Hotness Overload

Od LKsolacola

22K 1K 81

Nagpanggap si Itchie na may leukemia para lang mapansin ni Minho. Gano'n siya kadesperada para sa oppa niya... Více

Book 1: Saranghae, My Honey!
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Book 1 FINAL

Chapter 13

527 33 3
Od LKsolacola

NAKATULALA sa kawalan si Itchie. Nakaupo siya sa bleacher ng kanilang gymnasium. Katatapos lang ng P.E class niya kaya masakit ang katawan niya mula sa pagba-volleyball. Pero mas masakit ang iniinda ng maarte niyang puso. Isang linggo na silang hindi nagkikita ni Min Ho. Ah, hindi. Mas tamang sabihing isang linggo na siya nitong hindi pinapansin.

Iyon din naman ang gusto niya. Hindi na kasi niya kayang ipagpatuloy ang kasinungalingan niyang may cancer siya at malapit nang mamatay para lang mapalapit sa binata. Ngayon niya lang na-realize kung gaano kalaki ang kasalanan niya sa binata. In a way, parang pinaglaruan na rin niya ang damdamin nito. Hindi niya intensyon iyon. Naging desperada lang siya na mapalapit dito kaya nabulag siya sa mga puwedeng kahinatnan ng kagagahan niya.

Tamang kaparusahan lang ang tinatanggap niyang sakit sa kalooban ngayon.

But I miss you very much, Min Ho-a.

"Hi, Itchie!"

Natauhan siya sa pagbating iyon ni Suri. Pero nilagpasan lang siya nito at halatang nagmamadali. "Suri?"

"Girl, favor naman. Kapag hinanap ako ni Greyson, pakisabi hindi mo ko nakita. Bye!" Then, she ran fast.

Nagtataka pa rin siya sa iginawi ng lukaret na iyon nang dumating naman si Greyson. Habol nito ang hininga nito at halatang kanina pa tumatakbo dahil tumatagaktak ang pawis nito. Pero hindi iyon nakabawas sa kaguwapuhan ng binata.

"Itchie, nakita mo ba si Suri?" tanong ni Greyson sa kanya nang lumapit sa kanya.

Umiling siya. "Bakit?"

Pasalampak na umupo ito sa tabi niya. "Wala naman. I just have this feeling that she's hiding from me. And I don't know why." Nilingon siya nito. Nagmamakaawa ang mga mata nito. And dang, he looked like a cute rejected puppy! "If you know where she is, I'm begging you, please tell me."

"Are you in love with Suri?"

"Yes. Sobra."

"Oh." Kinilig siya para sa kanyang kaibigan. "She went that way." Tinuro niya ang direksyong tinakbo ng kaibigan niya.

Sorry, Suri. Pero nakakaawa kasi ang Chinese cutie mong ito.

"Thank you, Itchie!" Marahil sa tuwa kaya hindi na nito napigilan ang sariling bigyan siya ng mabilis na yakap bago ito tumayo. "Ah, oo nga pala. Do you know that everyday, Min Ho is looking for you?"

Parang lumukso yata ang puso niya nang marinig ang pangalan ni Min Ho. "T-talaga? Pa'no mo nalaman? Close ba kayo? Kailan pa?"

He chuckled lightly. "Well, nang dahil sa inyong magkakaibigan, naging close na kaming tatlo nina Skylus. Parati kayong magkakasama kaya para hindi kayo mawala sa paningin namin, nagsasanib puwersa kami. Like the day when Min Ho fought with his friend. Actually, tinatanong niya sa'kin kung kasama ka ba ni Suri no'n kaya kami magkasama. You get what I mean?"

"Oo. Deads na deads pala kayo sa kagandahan naming magkakaibigan," biro niya. But deep inside, her heart just melted. Aww...

Tumawa si Greyson. "Downright true. Anyway, I have to go." May kung sino itong tinuro sa entrance ng gym. "Min Ho's glaring at me." Then, he was gone.

Sinundan niya ng tingin ang tinuro ni Greyson. He was right. Min Ho was standing there, looking straight into her eyes. But he turned away and walked away immediately.

Aray...

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

473K 18.3K 45
Ang buhay ko ay kakaiba simula palang ng ipinanganak ako. Habang lumalaki ako nakikita at nararamdaman ko ang pagiging kakaiba ko sa ibang tao. Kahit...
10.1K 357 25
Si Heylie Romero, isang maganda, masayahing at mabait na babae. Pero nagbago ang buhay nya ng mawala ang mga taong mahal nya, dahil sa isang aksident...
92.2K 3.9K 26
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...