I Saw the Future Once

By HartleyRoses

92.6K 4.3K 616

Everything change when I saw the future once. šŸ–‡:: COMPLETED šŸ–‡:: Photo that used in the book cover is not mi... More

I Saw The Future Once
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34 - Flashback
Chapter 35 - Flashback
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Epilogue
āœŽ facts
āœŽ note

Chapter 30

1.3K 57 7
By HartleyRoses

Nag mulat ako ng aking mga mata at napansing narito pa rin ako sa kwarto.

May pumasok na dalawang nakaitim na lalaki at lumapit sa akin.

"Anong gagawin niyo sa akin?" tanong ko sa dalawa na hinawakan na ang aking mag kabilang braso pero hindi nila ako sinagot.

Gusto ko mang manlaban ay hindi ko magawa dahil mahina pa rin ang katawan ko.

Naalala ko bigla nang makalabas ang tito ko sa kwartong ito ay may pumasok na naka lab gown din at tinurukan ako ng syringe kaya nakatulog ako.

Napatingin ako sa dalawang lalaki na kinakaladkad ako palabas.

"Ilang araw akong nakatulog?" tanong ko at sana ay sagutin na nila akong dalawa.

Nagtinginan pa sila bago ako sagutin  ng isa ang tanong ko. "Dalawang araw na."

What?! Dalawang araw na akong hindi nakakapasok sa school! Yung finals namin ngayong araw na iyon! Anong gagawin ko?

Pero kailangan ko pa ba iyong isipin? Sa mga nangyayari sa akin ngayon at mas mukhang importante ito.

Magbabayad ang mga nasa likod nito. Kung sino-sino man sila ay hindi ko sila mapapatawad.

Nasa labas na kami at halos masilaw ako sa liwanag ng mga ilaw at dahil puro puti ang nakikita ko.

Pumasok kami sa may isang kwarto ngunit maaliwalas na ito at malaki. May mahabang lamesa doon na parang may mangyayaring meeting.

"Pag tumakas ka, hindi kami mag dadalawang isip na patayin ka." Napalunok ako sa sinabi nila pero hindi ko ito pinahalata. I will never give them satisfaction to that.

Ngumisi ako sa kanilang dalawa na nag dala sa akin dito at nakita ko ang pagtataka nila kahit may itim na tela ang nakabalot sa kanilang kalahating mukha.

"Really? I know that I am too important to be killed by you." Parang naasar silang dalawa sa sinabi ko pero lumabas na lamang sila.

Alam ko na kailangan nila ako kaya hindi nila ako basta-basta papatayin. At iyon ang aalamin ko, dahil hindi nila ako hahanapin ng ganoon katagal kung wala silang kailangan sa akin.

Umupo ako sa isa sa mga upuan at pinagdaop ang aking mga paa at kamay. I need to be calm.

Mga ilang minuto pa ang lumipas ay may mapansin akong naglalakad sa labas ng kwarto na ito dahil glass lang ang pagitan nito pero may curtain itong nakaharang pero nagawa ko pa ring masilayan kung sino iyon.

Nolan!

Tumayo kaagad ako sa aking pagkakaupo at lumapit sa may glass at hinawi ang curtain na nakaharang.

Kinalamapag ko ito at sumisigaw sa loob kahit na alam kong hindi naman niya ako maririnig pero napatingin siya sa gawi ko na nanlalaki ang mga mata.

"Nolan! Help me!" I whispered carefully at mas klinaro pa ang pagkakasabi para mabasa niya ang sinasabi ko kasi hindi niya ako maririnig dahil sa salamin na namamagitan sa amin.

Mas lalo pang nanlaki ang mga mata niya. Umatras ang kanyang paglalakad na palalayo sa kinaroroonan ko at ako naman ngayon ang gulat na gulat sa pwesto ko nang inakbayan siya ng tito ko na sumulpot na lang kung saan, ang traydor.

Nag-usap sila na normal at parang magkakilala na sila.

Bakit hindi ko naisip noong una pa lang? Bakit nga ba napunta sa lugar na ito si Nolan? Hindi naman siya isa sa mga limang bata na kailangan nila. At kung nandito man siya, isa lang ang pwedeng maging dahilan... kalaban namin siya.

Nakita kong nag ngitian pa sila ni tito bago tuluyang umalis, pero lumingon pa sa gawi ko si Nolan at pinakita ko sa kanya ang walang emosyon kong mukha, hindi katulad kanina na halos mag makaawa na ako sa kanya para matulungan.

Sabay silang naglakad papalayo ni tito. Bumagsak ang mga balikat ko at magkahalong lungkot at galit ang nararamdaman ko nang bumalik ako sa kinauupuan ko kanina.

Pinagkrus ko ang aking mga braso sa harapan ko at inisip ang lahat na maaring gawin ni Nolan, kung bakit niya ito nagawa.

Sa unang transfer niya pa lang sa strand namin ay halatang hindi na siya interesado sa mga subject pero dahil sa matalino siya ay nagagawa niya pa ring sumabay. Siguradong tama ako sa part na ito. Dahil hindi naman ABM ang line up niya, dahil sa lugar na ito, alam kong pagiging scientist din ang gusto niya.

Panagalawa, ano yung pinakita niyang kabaitan sa akin noong nag kasakit ako? Parte lamang niya ba iyon sa plano niya? Tutal ang sabi naman niya ay kaya lang naman nakikipagkaibigan ang isang tao ay dahil may kailangan ito. Hindi ko akalain na totoo ang sinabi niya at sa akin niya pa ito mismo nagawa. Ang gamitin ako.

Pangatlo, yung mga lalaking nakaitim na sumugod sa school at nakalaban namin ni Ream. Alam kong alam ito ni Nolan dahil katulad ng mga tauhan sa lugar na ito ang sumugod sa school namin, ang itim na tela na palaging suot nila. At ang panghuli ay si Nolan ang nag papasok ng mga ito sa school, at siya rin siguro ang nag tanggal ng cctv sa part na iyon ng school namin. Naalala ko pa na nagtanong ito about sa nangyari roon.

Pero paano niyang nalaman na ako ang anak ng mga Montilla? Kung nalaman niya lang ito noong naganap ang party, bakit may sumugod na mga tauhan nila sa school? Si Ream lang ba ang hinahanap nila? Bakit doon lang sila sumugod? Bakit pinatagal pa nila ang pag sugod kung kilala na talaga nila si Ream, at yung dalawa pang lalaki na sina Nick at Steel?

Kung nakilala lang nila akong bilang Xyrene Trixy Montilla noong party, ay hindi nila kami basta-bastang mahuhuli. Dahil planado ang lahat simula umpisa pa lamang.

Napahilamos ako sa aking mukha dahil sa sobrang pagkalito, kung kasing talino ko lamang ang mga magulang ko ay nasolusyunan ko na ito.

Napakuyom ang mga kamao ko at nanlilisik ang mga matang nakatingin sa kawalan.

Sobrang galit na lang ngayon ang aking nararamdaman.

Dalawang taong naging mahalaga na sa buhay ko kahit saglit ko lamang nakilala. Si tito na isa sa pamilya ko at si Nolan na tinuring kong kaibigan. Mga traydor! Hinding-hindi ko sila mapapatawad, lalo na kapag nalaman kong may nangyaring masama sa mga magulang ko at isa sila sa mga taong may kagagawan niyon.

Biglang may pumasok na mga tao sa loob ng kwartong ito.

Kung nasa normal lamang ako ay baka namangha pa ako sa lugar na ito dahil puro high technology ang nakikita ko pero wala na akong pakialam.

Unang pumasok ay ang tito ko na may malawak na ngiti. Sunod ay si Nolan na wala ring emosyon sa mukha kaya mas lalong nag siklab ang galit sa akin. May lakas pa sila ng loob na mag pakita sa akin!

Sunod na pumasok ay ang mga nakaitim na lalaki na tauhan ng tito ko at ni Nolan, hawak sina Ream, Nick at Steel.

"Bitawan niyo nga ako! Sa tingin niyo ay makakatakas pa kami sa ginagawa niyo? Nakatali na nga ang mga kamay namin! Argh! I hate this!" sigaw ni Steel sa lalaking nakaitim ngunit para itong estatwa na hindi man lang sinagot o nilingon si Steel.

Si Nick naman ay nag pupumiglas sa nakahawak sa kanya pero wala ring nagawa.

At si Ream, hinayaan niya lang ang lahat. Nakatayo siya at nasa likod ang mga kamay na alam kong nakatali. Nakatindig pa rin siya ng maayos na parang wala lang sa kanya ang nangyayari. At naroon pa rin ang cold niyang tingin pero mas mapanganib ngayon at nakakatakot.

Nag tama ang tingin naming dalawa pero walang nagbago sa kanyang expression. Parang hindi niya ako kilala, ni hindi man lang siya nagulat na nakita niya ako.

Bakit Ream? Ano na naman ngayon ang naiisip mo? Ano na naman ang pinaplano mo?

Ako ang umiwas ng tingin. May panibagong pumasok na namang nakaitim at dito na nawala ang pinipigilan kong emosyon.

Gulat na gulat at nanlaki ang mga mata ko sa huling pumasok. Wala rin siyang pinapakitang emosyon nang sandaling pumasok siya pero halata rin ang gulat sa kanyang mga mata nang makita niya ako.

Celestine.

Siya ang isa pang babaeng bata noon? Kung hindi ko siya kaibigan ay baka hindi ko siya nakilala, dahil nakaayos siya ngayon na parang sinadya dahil alam kong hindi gusto ni Celestine na inaayusan siya. Nakalugay at halatang sinuklay ng maayos ang buhok niya, walang malalaking salamin sa mga mata niya, nakita ko sa nakaawang niyang bibig na wala na rin siyang braces na suot at ang panghuli ay yung suot niya, naka cocktail dress ito na above the knee na hindi ko pa nakikita sa kanya na nag suot ito.

Huminga ako ng malalim at napapikit.

Sumara na ang pintuan, senyales na wala ng darating? Hindi ba magpapakita ang pinaka-boss nila rito?

At nasaan si Francine? Alam kong kasama siya sa mga kinidnap! Sana ay nasa maayos na kalagayan ang aking kaibigan.

Nakatayo na sa harapan ang tito ko na may malawak na ngiti at nasa gilid naman si Nolan na nakatingin sa kawalan. Bakit hindi mo magawang tumingin sa amin, huh?

Iniwas ko ang tingin ko sa dalawang traydor dahil baka masaktan ko lang sila bigla dahil sa galit ko. Ako pa naman ang nag iisang walang tali sa kamay.

Nakita ko rin ang tingin ni Celestine sa dalawang nasa unahan ng mahabang lamesang ito. Masama ang kanyang tingin lalo na kay Nolan pero katulad ko ay umiwas na lamang din siya ng tingin at kumuyom ang kanyang panga.

Napatingin naman ako sa tatlo na tahimik ng nakaupo at nagngingingit sa galit. Ramdam ko iyon.

Pinagsiklop ko na lamang ang aking mga kamay sa ilalim ng mesa na nakapatong sa aking hita.

Taimtim akong muling napatingin kay Celestine na kaharap ko lamang.

Napakaganda niya. Alam kong maganda na siya ngunit hindi lamang ito nag-aayos pero ngayon? Labas na labas ang kanyang ganda. Hindi na ako magtataka kung bakit nag kagusto sa kanya si Steel dahil kahit tinatago niya ang kanyang ganda sa likod ng malalaking salamin at sa hindi pag-aayos ay lilitaw pa rin ito lalo na kung mas tititigan mo siya.

Kaya pala una pa lang ay magaan na ang loob ko sa kanya dahil naging mag kasama na kami noong mga bata pa lamang. Hindi ko man siya maalala pero alam kong matalik na kaibigan ko na rin siya noon pa man.

Kahit na nakita ko sa future na siya mismo ang bumaril sa gawi namin noon ni Ream habang tumatakbo kami... alam kong hindi niya iyon magagawa. Nabago naman na ang kasalukuyan diba? Hindi na niya iyon magagawa ang barilin kami diba? Nabago naman na yung future at naging kaibigan na niya ulit kami. Alam kong hinding-hindi niya iyon magagawa.

Napansin ata ni Celestine ang paninitig ko sa kanya kaya ngumiti ako ng bahagya at ganoon din ang ginawa niya sa akin.

Bumalik ang tingin naming lahat sa unahan nang magsalita ang tito kong traydor.

"So kilala niyo naman na ang isa't-isa, hindi ba? Pero hindi niyo akalain na kayo-kayo rin pala ang magkakasama noong mga bata kayo?" Tumawa siya ng pagkalakas-lakas na nag echo sa malawak na kwartong ito.

Sa ilalim ng mesa ay kumuyom muli ang kamao ko. Ang sarap niyang bigwasan!

"Mag-usap-usap muna kayo, pero huwag niyo ng tangkain pang tumakas pa dahil hindi iyon mangyayari. Enjoy your reunion, kids. Halika na Nolan."

Lumabas silang dalawa ni Nolan at gusto ko ng tumayo sa aking kinauupuan para mahabol silang dalawa at masapak ng walang katapusan.

Sumunod na rin sa kanila yung mga taong nakasuot na itim.

"Chill Trixy or should I say, Xyrene? Iyon kasi ang tawag namin sayo noong mga bata pa tayo, sa pagkakaalala ko." Napatitig ako nang magsalita si Steel. Mukhang alam na nila noong nalaman ni Ream na ako ang nakasama nila noong mga bata pa kami.

Bumalik ang tingin ko sa pintuan dahil tuluyan ng nakalabas ang mga traydor. Bakit nila kami iiwan dito ng kami-kami lang? Hindi ba nila alam na pwede kaming mag plano para makatakas?

Hindi nila kami basta-basta iiwan dito. May pinaplano na naman ata sila.

Lumingon ako sa buong paligid at halos maningkit ang mga mata ko ng may makita, tititigan ko pa sana ang sobrang liit na device na iyon ng may tumawag sa akin kaya nawala ang atensyon ko.

"Trixy." Mariin ang pagkakasabi ni Ream na parang may pinapahiwatig.

So alam niya rin na may mga device na cctv sa paligid? So kung may cctv, alam kong may ibang devices din ang nakalagay sa buong lugar. Malawak ang kwarto ngunit mga upuan lamang ang narito at mahabang lamesa.

Kinapa ko ang ilalim ng upuan ko ngunit wala roon, kaya yung ilalim ng lamesa ang kinapa ngunit hindi ko ito pinahalata... at doon, mayroong maliit na devices at ito ang marinig ang pinag-uusapan namin.

Tinanggal ko kaagad ang pagkakakapa at tumigin na parang wala akong nalalaman.

Nakatitig si Ream sa akin dahil alam kong alam niya ang nalaman ko. So kanina habang papasok sila rito ay nagmasid na kaagad siya? Woah! Kanina pa ako rito pero hindi ko man lang 'yon naisip. Gusto ko pa sana mamangha sa kanya ngunit hindi ito ang tamang pagkakataon para roon.

"Wow! Kaya pala unang kita ko palang sayo Celestine nagkagusto na ako sayo kasi mga bata pa lang tayo crush na talaga kita." And Celestine glared at Steel.

"Hindi ito ang panahon para mag biro ka diyan Steel, sinasabi ko sayo. Matanggal ko lang itong tali sa kamay ko babatukan talaga kita."

Hindi rin pala nila alam na si Celestine ang isa sa nawawala katulad ko.

Dahil sa bangayan na naman ng dalawa ay medyo gumaan ang atmosphere namin dito. Kaya napangiti na lang ako.

"Okay lang basta kasing ganda mo naman ang babatok sa akin." Napairap si Celestine. So si Steel lang pala ang makakapag palabas ng ganitong side ni Celestine? Hmm?

May bigla akong naalala kaya tinanong ko kaagad ito kay Celestine. "So nagpapanggap ka rin katulad ko Celestine? Binago mo ba ang pangalan mo katulad ko?"

Napalingon naman sa akin si Celestine. "Celestine pa rin, surname lang binago ko."

Tumango naman ako. Parehas kaming hindi binago ang mga pangalan namin, kasi second name ko naman ang ginamit ko.

May itatanong pa sana ako kay Celestine pero nag salita si Ream.

"Itatakas ka namin dito Trixy." Nagtataka ako bigla. Paano?

"What? But there are—" naputol ang aking sasabihin nang mag salita siyang muli.

"Sundin mo na lang ang sasabihin ko," mariin at walang emosyon niyang sabi kaya napalunok ako.

Ano ba ang plano niya?

"Kalagan mo kami, dahil ngayon ka na namin itatakas." Nagtataka rin ang mga kasamahan namin sa sinasabi ni Ream.

Ano na naman ba ang iniisip niya? Hindi niya kasi pwedeng sabihin na lang ang plano niya dahil maraming devices ang nakapalibot sa amin para malaman ang bawat kinikilos at sinasabi namin.

Kaya wala akong nagawa kundi ang sundin ang sinabi niya.

Nang matapos ko silang kalagan ay tumayo na kaming lahat sa aming kinauupuan at agad na umalis sa kwartong iyon.

Pero nakakapagtaka lang dahil walang mga humarang sa amin o kinuha kami para ibalik. Nasaan na yung daan-daang mga tauhan dito? Saan na yung sinabi ng traydor kong tito na hindi kami basta-basta makakaalis?

Napatingin ako kay Ream na nakatingin na pala sa akin. Parang may pinapahiwatig siya sa tingin niya.

Plano rin ba ito ng tito ko at ni Nolan? Bakit?

Nakatakas kami at nasa hallway na kami palabas sa lugar na ito ng walang kahirap-hirap.

Pero sa dinaanan namin, nakita ko yung ibaba na puro scientist ang naroon na naka lab gown katulad ng tito ko. May iba't ibang color ng mga liquid na nakalagay sa bottle at iba't ibang nakakamanghang high technology na ginagamit at naka paligid sa kanila. Pero hindi ko na ito pinagtuunan ng pansin pa.

Malapit na kaming makalabas sa lugar na ito kaya nakahinga na ako ng maluwag.

Lumingon ako sa apat na kasama ko ng nakangiti.

"Hali na kayo! Makakatakas na tayo..." masaya ring sabi ko.

"Ikaw lang ang tatakas Trixy, hahanapin pa namin si Francine," sabi ni Nick na kanina pa tahimik, parang may alam na rin siya sa pinaplano ni Ream. Pero ako ito, hindi ko pa rin alam ang pinapahiwatig nilang mga tingin.

Tumitig ako sa kanilang lahat. Kaya ba kahit nakita kami sa cctv na tumakas ay walang humabol sa amin dahil ito ang plano ng mga kalaban namin? Ang hayaan akong makatakas?

"Fck that cctv's!" Pagkasabi ni Ream ng mga salitang 'yon ay lumapit siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit na kinagitla ko.

May ibinulong siya sa tenga ko na naghatid sa akin ng kiliti pero naka tindig pa rin ako ng maayos dahil sa sinabi ni Ream... may cctv pa rin dito.

"Trust us, trust me, and trust yourself, alright? Alam kong matalino ka, Xyxy..." Napasinghap ako sa sinabi niya lalo na sa pagbanggit niya ng pangalang tinatawag niya sa akin noon pa.

Yayakapin ko rin sana siya pabalik pero hindi ko natuloy dahil sa muling bulong niya.

"Don't hug me back, tama na ako lang ang nagpapakita ng kahinaan sa harap nila. And you're our hope again. Sa pagkakataong ito, iligtas mo na kami, balikan mo na kami. Ikaw na lang ang pag-asa naming muli. Kuhain mo ang sinabi sayo ng dad mo nang makausap mo siya, at alam mo na iyon."

Kumalas na siya sa yakap niya at pinakatitigan ako.

"We're waiting for you. Mag-iingat ka." sabi niya at hinalikan niya ng marahan ang aking noo na para bang isa akong babasaging bagay na dapat ingatan dahil anumang oras ay baka mabasag ito kapag hindi dinahandahan.

Napapikit ako sa maingat at marahang halik niya sa aking noo. Ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa takot kanina ngunit natabunan iyon ng dahil sa nararamdaman ko para kay Ream.

Palagi akong nakakaramdam ng kaligtasan kapag kasama ko siya, kapag alam kong nasa tabi at nasa paligid ko lamang siya.

"I will. Babalikan ko kayo kaagad." Kahit hindi ko alam ang susunod na gagawin ko ay sisiguraduhin kong babalik ako kaagad.

Niyakap ko si Celestine, Steel at Nick bago umalis sa lugar na iyon at iniwan sila.

I promise, hinding-hindi ko na kayo bibiguin sa pagkakataong ito.

Kahit nanginginig at ngangatal ang mga paa at ang buong katawan ko ay nagawa ko pa ring tumakbo palayo sa lugar na iyon.

Pinunasan ko ang nag mamalabis na luha sa mga mata ko.

Kailangan kong maging matatag para sa mga kaibigan ko.

Pumara kaagad ako ng taxi at pumunta sa bahay namin, sa bahay nila mom at dad na mansyon din.

Nang makarating ako ay wala akong pang bayad sa taxi kaya lumabas muna ako at pinag hintay ang taxi driver para makahanap ng pera pambayad. Bumalik ulit ako nang makakita ako ng pera sa drawer ng kwarto ng parents ko at binayad kaagad.

"Salamat po," sabi ng manong driver na tinanguan ko lang.

Tumakbo akong muli sa kwarto nila mom and dad.

Hinalughog ko ang buong kwarto pero wala akong mahanap na kahit na ano.

Alam kong may nalalaman din dito si Ream pero hindi niya sinabi sa akin dahil may mga devices nga roon na maaring malaman kung saan nakalagay ang hinahanap nilang analysis data.

Dito ko napagtanto na plano talaga nila ito, na ako lang ang makakaalis sa lugar na iyon dahil kailangan nga nila ng analysia data para sa research na sinabi sa akin ni dad.

They know that Francine is with our enemies. Kung sabay-sabay kaming tatakas, mapapahamak ang isa naming kaibigan.

Ganoon ba 'yon kaimportante? Ano bang itsura noon? Saan ko ba iyon mahahanap? Ang sabi ni dad ay ako ang password at dito sa loob ko lang ng kwarto nila iyon matatagpuan.

Napasabunot na ako sa aking sarili. Wala akong mahanap!

"Nasaan ka ba?" bulong ko sa aking sarili.

Halos lahat ng sulok ay nahalughog ko na pero wala pa rin.

Napaupo na ako sa sahig dahil sa pagkadismaya ko sa aking sarili at kawalan ng pag-asa.

"No. Hindi ko sila pwedeng biguin. Sa akin sila umaasa pero sarili ko nawawalan na ako ng pag-asa."

Hindi ko namalayan na may luha na palang tumulo sa aking mga mata.

Kung nandito lang si mom at dad.

Pinikit ko ang aking mga mata para makapag-isip ng maayos.

Kailangan kong kumalma at maging matatag.

Ako yung password sabi ni dad, may mga volt ba rito? Pero wala! Wala akong mahanap!

Tumayo ako at pinagpagan ang aking sarili. Kinagat ko ang aking pang ibabang labi.

Gusto kong magpahinga. Napapagod na ako.

Ngayon ko lang din napagtanto na ang bilis ng mga pangyayari. Normal at maayos lang naman akong nag-aaral sa school ko, tapos biglang nangyari ito.

Halos sasabog na ang utak ko sa sobrang daming nalaman ko pero alam kong wala pa ako sa kalahati ng nalalaman ko.

Biglang sumakit ang ulo ko kaya pumunta kaagad ako sa malaking kama ng parents ko at nahiga. Kailangan ko munang mag pahinga.

Babalik ako kaagad, pangako 'yan.

Hinayaan ko na lang malaglag ang mga luha sa mata ko habang nakatingin sa puting kisame.

Kinuha ko yung damit ng mga magulang ko at niyakap iyon nang mahiga akong muli sa kama nila.

I miss my parents. Nang maamoy ko ang amoy sa damit nila na siyang naamoy ko tuwing yayakapin nila ako. Feeling ko nasa tabi ko lamang sila kaya medyo napanatag ang loob ko.

"Mom, dad... hindi ko na alam gagawin ko. Tulungan niyo po ako. Gusto ko ng sumuko," bulong ko sa gitna ng pag-iyak ko.

Mali ata si Ream, hindi ako matalino. Wala akong kakayahan para maprotektahan at maligtas sila.

Noong mga bata kami, ako rin ang pinatakas noon ni Ream... hindi ko man maalala ang buong pangyayari pero sigurado ako na hindi ko sila nailigtas noon. Napakawalang kwenta ko.

Pati ba naman ngayon? Hindi ko na naman sila maililigtas?

Napakahina ko talaga.

Palagi na lang akong ganito.

Mas lalo kong iniyakap ang mga damit ng mga magulang ko.

At unti-unting pumikit ang mga mata ko sa sobrang daming iniisip ko at kakaiyak ko.

Ngayong gabing ito, ibubuhos ko lahat ng kahinaan ko. Lahat ng iyak ko.

Sana paggising ko ay may magawa na akong tama para sa mga taong mahal at mahalaga sa buhay ko.

May magagawa pa ako, habang humihinga pa ako ay may magagawa pa ako. Hindi man para sa sarili ko, pero gagawin ko ito para sa mga kaibigan at pamilya ko.

Magiging matatag na ako simula bukas. And that's a promise.

--

HartleyRoses

Continue Reading

You'll Also Like

77K 3.4K 55
Myth Series 4 Apollo cursed the vampires, but what if he fall in love with the youngest daughter of the vampire descendants?
6M 275K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...
6.7K 465 5
In a time of great threat, Earth faces an imminent invasion from Zithea, a planet created by Jia's mother through the enchanted book of Polaris. To c...
420K 13.4K 46
Myth Series 1 Title: Hades: King of Underworld Genre: Fantasy Romance Hades is cursed to live in darkness forever. Among his brothers, Zeus and Posei...