Sabrina's POV
Pagkatapos kong ilagay ang ilang damit ko sa backpack ko ay humiga ako sa kama at kinuha ang cellphone ko at nag-online sa Facebook.
David: Bakit?
Yan ang first na nag-chat sakin kaya binuksan ko. Kaya bakit ang sinabi niya ay sinabi ko kasi sa kaniyang 'ewan ko sayo'. Tapos nag-reply naman siya kaya lang sabi niya 'wag ka magulo nagre-resaerch kami, Marvin to.'
Edi bahala siya! Tapos sabi ko naman ay 'hindi na kita guguluhin.' Tapos nag-out na ako. Tapos itatanong niya sa'kin bakit?
Eh siraulo pala to eh.
David: Kiss mo muna ako ngayon na labas ka
Hah? Ano daw?
Sabrina: Saan
Sabrina: Siraulo ka ba
David: Di seryoso ako please
David: Need kita ngayon
At bakit niya ako kailangan?
Sabrina: Bakit mo ko kailangan
David: Basta please now na as in asap please
Makasabi siya ng ganiyan sa'kin parang wala siyang ginawang masama ah. Naalala niya pa kaya yon?
Sabrina: Tss... Asan ka
Bahala na... Pag-tripan ko na lang ang isang to. Dahil mukhang trip lang din ako ng lalaking to.
David: Dito sa labas
David: Hinihintay kita bilis
Pusa!!! Siya na nga nanghihingi ng favor tapos magre-reklamo pa siya. Suntukin ko siya eh.
Sabrina: Ano ba kailangan mo
David: Kailangan nga kita please
Lumabas na lang ako ng bahay at pumunta sa tapat ng tindahan nila Nico.
Sabrina: Wala nga...
Sabrina: Saang labas
Lumabas ako pero wala naman siya doon. Ano? Lokohan? Edi sige lokohan.
David: Andito ako sa labas ng subdivision
David: Saan ka na?
Sabrina: Kila Nico
David: Sa labasan nga
David: Sa labas ng subdivision
Sabrina: Bakit ba kasi
David: Basta ayaw mo ba wag na nga
Sabrina: Papunta na nga eh
Sabrina: Asan ka
David: Bilis kasi
Dumaan ako sa harap ng karinderya nila. Putik!!! Sabi nasa labas siya ng subdivision... Tss... Sinungaling... Yeah... Whatever.
Sabrina: Ano diyan ka lang?
David: Kiss mo ko please
Sabrina: Para kang tanga... Nandito na ako
Sabrina: Bilisan mo...
Sabrina: Pusa... Ano di ka lalabas...
David: Saan ba
At lumabas siya. Nasa tapat ako ng isang tindahan... Which is ilang meters lang ang layo sa karinderya nila. Palinga-linga pa siya, eh magka-tapat lang kami. Natawa tuloy ako sa pagmu-mukha niya. Tapos may kasama siyang lalaki... I think kaibigan niya yon.
Siguro, kami lang ang mag-jowang hindi nag-uusap in person. Sa chat lang.
Sabrina: Sabi mo labas
Sabrina: Ang tagal... Papasok na ako... Bahala ka diyan
Sabrina: Kailangan ko pang matulog
David: Tara dito
Sabrina: Ayoko nga... Ikaw na lang
Sabrina: Bahala ka nga...
Sabrina: Bilisan mo
Sabrina: Ano ba kasi sasabihin mo
Magso-sorry na ba siya?
And with that... Umalis na ako... Ayoko na muna siyang maka-usap.
David: Uyy
David: Balik ka
David: Balik ka
David: Balik ka nga
David: Uyy
David: Wala wala
Sabrina: Wala naman pala eh
David: Meron... Umuwi ka kaagad eh
Sabrina: Ikaw lumapit
David: Wag na bukas na lang
Sabrina: Wala na ako bukas
Sabrina: Bilis asan ka na
Sabrina: Ano na
David: Bukas na lang
Sabrina: Bilisan mo na...
Tss... Nahiya pa tong David na 'to... Samantalang sa mga ginagawa niyang kalokohan hindi. Nice one David.
David: Bukas na
Sabrina: Edi hindi ko sasabihin bahala ka
David: Bahala ka nga diyan
Sabrina: Mas bahala ka din diyan
Sabrina: Di na ako makikipag-usap sayo
David: Bukas na
David: Umiiyak ka ba
Sabrina: Bukas na lang ng 6 ng umaga
Sabrina: Bakit ako iiyak
David: Sige
Sabrina: Aalis na kasi ako dito
David: Kailan
Sabrina: Chat mo na lang ako
Sabrina: Bukas nga... Ang kulit
David: Lah bahala ka nga
Sabrina: Babalik naman kami
Sabrina: Edi wag kang makipag-usap
Tss... Ayaw din naman kitang kausap... Ayoko muna sa ngayon.
David: Sabi mo kasi aalis ka eh
Sabrina: Oo...
Sabrina: Hindi mo din naman ako pina-pansin
Ako lang ba ang hindi namamansin o pati siya? O pareho lang kami? Haays ewan ang gulo.
David: Ikaw kasi ehh ayaw mo lumapit
Sabrina: Eh may kasama ka eh...
David: Wala yon
Sabrina: Tss... Bagong bebe mo?
David: Sira lalaki yon tropa ko
Kung sira ako mas sira siya...
Suntukan na lang? Ako na dadayo?
Sabrina: Kaya nga pinalitan mo na si Aira
David: Sino yon
David: Di wow
Dine-ny niya pa... Kinikilig naman. Tss... Kabaklaan mo David.
Sabrina: Babe mo
David: Ano name niya
Sabrina: Aira
Sabrina: Basta chat mo na lang ako before mag-8
Aalis kasi ako dito pag-8. Pupunta muna akong Pangasinan. Mananahimik muna ng Ilang araw. Saka isa pa ayoko na munang makita ang pagmu-mukha ni David. May kasalanan pa siya sa'kin. Yong aso ba naman nilagay sa legs ko. Eh kung kinagat ako non?!
David: Who's that girl
David: Sige sige
Sabrina: Your girl
Sabrina: Tayo pa nga ba?
Kami pa nga ba? After ng pangyayaring iyon?
David: What I don't have girl
David: Kiss mo muna ako hehehe
Ano daw?
Sabrina: You have a lots of girls
Sabrina: Bahala na bukas
David: Wha Wha what...i don't have many girls
David: Bilis na kasi kiss mo muna ako
Pigilan ko man ay hindi ko magawang tumawa sa chi-nat niya. Hahaha...
Sabrina: So it means I'm not your girl?
Sabrina: Kapag nag-usap tayo bukas
David: You are the only one
David: Sige kiss mo ko ah
David: Sa lips ah
Kikiligin na sana ako sa you're the only one pero may kiss. Like duh... Ayoko nga.
Sabrina: Seryoso ka? Sa lips talaga?
Sabrina: Or lasing ka lang
David: Oo siyempre ayaw mo ate ehh
David: Lah lasing di nga ako umiinom eh
Sabrina: Matulog ka na nga lang diyan
Sabrina: Lasing lang yan
David: Ahahaha... Di nga ako lasing
Sabrina: Send mo nga picture mo... As in ngayong picture
David: Madilim dito eh. Andito na ako sa bahay
Sabrina: Tss... Bahala ka
David: Nasa bahay na nga ako
David: Di ako umiinom diba
Sabrina: Pero... Seryoso ka talaga?
David: Wala akong bisyo
David: Oo seryoso ayaw mo ba
Sabrina: Malay ko
Sabrina: Biglaan kasi... Hindi mo ko ininform
Sabrina: Hayp ka!!!
Hindi kasi sinabi nong isang araw.
David: Ayaw mo ata eh
David: Lah hayop ako grabe naman
Sabrina: Ano nga... Seryoso?
David: Woi
Sabrina: Ano nga... Seryoso ako
David: Oo nga seryoso nga din ako ehh
Sabrina: Na ano
David: Usap tayo bukas
David: Diba
Sabrina: Before 8
David: Sige sige
Sabrina: Pang-ilang buwan na natin bukas
David: 2 ata diba
Sabrina: Hindi 5?
David: Ahahaha oo nga 5 sabi ko nga ahahaa
Naging kami kasi ay January 15 tapos nag-break kami ng April 5 tapos nakipag-balikan siya May 5... Sabi ko ituloy nalang natin... Kunwari walang nangyaring hiwalayan. Then everything came to our lives. Yong kay Aira at yong kay Pogs... Hindi ko alam kung naniniwala ba doon si David. Tapos ang dating kami napalitan ng labuan.
I don't know kung kami pa ba or hindi na.
Sabrina: Tss... Kinalimutan... Bahala ka nga...
Sabrina: Puro ka kasi Aira
Tama naman ako diba na puso lang siya Aira?
David: Di ko kinalimutan binilang ko kasi kung kailan tayo nagka-balikan
Sabrina: Tss
David: Slow mo erp
Ano yong erp? Can someone tell me what's the meaning of erp?
Sabrina: Ahh so gina-ganiyan mo ko
David: Kiss mo na ako
David: Now na bilis na labas ka puwede pa ba
Tiningnan ko ang wall clock ko at 10:00 PM na pala. Ang bilis ng oras.
Sabrina: Anong oras na kaya?
Sabrina: Ano bang meron sa kiss
David: Ayaw mo lang eh
David: Basta
David: 5 months na natin mamaya oh
Sabrina: Wala pang 12
June 15 na kasi bukas.
David: Kaya nga
David: bilis na kasi
Sabrina: Oh kaya nga... Pinagsasabi mo
David: Labas ka na... Bababa na ako
Sabrina: Tapos di ka naman lalabas
Sabrina: Madilim eh
David: Bilis lalapit ako
David: Oks lang yan
Sabrina: Ehh...
David: Ayaw mo ata ehh wag na nga
Sabrina: Pumunta ka nga sa harap ng bahay namin
Pumunta naman ako sa gazebo para tingnan kung pupunta nga ba siya.
David: Haays
Sabrina: Bilisan mo
David: Di ka din lalabas eh
Sabrina: Lalabas ako
David: Kiss mo ko marunong ka ba di ako marunong eh
What the fuck? Seryoso nga ba talaga siya sa mga pinag-sasabi niya? Oh my God... Eh wala pa nga akong first kiss eh... At alam niya yon. Anong alam ko sa halik?
Sabrina: Mukha ba akong marunong
David: Parehas pala tayo ahahaha
David: First Time kiss
Weh? First time kiss? Meron ba non?
Sabrina: Sira
Sabrina: Ano asan ka
Sabrina: Wala ka pala eh
David: Totoo naman ahh ahahaha
David: Ikaw kikiss sakin ahh
What the fuck... Ayoko nga... Bahala siya diyan.
Sabrina: Kapal... Ikaw na.. Bahala ka diyan
David: Ikaw na ahh
David: Di ako marunong ehh
Sabrina: Ikaw nag-yaya tapos ako maga-adjust
Oo nga naman...
David: Oo kailangan eh sige na
Sabrina: So tingin mo marunong ako
David: Oo medyo
Oo? Medyo? Eh wala pa nga akong first kiss. Except na lang doon sa resort nila Maclen.. Siguro tama ang isip ko. Lasing lang tong lalaking to.
Sabrina: Ano bang meron sa kiss
David: Pangatlo na ako ehh
David: Basta
Sabrina: Anong pangalto
Sabrina: Wrong send tol
David: Diba 2 na ex mo
Sabrina: Sino?
David: Pangatlo na akong hahalikan mo sabi ko
Sabrina: Sira... Wala pa akong nahahalikan sa ex ko
David: Ahh ako pa lang ba
Sabrina: Di kasi ako katulad mo
David: Woi wala pa akong nahahalikan
David: Ikaw pa lang
David: Ano ikaw hahalik sa akin ahh please
Sabrina: Saan
David: Ikaw saan mo gusto basta sa lips talaga
Ang gulo ng lalaking to eh noh.
Sabrina: So... You broke your promise
David: No I'm not broke my promise
David: Ano labas pa ba ako o bukas na maganda kasi ngayon walang makakakita tayo lang dalawa
Sabrina: Sabi mo ikikiss mo lang ako sa pisngi
Sabrina: Ikaw bahala
Nag-offline na lang ako... Bahala siya diyan... Nababaliw na naman.. Isa pa inaantok na ako.