•Be Mine• (JAEYONG)

By nctwayzenkei

11.8K 528 114

JUST A FANFIC OF JAEYONG ⚠WARNING⚠ It contains of murahan overload and everything here is just a fanfic. If a... More

00
01
02
03
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
EPILOGUE

04

416 18 1
By nctwayzenkei

**✿❀ ❀✿**

THIRD PERSON

Todo kapit naman si Taeyong sa braso ni Yuta dahil sa kaba nya. Nakarating na sila sa lugar kung nasaan sina Jaehyun ngayon at yun ay nasa food chain at nagtatakaw.

Samantala, di naman mapigilan ang ngiting bumabadya sa mukha ni Jaehyun the moment na makita nya ang napakagandang nilikha sa kanyang mga mata.

Hindi nya alam kung anong ginagawa ni Taeyong dito pero thankful sya at sinama sya ni Yuta.

"Ayun. Ngumiti na din sya, si Taeyong lang pala ang iniintay." Johnny teased him.

"Huwag ka nga maingay, baka marinig ka." Saway ni Jaehyun sa kanya pero tinawanan lang sya ng magjowang si Johnny at Ten. Oo may magjowa sa team nila. Yung iba gusto na din magjowa kaya lang wala pa silang mapili at mga choosy pa.

Sinundo naman ni Hansol si Yuta at Taeyong. Napapailing nalang si Doyoung doon, obvious naman kasi na ngustong gusto nito ni Hansol si Yuta pero hindi pa magawang umamin.

Close naman si Yuta sa kanila, thanks to Hansol. Minsan na nila itong niyaya na sumali sa team nila, pero mukhang mas gusto nyang manood ng anime.

"Yong, don ka umupo sa tabi ni Jaehyun. Walang umuupo doon eh, ewan ba namin kung bakit." Natatawang sabi ni Hansol.

"Wow Yong? Close na kayo?" Johnny teased.

"Lakampake hayop ka."

Nahihiya namang sumunod si Taeyong. Medyo nagdalawang isip sya doon. Oo gusto nya tumabi kay Jaehyun pero nahihiya nga sya. Malay naman nya pinagttripan lang sya ng mga ito.

Pasimple naman syang tnulak ni Yuta kaya napaupo na din sya. Dami pang arte uupo na din naman.

"Hi." Binati nya si Jaehyun. Nilingon naman sya nito at ngumiti. Napansin din ni Taeyong ang pamumula ng mga tenga nito.

"H-Hi."

Eh? Bakit sya nauutal?

"Ayun masaya na sya."  Mahinang bulong ni Hansol sa mga kasama. Napapatawa nalang sila.

Jaehyun is confident in everything, but why not Taeyong? Literal na tiklop sya pagdating dito.

"Are you hungry? Do want something to eat?"

Hindi. Mas gusto ko ng something kalandian. Baka pwede ka?

"Mag order ka lang Taeyong. Si Jaehyun bahala ang bahala jan." Sabi naman ni Ten.

"Hindi. Okay lang ako " Tanggi naman nya. Bakit nga naman sya ililibre ni Jaehyun eh hindi naman sya kaano-ano nito.

"I think b-busog pa ako eh."

"Wag kayo maniwala jan. Nahihiya lang yan." Sabat naman ni Yuta na ngayon ay nakikihati sa pagkain ni Hansol. "Mahilig sya sa matamis." Dagdag pa nito.

Tiningnan naman ni Taeyong si Yuta ng masama, pero ang Hapon ay nakatawa lang sa kanya at mukhang proud pa sa ginawa nito.

"Ay ganun? Hala Taeyong wag kang mahihiya kay Jaehyun. Kahit ano pang ipalibre mo jan willing na willing yan." Si Doyoung naman.

Ganyan yan sila, kahit kakikita pa lang sa isang tao, basta gusto ng isa sa kanila, kinakausap nila ito na parang tropa na din nila. Mga FC ganun, but in a good way.

"Ito, bilhan mo nalang ng strawberry frappe at yung cinnamon doon." Suggest ni Johnny. Pagkarinig palang nun ni Taeyong, halos maglaway naman sya kasi nga ang totoo ay gutom talaga sya. Routine nya twing uuwi sila eh magmiryenda saka matulog.

"Hala nakakahiya wag na lang. Isa pa, h-hindi naman ako k-kaibigan ni Jaehyun eh. B-Bakit nya ako ililibre?"

"Pabebe ampota." Bulong ni Yuta at umiling-iling.

"Kaya nga nandito ka mahal eh, para makipagkaibigan sayo ng maayos. Gusto ka nya maging friend, no Jaehyun?" Baling naman ni Ten sa kanya at inakbayan sya.

"Friend lang?" Sabat ni Winwin.

"Potaena nyo wag kayong spoil!" saway ni Hansol.

Marahan namang napapikit si Jaehyun. Hindi sya makakilos ng maayos dahil dito sa mga tropa nyang abnormal. Buti nalang at hindi pa sya nilalaglag ng mga to kay Taeyong. Subukan lang talaga nila.

Tumayo naman sya at isa-isa silang tiningnan.

"Problem cap?"

"Mauna na muna kami."

Kinuha nya ang kamay ni Taeyong at dahan-dahan syang hinila paalis ng lugar.

"A-Ako?" Tanong ni taeyong sa sarili nya. Tumango lang naman si Jaehyun.

Hindi na naman nagreklamo si Taeyong at sumama nalang. Syempre si Jaehyun yan eh. Kahit saan sya dalhin sasama talaga sya.


TAEYONG

Tangina prendsss san kami pupunta nito?

Halos manginig ako kanina nung hinawakan nya yung kamay ko. Oo literal na kamay ko talaga potaena pwede na ko mamatay.

Pero syempre wag magpahalata. Dapat may poise pa din para maganda.

Pero bago naman kami makaalis talaga, nag-order sya ng strawberry frappe at cinnamon na bread for me. Tinanong pa nga nya kung ano pang gusto ko pero syempre tinanggihan ko na yun. Nakakahiya kaya.

Nyahahaha ang sweet naman nito.

"Pasensya ka na sa teammates ko ah."

"Okay lang. Mukha naman silang mababait." Napangiti sya.

"Anyway, may game nga pala kami at the end of this month and, I'm inviting you ngayon pa lang na manood. Alam mo na, to support our school." Nakangiti nyang sabi sakin, nakita ko nanaman yung dimple nya na lumalabas. Ayieee ampogi kakainis.

"Kung may game kayo, edi dapat nagppractice kayo?"

"Yup. But I decided na pagpahingahin muna sila ngayon. Exams na bukas, we need to study din naman."

Napatango-tango nalang ako.

"Free ka ba sa Sunday?" He asked kaya napatingin ako sa kanya, nakatingin din naman sya ng seryoso sakin at hinihintay akong sumagot.

Lah. Magdedate ba kami?

"Oo, wala naman akong gagawin bukod sa manood ng anime kasama si Nakamoto."

"Kung ganon, pwede ba kitang yayain lumabas?"

Shet, sabi ko na nga ba eh.

Pota totoo ba to? Niyayaya ako ni Jung Jaehyun lumabas? Hala, hala!

Pano kumalma?!

Pero bakit? Ganun ba ako karelevant agad for him?

Dear Jungwoo, patawarin mo ko ng bongga.

"Sure." Nakangiti kong sabi.

Mas lumawak pa lalo yung ngiti nya at mas nagiging visible yung pamumula ng tenga nya.

"Hatid na kita sa dorm mo."

Pipigilan ko pa sana ako pero naalala ko na wala naman pala si Jungwoo ngayon dahil uuwi sya sa kanila kaya okay lang. Bahala na ako makita ni Kun at Taeil hyung. I'll explain na lang.

Nasabi ko na bang hanggang ngayon kapit pa ni Jaehyun ang kamay ko?

Putangina hihimlay na ako!

---

"Hoy Lee Taeyong! Explain mo yung sinasabi sakin ni Sehun at Jongin na nakita daw nila kayo ni Jaehyun na magka holding hands?" Bungad sakin ni Taeil hyung, nandito sya sa loob ng dorm namin at bigla nalang pumasok, wala man lang katok-katok.

"Hoy uso kumatok? Dorm nyo?" Sabi naman ni Yuta.

"Wala akong panahon para kumatok."

"Aba puta, matapang si tanda. Nagpapaalala lang."

"So ano nga yun Taeyong tinatraydor mo si Jungwoo?"

"Hoy! Grabe naman yung traydor. Ingat naman sa words, alam mong sensitive itong si Taeyong eh." Humarang naman si Yuta sa harap ko. Para bang panangga ko sya kay Taeil hyung.

"Tinatanong ko lang sya. Alam naman nya kung gaano kapatay na patay si Jungwoo doon kay Jaehyun tapos gusto nya din pala."

"Oh anong masama don? As if ginusto nyang magkagusto din?"

"Ano ba, tumabi ka jan. Di kita kausap."

"Paano mo kakausapin to eh tinakot mo na? Kita mo kung gano karupok tong isang to? Tingin mo makakausap mo sya ng ayos? At isa pa, kung makatraydor ka naman parang jowa ni Jungwoo si Jaehyun ah. Crush lang naman diba?"

Marupok? Hindi ako marupok ah! Kay Jaehyun lang.

"Yun nga, nagholding hands kami." Sagot ko pero nakatago pa din kay Yuta.

"So may gusto ka din kay Jaehyun?"

Napayuko ako at tumango. Bawal ba ako magkagusto sa kanya? Si Jungwoo lang ba dapat? Aware naman ako na matagal na syang may gusto kay Jaehyun pero hindi ko naman sinasadyang mafall din sa kanya eh.

"G-Ganon na nga. Pero di ko naman sinasadya eh. Ayaw nyo naman pala akong mag ka gusto din sa kanya, bakit nyo pa ako niyaya manood ng basketball? Syempre popular yung tao at hindi malabo na magkacrush din ako sa kanya." Malungkot kong sabi. Naramdaman ko naman na nilingon ako ni Yuta at niyakap.

"Ano ka ba, wag ka nga mag-isip ng ganyan. Alam mo naman kung gaano kita sinusuportahan kay Jaehyun diba?" Sabi pa nya.

"Bakit ka umiiyak jan? Di naman ako galit ah. Nagtatanong lang eh." Sabi ni Taeil hyung kaya tumingin ako sa kanya.

"Taeil hyung!" Biglang sumulpot si Kun sa may pintuan at napasapo din ng noo.

"Jinojoke lang kita Tae, hahahhaha! Mas bagay naman kayo ni Jaehyun eh. Matagal ko na kasing sinasabi kay Jungwoo na hindi sya magugustuhan ni Jaehyun eh ayaw makinig sakin."

Putangina?

Pinagtitripan ba ako nito?

"Lah, pinaiyak si Taeyong. Lakas talaga ng sapak nito sa ulo." Sabi ni Kun at huminga ng malalim. "Wag ka mag-alala Tae, shipper ng JaeYong yan si hyung, palihim nga lang kasi baka magalit si Jungwoo."

"Anong shipper? Ampota bakit ka nagshiship eh di mo pa nga nakikitang nag interact yung dalawa?" Sabi ni Yuta.

"Hindi pa nga. Pero magkasunod sila noon nung enrollment tas naisip ko lang na bagay sila so, ayun."

"Tangina naman hyong! Halika nga dito!" Hinila ni Yuta si Taeil hyung at hindi ko alam kung anong ginawa nya.

Seryoso kinabahan talaga ako kay Taeil hyung kanina. Pero napangiti naman ako nung malaman na supporter ko din pala sya.

What did I do to deserve this? I'm so sorry Jungwoo(╥_╥)

"Mula nung tinanong mo kay Yuta kung sino si Jaehyun, kaagad naman nyang sinabi sakin na bagay kayo. Wag ka mag-alala."

"Akala ko naman eh. Pero hindi ko pa din maiwasan na maguilty kay Jungwoo. Hindi ko sinasadya."

"Wag ka mag-alala kay Jungwoo. May mas better para sa kanya." Nakangiti nyang sabi kaya napangiti na din ako. Nakakahawa kasi yung mga ngiting nyang yun na akala mo model ng toothpaste.

JUNGWOO

"Dito na ang bahay ko. Salamat sa paghatid." Sabi ko sa lalaking nakatayo sa harapan ko at pinagmamasdan yung bahay namin.

"Papasukin mo naman ako. Painumin mo ko ng juice ganon. Oh kaya kung hindi sapat ang juice, samahan mo na din ng cake." Sabi nya ng nakangiting nakakaloko na parang sinadya para mabwisit ako.

Aba puta ang tigas ng mukha ah. Gwapo sana eh.

"Hindi ko alam kung saan mo nahuhugot yang kapal ng mukha mo ha, pero sinasabi ko sayo Wong Yukhei lumayas-layas ka na! Wala kang mapapala dito." I said with full of authority, at ang mokong parang wala lang sa kanya, nakangiti pa sakin.

Putahamnida.

"Uy, alam nya tunay na pangalan ko. Crush mo ko no?"

"Hindi ikaw ang crush ko no!"

"Ha? Hindi ako? Bakit? Gwapo naman ako ah."

"Hala, basta hindi ikaw. Umuwi ka na, salamat sa paghatid."

"Jungwoo!"

Nang marinig ko ang boses ni mama ay kaagad kong naitulak paalis si Lucas. Baka kasi makita nya at kung anong isipin. Pero kaagad naman na napangiwi ako dahil muntik na syang masalubsob pagtulak ko.

"Hala sorry pero umuwi ka na!"

"Sandali lang."

"Uwi na nga!"

"Ipakilala mo ko kay tita."

"Anong tita? Tumigil ka jan. Umuwi ka na."

"Wag ka nga kj!"

"Ano ba Lucas!"

"Jungwoo? Ano bang problema at sumisigaw ka jan?"

Napasapo ako ng noo nung lumabas na nga si mama. Samantalang nakangiti naman ang mokong na nasa harap ko at nakatingin kay mama, mukhang hinihintay na pansinin sya.

"May kasama ka pala. Bakit hindi mo papasukin sa loob?"

"Ano ma, actually uuwi na sya. Diba uuwi ka na?" Tiningnan ko naman sya at pinandilatan ng mata pero patay malisya lang si gago.

"Hi po. Ako nga po pala si Lucas."

"Hi. Lucas. Ako nga pala ang mama ni Jungwoo."

"Talaga po? Ah kaya pala ang ganda ni Jungwoo kasi namana nya sa inyo."

Aba tangina. Nambola pa! Ay hayop talaga.

My mom chuckled because of that statement. Kainis, bakit naman nagpauto si mader!

"Ma, uuwi na sya."

"Mamaya mo na pauwiin ang boyfriend mo. Pamiryendahin muna natin sya."

"Ma diko jowa-" Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang harangan ako ni Lucas. At dahil mas matangkad at malaki sya sakin, hindi ako nakapagpigil agad. Pota.

"Sige po, kayo po ang bahala. Hindi pa naman po ako uuwi tita eh. Gusto ko pa kasi makasama ng matagal si Jungwoo."

"Anong!-"

"Ganun ba? Sige pasok ka." Pagkasabi nun ni Mama, mabilis na naglakad si Lucas papasok sa loob. Para siguro hindi ko sya mapigilan.

Putangina!

Continue Reading

You'll Also Like

67.2K 1.8K 47
BINI ships Oneshots Compilation.
8.7K 188 61
Note: Apologies for wrong grammar and this is the first time na gumawa ako ng Story. Support niyo bai :)
3.4K 238 33
Breakups are just their thing. It loops them again, and again, and again.
890 88 15
His life was perfect not until that night. His wound is deep more that anyone can imagine. His revenge was long overdue. But who cares? Some things...