"Chalstine, Log In!" (Complet...

By sacchariferousdreams

104K 2.3K 1.2K

Hindi akalain ni Chalstine na ang mundo ng The Legendary Clash na isang online game ang magpapabago sa takbo... More

Prologue
Chapter 1: Just_Chals_96
Chapter 2: Ironic_Volvo
Chapter 3: Mr. Wax, Boy Dimple and Chinito
Chapter 4: A Change In Margarette's Life
Chapter 5: Virgo
Chapter 6: Ivan
Chapter 7: Evo
Chapter 8: Por Da Pers Taym
Chapter 9: Moody Volvo?
Chapter 10: Seriously Sweet Evo
Chapter 11: Gorgeous. Pretty. Beautiful.
Chapter 12: Superhero
Chapter 13: Cardigan's Owner
Chapter 14: The Legendary Clash Annual Meet Up
Chapter 15: Oo
Chapter 16: Special and First
Chapter 17: Virgo Lover. Ivan Stalker?
Chapter 18: Sumbrero, Jacket at Shades
Chapter 19: Chat and Fries Conversation
Chapter 20: Unlucky Or Lucky?
Chapter 21: Rain And Sacrifices
Chapter 22: Nurse Margarette And Patient Evo
Chapter 23: Who's Volvo?
Chapter 24: Hospital Confrontations
Chapter 25: Hatred and Forgiveness
Chapter 27: Goodbyes
Epilogue

Chapter 26: Stars Versus Hearts

1.6K 64 80
By sacchariferousdreams

Chapter 26: Stars Versus Hearts

Nagpunta kami ni Kuya Ivan sa isang fast food chain. Ang fast food kung saan kami naghintay sa lalaking misteryoso na ipapakilala sa akin ni Kuya Ivan no'n. Pero hindi sya no'n dumating. Hindi dumating si Kuya Evo.

"Anong gusto mong kainin?" ang tanong na palaging sinasabi sa akin ni Kuya Ivan kapag kumakain kami sa labas.

"Ikaw na ang bahala Kuya Ivan," iyon naman ang nakagawian kong isagot sa kanya.

Tumayo na si Kuya Ivan na may mga ngiti sa kanyang labi. Iniwan nya akong magisa na nagiisip sa anumang maaaring mangyari mamaya sa usapan namin.

Tama ba ang desisyon ko na sumama kay Kuya Ivan? Tama bang bigyan ko sya agad ng pagkakataon na kausapin ako? Tama bang pagusapan namin agad ang dalawa nyang kaibigan na lubusang nakasakit sa damdamin ko at sumubok na sirain ang tiwala ko?

Pinagmasdan ko si Kuya Ivan na naglalakad pabalik sa mesa namin, may bitbit syang tray na may lamang dalawang mango shake at dalawang burger.

"Tara, kumain muna tayo," umupo sya sa harapan ko at saka tinuon ang pansin sa mga inorder nyang pagkain. Nilagay nya sa harapan ko ang pagkain na para sa akin.

 

"Kuya Ivan, kung pwede 'wag na tayong magpaligoy-ligoy pa. Sabihin mo na sa akin kung ano 'yung gusto mong sabihin. Sabihin mo na kung ano 'yung mga nalalaman mo na dapat ko ring malaman," hindi naman sa ayaw kong kumain. Sadyang gusto ko lang malaman kung ano 'yung sasabihin nya. Hindi ko na kayang magsayang ng oras.

Halatang naging tensyonado si Kuya Ivan dahil sa naging pahayag ko. Napayuko kasi sya ng bahagya dahilan para hindi ko gaanong makita ang mga mata nya. Tila maging sya, nawalan ng gana sa pagkaing nakahain sa harapan nya. Kinakabahan din siguro sya.

"Alam ko na gusto mo nang malaman ang lahat, pero Margarette sana hayaan mo lang akong ipaliwanag lahat sa'yo. Habang kinukwento ko ang lahat sa'yo, 'wag mo muna akong sisingitan ng tanong. Makinig ka lang muna sa akin. At please, 'wag mo munang huhusgahan ang dalawa kong kaibigan hanggat hindi ako natatapos sa kinukwento ko. Gusto kong maayos ito Margarette kaya sana maintindihan mo ang lahat ng sasabihin ko. Hindi ito magiging madali para sa'yo pero sana subukan mo," hindi ako sanay ng ganito kausap si Kuya Ivan. At kapag naging ganito sya kaseryoso, sigurado akong kakabahan ako sa mga sasabihin nya.

Nilapag ko ang dalawa kong kamay sa mesa. Hindi ako komportable pero pipilitin kong maging bukas ang isipan ko sa lahat ng malalaman ko. Tulad nga ng paalala ni Kuya Ivan, hahayaan ko muna syang magpaliwanag. Hindi ko sya pangungunahan ng mga tanong at pagdududa.

 

"Sige Kuya Ivan. Makikinig lang ako sa'yo, pipilitin ko na maging bukas ang isipan ko sa lahat ng malalaman ko. Promise," tila isang limang taong gulang na bata akong nagtaas ng kanan kong kamay.

Napangisi ng bahagya si Kuya Ivan dahil sa ginawa ko, "Ikaw talaga," sabi pa nya.

"Sige na Kuya Ivan. Magkwento ka na," seryoso ko nang itinuon ang buong atensyon ko sa kanya.

Sa mga sandaling iyon, tila wala akong naririnig na kahit anong ingay sa paligid. Para ring wala akong nakikita na mga taong katulad namin ay nasa loob ng fast food para kumain. Hindi ko ininda ang oras na nanduon kaming dalawa. Ang mahalaga sa akin, malaman ko na ang lahat ng totoo.

"Pumili ka muna kung tungkol kanino ang unan kong ikwekwento, kay Virgo o kay Evo?" tanong ni Kuya Ivan pagkatapos ay sumipsip sya sa mango shake nya.

Nagisip ako ng ilang segundo. Mas mabuting unahin ko ang lalaki na syang malaki ang parte sa buhay ko ngayon.

 

"Kay Virgo muna," sagot ko.

Bumuntong hininga si Kuya Ivan saka nya itinabi sa gilid ang mga pagkaing kanina ay nasa harapan nya. Ano kaya ang kwento ni Kuya Ivan tungkol kay Virgo? Tungkol sa boyfriend ko?

"Tutal si Virgo ang una, okay sige sasabihin  ko na lahat. Pero winarningan na kita ha, makinig ka muna sa akin. Hayaan mo muna akong matapos saka ka magtanong kung may gusto ka pang malaman na wala sa sinabi ko,"

Tumango lang ako bilang sagot kay Kuya Ivan. Kinakabahan na ako, baka masaktan na naman ako.

"Si Virgo mahal na mahal ka nya Margarette. Sa kabila ng lahat ng pagkukulang at kasinungalingang nagawa nya sa'yo, talagang minahal at minamahal ka nya. Sadya nga lang nakakainis ang nakaraan, may mga tao at bagay na sya pa ring bumabalik kahit na nakamove on na nga ang isang tao. Margarette, this is not just about Virgo. This is about him and his ex-girlfriend, Miley.

 

"Remember nu'ng isang beses na nagpunta ka magisa sa mall? No'ng hinila kita mula sa labas ng arcade tapos nadaganan mo ako? 'Yun ang araw na hindi ko alam ang gagawin ko dahil hindi ko inaasahan na pupunta ka sa mall na 'yon. Nagulat na lamang ako no'ng nakita kita do'n, dahil nanduon sa loob ng arcade sina Virgo at Miley. Nagworry nga ako dahil baka nakita mo sila, in my surprise mabuti na lang hindi 'yon nangyari. Nabunutan ako ng tinik no'ng nalaman ko na wala kang nakita. Nasave pa rin si Virgo sa ginawa nya. That day, dapat tatapusin na ni Virgo ang lahat ng ugnayan nila ni Miley. Gusto na nyang tigilan sya ni Miley dahil kayo na nga, pero nabigo si Virgo. Ayaw syang tantanan ng makating babae na 'yon.

 

"May ilang beses na hindi ka nasisipot ni Virgo sa mga usapan nyo, ang lahat ng iyon ay dahil kay Miley. Naglasing sya gabi-gabi, umuwi ng halos hindi na makapaglakad at kulang na lang ay kargahin para makapasok sa kwarto. May ilang beses na nagwala si Miley sa bahay nila, nagalala ang mga magulang nya dahil sa inasta ng anak nila. At sa tuwing gano'n ang nangyayari, si Virgo na lang ang palaging sinisisi ng mga magulang ni Miley. Alam naman kasi ng parents ni Miley na naging magboyfriend sila. Walang choice si Virgo kundi ang puntahan si Miley at pakalmahin. Nakonsyensya ang boyfriend mo sa tuwing sinusubukang sirain ni Miley ang buhay nya. May isang beses pa na muntikan ng magdrugs si Miley. Sinalba lang sya ni Virgo para pigilan, I was there Margarette. Kitang-kita ko kung paano tanggapin ni Miley na magmukha syang tanga basta mapansin lang sya ni Virgo.

 

"Mahal na mahal ni Miley si Virgo. Unang beses pa lang na nakita nya si Virgo, nagustuhan na nya ito. At noong nalaman nya na member si Virgo ng UFC, talagang nagaral si Miley kung paano maglaro ng TLC. Sinikap nyang gumaling at tumaas ang level nya sa TLC para makasali sya sa clan namin. After a couple of months, she succeeded. Laking tuwa ni Miley ng maging member namin sya at tuluyang mapalapit kay Virgo. Ilang buwan ang lumipas na sila ang pinagpapartner namin sa clan. Nagsimula sa trip-trip lang, hanggang sa sinubukan syang ligawan ni Virgo. Naging sila pero hindi rin nagworkout, masyadong clingy at nakakasakal sa leeg si Miley, 'yon ang dahilan kaya nakipaghiwalay si Virgo kay Miley. Mula ng maghiwalay sila, si Virgo at Virgo pa rin ang gusto ni Miley. Taliwas sa alam ni Virgo na nakamove on na ang ex-girlfriend nya dahil sa nakikita nitong mga kaflirt nya. 'Yan ang past nilang dalawa na pilit pa ring bumabalik sa present.

 

"Siguro iniisip mo na bakit nilihim sa'yo ni Virgo ang lahat ng ito, pero sa maintindihan mo sya Margarette. Nilihim nya sa'yo ito sa pagaakalang maayos nya ang gusot sa kanila ni Miley at sa wakas ay magiging tahimik na kayong dalawa. Pero nagfail si Virgo, hindi sya tinantanan ni Miley. Hanggang sa hindi na nya nasabi sa'yo ang nangyayari sa kanya. Margarette, 'wag kang magalit kay Virgo. Dinala lang sya ng sitwasyon at pagkakataon sa posisyon nya ngayon. Believe me, wala na syang feelings para kay Miley. Naaawa na lang sya sa kinakapatid ko.

 

"Yes Margarette, alam ko ang lahat dahil kinakapatid ko si Miley. Si Miley mismo ang nagkwento sa akin nito ilang araw na ang nakakalipas, kinompirma ko kay Virgo kahapon lang. Margarette, sinolo ni Virgo ang problema nya. Nagbulagbulagan lang kami sa mga kalokohan ni Miley, wala kaming naintindihan sa mga unang nangyari. It was Miley's fault, mabuti na lang lasing sya no'ng sinabi nya ang lahat sa akin. Aminado syang mukha na syang tanga sa paghahabol kay Virgo, sa lalaking may girlfriend na."

Natulala ako sa lahat ng narinig ko mula kay Kuya Ivan. Wala akong kaalam-alam sa lahat ng nangyari.

Ang buong akala ko lang kay Virgo ay nagsinungaling sya para sa kapakanan nya, para mapansin ko sya. Pero ngayon naglihim sya sa akin hindi dahil ginusto nyang saktan ako, pero dahil sinubukan nyang mapanatag ang ibang damdamin. Hindi ako makaramdam ng galit ngayon kay Virgo, pero naiinis ako dahil sa nangyari. Alam kong sya rin ay nahihirapan dahil kay Ate Miley.

 

"Sorry Margarette, maiintindihan ko kung magalit ka kay Virgo pero sana maunawaan mo rin ang kalagayan nya. May mga tanong ka ba?" seryosong sabi ni Kuya Ivan.

Napainom ako ng mango shake at hinawi ang buhok ko. Kailangan kong mahimasmasan dahil sa mga nalaman ko. Sa pagkakataong ito, nagulat lang ako sa mga nalaman ko pero hindi ko magawang umiyak. Siguro nga, hindi naman nakakaiyak ang nangyari ngayon. Masakit lang sa damdamin.

"Nagulat lang ako sa mga rebelasyon mo Kuya Ivan. Hindi pa masyadong pumapasok sa utak ko ang lahat. Basta ang alam ko lang, kailangan kong intindihin ang sakripisyo ni Virgo. Hindi naman nya ginusto ang mga pangyayari, nasasaktan din sya at naguguluhan. Gusto ko na syang makausap Kuya Ivan. Pero kamusta na sina Virgo at Ate Miley ngayon?" sa sandaling ito, bigla ko ng gusto na makita si Virgo. Pakiramdam ko, handa na akong magharap ulit kami. Handa na akong patawarin sya sa kabila ng naging kasalanan nya sa akin.

"Darating din kayo dyan, 'wag kang magalala tutulungan ko kayo na makapagusap ulit. Promise ko 'yan sa'yo. Sa ngayon, sinusubukan nang isa walang bahala ni Virgo si Miley sa tuwing maglalasing ito. Sumusobra na kasi si Miley, masyado na syang kumakapit kay Virgo. ‘Wag kang magalala, maayos din ang lahat. Aalis na rin si Miley, napagplanuhan na ng pamilya nya na dalhin sya sa ibang bansa." ngumiti si Kuya Ivan, nagpasalamat naman ako sa binalita nya. Kahit papaano masasaayos na rin pala si Ate Miley.

"Ano naman ang ikwekwento mo tungkol kay Kuya Evo?" ito naman ang susunod na gusto kong malaman. Pero may isa lang akong inaalala.

"Okay, do'n naman tayo sa isa pang lalaki na nagmamahal sa'yo," ngumiti ng malaki si Kuya Ivan. Mukhang nawala ang pangangamba ko.

Inaaalala ko lang naman na baka kasi isa pang rebelasyon na hindi ko inaasahan ang malalaman ko. Kung kay Virgo, hindi ko inaakala na may gano'n palang nangyayari baka pati kay Kuya Evo may isa na namang katotohanan ang malaman ko. Katotohanan na malayong-malayo sa mga alam ko.

"Kuya Ivan, please lang kung isa pang rebelasyon 'yan na hindi ko inaasahan pwede bang prumeno ka muna? Tulad ng kay Virgo, hindi ko pa rin lubos maisip na nangyari ang lahat ng iyon," naalala ko na naman ang lahat ng kinuwento ni Kuya Ivan tungkol sa boyfriend ko. Naaawa pa rin ako, kay Virgo at pati na rin kay Ate Miley.

"Si Evo.. Sya 'yung lalaki na sobrang nagmamahal sa'yo," natigilan ako sa pagiisip tungkol kay Virgo ng simulan ni Kuya Ivan na banggitin ang pangalan ni Kuya Evo.

"Naconfirm ni Evo na mahal ka nya noong sinakay ka nya sa motor nya at dapat na ihahatid ka sa bahay nyo. Nalaman nya lang na mahal ka na talaga nya noong nakita nyang niyakap ka ni Virgo. Nasaktan daw sya ng sobra, hindi nya akalain na ganuon ang mararamdaman nya towards you. Ilang gabi kang nasa isipan nya Margarette, hanggang sa napagdesisyunan nyang hindi pwede. Napagisipan nyang 'wag na lang ilapit yung sarili nya sa'yo, dahil una mahal ka at girlfriend ka ng kaibigan nya. Pangalawa, ayaw nyang masira ang friendship namin. Pero hindi naman nya napigilan ang feelings nya, imbes mas lalo pa itong tumindi. Tinanggap na lang ni Evo ang katotohanan na hanggang tingin na lang sya sa'yo. Inamin ni Evo sa akin ang nararamdaman nya sa’yo no’ng nahuli ko syang nagpapakastalker sa inyong magboyfriend.

 

“Nung una tawang tawa ako sa kanya sa totoo lang, hindi ko kasi maimagine na magpapakastalker si Evo na isang lalaki na wala namang pakialam sa mga babae. It's not a kind of him, Margarette. Para kay Evo, Mama nya lang ang perfect na babaeng nakilala nya. Not until naging kapatid ka ng kaibigan naming si Dustin. He really felt something for you. Tinamaan sya ng pana ni Kupido no’ng napalapit ka sa kanya.

 

“Simula no’ng nalaman ko na naging stalker nyo sya, sinubukan kong kausapin si Evo. Naging advice ko pa sa kanya no’n na maging totoo na lang sya sa’yo at maging sa nararamdaman nya. Pero ayaw talaga nya e, kaya no’n naramdaman ko na nakakahalata ka na sa lalaking stalker nyo, du’n ako umiksena. Ginaya ko ang get up ni Evo para lang protektahan sya, kaso walang hiya naman dahil aamin din pala sya sa’yo agad. Sayang lang ang effort ko sa no’n, pero okay lang at least kahit papaano nakatulong ako sa kanya.

 

“He really loves you Margarette, I believe na inamin na nya sa’yo ang feelings nya. Pero tinago nya lang ‘yon just to save our friendship. He likes you more than Virgo likes you. Una kang natipuhan ni Evo pero isinantabi nya iyon ng malaman nyang liligawan ka na ni Virgo. Gusto sana nyang masigurado muna ang nararamdaman nya sa’yo bago sya gumawa ng hakbang, pero huli na ang lahat dahil si Virgo na matinik sa babae gumawa na ng sarili nyang galaw. Dahil nga hindi pa sigurado si Evo sa nararamdaman nya para sa’yo, nanahimik na lang sya at hinayaan si Virgo na pumorma sa’yo. Lahat naman kaya nyang ipagpalit sa ngalan ng pagkakaibigan. Gano’ng klase ng tao si Evo, at swerte kami dahil kaibigan namin sya. ‘Yun nga lang, sakripisyo talaga ang love life nya. But for Evo, okay lang ‘yon. Di bale ng masaktan sya, basta ‘wag lang masisira ang pagkakaibigan na mayroon sya.”

Alam ko naman ang katotohanan na naging tagamatyag namin ni Virgo si Kuya Evo. Pero hindi ko alam na ganito nya ako kagusto, o kamahal tulad nga ng sinabi ni Kuya Ivan. Mas nauna nya akong nagustuhan kaysa sa nagustuhan ako ni Virgo, pero nanaig ang pagkakaibigan para kay Kuya Evo. Walang duda, napakabait nyang tao.

 

“Hindi ko inaasahan ‘yang sinabi mo Kuya Ivan, na gusto este mahal ako ni Kuya Evo. Ang sungit-sungit pa naman nya sa akin,” mukha ni Kuya Evo ang nasa isipan ko ngayon. Naaalala ko no’ng huli ko syang nakita.

 

“Ganoon lang talaga ‘yon, may pagkamasungit. Pero mas masungit sya kapag may nararamdaman sya sa isang tao, siguro kaya sya nagsungit sa’yo dati dahil mas gusto nyang takpan ‘yung feelings nya para sa’yo. Maybe he was just trying to forget what he really felt for you. Kung magkakaroon man sya ng chance na iprove sa’yo na mahal ka nya, sana hayaan at pagbigyan mo sya. Sana mabalik ang tiwala mo sa kanya,” pagpapaliwanag naman ni Kuya Ivan.

Natahimik ako ng sandali. Ang dami kong nalaman ngayon. Naghalo-halo na sa utak at puso ko ang lahat ng sinabi ni Kuya Ivan. Si Virgo at ang pagsasakripisyo nya, si Kuya Evo at ang pagsasakripisyo din nya.

 

“Okay ka lang ba Margarette?” natigilan ako ng kumaway-kaway sa harapan ko si Kuya Ivan, natulala pala ako.

“Okay lang naman ako Kuya, may naiisip lang,” kinusot ko ang mga mata ko saka ako pumikit-pikit.

“Pasensya ka na, gusto ko lang maliwanagan ka. Kailangan mo ng magdesisyon sa sarili mo Margarette, may mga bagay na dapat inaayos na. May mga bagay na dapat isinasaalang-alang,” tugon ni Kuya Ivan.

Umuwi rin ako agad pagkatapos ng usapan namin ni Kuya Ivan, inubos muna namin ang inorder nya saka nya ako hinatid sa bahay. Nawalan man ako ng gana kumain, pinilit ko na lang ubusin dahil nahiya naman ako sa bigay ni Kuya Ivan.

Pagdating ko ng bahay dumiretso ako sa kwarto at nagpalit ng damit, mabuti na lang naunahan ko si Nanay umuwi. Si Kuya Dustin lang ang nadatnan ko at sinabi ko sa kanyang bati na kami ni Kuya Ivan. Natuwa naman si Kuya D sa balita ko, at least kahit papaano daw nagagawa ko ng maintindihan ang ibang tao.

Naikwento ko rin sa kanya ang sinabi sa akin ni Kuya Ivan, ayoko na kasing maglihim sa kahit na sino pa kaya sinabi ko na rink ay Kuya D ang nalaman ko.

Hindi naman daw sya nagtaka kay Miley, hindi daw sila close pero napansin daw nya ang paguugali nito. Naawa daw sya kay Virgo dahil nagkaroon ito ng responsibilidad sa isang tao kahit na wala naman na silang ugnayan. Pero mali pa rin daw ni Virgo na hindi sya nagsabi at sinolo nya ang pinagdanan nya, natulungan daw sana sya nila Kuya.

Pagdating kay Evo, wala daw syang kaide-ideya sa nararamdaman ng kaibigan. Malihim daw si Kuya Evo pagdating sa nararamdaman ng puso nito. Huli daw itong nagkagirlfriend, hindi nila nalaman kung kailan nagbreak. Masyado daw pribado ang love life ni Kuya Evo. Pero sigurado daw sila na matitinong babae ang minamahal ng kaibigan, sadya lang syang pihikan dahil nga may batayan si Kuya Evo sa babae. Dapat daw, halos kapareha ng Mama nya ang ugali nito.

Muli akong bumalik sa kwarto ng matapos ang usapan namin ni Kuya Evo. Nabigay ko na sa kanya ang impormasyon na nalaman ko ngayong araw, narinig ko na rin ang reaksyon nya. Tiningnan ko ang suot kong mga bracelet. Ang bracelet na may mga stars na nakasabit mula kay Kuya Evo at ang binigay sa aking bracelet ni Virgo na sya namang may mga nakapalawit na puso. Ngayon isa na lang ang naiisip ko.  

Anong gagawin ko?

Pareho silang mahalaga sa akin, pareho silang malapit sa akin. Pero kailangan kong timbangin ang bagay-bagay.

Si Virgo, boyfriend ko sya pero hindi mawala sa akin ang magalala. Nagawa na nyang magsinungaling sa akin sa kahit anong dahilan pa ‘yan. Malapit sya sa akin pero masyado nya akong nasaktan sa mga nangyari. Handa na akong kausapin sya anumang oras.

Samantalang si Kuya Evo, mahal nya ako. Nagsakripisyo sya ng pagmamahal nya para sa pagmamahal ng kaibigan nya. Hindi ko mapigilang hindi matuwa dahil sa gano’ng klaseng paguugaling lalaki. Pero sa ngayon hindi ko pa rin alam kung ano ang mararamdaman ko para kay Kuya Evo. Mahalaga sya sa akin, at may kung anong hindi maipaliwanag sa puso ko kapag nababanggit ang pangalan nya.

Nakatingin pa ako sa mga bracelet ng bigla kogn marinig ang boses ng isa kong kaibigan, ang kamember ko sa KFC.

“Chalstine! Online tayo! Hinahanap ka daw nila Ironic_Volvo at Kraust_Vintage sabi ni PJ!” sumilip ako mula sa bintana, nakita ko si Dave na nakatingala sa harapan ng bintana ng kwarto ko.

 

“Sino kamo?” paguulit ko sa kanya ng sinabi nya.

“Sabi ko online tayo sa TLC, hinahanap ka nila Ironic_Volvo at Kraust_Vintage ngayo na! Dali!” hinahanap daw ako ni Kuya Evo at Virgo. Bakit kaya?

“Teka, bababa ako sandali lang!” sinuot ko ang tsinelas ko at kumuha ng bente pesos sa bulsa ng bag ko.

*~~~~~

sacchariferousdream®

Continue Reading

You'll Also Like

107K 4.5K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...