I Saw the Future Once

By HartleyRoses

100K 4.6K 618

Everything change when I saw the future once. ๐Ÿ–‡:: COMPLETED ๐Ÿ–‡:: Photo that used in the book cover is not mi... More

I Saw The Future Once
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 33
Chapter 34 - Flashback
Chapter 35 - Flashback
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Epilogue
โœŽ facts
โœŽ note

Chapter 32

1.2K 60 4
By HartleyRoses

"Hindi ko na ito patatagalin. I'm going to negotiate with you," aniya habang nakatingin sa maghigpit na pagkakahawak ko sa data na nais nilang makuha. Pero inipit ko ito sa wasteline ng pantalon ko para hindi nila ito makuha.

Hindi pa rin ako makapaniwala na siya ang tatay ni Nolan? Bakit siya pa?

Bigla akong nalito sa pag aakusa kay Nolan? Totoo niya ba iyong ginawa o napag utusan lamang siya ng kanyang sariling ama? Hindi ko na alam... pero isa lang ang sigurado ako sa ginawa ni Nolan, sinira niya ako, sinira niyang muli ang tiwala ko.

"Anong gusto mo?" matigas na sabi ko.

"Dalhin mo siya Romy sa kanyang mga magulang." Dito na nanlaki ang mga mata. Nandito ang mga magulang ko? Pero bakit? Anong ginagawa nila dito?

Mas lalong napahigpit ang hawak ko. Pag may masamang nangyari sa mga magulang ko, hindi ko na alam kung ano pa ang kaya kong gawin.

Hahawakan sana ako ni Tito, I mean ni Romy... wala siyang karapatan para matawag kong Tito at maging isang pamilya o maging isang Montilla. Parehong dugo lamang ang nananalantay sa katawan namin pero pinutol ko na ang anumang maaring maging koneksyon ko sa kanya.

"Kaya ko ang sarili ko, hindi ko kailangan na mahawakan mo ako." Hindi niya nagawang ituloy ang gagawing pag hawak sa akin pero nakita ko ang pagdaan ng galit sa kanyang mukha na parang gusto na akong saktan nito.

"Let her, Romy."

Hindi ko na sila tinignan at sumunod na lang sa kwarto na papasukan namin.

Ito ang kanilang research center, pero napakaraming pinto at sa tingin ko ay may mga nakalagay sa loob no'n. Hindi ko mabilang ang mga kwarto o bawat pinto na nakikita ko dahil napakalawak talaga dito.

May isa kaming pinasukan na kwarto at nilibot ko ang aking tingin sa kabuunan nito. Malaki rin dito. Paano pa sa mga iba pang kwarto sa research center na ito? Gusto kong mamangha ngunit pag naiisip ko na ang nag mamay-ari nito ang sumira sa akin ay mas lalo lamang umuusbong ang galit ko.

"I know you will give me that analysis data without hesitation." Napalingon ako sa kanya at may maliit itong ngisi sa kanyang labi.

"And why would I do that?"

"Of course you will do that." Sigurado siya sa pagbigkas niya na wala man lang pag aalinlangan kaya mas lalo akong kinabahan.

"Ipakita mo na Romy ang kapatid mo at ang asawa nito." Walang pag aalinlangan na sinunod ang kanyang utos at lumapit ito sa may telang nagtatakip sa kung ano.

"Find out." Inilahad ng ama ni Nolan ang kanyang kamay kung nasaan ang tela na iaangat ni Romy.

Mas lalong umusbong ang kaba sa aking dibdib. Anong mayroon diyan?

Dahan-dahang umangat ang tela na gusto nilang makita ko at parang tumigil ang mundo ko.

Sunod-sunod na nag bagsakan ang luha ko na parang hindi na ito titigil. Nangatal ang buong katawan, at nanghina ang aking mga binti kaya napaluhod ako.

Ang mga emosyong pinipigilan ko ay tuluyang hindi ko na na-control.

Galit. Takot. Pag kamuhi. Lungkot. Pighati.

Sobrang diin ng pagkakakagat ko sa aking labi para pigilan ang pag hagulgol ko.

Bakit sila pa? Bakit? Ano bang kasalanan ang nagawa namin para gawin nila ito?

Nanlilisik ang mata ko sa mga taong may gawa nito. Pareho pa silang nakangiti na parang nagugustuhan nila ang nakikita sa akin.

"Bakit niyo pinatay ang mga magulang ko?!" Nag echo ang buong boses ka sa loob ng kwartong ito dahil sa sobrang lakas ng pagkakasigaw ko.

Pero sunod-sunod pa ring bumagsak ang luha ko. How could they do that? Paano ko pa mayayakap at makakasama ang aking mga magulang? Paano ko ulit sila makikita na nakangiti sa akin? Paano na yung mga plano ko na kasama sila?

Tumayo ako at sumugod sa lalaking nasisiyahan pa sa ginawa niya.

Tinalunan ko siya at walang pag aalinlangan na sinapak ko siya sa kanyang mukhang nakangisi.

Napaatras siya dahil sa lakas ng pagkakasuntok ko.

Pero muli ko pa siyang sinuntok nang sinuntok nang sinuntok hanggang sa napa upo na siya, nakita ko ang pag dugo ng kanyang labi, ang pagputok ng gilid ng kanyang mata, ang pag dugo ng kanyang ilong ngunit hindi pa ito sapat. Kailangan niya ring mamatay!

Sumasakit na ang kamao ko dahil sa malalakas na suntok na ibinibigay ko sa kanya pero hindi ko na ito ininda. Magbabayad siya. Wala silang puso!

"Remove her! Faster!" Nagawa niya pang sumigaw kahit ilang beses ko na siyang nasuntok.

Doon ko lang naramdaman ang mga tauhan niya na humawak sa akin.

Nagwala ako at halos lahat sila ay nahirapan sa akin.

"Dahan-dahan lang! Baka mabasag ang pinaglalagyan ng analysis data!" Sigaw naman ng walang hiyang tito ko.

Nakalapit ako sa kanya at sinuntok rin siya ng malakas. Nanlaki naman ang kanyang nga mata dahil sa gulat kaya sinampal niya ako dahil tuluyang nahawakan na ako ng mga tauhan niya.

Nanuot ang hapdi at sakit sa kanang pisngi ko pero wala ng mas sasakit nang makita ko ang mga magulang ko na nakalagay sa isang glass transparent capsule at nakaratay doon, hindi na humihinga. Wala ng buhay.

Paano pa ako lalaban kung ang mismong pinaglalaban ko ay binawian na ng buhay?

Paano pa ako magiging matatag kung ang mismong nagturo nito sa akin ay wala na?

Purong galit na lamang ang nararamdaman ko ngayon. Purong dilim na lamang ang nakikita ko ngayon.

Buhay ang kinuha nila sa akin kaya buhay rin ang aking kukuhain.

Mukhang lahat ng natutunan ko kung paano lumaban ay para pumatay lamang.

Tumalon ako sa ere kahit hawak ako ng napakaraming mga lalaking nakaitim na tauhan nila.

Inikot ko ang aking sarili para mawala ang pagkakahawak nila sa akin. Pumatong ako sa isa sa kanila at tumalon palayo.

May lalapit pa sana sa akin ngunit inilabas ko ang baril na dala ko at ang  analysis data para sa t*nginang research nila!

"Kuhain ang data sa kanya!" malakas na sigaw ni Romy kaya agad nag sikilos ang mga tauhan nila.

Mas itinutok ko ang aking baril, pero nagawa pa rin nilang lapitan ako.

Wala akong nagawa kundi ang mag paputok ng isa sa kanila.

Lahat sila ay gulat nang may matamaang isa sa kanila. Sa mismong  puso ko ito pinatama kaya bumagsak agad ito sa malamig na puting sahig.

Ang puting tiles ng sahig ay nabahiran ng dugo dahil nagkalat na ito.

Lahat napahinto at nagulat dahil hindi ata nila inaasahan na ang isang tulad ko na babae at nasa teenage pa lamang ay magagawa ito. Ang pumatay ng tao.

Pati ang mga traydor ay gulat din sa ginawa ko. Ang ama ni Nolan na si Marco na inaayos ang kanyang suot na lab coat ay napahinto.

Kung nasa katinuan ako ay matatakot na ako, tatakbo at makokonsensya sa ginawa.

But thinking of my parents that they killed just for the sake of their research that I don't even know.

I felt nothing but pure hatred and anger.

"Lumapit pa kayo at—" inangat ko ang bagay na naglalaman ng data. "Hindi ako magdadalawang isip na basagin ang bagay na ito."

Narinig ko ang palakpak ng ama ni Nolan na si Marco.

"Pinalaki ka nga ng mga magulang mo kung paano ipagtanggol ang sarili. I'm amaze." Halata ang pagkasarkastiko sa boses nito.

Humawi ang mga tauhan niya para makalapit siya sa akin ng tuluyan. Tinutok ko pa sa kanya ang baril na hawak ko ngunit wala lamang ito sa kanya.

Ngumiti siya ng walang emosyon at inilahad ang kamay sa harapan ko.

"Ibibigay mo rin sa akin 'yan, ngayon din."

Ako naman ngayon ang ngumisi.

"Huh? Your thick face! Hindi ako mag aatubili na sirain ang bagay na ito sa harapan mo," I said but he laughed without humor on it.

"I see. Paano kung sabihin ko sayo na 'yang bagay na 'yan ang makakapag pabalik ng buhay ng iyong mga magulang." Nalaglag ang panga ko. Agad akong tumingin sa mga magulang ko na nakahiga at matiwasay na nakapikit ang mga mata.

Nanlabo ang aking mga mata sa nagbabadyang luha na muling tutulo.

Hindi ko na alam gagawin ko.

Tahimik ang buong lugar habang naghihintay ng sagot ko. Sa kaliwang kamay ko kung saan nakalagay ang data para sa research nila, at sa kanang kamay ko na nakaangat rin at may hawak na baril.

Kusang tumulo ang mga luha sa aking mga mata.

"P-Paano?" nanginginig kong tanong.

Ngumiti siya ng matagumpay pati na rin ang isa sa pamilyang kinamumuhian ko dahil sa naging tanong ko.

"Simple lang, kapag nagawa namin ang research na matagal na dapat nagawa kung hindi dahil sa mga magulang mo na itinago ang pinaka data nito." Nanlisik ang mata nito. "Ngunit kailangan ko kayong magkakaibigan para maisakatuparan ko ito kaya kailangan mo rin silang isuko sa akin para mabuhay ang mga magulang mo."

Umawang ang aking labi dahil sa narinig. I can't absorb this anymore. Bakit ako pa? Sa lahat ng tao bakit ako pa ang maiipit sa ganitong pagkakataon?

My own family who already died or my own friends that are still fighting? Sino ang pipiliin ko?

Wala na akong pakialam kung buhay ko mismo ang mawala, ngunit bakit ang mga mahal ko pa sa buhay?

I took a deep breathe and looked again to my parents.

"Anong gagawin mo sa amin at kailangan kami sa research niyo?"

"Ang inyong mga dugo... espesyal ang magkakaibang limang dugo at nag kataon na sa mga anak lamang ng kasamahan namin dito ang mayroon noon. At ang nakapag pa-espesyal pa rito ay sa inyo na naturok ang gamot na ilang taong ginawa para matagumpay din na magawa ang research. Hindi na kami pwedeng humanap ng ibang dugo katulad ng sa inyo kahit kaya naman namin mag hanap, ngunit dahil sa inyo na naisagawa ang unang hakbang ng research na ito, at mahabang proseso ang kakailanganin at iyon na lamang ang limang gamot na naturok sa inyo wala kaming ibang pag pipilian kundi ang hanapin kayo at magpatuloy."

Halos sumabog na ang utak ko sa impormasyon na natanggap ko sa kanya. Kaya ba itinago ako ng mga magulang ko dahil ayaw nilang madamay ulit ako rito? Kaya ba hindi rin nila ito sinasabi sa akin?

Kaya pala ganoon na lamang ang determinasyon ng mga taong kaharap ko ngayon na mahanap kaming lima para maisakatuparan ang gusto nila.

At ganoon na lang din ang determinasyon ng mga magulang ko para mapanatili akong ligtas. Lahat ginawa nila para sa akin. My parents suffered too much just because of me... just to protect me.

Patuloy pa rin ako sa pagluha habang nahihirapan sa magiging desisyon.

Pero ako naman ngayon ang gagawa ng paraan at lahat gagawin ko sa magulang ko.

Patawad sa aking mga kaibigan.

Sobrang hina ko talaga. Wala man lang akong nagawa para sa kanilang lahat.

"Papuntang south, dumeretso ka lamang doon at may makikita kang maliit na bakal at buksan mo iyon dahil may sikretong lagusan doon kung saan doon din ako tumakas noong bata pa ako palabas sa lugar na ito. Sa bungad no'n ay naghihintay ang aking mga kaibigan."

Mas lalong lumawak ang ngiti niya dahil sa sinabi ko.

"Narinig niyo ang sinabi niya, gawin niyo na."

Umalis ang iba sa tauhan nila para puntahan sina Ream, Steel, Nick, Francine at Celestine.

Lalapit sana siya sa akin para kuhain ang bagay na hawak ko para sa research nila pero iniwas ko ito.

"Pag may ginawa kayong masama sa kanila, hindi pa rin ako magkikiming sirain ito. Mag hintay ka," mariing ani ko.

Nakaangat pa rin ang baril ko para walang pangahas ang makakalapit sa akin.

Pinunasan ko ang aking mga luha.

Mga ilang minuto pa ay may narinig na akong sigawan.

"Bitawan niyo kami!" I know it was Steel.

"Nasaan si Trixy?! May putok ng baril akong narinig!" Si Francine naman ngayon ang nag salita.

"Kapag nalaman kong sinaktan niyo si Xyrene, kahit isang galos lamang ang aking makita ay malalagot kayo sa akin." Napasinghap ako nang si Ream naman ang narinig kong nagsalita. Nagbabanta ang kanyang boses at kahit sinong makakarinig nito ay matatakot dahil sa sobrang diin ng pagkakabigkas.

Tuluyan na silang nakapasok sa kwartong ito at nag aabang na ang aking tingin sa kanila.

Lahat ay natahimik nang makita nila ang kabuoan ng buong malaking silid.

Lahat sila ay sabay-sabay na napatingin sa isa sa mga tauhang nakaitim na nakahandusay at wala ng buhay. Hanggang sa akin napunta ang tingin nila at sa hawak kong baril.

Ngumisi ako sa kanila at walang emosyong pinapakita.

"S-Si Trixy ba ang may gawa niyan?" hindi pa rin makapaniwalang tanong ni Steel.

"Hindi 'yan magagawa ni Trixy," sagot naman ni Francine kay Steel.

Traydor na kung traydor sa kanila pero ito na lang ang paraan para mabuhay ang aking mga magulang.

Tumingin pa ako sa kanila na parang wala lang sila sa akin, na parang hindi ko sila kaibigan.

Mas lumawak ang ngisi kong nakakatakot na hindi ko pa naibigay sa kanila.

"Totoo ang sinabi niya Francine, ako ang may gawa n'yan. Amazing right? At alam niyo kung bakit kayo narito? Of course, I'm surrendering all of tou to them." Pinutol ko pa ang aking sasabihin at lumingon pa kay Marco at Romy na kapwa may ngisi na rin sa mga labi katulad nung akin. "Ibinibigay ko na kayo sa kanila."

Nag laglagan ang panga nilang lahat. At akala ko ay galit ang ipapakita nila sa akin ngunit purong dismaya, lungkot at sakit ang nakita ko sa kanilang mga mata.

Pero wala pa rin akong maramdaman ngayon kundi ang kaalaman lamang na mabuhay ang mga magulang ko sa pamamagitan ng pag t-traydor ko sa kanila.

"Hindi ko na kayo kaibigan," walang emosyong dagdag ko pa at sa kanila itinutok ang baril ko kaya nag singhapan silang lahat.

"Bakit Trixy?" sabay-sabay nilang tanong maliban kay Ream na wala na ring pinapakitang emosyon ngunit alam kong galit na rin siya sa ginawa ko.

Napatingin ako sa gawi kung nasaan ang mga magulang ko pero may tela na ulit ito na nagtatakip sa transparent na glass na kinalalagyan nila.

"Sinira mo ang tiwala namin. Sinira mo ang pag-asang sayo lamang namin inaasahan."

Parang may nag barang kung ano sa aking lalamunan dahil sa sinabi ni Ream.

Ang bagay na ayaw ko sa lahat ay ang sinisira ang tiwala ko ngunit ako itong mismong sumira ng tiwala nilang lahat na buong-buo nilang ibinigay sa akin.

Alam kong napakahina ko. Masama bang hangaring mabuhay ang mga magulang ko? Naipit lamang din ako sa sitwasyong ito.

Pero kung pag putol ng koneksyon ko sa kanila, ang pag t-traydor ko sa kanila ay ang nag-iisang paraan para mabuhay ang mga magulang ko ay malugod kong gagawin.

May isang patak pa ang biglang tumulo sa kaliwang mata ko.

Masaktan na ako, kamuhian na nila ako pero wala ng makakapigil sa akin na gawin ang isang bagay na kataksilan at kasalanan na siyang magpapabalik lamang sa buhay ng mga magulang.

I will do everything, even if it is a sin.

--

HartleyRoses

Continue Reading

You'll Also Like

28.2K 1.1K 48
Isang simpleng dalaga lamang si alesxia. Siya ay nag iisa nalamang dahil sa pagkawala ng kaniya mga magulang sa mismong kaarawan na edad 9 years old...
3.3M 75.6K 51
Have you ever craved someone, so much that you literally ache? In my case... I really did. Nagmahal ako kahit walang kasiguraduhan. Nagmahal ako kahi...
205K 5.8K 51
Princess Isabella Tatiana Louise of Asteria of the Royal House Devika ran away from home. The reason? She doesn't want to marry that prince whom she...
5.3K 362 40
[COMPLETED] ยป Teen Fiction Dwight Nicolai Vendivil, the president of the section Jade. Responsible, firm and strict, however, he has a soft spot tow...