I Saw the Future Once

By HartleyRoses

92.7K 4.3K 616

Everything change when I saw the future once. πŸ–‡:: COMPLETED πŸ–‡:: Photo that used in the book cover is not mi... More

I Saw The Future Once
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34 - Flashback
Chapter 35 - Flashback
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Epilogue
✎ facts
✎ note

Chapter 29

1.2K 62 5
By HartleyRoses

Nagbayad si Ream sa taxi na sinakyan namin na galing din sa bulsa ng pants niya ang kanyang wallet.

Bumaba na kaagad kami at halos takbuhin na ang papadilim ng daanan papunta sa mansyon nila Ream.

"Wait, Ream! Kanina pa tayo takbo nang takbo, nakakapagod." Nilingon lang ako ni Ream na kapwa ko na hinihingal na rin.

Nakahawak pa ako sa aking tuhod para roon kumuha ng lakas at hindi matumba.

"Malapit na tayo sa village. Tiisin mo na lang, this is more important than your energy," ani niya at kung hindi pa ako pagod ay nabatukan ko na siya. Napaka insensitive! Hindi niya ba nakikita na halos maligo na ako sa pawis sa kakatakbo namin?

"Let's go." Hinawakan na niya ang kamay ko at tumakbong muli.

Familiar na ako at sigurado ako na malapit na kami sa mansyon nila dahil nakapunta naman na ako rito noon.

Pero nakakapagtaka dahil maraming tao ngayon na nakatingin sa malaking mansyon na nasusunog.

What's happening?

Napalabi ako at muling tinukod ang kamay ko sa aking tuhod nang huminto na kaming tumakbo.

Kitang-kita ko ang pagliyab ng apoy sa buong mansyon.

"R-Ream! Bakit nasusunog ang buong mansyon niyo?"

Napaikot pa ng dahan-dahan si Ream sa kinatatayuan niya dahil sa pagkadismaya at hinilamos pa ang kanyang kamay sa buo niyang mukha. Narinig ko na naman ang sunod-sunod niyang mura at ang paggulo niya sa kanyang buhok.

"Planado ang lahat!" sigaw niya pa.

Taka naman akong tumingin. Sino ang may gawa nito? Bakit? Ano bang gusto nilang mangyari?

"It's my birthday,"dinig kong bulong niya sa kanyang sarili na parang may na realize.

"What?! Today is your birthday?" tanong ko.

Bakit hindi niya sinabi sa akin?

Umiling siya at hindi pinansin ang tanong ko sa kanya.

"Planado niya itong lahat. Halika Trixy, nasa loob sina Nick at Steel pati ang kambal ko. Kailangan ko silang iligtas." Halos mag makaawa ang boses niya, at nakita ko ang pagpungay ng mata niya na palaging walang emosyon.

"Ream, hindi tayo basta-basta makakapasok diyan. At hindi sila mapapahamak dahil alam naman nating malalagpasan nila 'yan, matatalino sila diba kahit mga loko-loko?" Parang nabuhayan siya ng loob dahil sa sinabi ko.

He took a deep breath at nag-isip na kung ano ang dapat niya gawin.

Natataranta na rin ako sa loob ko pero hindi ko 'yon pinapahalata kay Ream dahil kung ipapakita ko pa iyon, mas lalo lang siyang malulugmok.

I need to think para makatulong sa sitwasyon namin.

"Today is my birthday Trixy, at alam ito ng nasa likod ng may gawa nang pangyayaring ito. Alam niyang pupunta ako sa iyo dahil nalaman ko na, na ikaw ang anak ng mga Montilla, kaya gumawa na rin sila ng hakbang na gawin ito sa mansyon ng mga Mercedes dahil alam nilang busy ang mga taong mahahalaga sa akin sa pag gawa ng surprise para sa birthday ko dahil palagi nila 'yong ginagawa nila Francine... at dahil nag plano sila, alam nila na wala sa seguridad ng paligid ang atensyon ng mga kaibigan ko at wala rin ako roon para mabantayan at ma-secure ang siguridad ng mansyon and they grab this opportunity. You're not their main target for now. Trixy, help me to help my friends and my twin." Napahanga ako dahil sa naisip niya kaagad ito, pero mas lalo akong napahanga dahil mag makaawa siya para mailigtas niya ang mga mahal at mahahalagang tao sa buhay niya.

"Give me your phone, Ream. Makakatulong ang parents ko." Binigay niya kaagad ang hinihingi ko.

Mabuti na lamang at kabisado ko ang number ni dad para matawagan sila at makahingi ng tulong.

Nag dial ng ilang beses ang kabilang linya pero hindi nito ito sinasagot. Hindi ganito si dad. Alam ko na palagi nitong hawak ang phone niya at mga tatlong ring palang ito ay sasagutin ito kaagad.

Nakatingin ako kay Ream at napailing pero dinial ko ulit ang number ni dad at sinagot niya rin ito ng makatatlong dial pa ako.

"Dad! What took you so long?" Napalaki ang mata ko sa naririnig ko sa kabilang linya.

Tinanggal ko sa pagkakatapat ng tenga ko ang phone ni Ream at pinakatitigan iyon.

Binalik ko naman ulit iyon sa aking tenga, nakita ko pa ang pagkunot at pagtataka sa mukha ni Ream dahil sa ginawa ko.

"Dad! Dad? Answer me, dad?" sunod-sunod na tanong ko dahil paghahabol ng hininga at mga kaluskos lamang ang naririnig ko sa phone.

Pero mas lalo akong nagulat nang may marinig na pagsabog sa kabilang linya.

"Dad!" tawag ko ulit para makuha ang atensyon niya.

[S-Sweetie?] Naririnig ko pa rin ang paghingal niya at kung ano-anong tunog na parang tumatakbo siya.

"Dad, ano nangyayari?" punong-punong pag-aalalang tanong ko.

[Listen to me, sweetie, alam na nila kung sino ka, hindi ka na matatago at kung maari diyan ka muna sa batang Mercedes at sa mga kaibigan niya, mapagkakatiwalaan mo sila.]

Halos malaglag ang panga ko sa sinabi ni dad, lahat nagtutugma sa sinabi ni Ream. Lahat nga ay planado.

"Dad nasaan kayo?" malakas na tanong ko para marinig ako ni dad. Natataranta na ako.

[Huwag muna kami puntuhan ng mom mo, stay to that young Mercedes! And Xyrene? Ikaw lang password sa lugar kung saan nila hinahanap ang gusto nilang kunin, sa kwarto namin ng mom mo, it's analysis data of our research, sweetie, kahit anong mangyari huwag na huwag mo iyon ibibigay kahit kanino. Sa ngayon ay hindi na natin alam kung sino-sino ang mapagkakatiwalaan natin. At kung hindi ka makadaan sa kwarto namin ng mom mo, hanapin mo si mang Rene na family driver natin, alam niya ang isa pang lagusan para makapasok sa secret underground sa bahay natin. Huwag mo itong kakalimutan. And Xyrene, huwag mong ring kakalimutan na mahal na mahal ka namin ng mom mo, palagi kang mag-iingat. Masaya na kami na palagi kang ligtas.]

Narinig ko ang pag tunog ng sasakyan, siguro ay nakasakay na sila pagkatapos nilang tumakbo sa tinatakasan nila.

Natulala ako pero rinig ko pa rin ang nangyayari sa kabilang linya. Nag-uusap si dad at mom ngunit hindi ko na ito maintindihan o marinig ng maayos.

Sobrang diin na ang pagkakakagat ko sa pang ibabang labi ko.

Hindi ko na pinansin ang pagtulo ng luha sa mga mata ko.

At gusto ko na lang mag transform papunta sa lugar kung nasaan si mom at dad nang may marinig na naman akong malakas na pagsabog at dito na tuluyang naputol ang linya namin.

"Mom! Dad! No! Dad? Dad?" Lumapit na sa akin si Ream at kinuha ang phone niya sa akin at niyakap ako dahil ano mang oras ay mapapahagulgol na ako pero pinigilan ko, kailangan kong maging malakas at matatag.

Ako naman ngayon ang tumingin sa kanya na parang wala ng pag-asa at nagmamakaawa habang patuloy pa rin sa pag-agos ng luha sa aking mga mata.

"Ream... my dad and mom, they need my help. Puntahan natin sila." I pleaded.

Hindi ko maintindihan ang huling simabi ni dad pero saka ko na lamang iyon iisipin, at alam kong napakaimportante niyon sa kanila.

Tinitigan niya rin ako. Alam niya kung ano ang nangyari dahil naka-loudspeaker ang pagtawag ko kay dad.

Konektado nga ang lahat.

"Pero sila Nick, Steel at Francine. At kung pupuntahan natin kung nasaan ang magulang mo ay aabutin pa tayo ng ilang minuto, sigurado akonh hindi natin sila maabutan dahil planado ang lahat ng ito. They are using our family and friends as their card." Saktong pagkasabi niya nito ay nakita namin ang tatlo na papunta sa amin na tumatakbo. Sinigaw ni Steel at Francine ang pangalan namin ni Ream, si Nick naman ay may dalang laptop at yakap-yakap niya ito na parang importante ito sa kanya.

Patakbo na rin kami papalapit sa kanila ng may mga grupo na nakaitim na lalaki ang naunang nakalapit sa kanila. Ganito rin yung sumugod noon sa school namin.

"Francine!" sigaw ko.

"Steel! Nick!" sigaw naman ni Ream.

May itinurok sa kanila na syringe at nakita ko pa silang nanlaban pero nawalan na lang sila bigla ng malay na sinalo nila.

Gano'n din ang nangyari sa amin ni Ream. Hindi namin namalayan na may mga lalaking nakaitim na rin pala ang nakalapit sa amin.

Naramdaman ko na lang ang maliit na kirot sa bandang leeg ko dahil may itinurok din sa aming syringe.

Nanlaban kami ni Ream pero wala kaming nagawa dahil bumibigat na yung talukap ng aking mata at tuluyang nanghina.

"Xyxy!" narinig kong sigaw ni Ream na patuloy pa ring lumalaban kahit gumigiwang na.

"Ream..." bulong ko.

Naramdaman kong may bumuhat pa sa akin bago tuluyang nawalan ng malay.

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata, pinakiramdaman ang buong paligid.

Medyo madilim ang lugar at hindi ko rin maramdaman ang buong katawan ko dahil namamanhid ang mga ito, siguro ay dahil sa tinurok nila sa amin nang nasa tapat kami ng nasusunog na mansyon ng mga Mercedes.

Oo nga pala! Si Ream?

Pumikit muna ako ng mariin at muling nagmulat para masanay ang aking mga mata.

Nakahiga ko sa parang hospital bed pero alam kong hindi hospital kung nasaan ako ngayon.

"R-Ream?" Nanginginig at nanghihina pati ang boses ko.

Nang mailibot ko ang aking tingin ay medyo maliit lamang ang kwarto at ako lang pala ang mag-isa rito.

"N-Nasaan ako?" tanong ko sa aking sarili at doon bumukas ang pintuan at pumasok ang lalaking naka lab gown at naka surgical mask.

Base sa nakikita ko kahit na naka-mask siya ay matanda na ito. Nakasalamin pa ito at naka whie gloves ang mga kamay na ginagamit sa hospital.

"At gising na pala ang matagal ko ng hinahanap." Garagal ang kanyang boses pero nakilala ko ito.

Nagtagis ang bagang ko.

"Tito?" Galit na galit akong nakatingin sa kanya.

Tuluyan niyang tinanggal ang mask niya sa mukha at mas lalong nag-alab ang galit sa akin.

"Pinagkatiwalaan ka ng mga mgulang ko!" Nanghihina man ay nagawa ko pa ring makasigaw dahil sa galit.

Ngumiti siya ng sarkastiko.

"Napagutusan lamang ako, aking pamangkin. Hindi pa ako ang mismong kalaban ng mga magulang mo."

Kumuyom lamang ang kamao ko habang nakatitig sa kanya. Wala akong magawa dahil nanghihina pa ang aking katawan.

"Nasaan ako," matigas kong sabi.

Ngumisi pa itong muli bago nagsalita. "Nasa science laboratory ka namin, kung nasaan din nag ta-trabaho ang mga magulang mo, but you are in our teritory na kaunti lamang ang nakakaalam sa lugar na ito."

Natahimik ako. Ano ba ang kailangan nila?

At mukhang nabasa niya ang nasa isip ko. Wala siyang kwentang pamilya! Siya yung pinagkakatiwalaan ng magulang ko! Tama si dad, wala na dapat akong pagkakatiwalaan pa na kahit na sino.

Sa pangalawang pagkakataon, muli na namang nasira ang tiwala ko. Kung may susunod pa rito ay hindi ko na ata kakayanin.

"By the way, you are all complete now for the research. Lima na ulit kayo. Maybe this is your reunion, isn't amzing?"

Kilala ko ang tatlo, at iyon ay sila Ream, Nick, Steel, at ako naman ang pang-apat. So nandito na rin yung panglimang babae na nakasama namin noong mga bata pa kami? Sino siya? Anong mukha niya?

Hindi ko pa rin siya maalala.

"Nasaan sila?" nagbabantang tanong ko.

"Huwag ka namang nagmamadali dahil magkikita-kita rin naman kayo."

Pagkasabi niya no'n ay umalis na siya sa kwarto kung nasaan ako.

Napatiim bagang ako.

Siguro tama si Ream, sana hindi na lang ako ang nakakita ng future dahil mas lalo ko lang itong napalala dahil ang future na nakita ko ay konektado sa nakaraan namin.

Naalala ko yung huling sinabi ni dad na ako yung password sa lugar kung saan nila hinahanap ang main analysis data para sa research nila. Ako lamang.

Kailangan kong makatakas sa lugar na ito para malaman kung ano ito at tuluyang sirain.

Kung hindi dahil sa bagay na iyon ay hindi magiging ganito ang lahat.

Ngunit anong itsura ng hinahanap nila? Bakit gano'n 'yon kaimportante para itago pa ako ng mga magulang ko, at kahit matagal na ako hindi nakikita at nahanap ay pinagpapatuloy pa rin nila ito. Bakit?

Bakit? Para saan ba iyon? Anong connect namin doon? Bakit kailangan kaming lima?

At ito ang dapat kong alamin. Kailangan ako ng mga pamilya ko at kailangan ako ng mga kaibigan ko.

Gagawin ko ang lahat para walang mapahamak na kahit isa sa mga mahal ko.

--

HartleyRoses

Continue Reading

You'll Also Like

8.9K 540 45
Infinito has become the top group of illegal street racers with the guidance of mentor Erie Illyria Vosslen. Under the organization named Les Voleurs...
8.8K 479 12
Lahat tayo, may minamahal. Minsan, sila ang nagiging dahilan natin kung bakit tayo nagiging masaya. Kung bakit tayo ngumingiti. Madalas pa nga, nanga...
117K 5.3K 66
Myth Series 2 Title: Ares: The Knight Genre: Fantasy Romance Angelica was arranged to marry her own cousin, but on the day of her wedding, she tried...
6.7K 465 5
In a time of great threat, Earth faces an imminent invasion from Zithea, a planet created by Jia's mother through the enchanted book of Polaris. To c...