12

5.4K 205 65
                                    

Ang bango...

"Bakit na naman?" natatawa niyang turan habang ang dalawang kamay ay nasa manibela at manaka nakang sumusulyap sa aking gawi.

Napakislot ako ng bahagya ng makita siyang ngumiti. Napasulyap ako agad sa kanyang suot, white shirt na may maliit na print sa may bandang dibdib at black pants paired with a sneakers, sobrang casual lang pero bakit pakiramdam ko sobrang lakas ng dating? Tapos medyo basa pa ang buhok niya at halatang bagong ligo.


Ang bango bango....


Hala sige Chaese, galit ka di ba?

Napaismid naman ako ng maalala kung ano ang nangyari kanina. Dinampot ko pa muna ang cellphone ko sa loob ng bag na asa aking gilid. Itetext ko si Xantha para may kasama ako mamaya.

"Ewan ko sayo. Huwag mo kong kakausapin," inis na sagot ko sa kanya. Umirap pa ako ng bahagya habang ang aking mga kamay ay magkasalikop na at nakapatong sa aking kandungan. Naisuksok ko na agad pabalik sa bag ang phone ko. Wala naman akong ibang itetext.

Napatapik tapik pa ako ng bahagya at nilaro laro ang aking palad. Bakit ba kase kailangan niya pa akong sunduin?


Napaigtad ako sa sobrang gulat ng maramdaman ko ang isa niyang kamay na biglang dumantay sa taas ng aking mga palad. Ang puso kong napakakalmado naman sana ay kanina pa nagwawala sa loob ko simula ng madatnan ko siya sa sala kasama si Papa kaninang umaga.

Natawa naman siya sa aking reaksyon.

"Nakuryente ka no?" nang iinis niyang turan. Nagsalubong naman agad ang aking kilay. Alam kong nagbibiro lamang siya pero napapadalas yata.


"Bitaw nga. Ikaw pauso ka. Magdrive ka dyan o!" inalis ko agad ang kanyang kamay sa pagkakapatong sa sarili kong kamay dahil baka hindi ko kayanin, himatayin na lang ako bigla. Napatingin ako sa labas. Hindi niya pwedeng makita ang namumula kong mga pisngi. Pero huli na yata dahil kitang kita ko ang kanyang repleksyon sa salamin sa aking harapan. Ang loko, pangisi ngisi pa.

"Rosy cheeks ka pala... " pang aasar niya ulit sakin. Napalunok ako. Bwisit talaga. Gusto pa talaga akong pakiligin.


"Mainit ang aircon ng kotse mo. Mas maganda pa yung kotse ni Lexo," kunwaring pagsusungit ko. Nakagat ko ang pang ibaba kong labi sa tinuran. Muntanga lang e magkapareho naman sila ng kotse, kulay lang ang pinagkaiba dahil pula ang kay Chase.


"Tssss, sabihin mo namiss mo ko. May ginawa lang ako kahapon, tampo ka naman agad," pangungulit niya. Pinasingkit niya pa ang kanyang mga mata na nagpalundag sa mga bulate sa aking tiyan. Napalingon ako ulit sa gawi niya na nakaawang ang mga labi. Bumukas sara iyon habang iniisip ko ang aking sasabihin.


Hindi ako makapaniwala. Bakit ganun ganun na lang siya lagi kung magbitaw ng salita? Napahawag ako sa aking dibdib dahil sa lakas ng kabog nito.

Walangya ka Chase. Inaano mo ako...

Totoo na hindi ko siya nakita kahapon. Hindi ko aaminin pero sumagi din sa aking isipan na baka tatantanan niya na din ako. Hindi ko lang sigurado na gusto ko ang bagay na yun o hindi.

Napansin kong napatingin na din siya sa akin at napaawang lalo ang akong bibig ng bahagya niya pang binasa ang kanyang labi. Nag iwas tuloy ako agad ng tingin.

Maharot talaga. Nakakinis.


Sa ilang linggo ko na siyang nakakasama, sinanay ko na ang sarili ko sa kanyang mga hirit. Nasanay na din ako na minsan may pagkaclingy siya. Ang iniisip ko na lang, magsasawa din siya sa trip niya.


CHASE (P.S#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon