Book1:Courting my Future Husb...

By crunchh

4.4M 75.3K 8.1K

Istorya kung saan babae ang nanliligaw sa lalaki. Goodluck to Mika Mendoza! More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11: ^___^V
TRIPPINGS
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21 to 22: ^___^
Chapter 23: Toothbrush
Chapter 24: Couple shirt
Chapter 25: Rebound
Chapter 26: I need a job
Chapter 27: Hindi kaya?
Chapter 28 part 1: Surprised
Chapter 28 part 2
Chapter 29: Kim, Clarisa, Christine
TRIPPINGS #2
Chapter 30
Chapter 31: Trust Nathan
Chapter 32: Diary
Chapter 33: Necklace
Chapter 34: It's MOO
Chapter 35 Oh no..
Chapter 36: Mag-lock
Chapter 37: The great Jonathan Smith
Chapter 38: Face Down
Chapter 39
Chapter 40: Tinuruan ako ni...
Chapter 41: Happy birthday
Chapter 42: Always and Forever
Chapter 43: Just one more step
Chapter 44: Tristan's girl
Chapter 45: CANADA baby
Chapter 46: Kiss
Chapter 47: One percent
Chapter 48: My jacket
Chapter 50: See me after class
Chapter 51: answer
Special Chapter part 1
Special Chapter part 2
Special Chapter part 3
EPILOGUE
Thank you
Thank You
Thank You
Thank You
Thank You
Thank you
Thank You
Thank You
Thank You
Accounts

Chapter 49: Why return?

47.1K 816 75
By crunchh

"Are you sure?" he asked then I nodded.

Naka-park kami sa tapat ng bahay namin or should I say, bahay ni Nathan. Siya naman kasi ang nagbigay sa amin nito.

Kapag pumasok ako sa loob ay tiyak na kukumustahin ako ni Mama. Ano na lang ang sasabihin ko?

"Wala naman akong magagawa. Malalaman at malalaman din nila." Bumaba ako at nagpakawala ng buntong hininga. Bumaba na rin si Tristan ng taxi. Naka-taxi lang kami dahil hindi naman niya dala ang kotse niya nung tumuloy kami sa hotel.

"Samahan na kita sa loob."

Sinalubong kami ni Mama ng may masayang mukha. Sobra siguro niya akong na-miss dahil wala siyang kasama dito sa bahay. Medyo mangiyak-ngiyak siya nung makita ako. Napansin ko namang may kaunting pagkain na inihanda si Mama para sa 'min ni Tristan.

Habang kumain ay dun na nagsimula ang pagtatanong niya. "Kumusta kayo ni Nathan? Masaya ba ang stay mo dun?"

Para akong tinamaan ng kidlat at biglang napatigil sa pagkain. "Ahh.. a-ano..."

"May pasalubong pala kami sa inyo tita." Tumayo si Tristan at kinuha sa kanyang bag ang mga pasalubong.

AT KELAN PA SIYA NAGKAROON NG PASALUBONG?!

"Aba, talagang nag-abala pa kayo sa 'kin, ano? Haha! O siya, mamaya na 'yan. Ituloy muna natin ang pagkain," sabi ni Mama.

"Basta lahat 'yan ay para sa inyo. 'Wag niyong bibigyan si Mika."

Nagpatawa na lang si Tristan habang nanatili lang akong tahimik. Pinipilit talaga niyang 'wag mapunta sa ganung usapan. Paano na lang ako kung hindi ko pala kasama si Tristan ngayon?

Tiningnan ko siya habang patuloy na nakikipagtawanan sa mama ko. Ang saya niya. Tumingin pa siya sa akin at saka ako kinindatan. Psh, bumelat lang ako sa kanya.

Haay, pasukan na naman bukas. Feeling bakasyon ako ngayon eh. Ayoko nang pumasok! Walang inspirasyon! 'Yung gigising ka sa umaga na ang bigat ng pakiramdam mo tapos ang daming alaala dun sa school. Hindi ako papasok bukas!

[5:00 A.M.]

"Baby girl, gising na." Naramdaman kong may kamay na humahaplos sa buhok ko. Inalis ko ito. Baka naman naiisip ko lang 'yun. Baka nasa loob ako ng panaginip tapos panaginip pa uli. Gets niyo ba? Dahil kung hindi, problema niyo na iyon.

Kinapa ko ang unan na palagi kong yakap at napakunot ako nang wala akong makapa. Wala ang unan ko pero may nakapa akong malaking bagay. Hmm, parang lumaki naman ata ang unan ko? Hindi bale na, masarap namang yakapin at napakabango pa! Niyakap ko ito nang mahigpit. Hmmmm...

"Baby girl."

Baby girl? Nagsasalitang unan? Iminulat ko ang mata ko at agad akong napatayo nang makita si Tristan.

"Anong ginagawa mo dito?!"

"Uh, ginigising ka?"

"Eh paano ka nakapasok dito?"

"Ah, ehh..." Humawak siya sa batok niya at tumingin na lang sa direksyon ng bukas na sliding window.

"Inakyat mo 'yan?! Paano kung napagkamalan kang magnanakaw?!"

"Eh hindi naman ako napagkamalan eh."

"Sira ka ba? Paano na lang kung akala nila eh magnanakaw ka tapos binaril ka!?"

"Edi wala, namatay ako nang hindi ko man lang naranasan 'yung pinaka gusto ko mundo."

"Ano bang pinakagusto mo?"

"Ang mahalin mo."

"Che!" sabay palo sa kanya sa braso nang malakas.

"Aray! 'Wag mo namang gamitin sa 'kin ang pagiging amazona mo. Ang ang-aga, ang lakas ng powers mo ah." Hinawakan niya 'yung parte na pinalo ko.

"O siya, bago ka dumaldal dyan, ayusin mo na ang sarili mo. Parang pugad ng ibon eh." Tumalon siya sa kama ko at nahiga. "Tutulog muna uli ako. Hintayin na lang kitang matapos. Sabay tayong pupunta ng school."

"Ha? Eh hindi ako papasok ngayon!"

"Edi sige, maghapon na lang tayo dito sa kwarto mo. Pwede naman iyon eh," sabay smirk.

"Hoy! Anong iniisip mo!?"

"Wala. Basta maligo ka na."

"Ayoko nga sabi eh!"

"Maligo ka sabi." Bumangon siya sa pagkakahiga. "Ano? Hindi ka talaga maliligo o gusto mong ako pa ang magpapaligo sa 'yo?"

"Sabi ko nga, maliligo na," sabi ko habang nakanguso. Kainis.

"That's my baby girl."

"Baby girl ka dyan. Hmp! Nakakainis ka naman. Inaantok pa ako eh."

So ayun nga, sa halip na naging manliligaw ko si Tristan ay naging body guard slash yaya ko siya. 'Yun bang gigisingin ako sa umaga. Waaaah! Pero kakaibang style naman 'yung ginawa niya. Sa bintana ba naman pumasok? Creepy. Dapat pala naka-lock ang window ko.

Bago ako maligo, tinanggal ko muna 'yung kwintas na bigay sa 'kin ni Nathan.. Tiningnan ko ito nang matagal. Napabuntong hininga ako at saka ito hinalikan. Sobrang miss ko na siya.

Binuksan ko ang shower at saka ginawa ang mga dapat kong gawin. Medyo nagtagal ako sa loob ng CR. Doon kasi ang time na nag-iisa ka, tahimik, walang istorbo. Habang patuloy lang na pumapatak ang tubig na nanggagaling sa shower ay patuloy rin ang pagbalik sa akin ng mga alaala namin ni Nathan. Napapikit ako. Hindi ko kayang pigilan. Kusa itong pumapasok sa utak ko.

Parang katulad lang kapag matutulog ka na. Doon ko rin mas nadadama 'yung sakit. 'Yung alam mong wala ka ng magagawa sa nangyayari. Kailangan mo lang itulog, pero pag gising mo, ganun pa rin. Hindi ka na niya mahal.

Nang matapos akong maligo, nadatnan kong tulog si Tristan sa kama ko. Maamo ang kanyang mukha kaya naman lumapit ako at tinitigan ang bawat detalye ng mukha niya. Hahawakan ko na sana ang mukha niya nang magdalawang isip ako at hindi na iyon itinuloy. Pero bago ko pa maibaba ang aking kamay ay nahawakan na niya iyon.

"Please don't be afraid to love me, Mika."

"Please dont be afraid to love me." Inihaplos niya ang kamay ko sa kanyang mukha at saka ito hinalikan.

"Mas naaadik ako sa 'yo araw-araw. Natatakot akong baka humantong na ito sa suicide. Haha! Joke lang!" Bumangon siya at ginulo ang buhok ko.

Nanatili lang akong nakatingin sa kanya habang tumatawa siya.

"Dun muna ako sa labas maghihintay. Mag-blower ka nga, basa pa ang buhok mo."

Pagkasabi niya nito, lumabas na siya ng bintana. Napailing ako sa ginawa niya pero napangiti na rin. Tiningnan ko ang kamay ko na hinalikan niya. One percent? Mukhang hindi naman masamang magbigay ng pagkakataon. Napangiti ako.

"Susubukan ko, Tristan," sabi ko habang nakatingin sa bintanang nilabasan niya.

Naging araw-araw na kaming magkasama ni Tristan. Lahat ng mga tao ay nakatingin sa 'kin. Walang makagalaw sa 'kin hindi tulad noon.

Maraming nagpaparinig sa 'kin dati nung girlfriend ako ni Nathan. Pero ngayon, kung may sinasabi man sila dahil nanliligaw sa 'kin si Tristan, hindi nila ito ipinangangalandakan.

Masaya siyang kasama. Lagi niya akong inaalagan. Lagi rin siyang nagpapaka-sweet sa 'kin. Hindi niya ako binibigo araw-araw. Sa kanya ko talaga naramdaman na special ako. Kasi sa kanya, niligawan niya talaga ako. Hindi 'yung ako 'yung nanliligaw. Ipinaramdam niya sa 'kin na ang mga babae, sila dapat ang tinatrato nang ganito. 'Yung katulad ng mga ginagawa niya.

Dumaan na rin ang ilang linggo at naging maayos ang takbo ng lahat. Hindi ko na masyadong iniisip si Nathan at ngayong araw ay hindi ko isinuot 'yung bigay niyang necklace sa 'kin.

Ngayong araw ko rin sasabihin kay Tristan na parang may kaunti na akong nararamdaman para sa kanya. Excited na akong malaman niya dahil alam kong matutuwa talaga siya. Masaya rin naman ako sa naging improvement ko.

Alam na ni Mama na wala na kami ni Nathan. Alam na rin nina Nix at Arden pero hindi ko sinasabi sa kanila ang mismong dahilan. Sa tingin ko, hindi ko na kailangang sabihin lahat ng mga nangyari dahil kahit ako ay naguguluhan pa rin kung bakit nawala si Nathan nang parang bula.

Nag-text ako kay Tristan.

To: Tristan

Nasaan ka? Punta ka dito sa garden. May sasabihin ako sa 'yo.

Ilang sandali lang ay tumawag na siya sa akin.

"Uy, tumawag ka pa talaga ha?"

[Ano 'yung sasabihin mo?] tanong niya sa kabilang linya.

"Basta. Pumunta ka na lang dito. Bilisan mo ha?"

[O siya sige. Hintayin mo lang ako dyan.]

Grabe naman 'yun. Pwede namang mag-text na lang, tumawag pa. Iba nga naman ang nakalinya ang phone. Haha!

Nakaupo lang ako sa bench dito sa garden habang hinihintay si Tristan. Tamang-tama kasi walang katao-tao rito. Dinama ko ang sariwang hangin at napatingin ako sa mga butterflies na naglalaro sa taas ng mga bulaklak.

Ngunit hindi ko inaasahan na mabilis na mawawala ang mga ngiti ko nang makita ko siya. Nandito si Nathan...

"Get out of my way," mariin niyang sabi sa mga estudyanteng nadadaanan niya sa hallway. Anong ginagawa niya dito?

Pinapaalis ni Nathan ang mga nakaharang sa daan niya kaya agad na nahawi ang mga tao. Para akong naestatwa. Hindi ko inaasahan na makikita ko siya sa araw na magtatapat na ako kay Tristan. Ang mas nakakagulat, tumigil siya sa hallway na nasa tapat ko pa mismo.

Walang emosyon siyang nakatingin sa akin. Napansin ko rin ang pagtingin niya sa may bandang leeg ko. Bigla kong naalala, wala nga pala ang kwintas na ibinigay niya.

"Nathan..." halos pabulong na banggit ko sa pangalan niya. Hindi ako makapaniwala. Nandito siya. Nandito si Nathan. Pero nag-iwas siya ng tingin at naglakad palayo. Hindi niya ako pinansin. Hindi niya ako tinawag. Wala siyang ginawa.

Napaupo ako sa damuhan habang hawak ang dibdib ko. Ang sakit. Ang sakit-sakit pa rin talaga. Matapos ang lahat na ginawa ko para makalimutan siya, isang pagpapakita niya lang sa 'kin ay nawala na ang lahat. Masakit pa rin pala. Ngayon na nakita ko siya uli, mas masakit.

Iyak ako nang iyak sa garden nang may humatak sa akin patayo. Hawak ni Tristan ang braso ko.

"Umiiyak ka dahil nandito na siya? Ipapakita mo ba sa kanya ang pagiging miserable mo? Ayokong nakikita kang ganyan. Nasasaktan ako."

Pinunasan ko ang mga luha sa mukha ko.

"Gusto mo bang kumain tayo kaya mo ako pinapunta dito?" tanong niya.

Bigla akong naalarma. Paano ko sasabihin sa kanya na medyo nagkakagusto na ako sa kanya kung ngayon ay nagulo na naman ang utak ko dahil sa pagdating ni Nathan? Sa tingin ko, hindi ko na iyon magagawang sabihin pa. Dahil si Nathan pa rin talaga. Siya pa rin ang gusto ko.

"Pwede ba?"

"Sinasabi ko na nga ba eh." Ngumiti siya. "Tara, kain tayo."

Nauna na siyang maglakad. Bago ako sumunod sa kanya ay tumingin muna ako sa pwesto kung saan pumunta si Nathan kanina. Bakit ka pa bumalik?

Continue Reading

You'll Also Like

32M 775K 136
Published by VIVA PSICOM <3 Now available in bookstores! *Kayleen's Story* Next book: Dear Ex-Boyfriend [Completed]
476K 2.5K 9
Aeyzha Aviemorr Benevente made her biggest mistake when she accused her close friend for letting their company down. Hindi siya nagtiwala sa kaibigan...
107K 4.5K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...