46

4.1K 186 124
                                    

Nabaluktot...



"Hoy babae," Napaangat ako ng ulo ng madinig ang boses ni Jessa. Bahagya pang umangat nag aking kilay ng mapansin na bumalik na naman sa dati ang suot niya. She's wearing a pink off-shoulder blouse partnered with a denim skirt. Nistress lang ako ng kaunti kase pink din yung sapatos niya tapos pero yung medyas yellow. Grabe din tong babae na to. Hindi ko na din magets.

Nakalingon siya sakin habang nakaupo sa harapan ko. Napabuga ako ng hangin. Kumikirot ang aking sentido. Nasobrahan ko na yata ang pag iyak. Nakalimutan ko din kaseng isara yung pintuan sa veranda. Masyado na akong madaming iniisip at nakatulog na lang ako ng hindi ko namamalayan.

"What?" sagot ko sa kanya. Nakita ko pa siyang ngumuso bago umismid.

After what happened last time, wala akong nadinig na kahit ano kay Jessa. Bukod sa pasimple niyang pagsusungit ay ganoon pa din ang trato niya sa akin. Minsan ay hindi ko din maintindihan ang babaeng to e.

"Ang putla mo. Kinagat ka ba ng bampira? Dun ka nga sa clinic! Mamaya lumagapak ka dito no!" pagsusungit niya. Ibinalik ko ang aking ulo sa pagkakayukyok at ni hindi siya pinansin. Ang sakit talaga ng ulo ko.

Nadinig ko siyang umismid pero hindi na din nagsalita.

Isang buntong-hininga ang aking pinakawalan. Pakiramdam ko ay nanghihina pa din ako. Matapos ang nangyari kagabi ay hindi ko na din alam kung may lakas pa akong natitira.

I was lying on my bed last night. Sobrang late na at bagamat hirap makatulog ay pilit kong ipinikit ang aking mata. Kung hindi nga lang ako halos isumpa ni Cinco, baka tinawag ko na naman siya.

Naging sobrang komportable na kase ako sa kanya kaya hindi na ako natatakot ipakita yung mga side ko na ganito sa kanya. Kahapon ay hindi ko napigilang umiyak sa mga bisig niya. Nadinig ko na naman kase yung mga babaeing pinag uusapan si Chase. Kahit naman itinaboy ko siya, ang rupok pa din ng puso ko basta siya na ang usapan.

Ayunm nung hindi ko na kinaya ay dinamba ko na si Cinco at sa kanya umiyak. Ang walangya, galit na galit sakin kase paborito niya daw yung suot niya hoodie tapos pinahidan ko lang daw ng sipon.

Minsan talaga ang hirap tantyahin ng tabas ng bunganga ng lalaki na yun e. But I trust him. I've learned to trust him so much that I wasn't afraid afraid to show how vulnerable I am in front of him.

At kagabi, marahil na din sa sobrang pagod ay bahagya na din akong nakaidlip. Yakap yakap ko ang akin unan at mahimbing na nakaidlip. It wasn't long after I felt a pair of hands wrapped around me. It was warm and familiar, I had to stir a little. Baka kase guni guni ko lang. Baka masyado ko lang siyang miss kaya akala ko nandito siya.

But I felt it, the warmth of his breath hitting the back of my neck. Parang tumayo lahat g balahibo ko sa katawan.

Amoy na amoy ko siya. At puta, gusto ko ng bumaligtad at yakapin siya pabalik, Gustong gusto ko.

Miss na miss ko na siya e. Sobrang miss na parang mababaliw ako sa kakaisip kung bakit nag lupit samin ng tadhana. Bakit siya pa? Sa lahat ng taong pwedeng mahalin ng kapatid ko, bakit siya?

Ramdam na ramdam ko ang kirot sa aking dibdib.

Nung nakausap ko si Cheska, sinabi niya sakin na si Ate ang naging dahilan ng paghihiwalay nila ni Chase. Nasa US noon si Ate at siya pa mismo ang sumundo kila Chase at Grey. My ate, Cheska said he fought for Chase. Kahit nung nagwawala na si Cheska, hindi sumuko si ate. Pinanindigan niya yung pagmamahal niya.

HIndi ko na inalam kung ano ang nagyari bakit hindi na sila nung umuwi sila dito. But all I know is, napakawalang kwenta kong kapatid. All this time ay nagpaparaya ang kapatid ko para sakin.

CHASE (P.S#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon