45

3.8K 181 52
                                    

Dakota's POV

"Chase, ano ba? Pagbuksan mo naman ako..." daing ko. Tinawagan ako ni Lexo kanina. Nagkagulo daw dito. Hindi daw nag uusap si Milan at si Chase. Ang gulo gulo na. Si Mattee hindi na din mapakali.

Nang gabi pa lang na unang dumating si Cheska, kinabahan na ko. Alam kong malaking gulo at alam kong may sa baliw ang babae na yun kaya hindi ko naiwasang mag alala. Sa ilang buwan naming pagsasama ni Chaese, nakabisado ko na din ang ugali niya. Mahilig siyang ipawalang bahala ang mga nangyayari sa kanya. Hindi siya lalaban kung pwedeng hindi naman. Kaya lang baliw ang babaeng yun.

Panay ang katok ko pero hindi naman niya binubuksan. Lumabas daw ito kagabi at umuwing lasing. Pero parang nakita ko talaga siya kagabi na lumabas ng kwarto ni Andrea nung papasok ako sa kusina para kumuha ng tubig. Kaya lang kase ay antok na antok pa ako kaya hindi ko na lang pinansin.

Tapos kanina tahimik lang naman si Andrea.

"Huwag mo nang pagaksayahan ng panahon yan kung ayaw niya," napalingon ako ng madinig ang boses ni Milan. Naglalakad siya at may hawak hawak na baso ng tubig. Madilim ang kanyang mukha at hindi ko kung ano na naman ang ikinaiinis niya.

Baka hindi nakapambabae.

Nalukot ang aking mukha sa kanyang sinabi at inirapan siya. "Huwag ka ngang nakikialam. Hindi ko kasalanan kung mas may paki ako sa kapatid mo,"

Kinatok kong muli ang pintuan ng kwarto ni Chase at napaatras ako ng bahagya ng bigla itong bumukas.

Nagkatitigan kami saglit bago iiling iling siyang lumabas sa kanyang kwarto.

Siya nga. Ganito yung naaalala kong suot niya kagabi nung lumabas siya sa kwarto ng kapatid ko. He was wearing a black shirt and a denim pants. Hindi pa siya nagpapalit.

Nalukot ang aking ilong sa lakas ng amoy ng alak na nagmumula sa kanya. Sinundan ko siyang naglalakad siya pababa ng hagdan. At kahit hindi ako tumingin ay alam kong nakasunod na din si Milan.

"Ang lakas ng amoy mo. Pumasok ka sa kwarto ni Andrea ng lasing ka?" Hindi ko mapigilang magtaas ng boses. Baka mamaya anong maisipan nilang dalawa. Emotional wreck pa naman ang kapatid ko.

Hindi sumagot si Chase at tuloy tuloy lang. Medyo mabagal pa nga dahil susuray suray.

"Ano ka ba naman Chase. Paano kung nakita ka ni Papa na lasing tapos pinasok mo si Andrea? Lalong magagalit yun. Alam mo bang nagbigay na ng kundisyon ang tatay namin? Kapag nalaman niya to, baka ituloy niya ang balaka niyang ipadala sa Amerika ang kapatid ko!" naiinis kong turan. Nakarating na kami sa kusina. Marahan niyang binuksan ang pintuan ng ref at kumuha doon ng maiinom.

"Chase nakikiniga ka ba?!" lalong lumakas ang aking boses.

"Tsk," napalingon ako ng umismid si Milan. Tinapunan ko siya ng masamang tingin na ikinabusangot lang lalo ng itsura niya. Nakagat ko ang pang ibaba kong labi.

"Sabi ko naman sayo wala kang mapapala diyan. Inatake na nang kaduwagan yan. Nag aaksaya ka lang ng panahon," dagdag nya pa. Napalingon ako sa lakas ng pagakakabagsak ni Chase ng baso.

"Galing talagang magsalita. Ikaw, anong tawag mo sa sarili mo? Hindi ba mas duwag ka? Mahal mo sinasaktan mo? Tangina, tatawagin niyo kong walang bayag e kayo nga tong hindi maayos ayos mga sarili niyo. Pati ako nadadamay sa putanginang pagmamahalan niyo na yan!" sigaw niya. Umabante agad si Milan at napasigaw ako. Niyakap ko si Chase ng akma siyang susugudin ni Milan.

"Ano ba?!!!" Awat ko sa kanila. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Pakiramdam ko ay umahon lahat ng dugo ko sa ulo ko at hindi na din ako makapagisip ng maayos. Nahagip ng paningin ko ang pagdating ni Grey. Nagtataka ang kanyang mukha at parang walang alam sa nangyayari.

CHASE (P.S#1)Where stories live. Discover now