CHASE (P.S#1)

By Yoonworks

272K 10.8K 5.2K

"Hindi ako pumapatol sa walang boobs..." Punyeta. More

Notice
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
46
47
48
49
50
Chase
Epilogue

45

3.8K 181 52
By Yoonworks

Dakota's POV

"Chase, ano ba? Pagbuksan mo naman ako..." daing ko. Tinawagan ako ni Lexo kanina. Nagkagulo daw dito. Hindi daw nag uusap si Milan at si Chase. Ang gulo gulo na. Si Mattee hindi na din mapakali.

Nang gabi pa lang na unang dumating si Cheska, kinabahan na ko. Alam kong malaking gulo at alam kong may sa baliw ang babae na yun kaya hindi ko naiwasang mag alala. Sa ilang buwan naming pagsasama ni Chaese, nakabisado ko na din ang ugali niya. Mahilig siyang ipawalang bahala ang mga nangyayari sa kanya. Hindi siya lalaban kung pwedeng hindi naman. Kaya lang baliw ang babaeng yun.

Panay ang katok ko pero hindi naman niya binubuksan. Lumabas daw ito kagabi at umuwing lasing. Pero parang nakita ko talaga siya kagabi na lumabas ng kwarto ni Andrea nung papasok ako sa kusina para kumuha ng tubig. Kaya lang kase ay antok na antok pa ako kaya hindi ko na lang pinansin.

Tapos kanina tahimik lang naman si Andrea.

"Huwag mo nang pagaksayahan ng panahon yan kung ayaw niya," napalingon ako ng madinig ang boses ni Milan. Naglalakad siya at may hawak hawak na baso ng tubig. Madilim ang kanyang mukha at hindi ko kung ano na naman ang ikinaiinis niya.

Baka hindi nakapambabae.

Nalukot ang aking mukha sa kanyang sinabi at inirapan siya. "Huwag ka ngang nakikialam. Hindi ko kasalanan kung mas may paki ako sa kapatid mo,"

Kinatok kong muli ang pintuan ng kwarto ni Chase at napaatras ako ng bahagya ng bigla itong bumukas.

Nagkatitigan kami saglit bago iiling iling siyang lumabas sa kanyang kwarto.

Siya nga. Ganito yung naaalala kong suot niya kagabi nung lumabas siya sa kwarto ng kapatid ko. He was wearing a black shirt and a denim pants. Hindi pa siya nagpapalit.

Nalukot ang aking ilong sa lakas ng amoy ng alak na nagmumula sa kanya. Sinundan ko siyang naglalakad siya pababa ng hagdan. At kahit hindi ako tumingin ay alam kong nakasunod na din si Milan.

"Ang lakas ng amoy mo. Pumasok ka sa kwarto ni Andrea ng lasing ka?" Hindi ko mapigilang magtaas ng boses. Baka mamaya anong maisipan nilang dalawa. Emotional wreck pa naman ang kapatid ko.

Hindi sumagot si Chase at tuloy tuloy lang. Medyo mabagal pa nga dahil susuray suray.

"Ano ka ba naman Chase. Paano kung nakita ka ni Papa na lasing tapos pinasok mo si Andrea? Lalong magagalit yun. Alam mo bang nagbigay na ng kundisyon ang tatay namin? Kapag nalaman niya to, baka ituloy niya ang balaka niyang ipadala sa Amerika ang kapatid ko!" naiinis kong turan. Nakarating na kami sa kusina. Marahan niyang binuksan ang pintuan ng ref at kumuha doon ng maiinom.

"Chase nakikiniga ka ba?!" lalong lumakas ang aking boses.

"Tsk," napalingon ako ng umismid si Milan. Tinapunan ko siya ng masamang tingin na ikinabusangot lang lalo ng itsura niya. Nakagat ko ang pang ibaba kong labi.

"Sabi ko naman sayo wala kang mapapala diyan. Inatake na nang kaduwagan yan. Nag aaksaya ka lang ng panahon," dagdag nya pa. Napalingon ako sa lakas ng pagakakabagsak ni Chase ng baso.

"Galing talagang magsalita. Ikaw, anong tawag mo sa sarili mo? Hindi ba mas duwag ka? Mahal mo sinasaktan mo? Tangina, tatawagin niyo kong walang bayag e kayo nga tong hindi maayos ayos mga sarili niyo. Pati ako nadadamay sa putanginang pagmamahalan niyo na yan!" sigaw niya. Umabante agad si Milan at napasigaw ako. Niyakap ko si Chase ng akma siyang susugudin ni Milan.

"Ano ba?!!!" Awat ko sa kanila. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Pakiramdam ko ay umahon lahat ng dugo ko sa ulo ko at hindi na din ako makapagisip ng maayos. Nahagip ng paningin ko ang pagdating ni Grey. Nagtataka ang kanyang mukha at parang walang alam sa nangyayari.

"Grey go back to your room," agad kong turan pero hindi siya natinag sa kinatatayuan niya. Baging gising pa lang yata siya e. "Grey I said go back to your room!"

"No, ate. Are they fighting? Kuya Chase! Kuya Milan!" naiiyak na si Grey.

"Tangina," Napatalikod si Chase at bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya. Pagdating kay Grey, mahina sila. Hindi ako umalis sa kinatatayuan ko sa takot na baka maglapit na naman sila. Naihilamos ni Milan ang kanyang kamay sa kanyang mukha.

"Grey, bakit ka umiiyak?" Nadinig ko si Ice na nagsalita. Napatingin ako sa gawi nila at para ako lalong nanghina.

"Kuya, nag aaway sila Kuya Chase at Kuya Milan!" humahagulgol na si Grey na agad dinaluhan ng kanyang kapatid. Nagsalubong ang kilay ni Ice at agad tumingin sa aming gawi.

Napamura siya ng mahina. "Lexo!!!" dumagundong ang boses niya sa loob ng bahay at maya maya lang ay dumating na din si Lexo kasama si Ulap.

"Hatid mo muna ang kambal mo sa kwarto niya. Dun lang kayo, huwag kayong lalabas. Sumama ka Ulap,"

Naghesitate pa si Ulap. "Bakit kuya?"

"Sumunod na lang kayo Ulap," nadinig ko na din ang boses ni Aedree. Maya maya lang ay magkasunod na din sila ni Julio na pumasok. Nang makaalis si Grey ay napamura na si Ice.

Minsan kinakabahan ako kapag si Ice ang nagagalit. Parang anumang sandali magkakapisikalan sila.

"Tangina, hindi kayo nakuntento sa katangahan niyong makapatid kahapon? Itutuloy niyo ngayon? Sa harap pa ni Grey!" Lumapit na silang lahat. Nauna ng konti si Aedree, siguro para awatin ang mga to sakaling magkagulo.

"Ano bang nangyayari sa inyong magkapatid? Alam niyo naman kung ano kondisyon ni Grey. Tsaka ano ba, ganito na ba tayo? Magsasapakan na kayo dyan? Paano kung madamay niyo so Dakota?" sabat ni Julio.

Nakagat ko ang pang ibaba kong labi. Bakit ang gulo gulo.

"Ito kasing gago na to. KInakausap ni Dakota ayaw kumibo," inis na turan ni Milan.

"Huwag niyo na lang akong kausapin kase wala na. Sinukuan na ko ni Andrea. Puta," agad siyang tumalikod at tumingala. Umiiyak siya. Parang nadurog ang puso ko. Ramdam na ramdam ko ang sakit sa boses niya. Eversince, matapang lang tong si Chase. Kahit hirap na hirap na, hindi siya umiiyak. Pero dahil sa kapatid ko, unti unti siyang nadudurog.

Hindi ko na din napigilang umiyak.

"Chase maayos pa natin to. Mahal ka naman ni Andrea di ba?" sagot ko. Alam kong mahal siya ng kapatid ko. Dahil kung hindi ay hindi siya iiyakan ni Andrea gabi gabi. Kahit magpanggap siya na okay lang ang lahat, nadidinig ko pa din siya habang umiiyak. Naaawa na nga ako kay Cinco e. Palagi na lang siyang nakakaladkad ni Andrea tapos iiyakan lang niya.

"Wala na," bulong ni Chase. Nakatalikod siya habang pinupunasan ang kanyang luha.

"Walang mangyayari yang pag iyak mo dyan. Bakit hindi mo ipaglaban," si Aedree.

"Pinaglaban ko naman. Niluhudan ko pa nga, Nagmakaawa na ko. Tanginang yan. HIndi ko naman sinukuan," tumigil siya sa saglit at hindi ko mapigilang mapahikbi. Halata sa boses niya na nahihirapan na siya. "Iniyakan ko na, lumuhod na ako at lahat lahat, wala e. Ano bang laban ko e si Chase lang naman ako, Mas matimbang pa din yung ibang taong mahal niya,"

Naguluhan ako sa sinabi niya. May ibang mahal si Andrea?

"Kung may lalaki na pala, bakit pinagpipilitan mo sarili mo. Gago ka, Puntavega ka. Kaya mong humanap ng kapalit ni Andrea kung gusto mo,"

Natawa naman si Chase sa sinabi ni Ice. "Ikaw nga hindi ka makahanap ng iba kahit hindi naman sinusuklian pagmamahal mo,"

Natahimik naman sila.

"Si Cinco ba?" Tanong ni Aedree.

"Hindi. At huwag niyo na ding alamin," sagot ni Chase.

"Tanga ka pala e. Sinusolusyunan na nga natin tapos nag iinarte ka dyan,"

Napalingon ako kay Milan. "Pwede ba tumigil ka muna? Hindi ka nakakatulong e!" inis kong sabi sa kanya.

Humarap si Chase samin at kitang kita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. "Hindi na maayos. Sa nangyayari ngayon imposibleng maayos," nagtama ang paningin namin ni Chase. May kung ano sa tingin niya sa akin at para akong kinabahan. Nang mag iwas siya bigla ng tingin ay napasinghap ako at naitakip ang kamay sa aking labi.

Tama ba ang iniisip ko?

Naalala ko yung gabing nag usap kaming magkapatid. Nang may itinanong siya sa akin.

Shit.

"Ako ba?" garalgal ang aking tinig. Unti unti ng nagsisink in sa akin kung anong nangyayari. Nang magpunta sa ospital si Chaese, malaki ang posibilidad na nagkausap sila ni Cheska.

Hindi sumagot si Chase kaya lalo kong nakumpirama ang aking hinala.

"Chase alam niya ba!?" tanong ko. GUsto kong malaman. Kung may nadinig si Andrea, hindi ako magtataka sa naging desisyon niya. Kung para sa akin, alam kong kayang gawin ng kapatid ko. At si Chase, alam kong hindi siya kikibo para din sakin.

"Ano ba yun?" Tanong ni Milan na nalilito.

Tinignan ako ni Chase nang nakakaawang tingin. "Okay lang Dee," sinubukang lumapit ni Chase pero lumayo ako.

Kasalanan ko lahat. Tanginang pagmamahal to. Ang daming nasisira.

"Sorry...." bulong ko. Kitang kita ko ang awa sa mga mata niya. "Aayusin ko Chase. Ako bahala,"

"Dee, ako na. Kaya ko. Hayaan mo na lang,"

Pinigilan ko siyang lumapit. Chase has always been my best friend. Nung mga panahong hirap na hirap na ko sa nararamdaman ko, siya palagi ang sumasalo. Hinahayaan niyang gamitin ko siya kase awang awa na siya sakin tuwing umiiyak ako. Kaya ning siya namana ang nangailangan ng tulong ay wlang pagdadalawang isip kong ginawa. Pero kung nagkausap na si Andrea at Cheska, malamang ay alam na din ng kapatid ko.

"Aayusin ko to," agad akong tumalikod. Kahit ang tawag ni Milan ay hindi ko na napansin.

Nagmamagaling ako pero ako lang pala ang dahilan ng lahat. Nang dahil sakin nadudurog ang kapatid ko.

Tanga ka kase Dakota. Masyado kang tanga sa pagmamahal. 

Continue Reading

You'll Also Like

29.6K 661 19
Heaven Angel Calle, she dreamed of having a pilot boyfriend. She meets Syrn Antonio Lavern, who is a very intelligent pilot. She became her boyfriend...
110K 1.8K 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
12.9K 464 65
Janelle Perez is a certified nerd on Beverly High was beyond hurt when her first ever manliligaw/boyfriend Renzo Fernandez (one of Beverly High's Pla...