18

4.3K 174 56
                                    

Panic...

"Bakit mo tinatago yang mukha mo?" natatawa niyang tanong.

Nakaupo na kami pareho sa couch at magkatabi. Ang isa niyang kamay ay nakapatong sa aking balikat habang ang aking ulo ay nakahilig sa kanyang dibdib.

Si Nixie, nakaupo lang sa harap ng counter pero parang tuko naman kung makatitig sa amin. Pati yung mga tao sa computer shop ay kami din ang pinagtitinginan.

Paano ba naman, napakalaking eksena yung ginawa ni Chase kanina. Akala mo may shooting kami dito. Sobrang nakakahiya. Siguradong ipagkakalat netong si Nixie sa iba pa naming pinsan to.

Sa sobrang hiya ko ay nakatakip pa din sa aking mukha yung maliit na unan na inihagis sa akin kanina ng babaeng marupok.

Parang ikaw hindi marupok ah, bulong ng konsensya ko.

"Huyy.... Pansinin mo naman ako dito o. Galit ka pa din?" bulong niya na ikinailing ko na agad.

Ano ba tong lalaki na to. Hindi ba siya marunong makaramdam? Paano ako magagalit e hiniguphigop niya na yung mukha ko dito sa loob ng computer shop. Daig pa namin yung gumawa ng scandal jusko.

Natawa naman siya.

"Then why are you hiding your face? Put that down. Gusto kitang makita. Namiss kita. Ikaw kase, tinaguan mo ko," nagtatampo niyang turan. Naibaba ko naman bahagya ang unan at sinilip ang kanyang mukha.

He tilted his head to get a good look on my face.

"Bakit andito ka pa?" bulong ko. "Ano, uwi ka na. Kila Nixie ako matutulog,"

Kapansin pansin ang pagkunot ng kanyang noo.

"Bakit dito ka pa din matutulog? Hindi ka ba naniniwala sakin? Do you want me to call Grey?" nag aalala niyang turan. "Chaese naman,  nag 'I love you' na ako tapos papaalisin mo naman ako.  Hindi mo ko namiss?" nakanguso niyang turan. Ang singkit niyang mga mata ay mas lalo pang sumingkit. Ayan tuloy, nagwala na naman yung walang kasingrupok na puso ko sa dibdib ko.

Nakagat ko ang aking labi at napatingin sa kanya. Inulit pa talaga na nag I love you siya e halos himatayin nga ako ng sinabi niya yun.

I mean, he's Chase Puntavega, every woman's dream. Ang gwapo gwapo niya. Pati nga ang pinsan ko ay kilala siya. At kahit ganito sila kasikat na magpipinsan, ni minsan hindi ko sila nakitang napasali sa kahit anong problema. Ang tahimik lang nila pero yung presensya nila nagsusumabog at umaapaw.


Ibinaba ko na din ang maliit na unan bago ipinatong sa aking kandungan.

"Naniniwala naman e," ngumuso ako ng bahagya. Huminga ako ng malalim muna dahil parang kinakapos pa rin ako ng hininga. Pakiramdam ko kase namamaga pa din ang mga labi ko. Kung nakalipstick siguro ako baka kalat kalat na yun sa mukha ko.

"Ano kase, nakapagsabi na ko na dito ako matutulog kasama si Nixie," pagdadahilan ko. Napatingin sa gawi ng aking pinsan para humingi ng tulong pwro si gaga, nakanganga habang titig na titig sa mukha ni Chase.

Gusto ko tuloy matawa. Si gaga tulala.

Napansin ko na nakatingin si Chase sa mga paper bags sa harap ko at hindi din nagtagal ay nadampot na din niya ang isa.

"Sila Mattee ba ang namili ng mga damit mo?" tanong niya. Bago ko pa siya mapigilan ay nailabas na niya agad ang isa sa mga ito.

Nalaglag sa kandungan niya ang isang black crop top na sobrang sikip panigurado sa katawan ko. Meron ding dilaw na ganoon.

CHASE (P.S#1)Where stories live. Discover now