Love to Sin: Fabian Devonscot...

By RuxAlmo

1.3M 32.2K 2.5K

To be published soon. Warning: Mature Content |R18| read at your own risk! Have you ever experienced falling... More

Kabanata 1.
Kabanata 2.
Kabanata 3.
Kabanata 4.
Kabanata 5.
Kabanata 6.
Kabanata 7.
Kabanata 8.
Kabanata 9.
Kabanata 10.
Kabanata 11.
Kabanata 12.
Kabanata 13.
Kabanata 14.
Kabanata 15.
Kabanata 16.
Kabanata 17.
Kabanata 18.
Kabanata 19.
Kabanata 20.
kabanata 21.
Kabanata 22.
Kabanata 23.
Kabanata 24.
Kabanata 25.
Kabanata 26.
Kabanata 27.
Kabanata 29.
Kabanata 30.
Kabanata 31.
WAKAS

Kabanata 28.

37K 945 115
By RuxAlmo

GUIA:

"GUIA WAKE UP! hanggang kailan ka ba magpapakatanga d'yan sa lalaking 'yan?!" Singhal sa 'kin ni Clarise. Kasalukuyan kaming nasa cafeteria ng unibersidad. Katatapos lang din ng teaching classes ko nang ayain n'ya akong mag-lunch.

"Hanggang kaya ko." Wala sa sarili kong sagot dito.

"Alam mo kakaltukan na kita. Masyado mong binababa ang sarili mo sa lalaking 'yon!"

"Kasi kasalanan ko naman talaga ang lahat. Kasalanan ko kung bakit abot-langit ang galit n'ya sa 'kin." Oo, kasalanan ko ang lahat-lahat. Nararapat lamang na kamuhian ako ni Fabian dahil sa isang pangyayareng pinag-sisisihan ko ng lubos. Lingid sa kaalaman ni Clarise ang nagawa kong kasalanan kay Fabian.

Lingid sa kaalaman ng lahat ang isang gabing nagkamali ako. Isang gabi na pinag-sisisihan ko. Kapag naaalala ko ang gabing 'yon ay ayoko na itong balikan pa ngunit para ba itong isang multo na hinahabol-habol ako.

Bumalik si Fabian nang gabing 'yon galing Amerika. Sinadya n'ya ako mismo sa apartment ko. Nakainom ako nang gabing iyon at inihatid ni Luther ang taong pinag-seselosan n'ya. Hindi ko alam na sinadya talaga ako ni Fabian para makipag-ayos. Magulo ang sistema ko dahil sa alak. At ang espiritu ng alak ang s'yang nagpabago ng lahat nang makagawa ako ng pagkakamali.

Hindi ko intensyong saktan si Fabian. Hindi ko intensyon ang lahat. Nang ihatid na ako ni Luther sa mismong tapat ng apartment ko ay bigla n'ya akong hinalikan. Tao lang ako, nagkakamali. Hindi ako Santa at perpekto. Tumugon ako sa mga halik ni Luther kahit na malinaw sa isipan kong mali. Maling-mali ang ginagawa ko. Nalunod ako sa mainit n'yang mga halik. Siguro'y dahil sa pangungulila ko nang lumisan si Fabian.

Biglang pumasok sa 'king isipan si Fabian kaya't itinulak ko si Luther at tumigil naman ito. Minabuti kong pauwiin na s'ya nang magulat ako dahil sa pagbukas mismo ng headlight na nagmumula sa sasakyan. Naagaw no'n ang atensyon naming dalawa. Hindi ko maaninag kung sino ang nasa loob ng sasakyan hanggang sa lumabas na nga s'ya. Walang iba kundi si Fabian. Bakas sa mga mata nito ang galit at pang-gigigil.

Akala ko'y susugurin n'ya si Luther ngunit nagkamali ako. Tinitigan lamang n'ya kami at nang matapos ay kaagad na s'yang pumasok sa kanyang sasakyan at umalis. Gusto ko s'yang habulin para magpaliwanag. Nawala ang kalasingan ko dahil sa kagagahang ginawa ko.

Hinabol ko si Fabian ngunit bigo akong mahabol ito. Hanggang sa kanyang pagbalik. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag. Hindi ko alam kung paano sisimulan ang lahat. Tulad nang sinabi ko, hindi ako perpektong tao.

"Ang lalim nanaman ng iniisip mo." Napukaw ni Clarise ang atensyon ko.

"Clarise mauuna na muna ako sa faculty room may nakalimutan kasi ako." Dahilan ko ngunit ang totoo n'yan ay gusto ko talagang mapag-isa. Iniisip ko kung anong gagawin bumalik lamang sa 'kin si Fabian.

Nang matapos ang klase ay nag pasya agad akong umuwi. Nasa daan pa lamang ako malapit sa Villa ni Fabian nang makita ko agad ang sasakyan nito. Kumabog ang puso ko sa tuwa. Pagkakataon na rin marahil para humingi ako sa kanya ng kapatawaran.

Pagkapatay ko sa makina ay dali-dali na akong pumasok sa loob. Walang katao-tao sa salas. Baka nasa silid si Fabian at nagpapahinga. Malapit na ring mag dilim kaya't hindi mo gaanong maaninag ang loob. Nakalimutan kong buksan ang ilaw sa baba ng salas at tumuloy na ako pa akyat. Pag-akyat ko sa pangalawang palapag ay hinanap ko agad ang switch ng ilaw at nang makapa ko ito'y kaagad kong binuksan.

Maglalakad pa sana ako nang manghina ang mga tuhod dahil sa nasaksihan. Nakita ko si Fabian at Ashanti na naghahalikan at napatigil. Nasa mahabang sofa sila. Wala ng pang-itaas na damit si Fabian habang si Ashanti nama'y bra at pantalon na lang ang saplot. Gulat ang mga mata nilang nakatingin sa 'kin. Nakita ko pa ang ilang mga can ng beer na nagkalat sa sahig. Mukhang nagkainuman sila.

Hindi, paraan lamang ito ni Fabian para saktan ako. Paraan n'ya ito para gumanti sa 'kin. Hindi na ako umimik at lumapit sa kanila para damputin ang mga nagkalat na can at itapon sa basurahan. Wag kang iiyak Guia. Please! Huwag kang iiyak!

"Sige ituloy n'yo lang ang ginagawa n'yo. Pasensya sa istorbo." Hindi ko na sila nilingon. Tumayo si Fabian para habulin ako ngunit kaagad din itong natigilan. Napangiti ako ng mapait. Sino nga ba ako para habulin n'ya?

Pagkapasok ko sa silid ay naupo ako saglit sa kama. Tumulo nanaman ang aking mga luha. Sinasapak ko na ang dibdib ko dahil sa labis na sakit. Hindi ba ito naman talaga ang ginusto ko? Ginusto kong mag-tanga-tangahan. Natulala ako habang umiiyak. Dinadama ko ang matinding kirot. Ganoon pala talaga kasakit ang masaksihan mong may kahalikan na iba ang taong mahal mo.

Hinampas ko ang dibdib ko ng malakas. Nagtungo ako sa banyo at humarap sa salamin. Ayaw tumigil ng mga mata ko. Ayaw nilang tumigil sa kakaiyak. Gusto ko ng mamatay. Gusto ko ng mawala dahil wala rin namang nagmamahal sa 'kin. Ang ama ko na dapat ay nasa tabi ko'y abala sa mapapangasawa n'ya. Wala, wala akong masasandalan. Wala silang alam sa pinagdadaanan ko. Kung depresyon ang sakit ni Fabian? Paano naman ako?

Napahagulgol ako ng iyak. Wala na akong pakialam kung marinig pa nila ako. Talagang masakit. Masakit na masakit.

"Guia." Nadinig ko ang boses ni Fabian habang kinakalampag ang pintuan.

"Let's talk." Sabi nito. Hindi ako umimik at iyak lang nang iyak.

"Guia please open the door!" May bahid na ng galit ang boses nito. Bakit Fabian? Ipinamukha mo na nga sa 'kin kung gaano ako kababang babae.

Tumayo ako mula sa pagkaka-upo at naghilamos ng mukha. Namumula pa ang ilong at magkabilang pisngi ko dala ng labis na pag iyak.

"Guia I said open the door! Mag-usap tayo." Naging malumanay ang boses nito sa huli.

Tumikhim ako bago nag pasyang mag salita.

"Okay lang ako. Hindi mo kailangang magpaliwanag." At napakagat ako sa ibabang labi. Mariin na napapikit at napasandal sa pinto ng kwarto. Natahimik naman ito sa labas. Muli kong hinampas ng malakas ang dibdib ko hanggang sa mag dulot ito ng pasa. Galit na galit ako sa sarili ko. Kasalanan ko ang lahat-lahat. Sinuntok at kinurot ko ang mga hita't braso ko. Sinabunutan ang sarili hanggang sa mapagod ako.

"Guia what are you doing?!" Narinig n'ya marahil ang pananakit ko sa 'king sarili na nagdulot nang pagkalabog.

Hindi ko na kaya pang mag-salita. Malalaman n'yang umiyak ako dahil nawawalan na ako ng lakas.

"Guia!" Ayokong umasa. Bakas man ang takot sa boses n'ya ngunit alam kong nakokonsensya lamang ito. Nahiga ako sa sahig at ipinikit ang mga mata.

Pagod na ako. Pagod na pagod na.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto at pag takbo nito papunta sa 'kin. Nabitiwan n'ya ang mga susi upang buhatin ako.

"Guia!" Ginigising n'ya ako ngunit pagod na ang katawang lupa ko. Gising ang diwa ko pero ayoko nang dumilat pa.

Hinaplos n'ya ang mga pasa at sugat ko sa katawan.

"Anong ginawa mo sa sarili mo?" Minura n'ya ang sarili n'ya habang nakahawak sa 'kin. Napadilat naman ako nang dahan-dahan at saka kumawala sa pagkakahawak n'ya.

"Anong ginagawa mo?" Walang buhay kong tanong at saka tumayo.

"Ikaw anong ginagawa mo sa sarili mo?"

Hindi ako naka-imik at lumayo sa kanya. Kaagad itong sumunod sa 'kin sa banyo.

"I'm okay. Bukas babalik din ako sa dati. Kaya ko Fabian. Saktan mo lang ako. Hindi ako iimik. Ayos lang ako. Masasanay din ako. Pagpahingahin mo na muna ako sa ngayon." Hindi ko magawang tumingin sa mga mata n'ya.

"Kulang pa 'to sa pang-iiwan ko sa 'yo 'di ba?" Hindi s'ya makasagot. Naupo muli ako sa gilid ng inidoro. Kaagad s'yang sumunod at hinawakan ang magkabilang mukha ko ngunit iniwas ko ito.

"Wag kang maawa sa 'kin Fabian. Hindi dapat kaawaan ang taong tulad ko. Isa akong walang kwentang babaeng mababa ang lipad."

"Wag kang mag salita ng ganyan." Pinigilan n'ya ako.

"Kaya nga kung ayaw mong makarinig ng mga kadramahan ko, pabayaan mo na muna ako. Bukas tanggap ko na ulit ang lahat." Iniwas ko na ang sarili sa kanya at tumayo para bumalik sa kwarto.

"Sige na balikan mo na s'ya. Ayokong mag dulot pa ako ng depresyon sa 'yo."

"Hindi. Mag-uusap tayo." Sagot n'ya.

"Ako ang may gusto nito. Pinipilit ko ang sarili ko sa 'yo. Nagbabakasakali na baka balang araw ay bumalik tayo sa dati. Pero tanggap ko na. Kung talagang ayaw mo na tanggap ko na. Hayaan mo lang muna sana akong makasama ka hanggang sa dumating ang araw na ubos na ako."

"I'm sorry for hurting you so much." Sabi n'ya.

"Don't be sorry. If hurting me makes you happy then I'm willing to get hurt all over again."

"Guia." Hinawakan n'ya ako muli sa magkabilang pisngi at muli nanaman akong umiwas.

"Goodnight." Mas pinili ko na lang ang mahiga sa kama at magtalukbong. Lihim na umiiyak.

Dinig ko ang pag buntong hininga n'ya at umalis na ng silid. Doon ko ibinuhos ang lahat. Ano ba naman Guia? Bakit mo ginagawa 'to sa sarili mo? Hindi ba't ubos ka na?

Gusto kong kamuhian ang sarili ko. Kamuhian sa labis na katangahan. I-iiyak ko ang lahat ngayong gabi at magbabakasakaling bukas ay ako'y maghihilom.

MAAGA akong nagising kinabukasan. Magang-maga ang mga mata ko at sobrang sakit ng aking katawan. Dahil sa maputi kong balat ay bumakas agad ang maraming mga pasa sa braso at binti ko. Nagsuot ako ng sweater at pants at bumaba na. Marahil ay tulog pa si Fabian kaya't ipagluluto ko s'ya.

Abala ako sa pagluluto nang may bumaba.

"Good morning." Napalingon ako nang makita si Ashanti. Saan s'ya natulog? Kung ano-ano na ulit ang pumapasok sa isip ko.

"Huwag kang mag-alala. Walang nangyare samin kagabi ni Fabian."

Tila nabasa n'ya kung ano ang tumatakbo sa isipan ko.

"Maupo ka na malapit nang matapos ang niluluto ko." Pinipigilan ko ang sariling makagawa ng bagay na alam kong pag-aawayan namin ni Fabian.

Ngunit tila bingi ito at lumapit sa 'kin.

"Walang naganap samin kagabi pero may nangyare samin sa Amerika." Napahinto ako sa ginagawa. Kumabog ng husto ang puso ko.

"Anong sinabi mo?" Seryosong tanong ko.

"May nangyare samin ni Fabian. Mahal ako ni Fabian Guia at mas lalo mo lang pinahihirapan ang lahat samin."

"Hindi totoo 'yan. Sinasabi mo lang 'yan para iwan ko si Fabian."

"Nagsasabi ako ng totoo. Ako ang gumagamot ng puso n'yang winasak mo. Wag mo na sana ulit sirain pa kung ano ang meron kami."

"Ashanti!" Sigaw ni Fabian.

"Totoo ba? Totoo bang may naganap sa inyo sa Amerika?" Tanong ko. Hindi naman nakasagot si Fabian kaya't nakumpirma kong totoo ang lahat.

Ngumiti ako ng mapait at tinanggal ang apron ko. Hindi na ako nag salita pa at tuluyan nang umakyat ng kwarto.

"Guia magpapaliwanag ako." Sumunod sa 'kin si Fabian.

"No. Hindi mo kailangang magpaliwanag. Tapos na ang palabas. Panalo ka na. Nasaktan mo na ako." Kaagad kong kinuha ang maleta ko tsaka inisa-isa ang mga damit sa cabinet. Kaagad namang ibinabalik ni Fabian ang mga gamit ko sa cabinet.

"You're not leaving me again!" Sigaw nito.

"Tama na! Panalo ka na nga 'di ba? Wala ng natira sa 'kin Fabian. Inubos mo ako! Binaba ko ang sarili ko kasi umaasa akong may magandang mangyayare. Umaasa akong babalik tayo sa dati! Tama na! Sising-sisi na ako kasi nga malandi ako 'di ba? Ako ang unang nagkamali!"

Natigilan s'ya sa sinabi ko. Kaya't muli kong kinuha ang mga damit at mabilis na ipinasok sa maleta.

"Guia."

"Oo nagkamali ako Fabian. Oo ako ang unang nagkasala. Pero hindi dahilan 'yon para saktan mo ako nang saktan. Dahil lang sa isang pagkakamaling minsan ko nang nagawa. Hindi pa ba sapat na kabayaran ang paghihirap ko para lang durugin at ubusin mo ako ng ganito? Hindi ko na kaya. Ubos na ubos na ako. Hindi maitatama ang isa kong pagkakamali nang paulit-ulit mong panloloko. Tama na, ayoko na."

Hininto n'ya ako at niyakap nang mahigpit.

"Hindi ka aalis. Please wasak na wasak ako Guia. Huwag mo ulit gawin sa 'kin 'to." Hindi na ako nakinig pa sa sinabi n'ya. Tinanggal ko ang mga kamay n'ya sa 'kin at lumabas na. Naroon si Ashanti at nag-aabang.

"Don't worry I'm done with this game." Sabi ko dito at lumabas na ng Villa ni Fabian.

"Guia!" Dinig ko ang pagsisisigaw n'ya ng pangalan ko at paghabol nito hanggang sa makapasok na ako sa loob ng kotse.

Kinalampag n'ya iyon nang kinalampag ngunit hindi na. Tuluyan nang nabulag ang mga mata ko't naging bato ang puso ko.

Mabilis kong pinaharurot ang sasakyan nang makitang tumatakbo ito ng nakayapak at hinahabol ako. Mas lalo lamang nanaig ang sakit kaya't hindi ko na s'ya muling nilingon pa.

Continue Reading

You'll Also Like

The Pristine By Dany

General Fiction

2.6M 56.4K 63
.
1.3M 45.9K 43
(Game Series # 9) Mauro Eugenio dela Rama's life revolved around school and work. At times, he felt like drowning pero hindi siya pwedeng magreklamo...
4.8M 98.5K 67
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH In the world of married couple, Miracle Fortalejo is not one of the lucky wives to experience the joy of it. With all the t...
11.4M 470K 65
(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karapatang magreklamo-pasalamat pa nga raw si...