48

4K 155 71
                                    

Bumalik...


"Remind me why we have to be here? Dapat nagdate na lang tayo e," nakangusong reklamo ni Chase habang nakapatong ang ulo sa aking hita.

Nasa tambayan kami kasama ang mga pinsan niya. May meeting kase ang mga prof kaya suspended ang klase pero magreresume din naman mamaya. Hindi ko ba alam kung bakit ang ending ay napunta kami dito lahat. Pati nga si Xantha at Cinco nandito, parehong nagbabasa. Magpinsan talaga samantalang si kuya Aedree panay istorbo kay Xantha. Medyo malaki naman tong place and madaming benches kaya kasya naman kami. Si Kuya Ice at Ulap lang ang wala, hindi ko alam kung nasaan. Dagdag mo pa si Kuya Milan na may date daw.

Napalingon ako kay ate na nakabusangot ang mukha. Okay lang kaya siya?

Nagulat pa ako ng mapalingon siya sakin. Agad na nagsalubong ang kanyang mga kilay.

"Quota ka na sa kakaharot sa kapatid ko Keso. O.A ka na ha. Halos samin ka na din tumira. Akala mo ba dorm bahay namin?" nadinig kong turan ni ate. Nilalaro ng isa kong kamay ang buhok ni Chase habang ang isa naman ay hawak ang aking phone. I'm bored.

Nakapikit lang si Chase at ni hindi nag abalang magmulat ng mata para lingunin ang kapatid ko.

"Kung naiinggit ka Dakota, punta ka din samin. Pasimple ka pa e wala namang pipigil sayo," sagot ni Chase at natawa pa ako ng batuhin siya ng panyo ng kapatid ko.

Umupo si Chase na ngingiti ngiti, ang isa niyang kamay ay agad niyang ipinalibot sa aking balikat at hinapit ako pausog sa kanya.

Nakagat ko ang aking labi sa kaba. Pakiramdam ko, sa bawat araw na dumadaan ay mas lumalakas ang tibok ng aking puso. Hanggang ngayon ay hindi pa din nasasanay ako puso ko sa presensya niya. Tsaka habang tumatagal ay mas lalo siyang lumalandi.

Siyempre narealize ko na talaga na marupok ako kaya go with the flow lang.

Nung isang araw muntik na kong himatayin. Naglalakad ako sa hallway ng may biglang yumakap sakin patalikod. Grabe tuloy ang simangot ni Xantha. At ang malandi na to palagi na lang hinahalikan ang likod ng ulo ko habang nakayap sakin.

Sino ba ang hindi rurupok lala na't halos lahat yata ng estudyante napapalingon samin. Lahat na lang ng kaharutan. Isa pa ay wala siyang pinipiling lugar. Laban lang ng laban. Yung mukha nga namin tambay na din board ng campus online site e.

It's just that, everything feels so surreal. Palagi niya akong sinusundo sa klase, hinahatid sa susunod, hatid sundo sa bahay. Minsan nga nababalibag na kami nila kuya Milan kase nasusuka na daw saming dalawa.

"Bakit naman ako titira sa inyo e may bahay naman kami? You stop molesting my sister. Puro ka tyansing dyan!" naiinis na turan ni ate. Eversince she openly acknowledged me as her sister, napakashowy na din niya sa pagiging protective sakin. Sometimes I find her concern so cute.

Kapag nahuhuli niyang pumupuslit si Chase sa kwarto ko ay sinisipa niya to lagi palabas tuwing umaga.

Oo, halos samin na tumira tong si Chase, specifically sa kwarto ko. But we don't really do anything besides kissing and hugging. O sige kaunting makeout but that's just about that. Madalas ay nakahiga siya sa kama ko kapag may ginagawa akong mga assignments or projects. O kaya naman we do movie nights together. Minsan din kase ay may kakatok at magugulat na lang kami na nandyan na din ang magpipinsan sa baba.

The past few weeks had been so amazing. Napupuno ang buhay ko ng pagmamahal na ni minsan hindi ko inexpect. Kase hindi naman ako dumayo dito para magkalovelife. Binigay na lang siya bigla sakin kaya pakiramdam ko sobrang mahal talaga ko ni God.

CHASE (P.S#1)Where stories live. Discover now