47

4.1K 185 127
                                    

Bati na...

"Okay ka lang?  Kanina ka pa walang imik. Papa mo ang nagsabi na samahan kita. Sumusunod lang ako,"

Nag iwas ako ng tingin kay Chase at bahagyang binilisan ang aking lakad. Sa totoo lang hindi ko alam kung paano siya pakikiharapan ngayon.

Malelate na kami sa klase. Paano, ang tagal nag usap netong si Chase at ni Papa, nakakainis.

Kahapon kase nung hinatid ako ni Chase, hindi siya pumayag na hindi niya ko buhat papasok sa loob, punyeta. Akala niya yata nagshushooting kami. Kahit pa nga sinabi ko naman na okay na pakiramdam ko ay paepal siya. Hindi ko alam na nasa sala lang pala si Papa at Tita Monica.

Siyempre, ang daming tanong. Nalaman pa tuloy ni papa na masama pakiramdam ko.

Kaninag umaga sinundo ako ni Chase. Si Ate kase iniwan ako. Napakaano din. Tapos si Papa tinawag muna si Chase para kausapin. Ang ending, hindi daw muna ko pwedeng lumabas ng hindi kasama tong Keso na to. 

Pero kahit na naiinis ako kay Keso, medyo gumaan naman ang pakiramdam ko.

Sinilip ako ni Ate kagabi sa kwarto. Di ko alam bakit ako nagtulugtulugan pero hindi naman ako nagsisi kase kung nalaman niyang gising ako baka nag iyakan lang kaming dalawa. Pero di ko din alam, pakiramdam ko alam niyang gising ako e.

Nakahiga ako tapos umupo siya sa tabi ko. Ramdam na ramdam ko ang bigat ng pakiramdam niya. Sa haba ba naman ng buntong hininga, kung si Ulap yun baka hinimatay nga ako.

Tapos ayun nga, nagstart siyang magkwento. Gusto ko ng magtatalon sa mga nalaman ko pero pinigilan ko ang sarili ko. Ayokong ipakita sa kanya na masaya ko samantalang siya wasak naman. Hindi ganoon.

Basta isa lang ang malinaw sakin, kailangan kong bumawi kay Chase.

Ang tanga tanga ko kase. Dapat di ako kumapit sa sinabi ni Cheska. Dapat nagtanong ako. Kase sabi nga ni Chase, sasabihin niya naman. Mahal ko siya at mahal niya ako. Dapat nakinig ako sa mga sinasabi niya at hindi basta na lang naniniwala sa kung ano man ang madidinig ko.

Naging padalos dalos ako. Palagi na lang akong playsafe, takot masaktan pero lalo naman nawawasak. Tapos, sobra ko pang sinaktan si Chase. Ngayon hindi ko na alam kung paano ako hihingi ng tawad at babawi sa kanya.

"Why are you in a rush? Madadapa ka," he half jogged at agad niya akong nahabol. Napahinto pa ako ng hawakan niya ang isa kong kamay. Para akong nakuryente. Sige Chaese Andrea, mag inarte ka.

Nakagat ko ang pang ibaba kong labi. Imbes na magsalita ay nagsimula na akong maglakad muli. Ni hindi ko hinatak ang aking kamay sa kanya. Wala na akong pakialam. Tigang na tigang na ko sa ilang linggo kong pagkawalay sa kanya kaya kahit itong simpleng pagkakadikit ng mga kamay namin ay halos ikahimatay ko na.

He seemed amused pero naglakad na din kasabay ko. He clasped our hands together. Mas maayos, mas makapit.

I tried to hide the smile on my face and I heard him chuckle. Iniiwas ko lalo ang mukha ko but he stopped walking. At dahil magkahawak ang aming kamay ay natangay ako pabalik sa kanya, diretso sa kanyang dibdib.

His hands landed on my waist at inalalayan niya ako.

Oh God,  bakit ganito, kinikilig na naman ako. Kahit nung magkahiwalay kami ng halos dalawang linggo ay naghuhuramentado pa din ang puso ko basta nandyan lamang siya. Hindi ko tuloy maintindihan kung ano bang pumasok sa isip ko at hinayaan kong malason ang aking utak sa kung ano ano.

"Ngumiti ka, nakita ko," he said amused. His eyes were shining. Wala na yung dating lungkot na nakita ko nitong mga nakaraang araw.

Ibinaba ko ang aking tingin. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko kinakabahan ako sa simpleng pakikipag usap lang niya.

CHASE (P.S#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon