Si Mr.MP ?! (KathNiel)

By geleeerica

13.5K 143 50

"TRUTH hurts, but then again living in a world full of LIES is more painful" More

PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Special Chapter:Payphone
Chapter 26
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue

Chapter 27

182 1 0
By geleeerica

HER POV

Pagkatapos kong mag-ayos bumaba na ko. Simpleng dress with wedge lang. Nagpaalam muna ko kay Mommy na nagpapahinga sa kwarto niya kasi ang bilin sa kanya ng doctor is to really take a rest.

I kissed her cheeks and bid her goodbye.

"Ang tagal mo naman." Bungad niya agad ng makita akong pababa ng hagdan.

"Maaga ka lang talaga." Sabay irap. Eh talaga namang maaga siya eh. 4:55pm palang nung bumaba ako eh!

"Joke lang! Hahaha. Ang ganda mo." Then he wink at me.

"I know right." Sabay flip ng hair. Hahaha! Feel na feel ko lang hair ko.

"Uto-uto. Naniwala ka naman?" Sabi niya kaya naman napisil ko yung ilong niya. Ah ganon ha?! Yan buti nga sayo!

"Hahahaha! Tara na the red nose reindeer!" At tumakbo na ko palabas papunta sa sasakyan niya.

Pagpasok ng sasakyan bigla akong nanlamig. Arg! Bakit ba ko kinakabahan? Nag-practice na ko nito kagabi ah?

*pok

"Aray! Bakit mo po pinitik?" Gagantihan ko na dapat siya ng mag-hands up siya yung parang nagsu-surrender na.

"Sorry na. Di na ko makikipag-asaran baka mamaya umiyak ka na eh. Ikaw kasi eh!

"Ano?! Bakit ako?"

"Kanina ko pa sinasabing mag-seatbelt ka na pero lutang ka ata."

"Ha? Ah-eh hindi noh." Tsaka ko kinuha yung seatbelt. Mahirap na baka mahalata niya kong kinakabahan. Aasarin na naman ako nitong mokong na to eh!

"Hahaha! Kinakabahan si Cha-Cha!" See? Kaya naman napairap nalang ako.

Nasa kalagitnaan na kami ng byahe ng may tumawag kay Angelo kaya naman naka-speaker siya meaning maririnig ko ang usapan nila. Pero ano namang pake ko sa usapan nila? Masyadong occupied ang isip ko ngayon.

Inhale. Exhale.

"Uy ano bro? Saan ka na?" Teka? Parang kilala ko yung boses na yun ah. Si Allan ba yun?

"Ahm, malapit na."

"Sige bilisan mo bro! Nagsisimula na yung party! Ang dami ng chicks!"

"Hahaha! Sige sige."

"Yung surprise mo ha? Birthday ko pa naman."

"Oo dala ko na yung surprise ko sa inyong lahat. Hahaha!"

"Babae ba yan? Chicks?"

"Hmm. Pwede. Sige na bro green light na. Bye!"

"Yon! Sige bye."

Matapos ang tawag isang daang hampas ata yung binigay ko kay Angelo kaya naman napatigil sa pagmamaneho.

"Walngya ka! Gagawin niyo pa kong GRO dun?!" Nangangalaiti sa galit kong sabi sa kanya. How dare he?!

"Uy kalma ka lang. Sinasakyan ko lang trip ni Allan kasi mukhang may tama na siya."

"Psh. Mga lalake talaga. Malilibog! Manyak!" At hinampas ko ulit siya pero dahil sa lalaki siya he held my wrist to made me stop.

"Anong aasahan mo dun? Eh bar yun?"

"Aish. Kahit na! Ok pa yung inom eh. Pero babae? Chicks? Arg!!!"

"Ano ka ba? May tama na kasi yung si Allan kaya ganon na yun magsalita."

"May tama na agad? Akala ko ba mag-iistart palang yung party?"

"Ganon talaga kapag di ka sanay. Eh di naman kami lagi umiinom."

"So....ibig sabihin nandon din si John? Arggg! Mapapatay ko yung lalaking yun eh."

"Di ko rin alam kaya alamin na natin. So pwede na mag-drive?"

"Tse." At lumingon nalang ako sa bintana. Si John nasa bar? May alak at babae?

Ughhh! This is so frustrating. Yung kaba ko napalitan ng inis!

Naging tahimik na yung byahe after nun kaya hindi ko nalang namalayan na nasa bar na kami. Sa labas palang maririnig mo na yung malakas na music. Past 6pm na rin kasi kami nakadating.

Palabas na ko ng sasakyan ng pigilan ako ni Angelo kaya tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Ahm sorry na." Then nag-puppy eyes siya katulad ng akin kaya natawa na ko.

"Hahaha! Huwag mo kong gayahin dre kasi hindi talaga bagay sayo."

"Ayan! Napatawa din kita. Huwag ka ng mag-isip ng kung ano-ano and let's just enjoy the party!!!"

"Oo na. So pwede ng bumaba?" Na tinguan naman niya.

Pagbaba ko ng sasakyan pinagsisihan ko na agad dahil sa mga iilang couples na kung makipaglaplapan parang wala ng bukas.

Pagpasok ko palang grabe na yung amoy ng alak at yosi na parang masusuka ako kaya nagpatulong ako kay Angelo kung saan yung cr.

Naghintay lang naman siya sa labas at nag-retouch lang ako ng kaunti.

Go Cha-Cha! It's now or never.

Papalabas na ko ng comfort room ng may makabangga ako.

"Ouch."

"Sorry." We said in unison.

"Ok ka lang ba? Are you hurt?" Sabi ng isang pamilyar na boses kaya pag-angat ko ng ulo ko. Nagulat ako pati siya.

"Chandria?! A-anong ginagawa mo dito?" Sabi ni Diego.

"Cha-Cha! Anong nangyare-" Pati si Angelo natigilan ng makita kami ni Diego.

"Ah eh surprise! Hehehe." Nasabi ko nalang para matigilan na sila sa katitig sakin.

"Angelo siya yung surprise na sinasabi mo?" Tanong ni Diego.

"Ah eh ganun na nga." At napakamot nalang siya sa ulo.

"Aish! Iuwi mo na siya." Puno ng galit na sabi ni Diego na ikinagulat ko miski ni Angelo pero mukhang nagkaintindihan sila mata sa mata kaya hinila na ko ni Angelo.

"Ayokong umuwi! Nandito na ko eh."

"Huwag ng matigas ang ulo Cha, umuwi ka na." Sabay nila kong hinila palabas kaya hindi na ko nakapalag pa.

Papalabas na kami ng bar ng may madaan kaming room.

"Go John! Kiss her! Kiss her! Kiss her!" People inside chant kaya napalingon ako.

"Nandito si John?" Tanong ko kay Diego.

"Chandria not now." Sa sinabi niyang yon lalo akong nagpumiglas kaya nabitawan nila ko.

"At bakit? How dare you?!" Then I slapped him.

"Sorry Cha. Hindi na dapat kita dinala dito. Umuwi nalang tayo." At hinawakan na ko sa braso ni Angelo pero hinila ko lang siya papunta dun sa room.

Papasok na ko ng humarang si Diego sa dadaan ko at hinila naman ako ni Angelo. Pinagkakaisahan nila ako!

"Ano bang problema niyo?! Gusto kong makita si John."

"Huwag muna ngayon Cha please. Para sayo din naman to."Pagmamakaawa na ni Angelo.

"Bakit?! Bigyan niyo ko ng rason para maintindihan ko lahat." Naiiyak kong sabi.

"Si-si John kasi...ganito yun, maagang nag-start yung party kaya kanina pa sila umiinom. Kaya ngayon lasing na sila at hindi alam ang ginagawa kaya ano umuwi ka nalang muna." Sabi ni Diego na parang nanlalamig na sa sobrang kaba.

Maya-maya kang may naghiyawan na sa loob dahilan para mapatingin kami sa loob pero nakaharang si Diego kaya hindi ko pa rin makita yung loob.

"Uy Diego! Ano ba yan? Tara na dito sa loob." Sabi sa kanya ng isang lalaking di ko kilala at hinila siya sa loob dahilan para mabuksan ng tuluyan ang pintuan.

Pagkabukas non, nabuksan din ang puso't isip ko ng realidad.

A bitch is sitting in John's lap while they're kissing.

They are fvcking kissing!!! At mukhang sarap na sarap naman ang gago!

"Chandria tara na." And with that napalingon lahat ng tao samin at napatayo.

"Chan-Chandria?? Kanina ka pa diyan?" Tanong ni Neil na halatang gulat-gulat.

Miski yung dalawang kampon ng kadiliman eh gulat na gulat nung makita ako.

"Surprise! Happy birthday Allan. Pero mukhang ako pa ata ang na-surprise. Sige guys! Uwi na ko. Enjoy!" At umalis.

Hindi ko napigilan at tumulo nalang ang luha ko. Parang sinaksak yung puso ko ng isang milyong beses. Sobrang sakit ang masaklap pa. Yung babae? Si Jasmin!

Bakit nga ba hindi si Jasmin eh di hamak naman na mas maputi, mas matangkad, mas makinis at may curves ang katawan . Ano pa bang laban ko dun di ba?

Mapait akong ngumiti kay Angelo at nagpatiakay sa kanya.

"Uwi na tayo." Then he nodded.

Sa buong byahe iyak lang ako ng iyak habang si Angelo tahimik lang. Dumaan muna akmi sa isang ice cream house para magpakalma kasi hindi ko kakayaning makita ni Mommy ng ganto.

Effective naman yung ice cream at nakalma ako.

"Thank you sa paghatid." At pumasok na ng gate.

Buti nalang pag-uwi ko madilim na kaya dumiretso na ko sa kwarto ko para magpalit at maghilamos. Pahiga na ko sa kama ng may sunod-sunod na nag-doorbell.

Pucha?! Gabing-gabi na ah? Mamaya magising pa si Mommy.

Kaya naman dali-dali akong bumaba para tignan kung sino ang nag-door bell. Akala ko si Angelo pero yung demonyo pala.

"Anong ginagawa mo dito? Umuwi ka na." At sinara yung gate pero pinigilan niya lang ito.

"Pl-please Chandria hear my side. Parang awa mo na kahit ngayon lang Chandria. Makinig ka naman sakin oh." Kaya naman napabitaw ako sa gate.

Naintindihan niya naman ata yung nais kong iparating kaya nagsalita na siya.

"Sorry."

"Narinig at nabasa ko na yan." Sabi ko habang nakatalikod pa rin sa kanya. Hindi ko kayang humarap sa kanya at baka masampal ko lang siya.

"But still sorry. Sorry for being a jerk. Nagkamali ako. Hindi ko na kasi alam ang gagawin Cha. Para akong mababaliw kapag wala ka tabi ko." At napaiyak na siya. Gusto ko sana siyang lingunin pero baka maiyak lang ako at mapatawad ko kang din siya agad kaya nagmatigas ako.

"Hindi ako makahinga at makapag-isip ng maayos. Alam mo ba yung pakiramdam na ganon? At ang pinakamasakit sa lahat? Na makita kang masaya sa piling ng iba." Ibig sabihin? Nakita niya kami ni Angelo??

"Oo Cha. Nung akala kong umalis ka na, bumalik ako sa bahay niyo para kahit papaano hindi ako masyadong mangulila sayo pero..pero nakita ko kayo. Ang saya-saya niyo."

Hinawakan niya ko sa kamay kaya napalingon na rin ako sa kanya at tulad niya umiiyak na rin ako. Mas lalo kong nakita yung mukha niya. Yung lalim ng mata at pisngi niya. Daig niya pa ang nag-shabu.

Kaya naman mas lalo akong na-guilty pero itong mukha din yung nakikipaghalikan kay Jasmin kanina di ba? Di ba?

"Kasi gusto ko Chandria ako lang. Gusto ko ako lang nagpapasaya sayo. Nangungulit, nang-aasar lahat-lahat. Ayoko ng may kahati dahil mahal na mahal kita." At tuluyan na siyang lumuhod sa harap ko.

Sobrang sakit pero kailangan kong tatagan ang loob ko.

"Psh. Mahal John? Naririnig mo ba yung sarili mo? Mahal mo ko pero nakuha mong makipaghalikan sa ibang babae?" At pinunasan ko yung luha kong walang tigil sa pagpatak kanina.

"Sorry. Tao lang ako. Nagkakamali. Sorry. Just give me another chance." At napayakap na siya sa tuhod ko. Tao lang siya? Eh paano naman ako? Tao lang din naman ako. Dun palang inamin na niya na talagang hinalikan niya si Jasmin.

"I want to give you, us a chance pero binalewala mo lang. This is all a misunderstanding kasi mga bata pa tayo. At kapag ipinagpatuloy lang natin to? Masasaktan lang natin ang isa't isa. Kaya please John, let me go." At pinilit kong alisin ang mga bisig niya sa tuhod ko kaya naman napaupo na siya sa semento kaiiyak.

"Sorry kung sinayang ko yung dapat chance na ibibigay mo sakin pero please Chandria I love you. Mahal na mahal kita."

"Maybe love is not enough. Good bye John." At tuluyan ko ng sinara ang gate kasama ng pagsara ng puso't isipan ko para sa kanya.

Kinabukasan, natuloy na yung flight namin sa wakas.

Pagkalapag na pagkalapag ng eroplano, malalim ang pinanggalingan ng hingang pinakawala ko. This is it. Bye past. Hello L-O-N-D-O-N!!!!!!!!

Halo-halo yung emosyon na nararamdaman ko pero ito na yun kailangan mong panindigan ang mga desisiyon mo sa buhay eh.

Marahil marami ang hindi makakaintindi sa desisyon ko pero hindi sila ako, dahil walang ibang nakakaramdam ng sakit kung hindi ang sarili ko.

I'll have to stand on my own.

Bata palang naman ako, ito na ang pangarap ko so why take it away? Besides wala naman ng pipigil pa saken. I thought maybe just maybe love can take that away pero wala na. Ayoko na. Sobrang nakakapagod na.

All I can do is breathe. And this is the proper way to do it.

I'll just have to move on and move forward.

-
Keep reading guys! :*

Continue Reading

You'll Also Like

73.7K 2K 71
One school. Two groups. Eight students. Eight personalities. Different attitudes. And... Eight different pains. But got to live in ONE HOUSE. This is...
3.1K 306 15
- Wherein two enemies, fake a relationship to deter a annoying admirer. As they play the part, their staged romance turns genuine, forcing them to c...
1.2M 24.3K 56
just for fun
5.5K 140 65
THIS IS A MIKAIAH STORY HOPE YOU ALL LIKE IT! this is a fanfiction only!!!!