The Billionaire Prince ♕ (On...

By AlexMack

885 32 0

Dahil sa kagipitan ay napilitang magtrabaho ni Pricy Amanda Gonzales habang nag-aaral sa College. Dahil din d... More

Chapter One ♕
Chapter Two ♕
Chapter Three ♕
Chapter Four ♕
Chapter Five ♕

Chapter Six ♕

124 8 0
By AlexMack

ALAS SYETE na ng umaga nang magising si Ivo. Bagamat wala na ang pagkalasing niya ay nahihilo pa rin siyang umupo sa kanyang four-foster bed.

“Manangggg…”

Tawag niya sa yaya habang hinihilot ang sentido niya. Agad na bumukas ang pintuan ng kanyang kwarto at iniluwa doon ang matandang babae na nakasuot pa ng apron, si Manang Berta. May dala itong tray na may tasa ng tsaa. Nilapag nito ang tray sa maliit na table sa gilid ng kama ng alaga.

“Oh, anak. Kumusta pakiramdam mo? Inumin mo ‘tong tsaa, maganda ‘to sa hangover.” Sabay abot sa kanya ng umuusok na tasa.

“Ayaw ko niyan Manang. I want ice-cold canned-softdrinks.” Sagot ni Ivo na pupungas-pungas pa ang mga mata.

Tumayo ang binata, magulo ang pinakulayan ng hazel brown niyang buhok, walang pang ibabaw na saplot at naka checkered boxer lang na tinungo ang pintuan.

Sumunod sa kanya si Manang Berta habang pinapangaralan siya nito ng tungkol sa mga ginagawa niya noong nakalipas na mga araw. Alam niyang napapadalas ang pagpunta niya sa The Elite pero iyon lang ang libangan niya kaysa naman maburo siya sa kakatambay sa bahay.

Tumigil siya saglit bago pinihit ang knob ng pinto. Binibigyan niya ng karapatang pagalitan siya ni Manang Berta dahil ito na ang tumatayong ina at ama sa kanya sa loob ng mahabang panahon dahil sa palaging busy ang magulang pero ang mapakinggan ang sermon nito nang ganoon kaaga ay nakakapag-irita sa kanya.

“Manang…” seyosong sabi ni Ivo na may himig pagbabanta.

Tumahimik si Manang Berta. Alam niya kasi ang tuno ni Ivo kapag nagagalit na. Nang masigurado ni Ivo na titigil na si Manang Berta sa kakasermon sa kanya ay pinihit niya ang knob at naglakad papuntang hagdanan pababa.

Dahil sa puro salamin ang dingding ng mansion ay kitang-kita niya ang labas at paligid nito. Tanaw niya agad ang dalawang hardenerong besing-besi sa pagkokorte at pagpuputol ng mga damo sa bakuran. Sa gilid naman ay naroon ang malaking swimming pool na kasalukoyang nililinis ng dalawang ring lalaki. Sa loob ng mansion ay besing-besi naman ang mga kasambahay sa pagluluto at paglilinis ng bahay. Nagpatuloy sa pagsunod kay Ivo si Manang haggang sa makaabot ito sa kitchen.

Binuksan ni Ivo ang double-door fridge at nilibot niya ang mga mata sa loob nito. Wala siyang Makita softdrinks dahil malamang ay tinago na naman ito ni Manang. Ayaw kasi nitong umiinom siya ng softdrinks bago kumain, lalung-lalo kapag oras ng umagahan. Inabot niya ang isa sa limang evian bottled water at tinungga ito habang nakaharap sa bukas sa refrigerator.

“Can’t you care wearing at least a T-shirt?”

Napaangat ang mga paa ni Ivo sa sahig at muntik ng mabilaukan sa iniinom na tubig dahil sa hindi inaasahang lalaking nagsalita, the patriarch of the family, Master Andres Salazar.

“DAD?!”

Ivo covered his bare chest. His face brightened. Inabot ni Manang Berta ang puting v-neck T-shirt na kakatupi lang niya mula sa laundry basket para matakpan ang hubad na katawan ni Ivo. Mabilis naman itong sinuot ng binata. Nagbigay muna ng galang si Manang Berta bago umalis at mabigyan ng privacy ang mag-ama. Umatras din ang dalawang bodyguards ni Master Salazar.

“You’re still here!”

Bakas sa mukha ni Ivo ang saya dahil sa wakas ay nagpang-abot sila ng ama. Tinitigan niya ang ama, batid niyang matanda na ito ngunit mas tumanda ito ng kaunti kaysa sa huli niya itong nakita. It has been months that they have been missing each other in the big mansion.

“Yes, but I’m on my way to the office.”

Nilapag ni Master Salazar ang tasa ng kape sa counter at tiningnan ang relo. He’s wearing a navy blue suit with matching stripe necktie.

“I’m late.”

Sininyasan ni Master Salazar ang dalawang naka amerikana ring bodyguards na nakatayo sa ‘di kalayuan.

“Huh? Living so soon? What about breakfast? And besides, you’re the boss.” Naglabas ng masayang ngiti si Ivo ngunit bakas sa mga mata nito ang lungkot na nararamdaman.

“That’s why! I’m the boss so I should be the one who’s always early.”

Pagkasabi niyon ay nagsimulang maglakad si Master Salazar kasunod ang mga bodyguards papunta sa pintuan. Nagmamadaling nilapag ni Ivo ang bote ng tubig na gumulong sa counter at nalaglag sa sahig. Mabilis na nakaikot ng counter si Ivo papunta sa harapan ni Master Salazar. Hinawakan niya ang mgakabilaang kamay nito.

“Dad, please? Can you be late for today? Come on.”

May himig na pagmamakaawa at paglalambing ang boses ng binata. Inaamin niya sa sarili na miss na miss na niya ang presensya ng ama. Kahit sa umagahan man lang sila magkasama ay sapat na para sa kanya.

“No son. You’ll understand someday and shouldn’t you be at school?”

Dahan-dahang nalaglag ang balikat ni Ivo dahil kahit na inaasahan na niya ang ganitong sagot ng ama ay umaasa pa rin siyang mapapagbigyan siya nito ngayon.

Hindi kumibo si Ivo at napahiyang gumilid upang bigyang daan ang ama at ang mga body guards. Wala na talaga siyang masabi sa katigasan ng ama.

Saglit na pinagmasdan ni Master Salazar ang nag-iisang anak. Alam niyang nagtatampo na ito sa kawalang oras niya para sa kanilang dalawa pero kinailangan niyang magtrabaho dahil ayaw niyang maranasan ng anak ang kahirapan no’ng siya’y lumalaki.

Nang hindi na ulit tinaas ni Ivo ang kanyang mukha ay nagpatuloy si Master Salazar sa paglalakad papuntang pintuan at palabas ng mansyon.

Tuloyan nang tumulo ang nagkukumpolang luha sa mga mata ni Ivo. Sa kahuli-hulihang sandali ay hindi siya nawalan ng pag-asa na magbago ang isip ng ama at magpasya itong sabayan siya sa pagkain ng umagahan ngunit nagpatuloy ito sa paglakad palabas ng mansyon.

“Hijo? Nakahanda na ang…almusal..mo.”

Nag-aalangang paanyaya ni Manang Berta nang makita ang malalaking butil ng luha ni Ivo sa mukha. Alam niyang malungkot ito sa tuwing naiiwang mag-isa ng mga magulang ngunit kailanman ay hindi niya ito nakitaan ng luha. Ngayon lang.

“No. It’s okay.”

Pinunasan ng binata ang mga luha sa kanyang pisngi at umakyat muli sa kanyang kwarto. Naglabas nalang ng buntong-hininga si Manang Berta.

Padapang humiga si Ivo sa kama at sinubsob ang mukha sa malambot na unan. Hinayaan niyang tumulo ang natitirang luha dahil sa pagtanggi ng kanyang ama.

“I’m okay...” sabi niya sa sarili pagtapos ng ilang minutong pag-iyak. Tumayo siya mula sa kama at nagpasyang magpapalipas ng oras sa school.

 ***

NAGPASYA si Ivo an pumunta ng Library ng ARC at doon ipagpatuloy ang pagtulog. Gusto niyang makalayo ng mansyon dahil feeling niya mas nararamdaman niyang mag-isa siya kapag nanatili siya doon. Wala rin siya sa mood na makinig ng mga lectures ng kanyang mga professors.

Pinili niya ang pinakasulok ng library kung saan naroroon ang isang mahabang mesa at bakanteng upoan. Nasa harapan ito ng mga shelves na puno ng libro. Sa dulo ng mesa ay nakita ni Ivo ang lalaking may makapal na kilay at salamin, magulo ang buhok at nakadukwang sa makapal na libro.

Isang tingin palang dito ay halata ng natutulog ang lalaki dahil nakabuka ang bibig nito.

Gumuhit ang ngiti sa kanyang labi dahil hindi lang pala siya ang natutulog sa Library “Hello, roommate.” Mahinang sabi niya sa sarili.

Hinila niya ang bakanteng upoan sa ilalim ng mesa at umupo rito. Nilagay nya sa ibabaw ng mesa ang backpack na may lamang notebook, ballpen at sunglasses. Dudukwang na sana siya sa mesa nang may nahagip ang kanyang mga mata sa dulo ng nakahilirang istante ng libro.  

Si Pam ang babaeng split-ends. Besing-busy ito sa pag-aayos at pagbabalik ng mga librong karga-karga ng kanyang mga braso. Umayos siya ng upo at pinagmasdan si Pam. Tatayo na sana siya upang lapitan at inisin ang babae nang sa gayon ay mabawasan ang pagka-badtrip niya nang biglang nag-ring ang kanyang telepono.

“Hello” Sagot niya na hindi pa rin tinatanggal ang tingin kay Pam.

“WHAT HAVE YOU BEEN DOING ALL THIS TIME?” asik agad sa kanya ng lalaki sa kabilang linya.

Kumunot ang kanyang noo at tinangnan ang pangalan ng caller. Dad.

Holy Cow! Mura niya sa isip. Hindi niya alam pero kinakabahan siya sa maaring dahilan kung bakit makabasag eardrum ang sigaw ng ama.

“Attending School?” Hindi siguradong sagot niya rito.

Naglabas ng malalim na buntong-hininga ang nasa kabilang linya. Sa background ni Master Salazar ay ang boses ng lalaking nagsasalita or right word –nagbabalita.

“Have you watched the news?”

“Err.. I’m at school Dad. What about it?” Sumandal si Ivo at ipinatong ang dalawang paa sa mesa.

“KJ. Your friend is once again on TV.” At narining niya ang pagbagsak ng mga papeles sa mesa sa kabilang linya. “You know what this means right?”

Oo. Alam ni Ivo ang ibig sabihin ng ama. Malamang all 0ver the magazines and newspapers na naman ang pangalan ni KJ at ang kompanya nila. Publicity over publicity na naman ang matatamo ng Oracle.Inc. Pumapangalawa ang kompanya ng pamilya ni KJ sa AsCorp.Inc.

Kaunti nalang at matatapatan na ng Oracle.Inc ang AsCorp.Inc sa kanilang yearly gross income. Kapag nagkataon ay mahihirapan na silang bumangon dahil baka magsilipat ang kanilang mga shareholders sa Oracle.Inc.

“AND guess what? You’re on TV too!” Pang-uuyam na tugon ng ama.

“What?!” Napaayos siya ng opo. Sa pagkakaalam niya wala naman siyang ginawa para mapabalita sa TV.

“Clean this mess right now! Or else I will disinherit you!” Pagbabanta ng ama at pabagsak na pinutol ang linya.

F*ck!

Mabilis niyang inupen ang bawat social media na nakainstall sa kanyang telepono, umaasang makikita niya kung ano ang napapabalita tungkol sa kanya.

“What the eff!!!! I’m gonna shot you in the head. You effin’ bastard!” marahas niyang kinuha ang backpack sa ibabaw ng mesa at galit na tumayo para lumabas ng Library.

Hindi siya makapaniwalang hinayaan nina Nat and Nate na ipost ni KJ ang nakanganga niyang picture sa lahat ng social media. Kaya pala galit na galit ang kanyang ama dahil sa ilalim ng kanyang picture ay may caption na

"The One and Only hier of AsCorp. Inc. Truly, not all hier sleep like a royalty. LOL.”

Okay lang sana sa kanya kung hindi na sinali ang pangalan ng kompanya nila, mapagtatawanan pa niya ito ngunit ang isali ang AsCorp ay ibang storya na.

Mabilis niyang narating ang parking lot at natunton ang sariling sasakyan. Pinaharorot niya ito papunta sa tinatambayan lagi ni KJ.

Pinark niya ang sasakyan sa ground floor ng 5-story building. Pag-aari ito ng Oracle, isang buong building ng puro entertainment ang nasa bawat palapag. At nasa huling palapag ng building ang Bowling at Beliards section kung saan laging nakatambay ang frenemy’ng si KJ.

Inakyat niya ang naturang palapag gamit ang hagdanan dahil hindi na siya makapaghintay ng elevator. Hinihingal niyang narating ang loob ng beliards section at nahanap niya agad ang pakay.

Nakaupo sa isang high-chair sa gilid ng isang beliard table si KJ at masayang nakikipag kwentuhan sa kanyang mga kaibigan. May hawak itong bote ng alak.

Dumilim ang paningin niya dahil para wala lang kay KJ ang kahihiyahang dinaranas niya mula ng mapost ang picture. Hindi lang siya ang napahiya kundi pati ang ama at ang buong kompanya.

...................to be continued.

Please do comment if something is wrong with the chapter.

Please vote for it too.

Thank you readers. I’m counting on you.

 xoxo,

AlexMack

Continue Reading

You'll Also Like

108K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...