PLMAILY 2: Loving You Forever...

By zamerra

798K 9.8K 1.3K

[The Architects Series: Xander Del Valle (part two)] "Showing it to them that I am a changed man, a responsib... More

PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Special Chapter [1]
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
THE FOURTH DEL VALLE
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Special Chapter [2]
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31(SPG)
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40 (Part 1)
Chapter 40 (Part 2)
EPILOGUE
Optional Epilogue

Chapter 17

11.6K 171 9
By zamerra

MIKE

"Ayaw mong ibigay?! Hindi ka bibili?! O baka gusto mong humiga sa sahig mamayang gabi?!"

Napahilot nalang ako sa aking noo. Ganito nalang palagi ang aking asawa. Parang bata, kapag hindi naibigay ang gusto ay daig pa ang bulkan kung sumabog! "Ah - e - Bibili naman ako Beh. P- pwede bang mag-hintay ka nalang?"

Sana naman pumayag siya. Naka-boxers lang ako! Tapos, pinapalabas niya ako ng nakaganito? "Sexy ka naman sa suot mo, Beh. At saka..." Lumapit siya sa akin. "Nagugutom na talaga ako e."

Ngayon, gumagamit naman siya ng kanyang alindog sa pagmamakaawa. Ano pa ba ang magagawa ko? E, 'di sundin ang misis ko! "Pero, pwede bang magbihis muna ako ng damit, Beh?"

Tumango nalang siya. Salamat naman. Bumangon na ako mula sa aming kama at saka dumiretso sa banyo para makapaghilamos ng mukha. Lumabas ako muli at kumuha ng damit mula sa lalagyan ng damit ni Aubrey. Agad na akong nagpalit at lumabas na.

Nakita ko namang nakatayo ang aking asawa sa salamin. "Beh..." tawag niya sa akin.

"Bakit beh?"

Lumapit ako sa kanya at niyakap siya mula sa likod. Hinaplos ko ang naka-umbok na tiyan niya. "A-ang taba ko na... ulit."

Hinalikan ko siya sa pisngi at tinignan ang mga repleksyon sa salamin. "Mabilis ka namang makapagbawas ng timbang 'di ba?"

"Oo nga, pero hindi ka ba napapangitan sa akin?"

Soft chuckle was being produced by mine. "Hindi." Simple kong sagot.

Her face was enlightened. "T-talaga?"

Tumango ako at inilapat ang baba ko sa balikat niya. "Sa ngayon, kayo ni Aireen ang pinakamagandang mga babae sa akin." Hinalikan ko ang balikat niya. "Mga anghel na biglaan ang dating - na agad din namang kumumpleto sa akin."

Nasilayan ko ang ngiti mula sa kanyang mga labi kaya napangiti na rin ako. Ngiti palang talaga ng asawa ko e, manlalambot na ang mga tuhod mo sa sobrang ganda niya. Kaya hindi ko masyadong pinapalabas ng bahay, baka mahumaling ang mga kapitbahay naming mga lalaki. Delikado na.

"You accepted me for who I am, Mike. Thank you so much," Maluha-luha niyang sinabi.

Humarap siya sa akin at sumubok na yakapin ako. "Ugh! Hindi na kita mayakap!"

Anim na buwan at kalahati na kasi ang laki ng tiyan ng asawa ko. Pero ngayon, mas nakokontrol na niya ang pagiging emosyonal niya. Pero, sa pagkain? Hindi ata. "Okay lang, Beh. Ako nalang ang yayakap sa'yo. Pero, sa likod lang muna a?"

Sumimangot siya at saka ko siya niyakap sa likod at hinalikan ang pisngi, sabay na rin ang paghaplos sa paparating na anghel namin. "Sobrang excited ka nang makita ng Papa," Kausap ko sa kanya.

Pero ilang segundo palang ay- "Beh! Naramdaman mo 'yon?!"

"Shit!"

Pinalo niya ang kamay ko. "'Wag kang mag-mura!"

"P-pasensya na... Pero, gano'n pala ang pakiramdam?!" Sumipa ang anak ko! "A-ano ba ang ibig sabihin kapag sumipa ang bata sa loob ng tiyan?"

"Sumagot lang siya sa sinabi mo," Paliwanag naman niya.

Tumango nalang ako at pumunta sa harapan niya at pinantayan ang lebel ng tiyan ng asawa ko. Hinaplos ko pa ito at hinalik-halikan. Hindi ko maiwasang humanga sa sarili ko, sharp-shooter ata ako.

"Tama na ang lambing! Bili na!"

"O-opo, Misis!" Kumaripas nalang ako ng takbo at binili nalang ang gusto ng aking asawa...

UMILING-ILING na lang ako. May pagka-bipolar talaga ang misis ko. Pero, grabe naman ang pagmamahal at pag-aalaga ang ibinigay ko sa kanya. Kakaiba kasi ang pakiramdam ko sa tuwing siya ang kasama ko - na halos ayokong tumigil ang oras sa tuwing kasama ko sila - ang mag-ina ko.

Sila lang naman ang kailangan ko sa mundo e. Wala nang iba. Kumpleto na ako sa tuwing sila ang kasama ko, ang buong pagkatao ko ay pinuno nilang dalawa at sobra-sobra ang pasasalamat ko sa Diyos sa tuwing gumigising at natutulog ako sa araw-araw na sila ang kasama ko.

Nandito na ako ngayon sa isang supermarket. Bibili na naman ako ng mga stock para kinahuhumalingan na pagkain ng aking misis - Watermelon shake and Fries.

Tatlong malalaking pakwan ang kinuha ko, para kasya na sa isa't kalahating buwan. Pati na rin ang napakaraming pakete ng mga French fries ay kinuha ko na. Nakasanayan ko na itong gawin ng halos anim na buwan kaya nasanay na rin ako kahit papaano.

Para sa pinakamamahal kong asawa naman 'to e.

"Sapat na siguro 'to," Bulong ko at mabilis na nagpunta sa cashier at mabilis na nagbayad.

Gusto kasi ng asawa ko ang mga sariwa na prutas.

"Sa sahig ka matulog! Hindi sariwa ang pakwan na binili mo!"

Naalala ko tuloy ang boses niya. Natauhan na rin ako nang sabihin niya ako ng ganyan. Ang resulta? Natulog talaga ako sa sahig, maski unan at kumot ay hindi niya ako binigyan!

"Hindi masarap 'yong fries! Parang bulok! 'Wag kang tatabi sa akin mamayang gabi!"

Narinig ko muli ang boses ng asawa ko. Ganyan siya mag-reklamo, pero tinitiis ko nalang. Mahal ko e. Kung hindi siya buntis baka pagkamalan kong may sapak sa utak. Hindi. Biro lang.

NAISAKAY ko na rin sa kotse at nagmamadaling umuwi na ako. Baka bibig na naman niya ang maabutan ko.

"PAPA!" Ibinaba ko na muna ang pinamili ko.

"Nasaan si Mama?" Tanong ko sa anak ko.

Tinuro-turo niya ang taas. "Naliligo po."

Tumango nalang ako at sinimulang buhatin ang mga binili ko papuntang kusina. "Manang, ikaw na ang mag-timpla." Bilin ko sa kanya.

Si Manang lang naman kasi ang may alam kung ano ang timplang gusto ni Aubrey sa shake niya. Ayaw kong subukan na ako ang gumawa, baka patulugin ulit ako sa sahig. Huling beses na 'yong nakaraang araw.

"Sige po Sir."

Nakipaglaro muna ako kay Aireen dahil niyaya niya ako. "Papa! I already made sukat to my uniform in RCTA!"

Marami-rami pang linggo ang hihintayin pala ay pasukan na. Kinder na rin sa wakas ang aking panganay. I smiled at her. "Excited ka na for this school year, anak?"

Masigla siyang tumango. "I'm so excited to see Larzene, again!"

Matalik ngang magkaibigan ang dalawa. Hindi na nakakapagtaka, noong bumalik sila Zaira dito sa Pinas ay malapit na ang loob ng isa't-isa. Isa rin ata sa mga dahilan kung bakit nagkaayos ang dalawa e.

"Do your best at school, okay?" Bilin ko sa kanya.

"I will, Papa!"

Nilaro nalang namin ang puzzle board niya. Ilang minuto pa ay pumunta si Manang sa harapan ko. "Sir, handa na po ang juice ni Ma'am."

"Pakilagay nalang ho sa mesa," Sabi ko at nagdikit ng isang puzzle piece sa puzzle board.

"Yey! It's done na, Papa!" I smiled.

I kissed my daughter's forehead and high-five her. "Galing natin 'no?!"

Tumango nalang siya at masayang inilagay ang puzzle na binuo namin sa center table. Ang bilis lumaki ng anak namin. Pero, para sa akin ay kinikilala ko pa rin ang bawat parte niya, dahil hindi siya lumaki sa puder ng kanyang tunay na ama. Kaya hanggang ngayon, naninibago pa rin ako.

"Is my shake ready, Beh?"

Tumayo nalang ako kaagad at hinalikan ang asawa ko. "With ice, Beh," I said to her.

Kumislap ang mga mata niya kaya naginhawaan na rin ang loob ko. Sisiguraduhin ko na hindi ako matutulog sa sahig ngayong gabi... Kaya nga akong tiisin ng asawa ko na matulog sa sahig buong gabi e! Hindi ko alam kung anong paraan ang ginawa niya para matiis ako ng ganon.

Umupo na siya sa dining table at sinabayan namin siya ni Aireen. "Sleep with me tonight, Beh!"

I sighed in full relief. Gano'n talaga ang hinihintay kong sasabihin niya... Kaya ko mahal na mahal ang asawa ko e.

===

"Good-night anak," Hinalikan ko sa noo ang anak ko.

"Sleep well, papa. I love you so much," Wika niya kaya napangiti ako ng malapad.

"Mahal na mahal rin kita anak." I finally said and stood up.

Pinatay ko na ang ilaw at tanging liwanag ng lampshade niya ang nangingibabaw. Kinumutan ko na rin siya at ilang segundo pa ay pumikit na rin ang kanyang mga mata.

Lumabas na ako at dahan-dahang sinara ang pinto. Dumiretso na ako sa kwarto naming mag-asawa.

"Naka-tulog na ba si Aireen, Beh?"

Tumango ako at tinabihan siya sa kama at kinumutan siya. "Hihintayin ko na pumikit ang mga mata mo, Beh," Sabi ko at hinaplos ang buhok niya. "Sleep well mahal ko."

Hinaplos ko rin ang tiyan niya at tinungo ko ito para halikan... 'Yon na lamang at unti-unti akong bumalik sa posisyon ko.

"Sleep well too, Beh," Sabi ni Aubrey kaya hinalikan ko siya sa noo.

Pina-una ko na siyang matulog at hinintay ang oras na makakatulog na siya ng mahimbing. Pero, imbes na makakatulog na ako ay bigla namang nag-ring ang aking telepono. "Hello?"

Tinitigan ko muli ang screen nito pero umaarangkada lamang ang oras. Itinapat ko ito muli sa aking tenga. "Hello?" Mas mataas na boses kong tawag.

"M-Mike..."

Nanlaki ang mga mata ko sa boses na narinig ko. "L-Lily?"

===

HINDI pa rin maalis sa isipan ko ang tono ng boses ni Lily. She looks like she needs someone - someone who can be by her side. May kutob ako na hindi magandang nangyayari sa kanya ngayon.

Aside from the tone of her voice, hindi siya bigla-bigla nalang tumatawag sa mga gano'ng oras ng gabi. Nakaramdam naman ako ng kaba sa tono ng pananalita niya sa kabilang linya ng telepono. Pagkatapos kong banggitin ang pangalan niya ay agad niyang ibinaba ang tawag.

Napabangon ako sa higaan at tinignan muna si Aubrey na mahimbing pa ang pagkakatulog. Sinamantala ko na ang pagkakataon na tawagan ang numero ni Lily. Naglakad ako papuntang terrace at hinintay kung sasagot ba siya sa tawag ko. Pero, ilang ring na ang nagdaan wala pa rin na sumasagot.

Sinubukan ko ulit na i-dial ang numero niya. "Please, Lily... pick-up the phone."

The number you dialed...- 'Yon na lamang ang natanggap ko kaya sumuko na rin ako.

Napahilot nalang ako sa sentido. Nag-aalala din ako para sa kanya, she's one of my friend - best-friend after all.

Bumalik nalang ako sa loob at naisipan na mag-handa na lamang ng agahan para as mag-ina ko...

PUMUNTA ako sa kusina at saka ko naabutan ang dalawang katulong namin na naghahanda na pala ng agahan namin.

"Good-morning ho, Sir!"

I smiled to the both of them. "Handa na ba ang lahat?"

Tumango-tango nalang sila at ipinagpatuloy nalang ang mga ginagawa nila. I heard my phone beep. Tinignan ko kung ano ang laman ng mensahe.

From: Lily

Help me.

Halos mapamura ako. I immediately changed my clothes at hinalikan muna si Aubrey sa noo at nag-iwan ng note sa side table ng kwarto namin.

Kumaripas ako ng takbo pababa at agad na pumunta sa garahe. I immediately grabbed my car keys and with one swift move, nakaalis na ako sa bahay namin. I drove as fast as I can. One of my best-friend needs me, at bilang kaibigan ay kailangan ko siyang tulungan. Gano'n din siya sa akin noong mga panahon na kailangan ko ng masasandalan.

LAKING gulat ko nang namalayan ko na hindi naka-lock ang pinto ng bahay ni Lily. I went inside at dahan-dahan na isinarado 'yon. Her house is a mess. Ang daming nagkalat na mga punit-punit na magazines, isama mo na rin ang maraming basag na mga bote ng alak.

Napa-iling ako, she is at her worst.

Umakyat nalang ako sa kwarto niya, mabilis ko na ipinihit ang seradura ng pinto, but only to find out that she is half - napalunok ako... - half naked.

Agad akong kumuha ng kumot para takpan ang buong katawan niya. "Ano bang nangyayari sa 'yo?!" Singhal ko. Tumabi ako sa kanya at isinandal ang ulo ko sa pader. What happened to her?

Hindi ko kayang lumingon sa kanya, sobrang malala ang hitsura niya ngayon. Sa tingin ko hindi lang ito isang araw, baka buwan. "I..." She utters. "I've been like this for like..." She paused and I felt her eyes on me. "...Four and a half months?"

I shook my head in disappointment. "Ano bang pinag-gagawa mo sa sarili mo, Lily?" I said with full of authority.

She laughed but, I can feel pain. "I go to different bars, drink alcoholic drinks, French-kissing who is dancing with me..."

This is very unbelievable, hindi ko akalain na magiging ganito si Lily... pero, sa anong dahilan? "Hindi na kita kilala Lily. What makes you do all of these?" I asked her.

Humagikhik siya. "Duwag kasi ako e."

Napakunot ako ng noo and looked at her, while she was staring straight at somewhere. "Hindi kita maintindihan, Lily."

"Natakot ako. Naduwag ako. Napakatanga ko," Sunod-sunod niyang sinabi 'yon. But the question still remains on my mind... Bakit?

Hindi na siya nag-salita pa pero, nakita ko ang isang butil ng luha na lumandas mula sa kanyang pisngi. There, I hugged her so tight. "J-just tell me, Lily. I'm here," I said in a calm manner.

Hinayaan ko siyang humagulhol sa braso ko at ramdam ko na rin ang paghigpit ng kapit niya sa damit ko. I just let her tears streaming down to her face. Kailangan niya ako.

"Natakot ako, d-dahil ayaw kong masira ang pagkakaibigan natin Mike," Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. What is she trying to say?

I let her continue but her sobs is bothering the way she talks. "Naduwag ako, d-dahil baka layuan mo ako sa o-oras na..." Kumalas siya at tinignan ako sa mata. "...Na malaman mo ang nararamdaman ko p-para sa'yo."

I stiffened. Hinaplos niya ang mukha ko at ngumiti ng malungkot. "I've loved you since we were high-school, Mike. Laging ako ang nasa tabi mo, pero hindi mo ako napapansin. I tried joining different contests para lang mapansin mo ako, pero wala. Dedma. Palagi nalang ganon, dedma."

Shocked and confused, that's all I feel right now. She is confessing in front of me. I couldn't believe it. I blink my eyes a lot of times. "Surprised?" Hindi na ako nakapagsalita. "Higit pa sa kaibigan ang gusto ko sa ating dalawa, Mike. I love you, mahal kita... mahal na mahal," Umiling pa siya. "Ayaw ko lang talaga na masayang ang pagkaka-ibigan natin. Kaya minabuti ko na itago ko ang nararamdaman ko para sa 'yo, ng ilang taon."

I never expected this. We were friends - close friends - best-friends. We are here for each other. Damayan, biruan, asaran, pikunan... Lahat ng 'yon? May ibang depinisyon para sa kanya?

Hinawakan niya ang kamay ko at marahan na pinisil 'yon. "Ang bilis ng panahon, kasal ka na pala, meron ka na ring anak. Pero, kahit na anong gawin kong limot, ikaw pa rin ang nandito e!" Dinuro niya pa ang bandang dibdib niya.

I remained silent. Hindi ko talaga alam ang sasabihin sa kanya. Speechless- to be exact. Akala ko kung ano na ang nangyari sa kanya.

"Pero, Mike..." I stared at her. "Pwede pa naman tayo maging magkaibigan... 'di ba?"

"H-hindi ko alam, Lily," I finally said.

Nakita ko ang paglungkot ng kanyang mukha nang sinabi ko 'yon. Napayuko siya. "I mean... Friends with benefits?"

Nagsitaasan ang mga balahibo ko sa katawan. Inalis ko ang kamay ko sa kanya at tumayo na. "Kasal at may anak na ako, Lily. Please, just stop it - this."

I saw an evil grin from her. Pero, hindi ako nagpatinag; what she is trying to say is a sin. I don't want to commit sin from my family! Ang gumawa ng pagkakamali ay pinili mo.

"No, Mike. I'm desperate. I want you," She stood up.

Nanlaki ang mga mata ko nang pinabayaan niya ang kumot na bumabalot sa kanya kanina na mahulog lamang sa sahig. Napaawang ng bahagya ang bibig ko. Now, she's naked in front of me. "L-Lily."

She silenced me with her index finger. "Shh. Pwede mo bang kalimutan na may asawa't anak ka?"

Kumunot ang noo ko. I mentally slapped myself. Tinanggal ko ang daliri niya mula sa labi ko at kinuha ang kumot mula sa sahig para balutan ang hubad niyang katawan. "Kalimutan mo na ang nararamdaman mo para sa akin, Lily," Matigas kong sambit sa kanya.

At sa puntong iyon ay iniwan ko na siya na nakatayo lamang doon...

===

I GASPED when I felt that angry stare of my wife. "Where have you been?!"

"M-may naiwan naman ako na note 'di ba?" I explained.

Tumango siya. "Pero, hindi nakalagay doon kung saan ka nagpunta!"

Nilapitan ko siya at hinaplos ang buhok niya. "It was just an emergency, Beh."

Nandoon pa rin ang galit sa mata niya. "Emergency?! O, baka naman, babae mo!"

Fuck?! "Puta! Kaibigan ang pinuntahan ko, Aubrey!" I screamed through gritted teeth. Sumobra siya sa pagbanggit 'non.

"Kaibigan mo nga lang ba talaga?! O, tama nga talaga ang hin- AHH!" Agad ko siyang inalalayan ng napahawak siya sa tiyan niya.

Nataranta ako bigla. "AUBREY!" I exclaimed her name.

Pero ang mas ikinagulat ko ay ang pagtulo ng dugo sa pagitan ng mga hita niya. SHIT! "M-Mike... ang anak n-natin."

I immediately carried her through the car and fled through our way to the hospital. She was crying all the time. Hindi ko hahayaang mawala ang anak namin.

Ipinahiga na siya sa hospital bed at nagtungo sa emergency room. Pero, hanggang pintuan lang ako. "Hanggang dito nalang muna kayo, Sir," The nurse stopped me.

Now, the two of them were in danger. Napahilot ako sa sentido ko, at napaupo sa isa sa mga bakanteng upuan sa gilid at napahilamos ng aking palad ang mukha ko. "Puta," Wika ko.

Ang lakas kumabog ng dibdib ko kung ano na ang kalagayan ni Aubrey sa loob. Sana, hindi mawala ang anak namin. Hindi ko kaya na mawalan ng anak. Ikamamatay ko- ng buong pagkatao ko.

I'VE waited for more minutes. Agad akong tumayo nang nakita ko ang doktor. "Kamusta ho ang asawa ko?"

He tapped my shoulder... What does he mean? "Both are in critical condition. Your wife is emotionally stressed - Masyado siyang maraming iniisip; and the baby? Mas lalo lang lumala ang kondisyon nito - mahina ang kapit ng bata, Mr. Benitez."

Bumagsak ang balikat ko, lumabas ang mabigat na buntong hinanga ko at nanghina ang mga tuhod ko. Nanatili akong tulala at nakinig lamang sa sinabi niya. "But, the most critical part is... either one of them might survive."

Doon na tuluyang pumatak ang luha ko...

***

NOTE: NO 30 VOTES, NO UPDATE.

P.S. LILY'S STORY IS ALREADY POSTED.

P.P.S. MALAPIT NA! *EVIL LAUGH*


Continue Reading

You'll Also Like

193K 5.2K 19
From a scale of 1-10, Atty. Jessa Althea Delarmente is a perfect ten. Mabait, maganda, matalino at mapagmahal na anak at panganay sa tatlong magkaka...
285K 6.8K 35
After three years, hindi akalain ni Irene Kate del Valle na makikita pa niya ulit ang kanyang ex-boyfriend na si Paul Andrew Gonzales. Gulat na gulat...
6.6M 134K 51
The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapphire Briones. She loves to hang-out with her...