The Pretender (Book 1 & 2)

By Ms_Stargazer

121K 2.9K 23

UNDER MAJOR EDITING More

TP Prologue
TP1 (Beginning)
TP3 (First Day)
TP4 (Fight)
TP5 (Her Family)
TP6 (Dayna Rhianne's FB)
TP7.1 (Truth)
TP7.2 (Truth)
TP8 (Back)
TP9 (Contract)
TP10 (Sorry?)
TP11 (Life)
TP12 (Locked)
TP13 (The dedication/s)
TP14 (Everything)
TP 14.2
TP 15 (Training)
TP 16 (Ace)
TP 17 (Couple)
TP 18 (Boys P.O.V)
TP 19 (Girl's P.O.V)
TP 20 (Start)
TP 21 (Attack)
TP 22 (Goodbye?)
TP 23 (...)
TP 24 (Debut)
TP 25
TP 26
TP 27
TP 28
*Continuation.
B2TP- Prologue
B2TP- 1
B2TP- 2
B2TP- 3
B2TP -4
B2TP- 5
B2TP- 6
B2TP- 7
B2TP-8
B2TP- 9
B2TP- 10
B2TP-11
B2TP- 12
B2TP- 13
B2TP- 14
B2TP- 15
Finale [End]
Special Chapter D&C

TP2 (The School)

4.4K 94 0
By Ms_Stargazer

[Nathalia P.O.V]

Nandito ako ngayon sa harap ng isang university yeah. Shock?

I prefer to study in the school where I know they could not find me. Dahil panigurado kung sa Castville Academy ako mag-aaral, bawat kilos ko dapat alam nila. Mahirap yung ganun. Wala kang kalayaan.

"Transferee?" Tanong sa akin nung babae at tumango ako.

"Dito ka pumila" sabi nya at nagpunta na ko dun.

Wala namang pila kung tutuusin, I think 5 lang kaming nakapila dito.

"Nathalia Sophia Castillio" Basa nya dun sa Form ko at tumango ako.

"Well wala namang problema sa grades. Matataas, but, bakit ka nag- Homeschooling for 5 years?" Tanong nya. Really? Is this an interview? Ang alam ko lang kailangan kong kumuha ng papel for the course.

"Oh well, wala na kong ibibigay sayo, mukhang totoo naman ang nasa card you can go." sabi nya

"Key" sabi ko at mukhang nagulat sya.

Bakit ba kada nagsasalita ako madaming nagugulat?

Actually, Im doing what Lorreane did in the story, pero ang kaibahan hindi ako magde-desguise, magsasalamin lang siguro ako. And I don't need to work dahil may pera naman kami.

Nilibot ko yung labas dahil ayoko pang umuwi dahil kukulitin lang ako nila Lolo about sa pag-aaral. They don't know about this. Dahil kapag nalaman nila Im sure pipigilan nila ko. And ayaw kong mangyari yun. Masyado na kong nakulong. Sila na lahat gumagawa, ginagawa nila ng wala akong kaalam-alam. Sila ang nagdedesisyon sa buhay ko. At ayoko nang abalahin sila. Gusto kong makaranas ng ibang buhay, yung bahay na maghihirap ako. Mabubuhay ng ordinaryo. I want a change in life. Kung pwede lang hindi ako maging si Nathalia Sophia ginawa ko na.

Malaki ang school, Private sya actually, kaya ko dito naisipan dahil ang sabi maganda dito which is I know its true.

May Garden sya sa gilid pagkapasok mo ng entrance. Maganda doon dahil malayo sa daanan at may bakod, madami ding mga upuan st mga puno at bulaklak. Nasa gitna nito ang isang malaking fountain. Pagkapasok mo, bubungad sayo ang pagkalaki-laking letter ng Initials ng School. VIA

"Villapuerte International Acadaemy" I whispered.

Naglakad-lakad lang ako at napunta ako sa field, bandang likod na ito at tanaw dito ang gymnasiun, may mga naglalaro sa field ng football at nakatingin sakin sila.

"Miss, bawal kang pun--" Napatigil sya ng bigla ko syang tignan at nagpatuloy ako sa paglalakad.

Nakarating ako sa gymnasium at bumuntong hininga.

Buti hindi napapagod ang mga estudyante? Ang laki ng school na to' but still, mas malaki ang Castillio Academy.

Ang gymnasium ay may dalawang side. Isang aircondition at isang hindi. Naglakad ako sa loob ng gymnasium na ordinary at masasabi kong maganda talaga dito. Pagkalabas ko sumalubong sakin ang isang malaking racing pool. At naglakad ako sa gilid nito...

Siguro nga, mas maganda ang lumalabas-labas din, hindi yung lagi akong nakakulong sa loob ng kwarto ko at nagmumukmok dahil sa nangyari.

Napapikit nalang ako at uli bumuntong hininga.

Nakita ko ang isang double door at pinasok ko.

Well, ang cafeteria malaki sya at tingin ko mag-eenjoy ako dito.

Teka? Did I say Enjoy? Hindi ko alam ang salitang yun.

Naglakad lakad ako at madami akong nakitang mga magkakatapat na building. Maybe this is the departments? Or maybe the classroom.

At simula dito nakita ko ang entrance, hindi ko na nilibot pa ang likod ng building, nagpatuloy nalang ako sa paglalakad until may tumawag sa akin.

"Hey Miss!" Sigaw nya at tumingin ako...

Who is he?

"Ahm? Ako nga pala si David Ethan Navarro. And ikaw si?" Tanong nya sa akin at tinignan ko sya.

"Im sorry, hindi ko mabasa yung expression ng mukha mo. Kung di mo ko naaalala, ako yung lalaki sa bookstore. hehe." Sabi nya at ah. Okey sya yun. Pero naiinis ako, yung word na ah basta! I hate it!

"Key" sabi ko at mukhang nagulat sya.

"Uhm, pati boses mo kakaiba, para kang patay. Walang kulay at walang emosyon." sabi nya at tinalikuran ko sya.

"Hindi ka rin nanga-nga usap. I just want to know your name." sabi nya at tumingin ako sa kanya.

"Nathalia Sophia" sabi ko at umalis na.

----

"Hi mom, Hi dad. Nandito nanaman ako." Sabi ko at tinignan ko yung araw na malapit nang lumubog.

Inabot ako ng hapon dahil bumili din ako ng uniporme ko.

"I just enrolled. And hindi sa Academy kung saan nyo ako pinapangarap na pag-aralin. Alam ko pong magagalit kayo, pero sa Villapuerte po ko nag-enroll. Wag po kayong mag-alala, hindi naman po ako mapapahamak. I planned all. Magpapanggap ako bilang iba. And kung ganito parin ako wala namang makaka-alam diba po?" sabi ko at tunog nalang ng kulisap ang maririnig. Matagal din akong tumahimik at nararamdaman ko ang pagyakap sa akin ng hangin.

"Mommy, Daddy, namimiss ko na po kayo. Kailan po ba tayo magkakasama?" Malungkot na sabi ko.

"Hindi pa ngayon Nathalia, Hindi mo pa oras. Madaming malulungkot kapag nawala ka" Napatingin ako sa nagsalita.

"Ang aga mo kasi umalis ng bahay, And hanggang anong oras wala ka pa that's why I decide na magpunta dito and Im happy andito ka nga. But you go shopping? Really great!" sabi ng pinsan ko at kukunin na sana yung mga paper bag but iniwas ko.

"Kaya ko" Tipid kong sagot at humarap ulit sa kanila.

"Bye" Ikling sabi ko at naglakad na.

"Baby Nath! Sandali!" Tawag sakin ni Kevin at tumigil ako.

"Kaya kong umuwi. Ayoko nang may kasamang maingay at magulo.Kaya ako umalis dahil dun. Iwan mo nalang ako" sabi ko at naglakad ulit.

"Ibang-iba ka na Nath. Wala ka ng pake-elam sa mga nararamdaman ng iba dahil sa mga sinasabi mo. Andito kami kasi nagmamalasakit ako at obligasyon ko." sabi nya.

"Hindi ako namimilit at wala akong pakeelam, itigil mo kung ayaw mo." sabi ko

"Nakakasakit ka na Nath. Paano napagtiisan nila lolo ang ugali mo? Kami na ang lumalapit pero itinataboy mo parin kami" sabi nya at tinignan ko sya.

"Nasanay akong mag-isa. Nasanay akong walang kasama. At heto ang kinalabasan, nagbago ako. Hindi ko naman kasalanan yun. At mas lalong hindi ko kasalanang iniwan nila ko" sabi ko at napatigil sya dun.

"Grow up Nath! It's already 5 years! Limang taon na ang nakalipas! But still patuloy mong pinapatay ang sarili mo! Hindi sila matutuwa kung makikita ka nilang ganyan! Paniguradong malulungkot sila! Nathalia! Nandito lang naman kami para sayo! Pero ikaw wala kang pake-elam." Sabi nya

"Hindi ikaw ang nawalan at iniwan. Kuya, Hindi ikaw ang nasasaktan at pilit na binabago ang nakagisnan. Wala ka sa lugar ko kuya. Hindi kasi sayo nangyari kaya hindi mo nararamdaman yung nararamdaman ko" sabi ko

"S-sorry--"

"Wala sa vocabularyo ko ang salitang yan." sabi ko

"Nath. Pasen--"

"Kalimutan mo na" sabi ko at umalis na.

----

"Mommy!!" iyak ko habang tumatakbo

"Baby Princess" Habol sa akin ni Kuya Kevin

"Lola! I want to see them please! please po!!" Iyak ko at nagulat ako dahil nagbukas ang pinto ng ER at lumabas ang isang nurse.

"Gusto pong makita ng mga pasyente si Nathalia" sabi nya at tumakbo agad ako.

Parang tumigil ang lahat. I saw them full of blood and nakangiti silang nakatingin sakin.

"B-baby P-princess" sabi ni Daddy and I look at them.

"Mommy! Daddy! What happened?" Iyak ko.

"Magpapakabait ka baby, lagi mong aalagaan ang sarili mo. Mahal na mahal ka namin ng daddy mo." sabi ni Mommy at umiiyak parin ako.

"No! No! No please mommy!" sabi ko

"Baby, hindi na namin kaya. We need to go" sabi ni Daddy and umiling lang ako.

"No! Daddy! Mommy! Im begging! Don't leave me! Sasama po ko!" Iyak ko at umiling sila.

"No baby-- Ahhh!!!--"

"Mommy!!" Sigaw ko dahil bigla syang namilipit sa sakit.

"We love you baby!" sabi ni Dad and I hugged the both of them.

"Sorry our dear Baby Princess..." Sabi ni Mommy before she closed her eyes.

"Baby, always remember, Daddy loves you so much, Im sorry" sabi nya at ang alam ko nalang kanina pa ko umiiyak sa labas.

Iniwan nila ko dahil sa hindi inaasahang pangyayari. Because of the car accident, they leave me.

"Miss N, handa na po ang dinner" napamulat ako at umupo.

"Just bring my dinner here." sabi ko and as usual, nagulat sya at umalis.

May kumatok and as usual, I know its the maid who will bring my dinner.

"Baby Nath." napatingin ako sa nagsalita.

Ts.

"What are you doing here?" Tanong ko sa kanya.

"Gusto kong mag-so-- No, I mean gusto kong humingi ng pasensya dahil sa nangyari kanina"

"You dont have to" sabi ko at umupo sya sa tabi ko.

"Im sorry please? Oo nga, you're right. Hindi kasi ako yung nawalan, hindi ako yung iniwan. And Im sorry sa mga nasabi ko kanina Nath. Its just that baka maisip mo na magbago na. I know wala sa vocabularyo mo ang salitang Sorry pero Im here saying sorry" sabi nya.

Siguro nga tama sya, ako ang pilit na nagtataboy sa mga taong nasa paligid ko. Pero ano bang magagawa ko? Ito na ang nakagisnan ko. I want a change pero saan ko sisimulan? Sa libro ba?

Matagal ako bago nakapagsalita...

"May be gal-- " I cut him.

"Sa totoo lang, Hindi ko kailangan ng paliwanag mo." Malamig na sabi ko sa kanya.

"I think yo--"

"Sorry? Ano pa nga bang magagawa ng sorry? Just like to my mom and Dad? Sorry kasi huli na ang lahat? It hurts me kaya ayokong makarinig ng salitang yun. And one more thing. Nasanay na akong hindi pinapakeelaman. But you came. Kuya Kevin. You come back. " Sabi ko at tinignan ko sya.

"Baby Nath" sabi nya at niyakap ako.

"Kuya..." I whispered.

"You really change." Sabi nya at tumingin ako sa kanya.

"Ilang beses mo na bang nasabi yan?" tanong ko at ngumiti sya.

"A times? Ahaha.. kasi naninibago parin ako sayo Baby Nath. Sa pagsasalita mo walang ka-emosyon at pati hindi ko alam kung ngumingiti ka ba o naiinis dahil wala akong nakikitang expresyon sa mukha mo." sabi nya sabay abot sa akin ng salamin.

Tinignan ko ang mukha ko at ngumiti ng pilit.

"Baby Nath. Mukha kang timang!" tawa nya kaya ibinato ko sa kanya yung salamin.

Continue Reading

You'll Also Like

4.4K 241 37
Anong responsibilidad ang mas nararapat na unahin? ~MAY272015 WMAM|Dash Archangel
6.9K 109 59
[Written in Filipino and English] Maaga nagsimula ang lahat, maaga din nagsimula ang kanilang pagmamahal, maaga din kaya sila matatapos? Savanna...
1.2M 44.7K 92
[π™Άπš‡π™Ά] [π™Ώπšπ™Ύπ™΅πš‡πš‚πšƒπš„π™³π™΄π™½πšƒ] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...
403K 21.2K 32
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.