa mga bad guy.

Lumapit naman sa akin ang mama ni kuya Ream at kinarga ako.

Tumakbo kami sa pasilyo na dapat talaga naming dadaanan. Kung hindi sana ako naging makulit ay hindi sana sila mababaril.

Maya-maya pa'y inilapag na niya ako at umupo ng bahagya para makapantay ako.

"Makinig ka Xyrene. Dumeretso ka lang ng takbo. Takbo ka lang nang takbo at makakalabas ka sa lugar na ito. Pag kalabas mo ay tumakbo ka ulit para makahingi ng tulong. Ilabas mo rin ang anak namin, si Ream. Naiintindihan mo ba ako?" Hindi ko na siya makita dahil sa panlalabo ng aking mga mata dahil sa mga luha ko.

Tumalikod siya sa akin kaya hinawakan ko ang kanyang kamay.

"H-Hindi ka po s-sasama?" Umiling siya sa akin.

"Kailangan kong tulungan ang papa ni Ream." Lumingon siya sa kanyang asawa na nahihirapan ng makipag laban dahil sa may tama pa ito ng baril.

"Umalis ka na rito."

Tumango ako sa kanya at tumakbo na papalayo.

Pinunasan ko ang aking luha nang maalala ko ang sinabi sa akin ni Daddy.

I'm a brave girl.

Pero napahinto ako sa pagtakbo nang may marinig akong sunod-sunod na putok ng baril.

Parehong bumagsak sa lupa ang mga magulang ni kuya Ream. Duguan!

Gusto kong lumapit at bumalik sa kanila pero nakita ko pa at narinig ang sigaw ng mama ni Kuya Ream.

"Go Xyrene! J-Just go!"

Tumabo akong muli at mas mabilis na ngayon dahil may humahabol sa akin.

Babalikan ko kayong lahat. Ililigtas ko silang lahat.

Nagulat ako nang bigla na lang may humila sa akin, sisigaw pa sana ako ng malakas pero hindi natuloy dahil nakilala ko kung sino ang humila sa akin.

"D-Daddy!" Kinarga niya kaagad ako at siya naman ngayon ang tumatakbo.

"D-Daddy. Iligtas p-po n-natin-" Hindi ko natuloy ang aking sasabihin dahil dumilim ang aking paligid.

Pero bago ako mawalan ng malay ay naalala ko ang pangako ko sa lahat na babalikan ko ang aking mga kaibigan dito at ililigtas sila.

**

Nanghihina akong nag mulat ng aking mga mata at hindi pa nasanay sa liwanag ng mga ilaw.

Napahawak ako sa aking ulo dahil sumakit ito.

Nilibot ko ang aking tingin at may nakita akong dalawang tao na hindi ko kilala.

"S-Sino po kayo?" tanong ko sa garagal na boses.

Nagkatinginan silang dalawa.

"Tama ba itong ginawa natin sa ating anak? Tama ba na tinanggal natin ang kanyang ala-ala?" sabi ng magandang babae.

Lumingon naman sa akin ang lalaki na may ngiti sa labi pero mukhang may lungkot sa mga mata.

"Even our daughter can't notice us, but it is better this way," sagot naman ng lalaki.

Marahang hinaplos ng dalawang taong nasa tabi ng hinihigaan ko ang aking buhok.

"Sweetie, I'm your dad. And she's your mom." Tinuro niya ang nakangiting babae.

"Mom? And dad?"

"Yes, anak. And you are Trixy. Trixy Buenavista." Halata ang pait sa boses sa huli nitong sinabi.

"P-Pero b-bakit wala po akong maalala?"

--

HartleyRoses

Continue Reading

You'll Also Like

9.8K 369 51
Si Roseanne Barrinuevo ay ang tanging anak na babae sa kanilang pamilya, kaya naman iniingatan siya nang kanyang pamilya. Mahilig siyang sumayaw at n...
3.3M 75.6K 51
Have you ever craved someone, so much that you literally ache? In my case... I really did. Nagmahal ako kahit walang kasiguraduhan. Nagmahal ako kahi...
3.3K 149 36
Sa mga taong lumipas ay muli ko nakita ang babae na matagal tagal kung hinanap, sa tuwing nakikita ko ang kanyang mala anghel na muka ang puso ko ay...
10.2K 319 21
COMPLETED: What will you do if your ex want you back? And the worst part is, even though he does hurt you...you're still madly in love with him! Will...