"Chalstine, Log In!" (Complet...

By sacchariferousdreams

104K 2.3K 1.2K

Hindi akalain ni Chalstine na ang mundo ng The Legendary Clash na isang online game ang magpapabago sa takbo... More

Prologue
Chapter 1: Just_Chals_96
Chapter 2: Ironic_Volvo
Chapter 3: Mr. Wax, Boy Dimple and Chinito
Chapter 4: A Change In Margarette's Life
Chapter 5: Virgo
Chapter 6: Ivan
Chapter 7: Evo
Chapter 8: Por Da Pers Taym
Chapter 9: Moody Volvo?
Chapter 10: Seriously Sweet Evo
Chapter 11: Gorgeous. Pretty. Beautiful.
Chapter 12: Superhero
Chapter 13: Cardigan's Owner
Chapter 14: The Legendary Clash Annual Meet Up
Chapter 15: Oo
Chapter 16: Special and First
Chapter 17: Virgo Lover. Ivan Stalker?
Chapter 18: Sumbrero, Jacket at Shades
Chapter 19: Chat and Fries Conversation
Chapter 20: Unlucky Or Lucky?
Chapter 21: Rain And Sacrifices
Chapter 22: Nurse Margarette And Patient Evo
Chapter 23: Who's Volvo?
Chapter 24: Hospital Confrontations
Chapter 25: Hatred and Forgiveness
Chapter 26: Stars Versus Hearts
Epilogue

Chapter 27: Goodbyes

1.5K 64 44
By sacchariferousdreams

Chapter 27: Goodbyes

Umiskapo agad ako sa bahay, hindi ko alam kung bakit nahatak ako ng mga username na binanggit ni Dave. Parang dati lang sa tuwing naririnig ko ang username ni Ironic_Volvo, ginaganahan na agad akong tumakbo sa computer shop. Bahala na kung hindi ako papayagan, o ang palaging nangyayari— hindi talaga ako pinapayagan.

Pagpasok namin ni Dave sa computer shop bumungad agad sa harapan ko ang tatlo pa naming kaibigan.

 

“Chalstine, login na!” halos sabay-sabay na hinahampas nila Steven, PJ at Aaron ang upuan na nireserba nila para sa akin. Talagang ginitna pa nila ako.

Kahit papaano namiss ko rin ang mga kaibigan ko. Nabawasan ang oras ko na makasama sila no’ng magsimula akong hayaan na magbago ang buhay ko.

Naupo ako sa upuan na nireserba nila sa akin na may mga ngiti sa aking labi. Huminga ako ng malalim at hinarap ang monitor ng computer. Kailangan ko ng mag-login para makapasok ako sa The Legendary Clash.

“Cha, namiss ka namin! Kamusta ka na ba? Akala namin ayaw mo nang maglaro ng TLC e,” sabi ni Steven habang tutok na tutok sa computer nya.

 

“Oo nga naman Chalstine. Simula no’ng palagi nang may nagsusundo at naghahatid sa’yo sa bahay nyo hindi ka na madalas magpakita.” Komento naman ni Aaron.

 

“Iniisip namin na may boyfriend ka na. Totoo ba Cha? Ganap na babae ka na?” pang-aalaska ni PJ sa akin na may kasama pang paniniko sa tagiliran ko.

 

“Tumigil nga kayo, nandito na nga ako e.” maikli kong sagot sabay enter ng account ko.

Sa totoo lang, kinakabahan ako ngayon. Kung para sa mga kaibigan ko ordinaryong clash lang ang magaganap ngayon, pwes sa akin hindi. Makakahalubilo ko sa online game ang dalawang lalaki na hindi ko na nakakausap sa personal, hindi pa kami nagkakaayos. Ito na naman ang sinasabi nilang, ‘awkward’.

Naginvisible muna ako sa chatbox, ayoko munang makachat ‘yung dalawa. Okay lang na clash, pero usap hindi ko pa kaya. Hindi ko kaya kung dito sa TLC. Mamaya mabasa pa ng mga makukulit na katabi ko.

“Oh sya, ang mahalaga nandito na si Chalstine. Game na, game na! Tribe 282 daw sabi no’ng kraust kanina e,” lahat kami sabay-sabay na nagpunta sa tribe na sinabi ni Dave. Pero hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako habang hinahanap ko ‘yung tribe.

Naglogin silang apat sa tribe 282 at ganoon din ang ginawa ko. Nang makapasok na kami sa loob ng tribe, nakita ko agad sina Kraust_Vintage at Ironic_Volvo. Wala silang ibang kasama kundi silang dalawa lang. Maski si Kuya Ivan na gumagamit ng username na Steel_Warrior wala sa loob ng tribe. Anong mayroon?

 

“Nge, bakit silang dalawa lang?” nagtatakang tanong ni Steven.

 

“Oo nga, bakit ganoon?” napakamot sa kanyang ulo si Dave.

“Teka, chinat ako no’ng Kraust. Hinahanap ka Chalstine, bakit ka daw nakainvisible sa chat.” Lahat kami nagsipagtinginan kay Aaron.

“Ako rin, chinat naman ni Volvo. Kailangan ka raw nilang makausap, Cha.” Isa pang sabi ni PJ. Sa kanya naman kami sunod na tumingin, pero nalipat agad ang tingin nila sa akin pagkatapos nyang magsalita.

Naging makahulugan ang tingin nilang apat sa akin. Tila may naiisip sila na sabihin, at mukhang alam ko na ang gusto nilang iparating. Hanggang sa may pumukaw sa atensyon naming lima.

 

“Margarette..” Napalingon ako dahil sa pamilyar na boses na syang nagsalita sa likuran ko.

Si Virgo.

Hindi ko inaasahan na sya nandito rin sya sa loob ng computer shop. Bakit? Paano? Di ba naka-online din sya?

“A-anong ginagawa mo rito?” hindi pa rin maalis ang pagkagulat ko.

“Sya ‘yung kaibigan ng Kuya D mo ‘di ba Chalstine?” tanong ni Steven na may kasama pang paghila sa braso ko.

“Oo, teka maguusap lang kami.” Tumayo ako sa kinauupuan ko at hinarap si Virgo.

 

“Pero may clash pa tayo! Paano ‘to?” singhal ni Aaron sa akin.

“Wala na ‘yan!” sigaw ko pabalik sa kanya.

Wala nang nagawa ang apat kundi panoorin akong naglalakad palabas ng computer shop samantalang nakasunod naman sa likuran ko si Virgo. Nagpunta kami sa may labasan para du’n magusap.

Tahimik kaming dalawa sa loob ng ilang minuto na nakasandal kami sa sasakyan nya. Parang walang balak magsalita ang kahit na sino sa amin. Maging ako kasi, pilit na bumubuo pa lang ng mga tamang salita na sabihin. Hindi naman na ako kinakabahan, pero gusto ko lang na maging tama at hindi ako makasakit sa mga sasabihin ko sa kanya. Handa na akong patawarin sya, pero may mga gusto pa rin akong isaalang-alang. Tulad nga ng sabi ni Kuya Ivan.

“Araw-araw akong tumatambay sa computer shop na nilalaruan nyo ng mga kaibigan mo, nagbabaka sakali na makita kitang maglaro. Namimiss na kita Margarette, gustong-gusto na kitang makita ulit pero hindi ko alam kung paano ako gagawa ng paraan para lang harapin mo ko. Hindi na kita nakikitang lumalabas ng school nyo tuwing uwian. It frustrates me not to see you. Ang tagal-tagal ko ng hindi nakikita ang ngiti ng mahal ko. Sorry if I used TLC just to see you again. Don’t worry, online talaga si Evo using his account. He also wants to talk to you, pero nakiusap ako na kung maaari ako muna ang makikipagusap sa’yo.” Isang mahabang pahayag ang sumira sa katahimikan.

Nakuha kong intindihin ang paliwanag nya kahit na hindi ako nakatingin sa kanya habang sya ay nagsasalita. Sadyang tenga ko lang ang nakatuon ang mga atensyon sa kanya. Nakayuko lamang ako at nakatingin sa marungis kong mga paa.

“Napatawad na kita, Virgo. Kalimutan na lang natin ang mga nangyari. Isa pa pala, alam ko na ang lahat, sinabi ni Kuya Ivan sa akin. Pakiusap, ‘wag kang magalit sa kanya. Inisip nya lang ang mararamdaman ko. ‘Wag kang magalala, peksman, hindi ako galit dahil sa nalaman ko.” sa pagkakataong ito, tiningnan ko na si Virgo sa kanyang mga mata.

Rumihistro sa mukha nya ang kalungkutan na may konting senyales ng pagliwanag. Malungkot sya marahil dahil sa mga nangyari sa amin at sa lahat ng pinagdaanan namin nitong mga nakaraang araw, tapos nalaman ko pa ang totoo tungkol sa kanila ni Ate Miley. Pero sa kabila noon, lumiwanag ang mukha nya dahil nalaman nya na napatawad ko na sya.

 

“Hindi ko ginusto ang lahat Margarette, maniwala ka sa akin na ikaw lang ang mahal ko. Si Miley, hindi natin sya—”

 

“Tama na Virgo, hindi mo naman kailangang magpaliwanag. Naintindihan ko naman lahat e, sabi ko nga sa’yo na hindi naman ako galit. Kaya kung pwede, ‘wag na nating pagusapan pa. Nangyari na ang dapat mangyari,” muli akong payuko matapos kong putulin ang sasabihin pa sanang mga salita ni Virgo.

“So, okay na tayo?” napatingin ako sa ginawa ni Virgo. Kasabay ng pagsalita nya ay hinawakan nya ang kanan kong kamay. Iniangat nya iyon at mahigpit na inipit ang mga daliri ko sa gitna ng mga daliri nya.

Mabilis akong napatingin kay Virgo. Bigla na lang akong nakaramdam ng kakaiba. Hindi ako galit kay Virgo pero parang hindi ko na kaya na hawakan pa nya ang kamay ko. Tila may nagsasabi sa puso ko na hindi ako masaya na okay na kaming dalawa. May sumisigaw sa utak ko na nagsasabing ayoko ng magkasama pa kami. Gusto ko ng umalis sa tabi ni Virgo, naguguluhan ako. Naguguluhan ako sa sinasabi ng damdamin at isipan ko.

 

“Ano? Okay na tayo, ha?” nakangiting paguulit ni Virgo.

Gusto ko sanang ngumiti rin pero hindi ko magawa. Kung pwede ko lang itaas ang magkabilang dulo ng mga labi ko para tumaas ito at ngumiti ginawa ko na. Hindi na ako makaramdam ng kasiyahan katulad ng nararamdaman ko dati kapag kasama ko ang boyfriend ko.

Mukhang nagaabang ng sagot si Virgo, ang mukha nya nangwengwestyon.

“Kung pwede sana, maghiwalay na tayo.” Sa akin nanggaling ang mga salita pero para rin akong nilapirot ng matindi sa puso.

Bumitaw si Virgo sa sinabi ko at halatang nagulat. Humarap sya sa akin, ni hindi makapagsalita.

Dapat umiiyak ako ngayon ngunit ang tagal ng luha ko bago lumabas. Ang sakit-sakit na sa dibdib ko pero wala pa rin akong maiiyak na luha. Para bang hindi nakakaramdam ng sakit ang mga mata ko.

“Sana maintindihan mo, ito ang first heartbreak ko. Ikaw ang naging first boyfriend ko. Pero hindi ko pa kaya ulit na magtiwala sa’yo e, hindi ko rin alam kung magiging masaya ako kung magpapatuloy ito. Masyado akong naapektuhan, hindi rin ako makapagisip ng maayos ngayon para sa relasyon natin. Ang hirap-hirap na kasi ng sitwasyon e, hindi ko pa ata kayang magbigay ng pangalawang pagkakataon para sa atin.” nahihiya man, tiningnan ko pa rin si Virgo.

Bakas sa mukha nya ang pagkadismaya sa narinig mula sa akin. Namumula na ang mga mata nya, anumang pagkakataon ay luluha na sya. Napasapo sya sa kanyang ulo, nasasaktan din sya.

“Ayoko sanang pumayag dahil mahal na mahal kita, pero dahil sa sinabi mong hindi mo kayang magtiwala ulit sa akin du’n ko mas naintindihan lahat. Sobra-sobra ang pasakit na naibigay ko sa’yo. You deserve more than heartbreak, pero yu’n ang binigay ko sa’yo. Naiintindihan ko na kung bakit mo gustong makipaghiwalay. I caused you so much pain,” tumulo na ang luha sa mga mata ni Virgo. Nakonsensya ako.

Hindi ko na nagawang magsalita. Sa pagtulo ng mga luha nya, du’n ko naisip ang mga nasabi kong salita. Sabi ko kanina ayokong makapagbitaw ng masasakit kay Virgo, pero hindi ko pa rin nagawa. Bigla ko na lang nasabi ang makipaghiwalay kahit ngayon ko lang naman ito naisip.

 

“Sorry Virgo, pero pwede pa rin naman kitang maging ‘Kuya’ ulit. Kaso hindi ko alam kung kailan ‘yon mangyayari, sigurado ako na hindi pa ngayon at hindi rin naman agad-agad.”

 

“Okay lang, kaya natin ‘to. Sorry ha? Ako ang may kasalanan kung bakit hindi nagwork out ang first relationship mo. Susubukan kong magbago, kapag handa ka na at kapag ikaw pa rin ang nandito sa puso ko babalikan kita.” Lakas loob na pinagaan ni Virgo ang sarili nya. Pinunas nya ang mga luha sa kanyang pisngi at sinubukang ngumiti. Sa kabila ng pagngiti nya, alam ko na hindi sya okay.

Naalala ko ang suot kong bracelet na galing kay Virgo, hinubad ko ‘yon at nilagay sa palad ni Virgo. Nakatingin sya sa akin dahil sa ginawa ko.

 

“Bakit mo binabalik?” tanong nya.

 

“Hindi ko na matatanggap ‘yan. Please, ‘wag mo ng ipilit.”

Tila naintindihan ni Virgo ang sinabi ko, niyakap nya ako ng mahigpit pagkatapos. Hindi pa ako nakakaalis sa mga bisig nya ng may ibulong sya sa akin.

 

“Mahal na mahal kita, tandaan mo ‘yan. Maghihiwalay tayo ngayon at babaunin ko ang masasayang alaala na mayroon tayo dati. Magiging maayos ulit ang lahat, swear.” Parang piniga ang puso ko, ang sama-sama ko.

Bumitaw si Virgo at nagmadaling pumunta sa sasakyan nya. Tiningnan nya muna ako saka agad ring pumasok sa loob ng kanyang sasakyan. Lalong sumingkit ang mata nya dahil sa pagiyak. Tumabi ako sa gilid at pinanood ang pagalis ng sasakyan nya hanggang sa bigla na lang akong kuyugin nila Steven. Lahat sila nakatingin sa malayo kung saan ako nakatingin.

 

“Anong nangyari? Bakit parang may something sa inyo ng lalaking ‘yon?” usisa ni PJ.

“Sya si Kraust_Vintage, at ang isa pa nilang kaibigan naman si Ironic_Volvo.” Walang reaksyon na sabi ko sa kanila.

Lahat silang apat bigla na lang humarang sa harapan ko. Kitang-kita sa mga mukha nila ang pagkagulat at pagkamangha dahil sa nalaman.

“Totoo? Kailan mo pa alam?” tanong ni Dave.

“Bakit hindi mo sinabi sa amin na kilala mo pala sila?” isa pa ‘tong si Aaron.

 

“Matagal ko ng alam, sorry sa inyo. Hindi kasi pwedeng ipaaalam e. Sige, uuwi na ako.” Tumalikod na ako sa kanila. Hindi ko na kayang makipagkwentuhan, ang bigat-bigat sa pakiramdam. Saka ko na lang ipapaliwanag sa mga kaibigan ko kapag nakabawi na ako ng kalungkutan.

 

“Chalstine! Ang daya mo, ikwento mo sa amin ha!” pahabol ni Steven habang papalayo na akong naglalakad mula sa kanila.

Diretso akong pumanik ng bahay ng parang walang pakialam sa mundo. Tulala lang akong naglakad papasok ng pintuan, ni hindi ko naramdaman na nasagi ko pala si Nanay na nagwawalis.

 

“Margarette, ano ba ‘yan? Saan ka ba nakatingin? Sinanggi mo ako.” Striktong sabi ni Nanay.

“Sorry po.” Wala ako sa sarili ko kaya ‘yan lang ang nasagot ko. Naiisip ko pa rin ang nangyari kanina sa amin ni Virgo.

Wala na akong boyfriend ngayon. Wala na dahil single na ako ulit. Wala na akong iisipin na nagsinungaling sa akin.

 

“Napapaano ka ba? Siguro dahil sa boyfriend mo ‘yan kaya para kang wala sa sarili.” Hindi pa rin naalis ang inis sa boses ni Nanay. Nakatuon pa rin sa akin ang atensyon nya.

“Wala na akong boyfriend.” Nakatulala kong sabi.

“Kita mo na! Tama ang hula ko no’n e, tama ang pakiramdam ko na may namamagitan sa inyo ng kaibigan ng Kuya Dustin mo. Tsk! Ang bata-bata mo pa para dyan Margarette! Inuuna ang pagaaral kaysa sa boyfriend-boyfriend na ‘yan,”

 

Nakatingin pa rin sa akin si Nanay, halos umusok na ang ilong nya sa galit pero hinayaan ko lang. Sa pagkakataong ito, gusto ko ng maiyak. At dahil sa pagalit ni Nanay, ngayon ko na ata mailalabas ang mga luha ko na kanina pa gustong kumawala pero hindi lang makalabas.

Naiyak na ako, hindi lang basta iyak dahil may kasama pang hikbi at hagulgol.

“Anong nangyari dyan?” tanong ni Kuya A na kauuwi lang ng bahay, hindi na nagsalita si Kuya D na nakasunod sa kanya. Nakatingin silang dalawa sa akin.

Sa hindi inaasahang pagkakataon, lumapit sa akin si Nanay at niyakap ako. Hindi ko na kinaya, napayakap na ako kay Nanay habang umiiyak.

“Tama na Margarette, bata ka pa. Marami ka pang makikilala dyan na ibang lalaki. ‘Yung mamahalin ka, ‘yung hindi ka sasaktan, ‘yung proprotektahan ka at hindi ka iiwan. Naniniwala ako na ang lahat ng tao, lalo na ang mga babae; lahat tayo may isang tao na nakalaan para sa atin. Ibinibigay sya ng Diyos sa tamang panahon. Ang lalaking minahal mo, baka hindi sya ang para sa’yo Margarette, may ibang lalaki na para sa’yo. Darating din sya, maniwala ka.” Kahit papaano, nakagaan sa pakiramdam ko ang mga sinabi ni Nanay. Sa unang pagkakataon nabigyan nya ako ng payo sa usapin ng pagibig.

 

“Nanay, ang sakit-sakit kasi e..” hindi pa rin ako tumatahan sa pagiyak, nakayakap pa rin ako kay Nanay.

 

“Ganyan talaga Margarette, kapag nasaktan ka ibig sabihin totoo ang nararamdaman mo. Sa simula masakit pero kapag unti-unti mo ng natanggap ang nangyari sa inyo, hihilom din ang sugat ng nakaraan. Magiging masaya ka ulit,” hinimas-himas ni Nanay ang likuran ko.

Ilan pang braso ang naramdaman kong pumalibot sa akin.

 

“Ang dalaga namin, marunong ng magmahal..” sabi ni Kuya A na syang kumuskos sa bunbunan ko.

 

“Oo nga, umiiyak na dahil sa lalaki. Maayos din ‘yan Margarette,” Bulong naman sa akin ni Kuya D habang nakikiyakap na rin.

Gusto kong matawa sa mga sinabi nila. Kahit papaano nakakagaan ng pakiramdam na makarinig ng mga biro nila, at least alam kong may mga taong mahal na mahal pa rin ako sa kabila ng kasalanan ko. Nandito pa rin sina Nanay at ang mga Kuya ko para damayan ako, na kahit papaano dumadamay sa akin.

 

“Bakit kayo magkakayakap? Sama!” lahat kami nagtinginan sa may pintuan, si Justin kauuwi lang.

Sinama namin sya sa yakapan namin. Nagpatuloy sina Kuya Austin at Kuya Dustin sa pagpapatawa habang nakikisali naman sa panloloko si Justin. Gumaan na ang pakiramdam ko kahit papaano.

Tama naman ang pamilya ko, bata pa ako para sa pagibig. Sapat na ‘yung karanasan na pinagdaanan ko ngayon. Mabuti na lang buo kaming lima, wala man sa tabi namin ang namayapa ko ng ama, alam kong masaya sya dahil sama-sama kaming mga mahal nya sa buhay.

Ilang araw ang lumipas, wala ng senyales ng kahit ano mula kay Virgo. Siguro tuluyan na nya akong nilubayan, siguro hanggang ngayon nasasaktan ko pa rin sya. Pero mas mabuti na ito, balik sa normal ang buhay ko.

Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon, may nangyari isang hapon. Ang pangyayari na iyon ang syang nakapagbigay ng dahilan sa akin para mas maging malakas at matatag. Sa mura kong edad, natuto akong harapin ang katotohanan. Natuto akong lahat ng bagay ay may tamang panahon.

Nakasalubong ko si Kuya Evo sa kalsada mula sa eskwelahan namin, pauwi na sana ako pero hinarang nya ako at inaya na sumama muna sa kanya. Ayokong sumama sa kanya na kumain, kaya sa isang malapit na park na lang nya ako dinala.

 

“Sorry sa lahat Margarette, sorry sa mga nagawa namin ni Virgo sa’yo. I know na ito ang unang beses nating magkakaharap after what happened sa hospital. Ilang linggo na rin ang lumipas pagkatapos mong malaman ang totoo. Sana napatawad mo na kaming lahat,” malumanay na sabi ni Kuya Evo.

Sinipa-sipa ko ang buhangin na nasa may paanan ko, nakaupo kaming dalawa ni Kuya Evo sa swing.

 

“Okay na ‘yung Kuya Evo. Nakalipas na ‘yun e, ayoko na ring isipin ang mga nangyari. Sabi ng Nanay ko masyado pa akong bata, marami pang mangyayari sa buhay ko. Kailangan kong tanggapin ang lahat at ‘yun ang ginagawa ko ngayon,” patuloy ko pa ring sinisipa ang mga buhangin, duon lang nakatutok ang mga mata ko.

 

“Salamat Margarette, ang mature mo na magisip nakakagulat. Siguro nga, ‘yan ang naging resulta ng mga pinagdaanan mo. Sya nga pala, kamusta na kayo ni Virgo? I believe you two talked already?” natigilan ako sa aking pagsipa ng tanungin ako ni Kuya Evo patungkol kay Virgo. Napatingin ako sa kanya.

 

“Wala na kami Kuya Evo, nakipagbreak na ako sa kanya no’ng huli kaming nagusap.” Tila hindi inaasahan ni Kuya Evo ang sinabi ko, napaatras sya ng konti ng marinig nya ang sinabi ko.

Para bang may pumitik sa harapan ni Kuya Evo at bigla syang natauhan, napailing sya ng konti at tumingin sa harapan nya. Sa malayo kung saan tila nakakapagisip sya ng kung anong sasabihin sa akin.

Ilang minuto kaming binalot ng katahimikan hanggang sa si Kuya Evo naman ang magsalita, sa pagkakataong ito ako naman ang nagulat sa sinabi nya.

“Aalis na ako bukas Margarette, I’ll go to Australia with my Papa. Du’n muna ako for my on the job training,” gustong kumawala ng puso ko at maghalumpasay sa balitang binitawan ni Kuya Evo.

 

Totoo ba ang narinig ko? ‘Yan ang tanong ko sa sarili ko dahil sa sinabi ni Kuya Evo.

Hindi ko alam kung bakit pero naiiyak ako. Tila gusto kong sabihin kay Kuya Evo na bawiin nya ang sinabi nya. Ayoko no’ng balita nya sa akin, nasasaktan ako.

“Margarette?” tinawag ni Kuya Evo ang pangalan ko ng mapansin nyang nakatulala lang ako sa kanya.

Hindi ko matanggap, aalis si Kuya Evo. Aalis ang lalaking.. teka, ano ba sya sa akin?

 

“Ah.. Eh.. H-hanggang kailan ka do’n Kuya Evo?” takte naman, nararamdaman ko na naluluha ako.

 

“Eight months minimum, pero ten months ang pinakamatagal. Depende, kapag natapos ko agad ang training ko pwede na akong bumalik dito.” Nakangiting tanong ni Kuya Evo.

Hindi na ako nagtanong muli. Nalulungkot lang ako sa sinabi nya. Gusto ko na tuloy umuwi at umiyak. Kasi naman bakit kailangan do’n pa sya magtraining, si Kuya Dustin hindi naman sa ibang bansa nagtraining no’ng college sya. Ang daya-daya naman.

Sana matapos nya agad, sana walong buwan lang sya do’n at bumalik na agad. Wala akong karapatan magbigay ng komento pero kung tatanungin nya ako ‘yan ang sasabihin ko. Grabe naman kung susulitin nya ang sampung buwan. Ayoko.

Tumayo si Kuya Evo at naiwan akong nakaupo pa rin sa swing. Akala ko aalis na sya pero humarap sya sa akin at nilahad ang kamay nya.

“Can I have your hand, Margarette?” nakangiti nyang tanong sa akin.

Pinili kong pagmasdan ng sandali si Kuya Evo, ang gwapo nya talaga lalo na sa buhok nya na bahagyang gumagalaw dahil sa pagdaan ng hangin dito.

Iniabot ko kay Kuya Evo ang kamay ko, hinila naman nya ito ng bahagya para tumayo ako.

Nakahawak sa strap ng bagpack ko ang isa kong kamay samantalang ang isa ay hawak ni Kuya Evo—ang kamay kung saan suot ko ang bracelet na binigay nya. Bigla akong kinabahan ng magtama ang mga tingin namin. May mangyayari, sigurado ako.

“May gusto lang akong sabihin bago ako umalis. This is a promise, a promise that I will prove to you someday.” Naging seryoso na ang tono ng boses ni Kuya Evo.

Nanatili lang akong nakatitig sa napakagwapong mukha nya. Ang kalahati ng maganda nyang mukha, nasisilawan ng papalubog na araw at ang kalahati naman ay bahagyang natatakpan ng anino ng kanyang mukha. Mas lalo akong kinabahan.

“A-ano ‘yon, K-kuya Evo?” napuputol kong tanong.

Imbes na sagutin nya ako, nilapit nya ang mukha nya sa akin. Noong una, nakatingin lang ako sa kanya na halos manlaki ang mga mata ko sa pagkagulat. Inisip ko na babawiin nya rin ang paglapit ng mukha nya. Pero napapikit na lang ako na halos itago ko na ang mga labi ko ng mas lalo nya pang ilapit ang mukha nya sa akin. Mabilis na tumakbo ang kung ano sa isipan ko, inayos ko ang mga labi ko. Inihanda ko ‘yon sa anumang pagkakataon na may gawin si Kuya Evo.

Baka halikan nya ako sa mga labi ko.

Nararamdaman ko na ang hininga nyang malapit sa labi ko. Mas humigpit pa tuloy ang hawak ko sa strap ng aking backpack. Hala! Hahalikan nya ako! Hahalikan ako ni Kuya Evo!

Isa, dalawa, tatlo tumama ang hula ko pero may konti lang pagbabago. Hinalikan ako ni Kuya Evo pero hindi sa mga labi ko, sa noo ko lang.

Napadilat ako ng aking mga mata at nakita ko sa harapan ko ang nakangiting si Kuya Evo. Gusto ko sanang magalit at hampasin sya pero hindi ko ginawa. Pakiramdam ko tuloy pinahiya ko ang sarili ko.

“Hanggang ngayon ikaw pa rin ang nasa puso ko. Ngunit naniniwala ako na may tamang panahon para sa lahat ng bagay Margarette. Sa ngayon, hindi pa ito ang tamang panahon para sa nararamdaman ko sa’yo. I can kiss you a while ago but I hung up, hindi pa ito ang right time para sa atin. Alam ko darating din ang oras na ‘yon, sigurado ako na kapag nangyari ‘yon girlfriend na kita. Please Margarette, hintayin mo ako at ang tamang panahon na nakalaan para sa atin. Babalik ako, at sa pagbabalik ko kasama ko pa rin ang pagmamahal ko para sa’yo.”

Bumitaw ang kamay ko sa pagkakahawak ko sa strap ng backpack ko ng yakapin ako ni Kuya Evo.

“Maghihintay ako, Kuya Evo..” mahina kong sabi. Sigurado akong narinig nya iyon dahil humigpit ang yakap nya sa akin.

 

“Huwag mong huhubarin at wawalain ang bracelet na binigay ko, sign of love ko ‘yan sa’yo. Kapag hindi ko ‘yan nakita pagbalik ko, ibig sabihin ayaw mo na sa akin. And lastly, mahal na mahal ni Ironic_Volvo ang may-ari ng account na Just_Chals_96, tandaan mo ‘yan.” lihim akong napangiti sa sinabi ni Kuya Evo.

At iyon ang huling beses na nagkita kami ni Kuya Evo bago sya lumipad patungong Australia. Naiwan akong hawak-hawak ang mga salitang pinangako nya at ang bracelet na simbolo nya ng pagmamahal nya para sa akin.

____________

“Chalstine! Ang galing mo!” umapir sa akin si Steven matapos kong mapanalo ang clash namin sa hindi naman kagalingan na clan.

 

“Oo nga, astig talaga ni Cha! Simula ng mapalapit sya sa mga member ng Ultimate Force Clan gumaling na sya!” pambobola naman ni PJ.

“Pengeng weapon ha! Balato lang!” isa pa itong si Dave, nanguuto pa.

 

“Sige, hati-hati na kayo sa lahat ng weapons ko. Gusto nyo pati ‘yung gold bars ko e,” lahat silang apat napatingin sa akin dahil sa sinabi ko.

 

“Ha? Bakit Chalstine? Milagro!” masaya pero gulat na tanong ni Aaron.

Napagisipan ko na ito no’ng isang gabi. Sigurado na ako sa desisyon ko. Hindi ko alam kung bakit dumating ako sa ganitong plano pero buo na ang isip ko na ganito ang gawin.

Mag-dedeactivate na ako ng account ko sa The Legendary Clash, isasara ko muna pansamantala o maaari ring panghabang buhay na ang account na Just_Chals_96.

Sinabi ko ang plano ko sa kanilang apat at tulad ng inaasahan, tumanggi sila at pinigilan nila ako. Ngunit buo na talaga ang desisyon ko, wala ng makakapigil sa akin.

 

“Sigurado ka ha? Mamimiss ka naming kasama sa mga clash Cha, ‘wag na lang kaya.” Malungkot na sabi ni Steven.

 

“Okay lang ‘yan, malay mo sa susunod na buwan maisipan kong iactivate ulit ‘yong acccout ko. Sa ngayon kasi ayoko na muna,” pagpapaliwanag ko.

 

“Sig Cha, basta kapag nagactivate ka ulit kailangan makipagclash tayo ha!” pinilit ni Dave na ngumiti kahit papaano.

 

“Oo nga! Hihintayin namin na bumalik ang username mo!” isa pang masayang sabi ni PJ.

Tumango ako sa kanila at bumalik ang tingin sa monitor na nasa harapan ko. Bago ko pa man isara ang account ko at maglogout, pinamigay ko na sa mga kasamahan ko sa Killer Fire Clan ang mga weapon na mayroon ako. Hindi ko rin naman alam kung kailan ako makakabalik, o kung magagamit ko ba ulit ang mga weapon na ‘yon. Mabuti nang ipamahagi ko na sa kanila ang lahat ng maaari kong ibigay.

Pero bigla na lang humirit si Aaron.

 

“Cha, pwede request? Last clash na lang oh, sige na!”

Lahat silang apat nagtinginan sa akin, tila iisa ang gusto nila. Hindi na ako tumanggi sa gusto nila, at sumang ayon na ako.

“Ayos! Oh teka! Ito na, hatakin kita!” sabi ni PJ.

 

“Bilis! Weak naman oh!” pangaasar ko.

“Chalstine, login!”

Iyon na ang huling invite na natanggap ko mula sa kanilang apat. Pagkatapos ng huling clash na naipanalo ko, tuluyan na akong nagdeactivate ng account.

Masayang pamamaalam muna sa ngayon, Just_Chals_96.

*~~~~~

sacchariferousdream®

Continue Reading

You'll Also Like

108K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...