Second Best 「 Choi Soobin 」✓

By -chypher

33.9K 2K 1.2K

"Tinapay o ako?" "Tinapay." "Yung aso o ako?" "Siyempre yung aso." "Almond Milk o ako?" "Malamang hindi ikaw... More

00
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
Author's Note
51
52
53
54
55

38

490 32 7
By -chypher

Suri;

Nakaupo kami ni Seulbin oppa dito sa veranda. Tahimik lang kaming dalawa. Ewan ko pero medyo kinakabahan ako. Pakiramdam ko ang bigat ng atmosphere ngayon.

"I will not beat around the bush. Siguro masyado ka ng curious tungkol sa sasabihin ko."

Ani ni Seulbin oppa sabay ngiti. Napakamot ako sa batok ko.

"Hindi ko lang po maiwasang mag-isip. Siguro napaka importante ng sasabihin niyo kaya dinala niyo po ako rito."

Komento ko. He looked at the scenery on his right side.

"Malapit ng maubos ang oras ko Suri. Hindi na ako magtatagal sa mundong to..."

Tumingin siya sakin. Yung mga mata niya. Seryoso ang mga matang yun.

"I'm going to America. But I'm not going there for treatment kundi para magpalipas ng oras bago ako mawala."

Oppa said and gave me a weak smile. Kumirot ang puso ko.

"Pero oppa, sigurado naman ako na may paraan pa para humaba ang buhay mo. Don't lose hope okay? Pano na lang yung mga taong nagmamahal sayo kung mawawala ka. Si Soobin, pano na lang si Soobin? Hindi niya kakayanin pag nawala kayo."

Ani ko. Kahit hindi kami ganun ka close ni Seulbin oppa, masasabi ko pa rin na mabuti siyang tao. The way he did everything para mailayo si Soobin sa kapahamakan proves it. He is too precious para mawala sa mundong to.

"That's why I'm leaving. Ayokong makita ni Soobin ang pagkawala ko. I know, I should not lose hope but a miracle can save me Suri. Kahit doctor sumuko na sa sakit ko. They can't cure me. Siguro hanggang dito na lang ako. Maybe it's time to accept the bitter truth of my fate."

"Pero oppa..."

He smiled at me. Wae? Bakit nakuha niya pa ring ngumiti sa kabila ng sitwasyon niya. Sumisikip ang dibdib ko. Naaawa ako kay Seulbin oppa. Pero wala akong magawa para matulungan siya.

"Suri, can you do me a favor for the last time?"

Ani niya. Tumango ako.

"Ano po yun?"

He looked at me in the eye.

"Please take care of my brother. Pag dumating na yung oras na kailangan ko ng lumisan sa mundong to, be his shoulder to cry on. Comfort him hanggang sa maging maayos siya. If he is alone, please be with him. If he is scared, please hold his hand. If he is in pain, please help him heal himself. If he is down, please cheer him up. My brother may be childish at times but he is a grown man. Please remind him everyday that I am so proud of him and I love him so much. Suri, alam kong sobra sobra na tong hinihingi ko sayo but I'm confident na you will be with him. I'm begging you Suri, please take good care of my brother."

Napatahimik ako. Alam kong hindi kami okay ni Soobin ngayon. Alam ko rin na kailangan ko ng kalimutan yung nararamdaman ko sa kanya na hanggang ngayon nandito pa rin. Pero sapat na rason ba yun para tanggihan ko si Seulbin oppa?

"Hindi ko po maipapangako na palagi akong nasa tabi niya pero asahan niyo po na hindi ko pababayaan ang kapatid niyo. Hindi man ho kami okay sa ngayon pero gagawin ko po ang makakaya ko para maging mabuting kaibigan sa kanya."

Nginitian ako ni Seulbin oppa. He held my hand.

"Thank you Suri, I owe you a lot."

Pasalamat ni oppa sa'kin. I smiled at him.

"Wala pong anuman."

Ani ko. Binitiwan na niya ang kamay ko.

"Oppa, pwede po bang humingi ng pabor sa inyo?"

Bahagyang kumunot ang noo ni Seulbin oppa.

"Ano yun?"

Tanong niya.

"Kung may pag-asa pa kahit katiting lang, pwede po bang lumaban pa kayo? Pilitin niyo pong mabuhay."

Sabi ko. He gave me a weak smile. He nodded at me.

"Yes, I will."

Soobin;

Ano kaya yung pinag-uusapan nila? Inilapit ko pa yung tenga ko sa pinto. Geez! Bakit naman kasi ang kapal ng pintong to? Wala akong naririnig.

Seconds later, biglang bumukas ang pinto. Bumungad sakin si Suri. Kumunot ang noo niya nung nakita niya ako.

"Anong ginagawa mo?"

She asked. I laughed awkwardly sabay kamot sa batok.

"Ahm may hinahabol akong ipis tapos pumasok ito sa kwarto ni hyung kaya ganun."

Pagsisinungaling ko. She looked at me. Nag-iwas ako ng tingin.

"Kilala kita, alam na alam ko yung pagmumukha mo pag nagsisinungaling ka."

She said. I pouted and looked at her.

"I'm just curious. Gusto ko lang naman malaman kung ano yung pinag-uusapan niyo ni hyung."

I said. Napabuntong hininga si Suri.

"May pinag-usapan lang kami tungkol sa mga bagay bagay pero di yun tungkol sayo. Kaya wag ka ng mag inarte jan."

Ani niya. I nodded as a response.

"Sige, uuwi na ako."

Paalam niya at akmang maglalakad nung hinawakan ko siya sa pulsuhan.

"Ihahatid na kita."

Tumingin siya sa kamay ko na nakahawak sa kanya. Labag man sa loob ko, agad ko siyang binitawan.

"Wag na, may dadaanan pa kasi ako eh. Sige, alis na ako."

Paalam niya ulit at naglakad patungo sa staircase. Sinundan ko siya ng tingin. Bakit niya ba ako iniiwasan?

Is it because of Lia? Maybe it's time para sabihin ko sa kanya ang lahat. Yung lahat ng nangyari nung mga panahong hindi ako nagpakita sa kanya. Mas mabuting sabihin ko na yun ngayon. I can't afford to lose her lalo na't may karibal na ako ngayon.

Suri;

Naglalakad ako palabas ng subdivision nila Soobin. Iniisip ko pa rin ngayon yung sinabi ni Seulbin oppa. Hanggang ngayon di ko pa rin tanggap yung mga pwedeng mangyari.

But life is life. Hahantong talaga tayo sa point na kailangan nating magpaalam.

Biglang nagvibrate yung cellphone ko sa bulsa. Tinignan ko yung caller. Isang unknown number. Sino kaya to?

"Yobosaeyo?"

Sagot ko sa tawag.

"Suri!"

Napangiwi ako nung marinig ang boses na yun. Sa boses pa lang kilalang kilala ko na kung sino tong taong to.

"San mo nakuha yung number ko?"

Diretsahan kong tanong kay Jisung. Oo, si Han Jisung tong kausap ko ngayon.

"You know me, I have connections. Nakukuha ko lahat ng gusto ko."

Pagmamayabang niya. Hindi pa rin siya nagbabago. Hambog pa rin ang kupal.

"Busy ako, sige bye."

Papatayin ko na sana yung tawag nung bigla siyang nagsalita.

"Teka muna, masyado ka namang  high blood eh."

"May kailangan ka ba?"

Walang gana kong tanong.

"Ikaw, kailangan kita."

Sabi niya. Siguro kung kami pa, nangisay na ako dito sa kilig. Pero sorry not Suri, namulat na ako sa katotohanan. Hindi lang ako namulat, natauhan na rin.

"Sige ikwento mo yan sa utot mo. Bye."

Sabi ko at pinatay ang tawag. Ilang sandali pa, nagvibrate ulit yung phone ko. Tinignan ko ulit kung sino. Yung unknown number na naman. Hindi ko yun pinansin hanggang sa tumigil na ito sa kakavibrate.

Naglakad ulit ako pero seconds later nagring ulit yung phone. Hindi ko yun pinansin. Hanggang sa na ulit na ito ng na ulit. Nakakabwisit. Sagad.

Hinablot ko agad yung phone ko sa bulsa at sinagot yung tawag.

"Ang kulit mo ha! Sabi ng busy ako eh. Eh kung kutungan kaya kita jan para ma gets mo na busy ako at ayaw kitang kausap!!"

Bulyaw ko sa kabilang linya. Hindi ito umimik.

"Ano!? Sagot!!"

Sigaw ko.

"Why is it? You still look cute kahit na galit ka."

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Yung boses na yun. Agad kong tinignan ang caller. Ay oo nga pala! Dinelete ko pala yung number niya.

Tumingin ako sa likod at nakita si Soobin. Ibinaba niya yung phone niya at inilagay ito sa bulsa. Lumapit siya sa'kin.

"May problema ba Suri? Bakit ka sumisigaw? Is there someone bothering you?"

Tanong niya. Nag-iwas ako ng tingin. Feeling ko namumula yung cheeks ko.

"Anong ginagawa mo dito?"

Pag-iiba ko ng topic. Inabot niya sakin ang isang bag. Teka, bag ko to ha.

"Naiwan mo yung bag mo sa kotse ni hyung."

Kinuha ko yung bag ko at isinabit yung isang strap sa balikat ko.

"Sige, salamat."

Ani ko at nagmadaling umalis. Pero agad din akong napatigil nung hinawakan ni Soobin yung bag ko.

"Suri, sandali."

Lumingon ulit ako kay Soobin.

"Bakit? May sasabihin ka pa?"

Tanong ko. Tumango siya.

"Oo, marami akong sasabihin sayo. At isa na dun yung tungkol sa'min ni Lia."












Continue Reading

You'll Also Like

16.6K 655 33
Jion is a long time fansite noona or known as "97DegreeJK" to her co-fansites. Wala siyang hinangad kundi ipamahagi ang mga litratong magpapasaya sa...
34K 1.9K 49
【COMPLETED】⇒ ❝ i love you babeeee ❞ ✎Written in Taglish ✎ Choi Soobin 최수빈 ✎ (Not yet edited) ✎ All rights reserved 2019 ☞ Start: 05...
105K 5.3K 116
[COMPLETED] "baliktarin mo kasi yung damit mo sa susunod para hindi ka na mawala" voltxt five series #1 yeonjun x reader
132K 8.9K 34
"e0W. güd ev3n1N9 pH03z bH0xcZ m4p49MaH47. $W49." -Yoongi -- bangtangina series # 3 {completed}. by minswaega. all rights reserved. pg-13. m...