Just Married

By bluedust

9.8M 67.2K 13.3K

This is an ONGOING series. Copyright © 2012 by Bluedust. All Rights Reserved. No Softcopy | No Compilation |... More

PAUNANG DADA (CHARARAT)
Prologue~teaser
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10.1
10.2
10.3
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
41
42
43
44
45
46.1
46.2
47
48
49
50
51
52
53

40

149K 1.1K 437
By bluedust

*******************************SANDER'S POV*********************************

Iniakyat ko si Sammy sa kwarto niya at dahan dahang inihiga sa kama. Umupo ako sa may gilid ng kama.

Umiyak siya? Dahil na naman sa akin?

Yung kanina, hindi ko naman talaga intensyon na asarin siya...pero kasi 'yun na lang din ang paraan ko para malayo ang loob niya sa akin...para di na kami ulit maging ganun kaclose...para matupad ko ang isang pangako. Unti-unti na namang bumabalik yung pagmamahal ko kay Yesha eh...konting panahon na lang masaya na ulit ako..mababaling na ulit lahat ng atensyon ko kay Yesha...mawawala na lahat ng pag-aalala ko para kay Sammy.

Pero nung nakita ko si Sammy kanina na may nasugatan, gusto kong ibalibag yung mga bubog. Kaso kalaunan napag-isip isip ko na kasalanan ko rin yung nangyari...baka namis-interpret ni Sammy yung posisyon namin kanina ni Yesha. Baka akala niya hinahalikan ko si Yesha. Napuwing lang naman si Yesha 'nun kaya dumukwang ako para ihipan yung mata niya kaso tang'na talaga, pinaglalaruan ata ako ng kapalaran eh. Saka pa dumating si Sammy. Nung panahon na nakita ko siyang nakatayo sa may likuran ko, gusto kong tumakbo palapit sa kanya at magpaliwanag kaso wala na, alam kong nasaktan ko na naman siya.

Nung umalis siya ng bahay, parang bumagsak yung balikat ko...di ko alam kung bakit pero ang bigat ng dibdib ko lalo na nung sinabi niya yung pekeng asawa. Pucha, gusto kong suntukin yung pader eh, natapakan yung ego ko sobra. Akala ba niya wala siyang halaga para sa akin? Na talagang chimay lang siya at pekeng asawa para sa'kin?

Habang tumatagal lalo siyang napapalapit sa akin, natatakot ako na baka isang araw lahat ng nakalagay sa contract eh masuway ko...kaya nga ako pumayag sa plano eh, kaya nga ako lumalayo dahil alam ko namang kay Shaun siya masaya. Ayokong ako mismo ang lumabag sa nakalagay sa kontrata. Ayoko...aminin ko man sa hindi, natatakot ako. Natatakot ako sa nararamdaman ko...natatakot akong isiping mahal ko na siya...natatakot akong dumating yung panahong masaktan ko lang siya dahil alam ko, kahit saang angulo tignan, si Yesha...hinding hindi siya mawawalan ng puwang sa puso ko, na kahit kailan...siya pa rin talaga ang mahal ko. Na baka naiisip ko lang na gusto ko si Sammy dahil palagi kaming magkasama, nasanay na akong lagi siyang nandiyan malapit sa akin.

Tinignan ko si Sammy na payapang natutulog. Mahahabang pilikmata, magandang hubog ng ilong at mapupulang labi. Walang duda kung bakit nagustuhan siya ni Shaun.

Nakatitig lang ako sa kanya pero bakit ganun? Dati naman normal lang kapag katabi ko siya pero bakit ngayon parang nanghihina ako? Parang hinihigop lahat ng lakas ko kapag katabi ko siya.

Hindi ko namalayang unti-unti na akong yumuyuko papalapit sa mukha niya...tungo sa mapupula niyang labi...para akong minamagnet nito...

konti na lang...ramdam ko na ang paghinga niya...

*ring ring*

Napamura ako sa isip at kumuyom ang kamao ko, ano bang meron ngayong araw at lahat ng bagay eh wrong timing?!

Napabalikwas agad ako at hinanap kung saan nanggagaling yung tunog. Binuksan ko yung bag ni Sammy at nakita yung luma niyang cellphone, tama nga ako, dun nangagaling yung epal na tunog. Tinignan ko kung sinong tumatawag...

*Parekoy Calling*

Si Shaun. Huminga ako ng malalim bago sagutin...

"Sander speaking."

"Hel-- Sander? Bakit nasa sa'yo yung cellphone ni Samantha? Asan siya?" pag-uusisa niya.

"Tulog na siya." tipid kong sagot.

"Ahh, Uhmm P're, yung usapan natin."

 

"Wag kang mag-alala, marunong akong tumupad ng napag-usapan. May sasabihin ka pa ba?"iritang tanong ko.

"Ah,naninigurado lang. Wala na, sige bye."

 

I ended the call. Hindi ko alam kung natatanga lang ba ako o kung ano, minsan tanga din talaga ang tao eh 'noh? Maski ako naguguluhan na rin sa sarili ko.

Binigyan ko ng huling tingin si Sammy, madami na akong kasalanan sa kanya...tama kaya 'tong paraan na pinili ko para makabawi? Alam ko namang si Parekoy lang ang makakapagpasaya sa kanya. Humigpit ang hawak ko sa cellphone ni Sammy. Huminga ako ng malalim...para naman sa'yo 'to Pichu eh...kasiyahan mo lang din ang iniisip ko... dahil aminin ko man sa hindi...

Mahalaga ka na para sa akin.

Paggising ko kinabukasan ay wala na si Sammy sa kwarto niya. Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan si Nathan, baka alam niya kung nasaan si Sammy.

"Yow!" bungad niya.

"Nate, kasama mo ba si Sammy?"

 

"Dehins p're. Bakit?"

 

"Umalis kasi eh. 'Tol, favor naman oh--"

 

"Ok, ok. Eto na Sir, gagawin ko na ang golden task ko." natatawang sabi niya.

"Salamat."

 

"Gago, sinabi ng di na uso thank you ngayon eh. Anong kapalit?"

 

Natawa naman ako. Kahit kailan talaga suhol din 'tong kaibigan kong 'to eh. Kaklase ko nung college si Nathan, Archi buddies kami. Nung nakaraan nakausap ko siya at sabi niya nabobored daw siya, ano daw ba pwede niyang pagkaabalahan. Pumasok sa isip ko yung usapan namin ni Shaun at naisip kong dapat may magbabantay pa rin kay Sammy kahit wala ako sa tabi niya kaya naman naisip kong bigyan ng trabaho si Nathan. Ok lang daw sa kanya, basta daw may kapalit.

"Bahala ka." sabi ko.

"Ah talaga lang ha, akong bahala? Sige sige...pag-iisipan kong mabuti." yun lang at binaba niya na ang phone.

May isa pa akong dapat asikasuhin, si Yesha.

Nitong mga nakaraang araw, palagi kaming magkasama. Kaya nga ako nagpalipat ng sched eh, di lang para maiwasan si Pichu kundi para na rin madalaw ko si Yesha sa bar niya gabi-gabi. Unti-unti na rin naman akong napapalapit ulit kay Yesha eh, ganun din siya sa akin kaso ang di ko maintindihan ay kung bakit parang may kulang. Alam ko namang mahal ko pa rin siya pero parang di na tulad ng dati, basta, nakukulangan ako. Di sa kanya kundi sa sarili ko. Parang may iba akong hinahanap maliban kay Yesha...

pesteng puso di makuntento sa isa.


*******************************NATHAN'S POV*********************************

Sumakay ako sa motor ko at pinaharurot ito. Saan naman kaya posibleng pumunta 'yun? Inikot ko ang paligid ng bahay nila sander hanggang sa mapadpad ako sa isang playgroud. Bumaba ako ng motor para tignan kung nandito ba si Samantha.

Tama nga ako. Nakita ko siya nakaupo sa may swing habang nakatingin sa may buhanging nilalaro niya gamit ang sapatos niya.

Dahan-dahan akong lumapit sa may pwesto niya.

"BOO!" panggulat ko sa kanya.

"Ay palakang chupi! Hooh, ikaw lang pala nathan, nakakainis ka!" sabi niya habang nakahawak ang isang kamay sa dibdib. 

"Hahahahaha! Napakamagugulatin mo naman pala Fangs eh. Teka nga, bakit ka nandito?" tanong ko habang papalapit sa isa pang swing. Umupo ako dun at nagsimulang magduyan ng mahina.

"Wala nagpapahangin lang. Ikaw? Bakit ka nandito? Sinusundan mo ba ako?" sunod-sunod na tanong niya.

"Ako? Susundan ka? Oh c'mmon mamon! Sammy naman, ang lakas mo talaga mangarap eh noh?!" pang-aasar ko. Ang sarap niya talaga asarin, alam kong ang bading pakinggan kapag lalaki ang nagsasabi pero ang cute cute niya. 

"Ang sama mo!" 

 

"Hahaha ikaw naman, di mabiro. Tulad mo lang din ako, nagpapahangin."  paliwanag ko.

"Nathan, salamat ha." malumanay niyang sabi.

"Para saan?" napatingin ako sa kanya.

"Sa lahat...sa kahapon. Sobrang nagpapasalamat ako kasi kung di ka pumayag samahan ako  kahapon, di ko na alam kung anong gagawin ko kapag nagstay pa ako dun sa bahay." sabi niya habang nakatingin pa rin sa buhanginan.

"Bakit? Ano bang problema sa bahay niyo?" tanong ko.

"Basta...madami." naguguluhang sagot niya.

Napatingin ako sa kanya ng wala sa oras. Bakit pakiramdam ko ang dami niyang pasan na problema? Parang ang dami niyang gustong sabihin pero di niya masabi? Parang ang dami niyang gustong gawin pero di niya magawa?

"Nahihirapan ka na ba?" 

 

Bumuntong hininga siya at tumingin sa akin.

Nginitian niya lang ako sabay tumayo at tumingin sa kalangitan.

"Kahit gaano karami ang problemang dumating sa'kin, alam kong kakayanin ko. " tapos tumingin sya sa akin. "Ako kasi si Alea."

 

Naguluhan ako sa sinabi niya pero napangiti niya ako. First time niyang ginamit ang second name niya which is very strange. Laging Samantha or Sammy lang ang naririnig kong tawag sa kanya ng mga tao. 

 

"Ano namang konek 'nun?" tanong ko. Tumayo na rin ako sa swing para sundan siya.

Humarap siya sa'kin.

"Libre mo muna ako ice cream ^_____^" 

"Tsk. Magpapalibre ka lang eh, mga paraan mo eh noh?" 

 

"Sige na pleaseee..." kumapit pa siya sa braso ko. Para talaga siyang bata.

"Haha, oo na. Basta sasabihin mo sa'kin kung anong konek ah." 

 

"Ah-yay captain!" tapos nagsalute pa siya. Pumunta na kami sa isang ice cream shop at umorder ng ice cream.

"Oh, dali na...sabihin mo na!"  pangungulit ko.

"Ganito kasi 'yan, sabi ng parents ko, yung Alea daw ibig sabihin noon ay 'rising'."sabi niya habang sinusimulan niya ng kumain ng ice cream.

"Oh? Anong ibig sabihin 'nun?" tanong ko.

"Ibig sabihin, dapat hindi ako magpatalo  sa kahit ano mang suliranin sa buhay." pinunasan niya yung bibig niya bago magsalita ulit, "Kasi nga rising eh, ibig sabihin papataas...dapat hindi ko hayaang ibagsak ako pababa ng mga problema ko sa buhay, dapat unahan ko sila...dapat sila ang iknock-down ko bago pa nila ako pabulusukin." tuloy tuloy niyang sabi. Tumaas pa yung isang kamao niya na parang determinadong determinado sa buhay.

"Hahaha gulo mo!" natawa naman ako sa kanya, but I realized one thing about her today. That she's indeed a very strong girl. A fighter in life.

"Di mo na ba kakainin 'yung ice cream mo? Akin na lang. Sayang eh!" sabi niya habang nakatingin sa ice cream ko.

"Hahaha. Now I know why you are called 'PG'." bulong ko.

"Ano?" tanong niya.

"Wala.  Sabi ko sige, sa'yo na. Kung gusto mo pa, order ka lang." natatawang sagot ko.

"Thanks!" sabi niya at kinuha na ang ice cream ko't sinimulan ng kainin.

Pinagmasdan ko lang siya habang kumakain, paminsan-minsan tumitingin din siya sa'kin pero tuloy pa rin siya sa pagkain ng ice cream. Maganda si Sammy...

loob at labas.

Hindi ko lang alam anong meron kay Sander at naduduwag siya.

Basta ako, kapag nainlove, susundin ko ang kaisa-isang matinong payo ni Papa sa'kin...

“Son, forget the risk and take the fall, if it’s what you want, then it’s worth it all.” 

And now I know, I found the girl who's worth it all. 

Continue Reading

You'll Also Like

3.8M 109K 53
Shanaia Ciel, the "coldest" Fortalejo, doesn't like trouble. She always craves peace and calmness. An introvert who rarely smiles and who always appe...
560K 20.6K 30
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
79.3K 4.1K 70
The Oleander Woman is a paradox of beauty and danger, her allure and strength mask a potent inner fire. Her delicate blooms and graceful form inspire...