"Chalstine, Log In!" (Complet...

By sacchariferousdreams

104K 2.3K 1.2K

Hindi akalain ni Chalstine na ang mundo ng The Legendary Clash na isang online game ang magpapabago sa takbo... More

Prologue
Chapter 1: Just_Chals_96
Chapter 2: Ironic_Volvo
Chapter 3: Mr. Wax, Boy Dimple and Chinito
Chapter 4: A Change In Margarette's Life
Chapter 5: Virgo
Chapter 6: Ivan
Chapter 7: Evo
Chapter 8: Por Da Pers Taym
Chapter 9: Moody Volvo?
Chapter 10: Seriously Sweet Evo
Chapter 11: Gorgeous. Pretty. Beautiful.
Chapter 12: Superhero
Chapter 13: Cardigan's Owner
Chapter 14: The Legendary Clash Annual Meet Up
Chapter 15: Oo
Chapter 16: Special and First
Chapter 17: Virgo Lover. Ivan Stalker?
Chapter 18: Sumbrero, Jacket at Shades
Chapter 19: Chat and Fries Conversation
Chapter 20: Unlucky Or Lucky?
Chapter 21: Rain And Sacrifices
Chapter 22: Nurse Margarette And Patient Evo
Chapter 23: Who's Volvo?
Chapter 24: Hospital Confrontations
Chapter 26: Stars Versus Hearts
Chapter 27: Goodbyes
Epilogue

Chapter 25: Hatred and Forgiveness

1.7K 72 48
By sacchariferousdreams

Chapter 25: Hatred and Forgiveness

“Chalstine! Ayan na si Ironic_Volvo! Susugurin ka na!” malakas na sigaw ni PJ.

 

“Teka, bakit nagiiba ang mukha nu’ng character nya?!” napatingin ako ng maigi sa screen ng computer na gamit ko ng marinig ko ang boses ni Dave.

 

Muntikan ko ng mahampas ang screen. Naging kamukha ni Virgo ang sumusugod sa aking si Ironic_Volvo! Singkit na singkit ang mga mata nya. Bakit ganun? Mukha nya ang nasa katauhan ng character ni Ironic_Volvo?

 

“Barilin mo Cha, mamamatay na ‘yung character mo!” Naalala kong pindutin ang key sa keyboard, malalagot na ako nito. Paniguradong patay ang character ko.

 

Hindi pa nanaalis ang tingin ko sa screen ng may pagbabago na naman akong mapansin.

 

“Oh! Nagiba na naman ‘yung mukha ni Buwakaw!” nakakabinging sabi ni Steven.

 

Sa pagkakataong ito, mukha na ni Kuya Evo ang nakikita kong nasa character ni Ironic_Volvo.

 

Nagkusot ako ng aking mga mata sa pagaakalang baka namamalikmata lamang ako. Pero hindi talaga, mukha ni Kuya Evo ang nakikita ko. Sa buhok pa lang, halatang sya na sya nga.

 

Maya-maya, para na lang may kung anong nangyari sa TLC at may sumabog. Napahinto kami sa paglalaro at nagtaka kung bakit bigla na lang namatay ang mga monitor namin. Nakatingin pa rin ako sa monitor ng mapansin kong may dalawang mukha ang namumuo sa screen. Mukha ni Kuya Evo at Virgo. Nakasuot sila ng costume ni Ironic_Volvo.

 

Bigla na lang silang naglabas ng armas at nagbarilan. Ano bang nangyayari?

 

“Ako si Ironic_Volvo!” sigaw ni Kuya Evo.

 

“Hindi, ako si Ironic_Volvo!” galit na sabi naman ni Virgo.

 

Naguguluhan ako sa nangyayari. Hanggang sa..

 

“Ate! Ate may tao sa labas! Hinahanap ka! Gising!” nagmulat ako ng aking mga mata dahil sa panggigising sa akin ni Justin.

Panaginip lang pala ang lahat. Grabe naman, hanggang sa panaginip ko dinadalaw pa rin ako ng Ironic_Volvo na ‘yan. Pati na rin ang dalawang lalaki na gumagamit sa account nya. Hindi ito maganda.

Marahan akong bumangon at umupo sa kama, kagagaling ko lang sa ospital kagabi kaya hindi pa ako gano’n ka-okay. Pero okay naman na daw ako sabi ng doktor, pahinga lang ang kailangan kong gawin. May konti pa akong sipon at ubo dahil sa pagpapabasa ko sa ulan. Medyo masakit pa ang ulo ko, pero kaya ko naman na.

“Sino daw ba Justin?” naiinis kong tanong sa kapatid ko na nakatayo sa dulo ng kama. Napakaaga pa, wala pang alas syete ng umaga.

Tinantya ko ang kalagayan ko kung kaya ko ng tumayo. Ibinaba ko sa kama ang mga paa ko para magsuot ng tsinelas.

“Hindi ko alam ang pangalan pero isa sya sa mga kaibigan ni Kuya D na nagpupunta dito, tingnan mo na dali! May dala syang maraming bulaklak.” Nakangiting sabi ng bunso kong kapatid.

Mabilis akong napakunot ng noo dahil sa sinabi nya. May dala daw na maraming bulaklak? Sino naman ang gagawa nu’n? Ah teka, nagkakaroon na ako ng ideya kung sino.

“Sabihin mo tulog.” Ibinalik ko sa kama ang mga paa ko at nahiga akong muli. Tinalikuran ko si Justin at nagtaklob ako ng unan sa aking mukha. Wala akong balak na makita ang lalaking may dala ng maraming bulaklak.

 

“Hoy Ate, ang sama mo naman. Harapin mo ‘yung tao, dinalaw ka na nga e. Manliligaw mo ba ‘yon? Ang aga naman dumalaw! Naks! Sasabihin ko kay Nanay mamaya pagpunta ko sa palengke!” nangaasar si Justin, ‘yan dyan sya magaling.

Pero hindi ko nagustuhan ang una nyang sinabi. Ang sama ko raw? Hindi makatarungan ang sinabi nyang ‘yon. Wala syang alam.

“Ako pa ang masama? Hindi mo alam ang ginawa sa akin ng lalaking ‘yan. Kung sa amin dalawa lang din naman, sya ang masama at hindi ako! Lumabas ka na nga ng kwarto! Kahit anong gawin nyo, hindi ko haharapin ‘yang lalaking ‘yan sa labas. Kaya paalisin nyo na!” sa inis ko, hindi ko napigilan ang emosyon ko na sumabog. Nakakainis kasi talaga, ako pa ang masama ngayon. Ako pa talaga.

Hindi ko na narinig na nagbigay ng reaskyon nya si Justin. Narinig ko na lang ang pagsara ng pintuan. Nakatagilid ako ng higa, nakatingin sa pader. Deretso ang tingin, nagiisip ng kahit ano. Hanggang sa maramdaman ko ang pagtulo ng luha ko, hindi ko namalayan ito na naman ako at umiiyak. Mariin kong pinunasan ang pisngi ko. Sabi ko hindi na ako iiyak e.

Hindi ako natinag sa pagkakahiga ko. Nawalan na ako ng ganang bumangon at lumabas ng kwarto. Mas mabuti na lang din siguro ito, magpapagaling na lang ako. Mas mabuti pang tulog ako, wala akong naiisip na problema. Kaso ang malas, hanggang panaginip hinahabol ako ng Ironic_Volvo na ‘yon. Sana hindi na ulit maulit pa.

Halos wala pang isang oras akong natutulog ng maramdaman ko na may umupo sa dulo ng kama. Nagising ako agad at pinihit ko ang aking leeg upang makita kung sino ang nasa kwarto. Si Kuya Austin lang pala. Hawak nya ‘yung kahon ng bracelet na iniwan ni Virgo kahapon sa ospital.

 

“Sorry Margarette, nagising ba kita? Bumangon ka na muna dyan, hindi ka pa raw nagaalmusal sabi ni Justin. Iinom ka pa ng gamot mo.” Bumaling ng tingin nya sa akin si Kuya Austin, bahagya nyang tinago ang kahon na hawak nya sa pagaakalang maitatago nya pa ito sa akin. Hindi nya alam, kanina ko pa ito nakitang hawak nya.

Lumapit ako kay Kuya Austin ng makabangon ako mula sa pagkakahiga. Medyo sinandal ko ang aking pisngi sa kanyang balikat. Agad namang napatingin sa akin si Kuya Austin, malamang ay hindi nya inaasahan ang ginawa ko sa kanya.

“Masama pa ba ang pakiramdam mo?” dinapo ni Kuya A ang palad nya sa noo ko, sinuri nya kung may lagnat pa ako.

 

“Magaling na ako Kuya A.” malungkot kong sabi habang nakatingin sa kahon na hawak nya.

“Sya ba ang nagbigay nito sa’yo? Siguro sya rin ‘yung lalaking nagpuno ng mga bulaklak sa sala ngayon,” nilabas ni Kuya Austin ang hawak nyang kahon.

Nagpuno ng mga bulaklak sa sala namin ngayon? Ganun? Ganun ka-o.a. ang dinala ni Virgo?

Kung hindi sana nya ako sinaktan, magmamadali na akong lumabas ng kwarto para tingnan ang sinabi ni Kuya A na mga bulaklak. Pero dahil may sama pa ako ng loob sa taong nagbigay n’on, nawalan ako ng gana.

 Mabalik ako sa sinabi ni Kuya Austin.

Lumayo ako ng konti sa kanya, inalis ko ang pagkakadikit ng pisngi ko sa balikat nya

Kinabahan ako bigla sa tanong ni Kuya A, kilala nya si Virgo? Alam nya ang tungkol sa amin? Alam kaya nya na mag boyfriend na ako?

“Tama ako no? Hindi lang ako nagsasalita Margarette, pero ramdam ko naman. Espesyal sa’yo ang kaibigan ng Kuya Dustin mo. Naging malapit ka na sa kanya, may gusto sya sa’yo di ba? O pwede ring boyfriend mo na sya.” Kinabahan ako sa mga pinagsasabi ni Kuya A. Ano bang alam nya sa pagitan namin ni Virgo?

“Boyfriend, tss.” Napairap ako sa sarili ko.

 

“Huwag ka ng maglihim sa akin. Halika nga dito, sa mga ganitong pagkakataon lang tayo nakakapagusap.” Hinawakan ako ni Kuya Austin sa aking braso, hindi na ako tumanggi at lumapit na lang din ako sa kanya.

Kinakabahan ako habang nakatingin sa mga mata ni Kuya A. Ang tagal ko ng naglilihim sa kanila nila Nanay ng totoo, ito na siguro ang tamang panahon para umamin ako.

“Kuya Austin, naranasan mo na bang maloko ng isang tao? ‘Yung nagtiwala ka sa mga sinabi nya sa’yo pero hindi naman pala ‘yon totoo. ‘Yun bang akala mo mahalaga para sa kanya ‘yung nararamdaman mo pero hindi pala. Ang hirap ng ganun di ba. Kuya?” napabuntong hininga ako. Ang tagal-tagal naman bago mawala ‘yung sakit na nararamdaman ko.

Umayos ng upo si Kuya Austin, humarap sya sa akin. Hindi kailanman sumagi sa isipan ko na magkakaharap kami ng ganito ni Kuya Austin. Hindi ko naisip na kahit isang beses lang sa kanya ko masasabi lahat ng pinagdadaanan ko sa pagmamahal na ‘yan.

“Oo naman. Dati. Naranasan ko na’ng umasa, maghintay, mapaglaruan, masaktan at magmahal. Lahat ng ‘yon naranasan ko nu’ng minsan akong nagmahal. Nagkagirlfriend ako dati, pero wala e. Hindi naman nagtagal, dahil sya mismo ang nakasakit sa akin. May iba pala syang mahal.” Lumungkot ang tono ng boses ni Kuya Austin, para bang kahapon lang nangyari ang lahat sa kanya.

Mataman akong nakinig sa mga sinabi nya. Habang nakikinig ako sa kanya, isang tao lang ang naiisip ko nu’ng mga oras na ‘yon. Si Virgo.

“Anong ginawa mo no’ng nalaman mo ang totoo Kuya?” seryoso kong tanong sa kanya.

Napangiti sa akin si Kuya Austin, hinimas-himas nya ang buhok ko sa may ulo. Maya-maya napalayo ang tingin nya, bumalik sa pagiging seryoso ang mukha nya. Para bang inaalala ang mga nangyari noon.

“Siyempre kinausap ko sya, sinubukan ko syang bigyan ng pagkakataon na magpaliwanag sa akin kahit na sobrang nasasaktan pa ako nu’n. Pinakinggan ko sya kahit hanggang sa kahuli-hulihang salita at dahilan na sinabi nya sa akin. Alam ko naman na nagpaliwanag na lang sya no’n para mabawasan ang dinadala nya sa konsyensya nya pero hindi para magkaayos kami at bumalik sa dati.” May kung ano sa boses ni Kuya Austin. Tila nararamdaman ko ang sakit na sinasabi nya, parang nanduon ako sa sitwasyon ng kinukwento nya. Ganito ba talaga kapag nadadala ka sa kwento? O kapag pinagdadaanan mo din ang sinasabi ng kausap mo?

Bumabalik lahat sa akin, lahat ng sinabi ni Virgo kahapon. Lahat ng pagpapaliwanag nya, kung paano nya inako ang kasalanan nya at kung paano sya humingi ng kapatawaran. Ayoko namang masaktan si Virgo. Pinakinggan ko na ang panig nya, sinubukan ko namang maintindihan pero hindi talaga. Nakalubog pa rin ang puso ko sa sakit ng ginawa nya.

“Pero paano mo natanggap ang lahat Kuya Austin?” hinawakan ko sa kamay si Kuya, tulad ng kanina ngumiti ulit sya.

Pero sa pagkakataon ito, hindi na sya sumeryoso. Nanatili ang mga ngiti sa kanyang labi.

 

“Simple lang, dahi mahal ko sya. Alam ko naman na wala na talagang pag-asa na maging kami ulit, na hindi na talaga sya babalik. Pero dahil sa pagmamahal ko sa kanya, du’n ko narealize na dapat mas mahal ko ang sarili ko. Oo nasaktan nya ako, pero ako lang ang patuloy na mananakit sa sarili ko kung hindi ko sya patatawarin. Nangyari na ang lahat, kailangan ko na lang tanggapin. Hindi lang para maging maayos na ang buhay ko, pero para sumaya na ulit ako.” Sa kabila ng mga sakit na dinulot kay Kuya A ng pagmamahal, nakikita ko ngayon na ayos na sya. Kanina lang mukhang pinagdadaanan pa rin nya ang sakit, pero ang totoo masaya na sya. Kitang-kita ko sa kanya.

Buti pa ang Kuya A masaya na, ako kaya? Kailan ko matatanggap ang lahat? Kailan ko sila mapapatawad? Kailan ako ulit sasaya?

Ngumiti lang ako saka napayuko, tumama ang mga tingin ko sa kahon na hawak ni Kuya Austin. Dahil napako ang tingin ko du’n iniangat ‘yon ni Kuya Austin saka binigay sa kamay ko.

 

“Ang taong nagbigay nito, sya ang nakasakit sa’yo di ba? Subukan mo syang patawarin Margarette. Kahit na hindi kayo agad bumalik sa dati, ang mahalaga matutunan mo syang patawarin. Tingin ko naman napasaya ka nya, isipin mo na lang ‘yung mga araw na masaya kang kasama sya. Nasa isang banda, kahit nagkasakitan kayo ng damdamin, ‘yang damdamin na ‘yan pa rin ang nagbuklod sa inyo.” Ang lalim na ng mga sinasabi ni Kuya A, pero aaminin ko naman. Totoo ang sinabi nya.

 

“Pero nasasaktan pa rin ako Kuya A, hindi ko alam kung paano ko sya patatawarin. Kapag naiisip ko ‘yung ginawa nya sa akin pati na rin ‘yung dalawa pang kaibigan ni Kuya Dustin, hindi ko mapigilang hindi magalit. Mahihirapan ata akong makalimutan ang ginawa nila.” Pagpapaliwanag ko ng sarili ko.

 

“Lahat ng nakasakit sa’yo, patawarin mo sila kahit ano pa man ang nangyari. Bigyan mo lang ng konting pagkakataon ang sarili mo na makapagisip, basta ‘wag mo isasara ang puso mo sa pagpapatawad. May dahilan sila kung bakit nila ‘yon ginawa. Isa pa, pare-parehas lang din naman kayong nasaktan. Kung nasaktan ka man nila, siguro naman mas maraming beses ka nilang napasaya.”

Mahirap pero susubukan ko. ‘Yan ang naiisip ko habang nakikinig sa payo ni Kuya A. Ayoko rin naman na habang buhay akong may galit sa mga kaibigan ni Kuya Dustin. Si Kuya Ivan, mapapatawad ko rin sya at alam ko sa sarili ko na hindi ko kayang patagalin na wala si Kuya Ivan. Si Kuya Evo, biktima lang din sya. Kasalanan lang nya na naging mabuti syang kaibigan. Samantalang si Virgo, hays.. Susubukan kong mapabilis ang pagtanggap ko sa mga nangyari.

“Salamat Kuya Austin.” Niyakap ko si Kuya A. napakabihira lang naming magusap ng ganito. Huli kaming nagusap na kaming dalawa lang ay no’n nagpaalam ako sa kanya na pupunta ako sa annual meet up ng The Legendary Clash. Ang tagal na pala.

Hinagod ni Kuya A ang likod ko habang yakap namin ang isa’t-isa. Nakamiss ang isa ko pang Kuya, hindi ko akalain na magkakaroon kami ng ganitong usapan. Ang sarap sa pakiramdam na may nasasabihan ka ng isa sa mga masasakit na nangyari sa’yo.

“Ikaw lang ang nagiisa kong kapatid na babae, kahit na bihira sa atin mangyari ang ganitong usapan alam mo naman na nandito lang ako palagi para sa’yo. Mahal na mahal kita, Margarette. Gusto ni Kuya na palagi kang masaya.” Napangiti ako sa sarili ko ng ibulong ni Kuya ang mga ‘yon. Swerte ako na mayroon akong Kuya A.

 

“Mahal din kita Kuya Austin.” Nakangiti kong sabi.

Ilang sandali pa ay kumalas na sa pagkakayakap si Kuya A, tumayo na sya para lumabas ng kwarto. sinabi nya na bumangon na ako dahil malapit na ang tanghalian. Iinom pa ako ng gamot ko. Tumango lamang ako at nanatili pa rin sa pagkakaupo.

Pagkalabas na pagkalabas ni Kuya Austin, binuksan ko agad ang kahon na binigay ni Virgo. Monthsary nga pala namin kahapon. At itong bracelet na may mga palawit na puso ang binigay nya.

Bigla akong nakonsensya. Monthsary namin, hindi ko na nga sya binate inaway ko pa. Masama na ba akong girlfriend dahil sa inasal ko?

Kung maayos lang sana kaming dalawa, kung hindi ko lang nalaman lahat ng tungkol sa kanya, kung hindi nya lang sana ako niloko. E di sana sabay kaming nagcelebrate, hindi ‘yung sya lang ‘yung may regalo sa akin.

Pero bakit nga ba hindi ko naalala ang date ng araw na naging kami?

Tinitigan ko ang bracelet na binigay ni Virgo at ang bracelet na suot ko. Itong galing kay Virgo, may tatlong puso. Itong kay Kuya Evo naman tatlong bituin.

Sinuot ko ang bracelet na binigay ni Virgo. Sa parehas na pulsuhan ko kung saan nakasuot din ang binigay ni Kuya Evo sa akin. Ang cute na sana tingnan, pero mabigat na. Kaso kahit na, parehas itong bigay sa akin. Susuotin ko pa rin.

Lumabas na ako ng kwarto matapos ang ilang minuto. At tama nga, nadatnan ko sa sala ang sangkatutak na bulaklak. May nakapatong sa lamesa, sa upuan, sa sahig, sa may aparador at meron na ring nakalagay sa altar. Iba’t-ibang uri ng bulaklak ang binigay ni Virgo. May rose, sunflower, chrysanthemum, tulip, daisy at stargazer. Nakakatuwang tingnan, pero nakakainis din dahil alam kong mapapagalitan ako ni Nanay dahil dito. Bukong-buko na ako sa pakikipagboyfriend ko dahil dito.

“Ang sweet naman no’ng Virgo,” pagbasag ni Kuya A sa katahimikan, nakita nya kasi akong nakatayo sa sandamakmak na bulaklak sa harapan ko.

“Sweet ba ‘yan?” nakabusangot kong sagot.

“Sinusuyo ka.” Seryosong sabi ni Kuya Dustin na bigla na lang lumabas galing kusina.

“Hindi ko naman sinabing suyuin nya ako.” Mataray kong sabi pagkatapos ay tumalikod na ako, gusto kong iwasan muna si Kuya D.

 

“Alam ko naman na hindi mo sya mapapatawad agad, ayos lang ‘yon Margarette. Pero sana, ako mapatawad mo ko agad.” Biglang bumama ang boses ni Kuya Dustin.

Humarap ako sa kuya ko, nakita ko naman na bigla na lang naglakad papasok ng kusina si Kuya A. Para bang nagparaya na sya sa pagkakataon ni Kuya D na magkabati kami.

Lumapit si Kuya D sa akin saka ako niyakap.

“Sorry Margarette, sorry talaga.. Please, pagbigay mo naman si Kuya D na bumawi sa’yo. Alam ko naman na mali ko, pero sana mapatawad mo na ako. Hindi ko kaya na galit ka sa akin. Napakalakas mo sa akin, ako ba hindi na malakas sa’yo?” parang lumambot ang puso ko sinabi ni Kuya D.

Close nga kaming dalawa pero bakit pa ako nagagalit sa kanya. Kapatid ko sya at ramdam ko na nagsisi sya sa lahat ng nangyari. Hindi naman din nya hawak ang plano ni Virgo.

 

“Ikaw ang prinsesa ni Kuya, kung nasaktan ka nasaktan din ako. Dahil alam ko na ang prinsesa na buong buhay kong inalagaan at binantayan, isa ako sa mga dahilan kung bakit ngayon ay nasasaktan. Sinisisi ko ang sarili ko, umiyak ka dahil kay Kuya. Sorry..” niyakap ko na si Kuya D, hindi ko na sya kayang hindi patawarin.

“Tama na Kuya D, pinapatawad na kita,” biglang kumalas sa pagkakayakap si Kuya Dustin at namutawi sa mukha nya ang saya dahil sa sinabi ko.

Muli nya akong niyakap ng mahigpit, mahigpit na mahigpit.

 

“Promise, last na first and last na ang nagawa ko. I love you Margarette!” napuno ng kasiyahan ang kaninang malungkot na boses ni Kuya D.

“Mahal din kita Kuya D, ‘wag mo ng uulitin ‘yun ha!” nakangiti kong sabi.

 

“Aba, buti at bati na kayong dalawa. Tara na kain na tayo, iinit na ang sopas na niluto mo Dustin para kay Margarette. Iinom pa ‘yan ng gamot.” Magkaakbayan kami ni Kuya D na pumunta ng kusina.

Tama si Kuya A, kailangan matuto akong magpatawad. Ito na sana ang simula, napatawad ko na ang Kuya Dustin ko. Next naman sina Kuya Ivan, Kuya Evo at huli si Virgo.

_____________________

Isang linggo na mula no’ng nangyari ang lahat. Halos isang linggo na rin akong sa likod ng eskwelahan dumadaan. Pilit ko kasing tinataguan si Virgo. Paano no’ng lunes nakita ko ang sasakyan nya na nakaabang sa may gate. Siyempre hindi na ako du’n dumaan. Nu’ng sumunod na araw nanduon na naman sya at may mga dala pang bulaklak. Hindi pa ako handa na makipagusap sa kanya kaya ayoko muna na magkita kaming dalawa.

Pati sina Kuya Ivan at Kuya Evo iniwasan ko rin, kinausap ko rin si Kuya Dustin na kung maaari 'wag muna hayaan na magkita kami ng mga kaibigan nya. Naunawaan naman ako ni Kuya D, hinayaan nyang makapagisip muna ako.

Nakalabas na ako sa eskwelahan mula sa likurang gate ng bigla na lang may tumawag sa pangalan ko. Hindi ako lumingon, kilala ko ang boses na tumawag sa akin. Ang palaging may energy na boses ni Kuya Ivan.

Binilisan ko na lang ang lakad, ayoko rin muna syang kausapin kahit na ang totoo handa naman na ako. Pero ayoko pa rin, hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

“Margarette! Sandali lang!” sigaw nya.

Mas lalo kong binilisan ang lakad, ramdam ko na aabutan na nya ako. Siguro tumatakbo na sya.

“Nakakahingal Margarette, sandali lang naman!” muli nyang pagtawag sa akin.

Hindi ako natinag, sige lang ang lakad ko at hindi pa rin sya nililingon.

“Aaah!” bigla na lang akong nakarinig ng sigaw at kasunod no’n ang isang paglagabog.

Lumingon ako. Halos isang metro lang ang layo sa akin ni Kuya Ivan. Nadapa sya, nakaplakda sa gitna ng kalsada.

Hindi man lang sya bumangon agad. Hinayaan nya lang ang sarili nya na pagtinginan at pagtawanan ng mga tao.

Naawa ako bigla kaya nilapitan ko sya.

“Ayos ka lang ba Kuya Ivan, bumangon ko na dyan. Halika!” hinawakan ko sya sa braso pero hindi sya gumalaw.

Kinabahan na ako, naisip ko agad na baka may nabali sa mga buto nya o kaya naman ay may dugo na bang dumadaloy mula sa katawan nya. Inisip ko rin kung nawalan sya ng malay. Hindi kasi sya gumagalaw.

 

“Kuya Ivan! Kuya Ivan! Gising! ‘Wag ka namang ganyan!” inalog-alog ko sya para magising, pero wala pa rin.

Hindi gumana ‘yung ginawa ko. Kasalanan ko ito, sana huminto na lang ako at nakipagusap sa kanya, e di sana hindi ito nangyari.

 

“Kuya Ivan.. Uy..” inalog ko pa rin sya.

Hanggang sa bigla lang syang gumalaw, inangat nya ang mukha nya at tumingin sa akin. Nakangiti pa ang loko-loko.

 

“Ayan, quits na ba tayo? Hindi ka na magagalit sa akin? Pinagpalit ko ang kahihiyan ko para lang mapansin mo ako.”

 

“Kahit kailan ka talaga! Ayoko na nga sa’yo! Dyan ka na!” Tumayo na ako para layasan sya. Nakakainis, pinagtripan lang ako.

“Huy! Margarette, sorry na kasi! Kausapin mo na ako!” hinayaan ko lang sya.

 

“Uy, bati na kami! Bati na kami nyan!” inakbayan nya ako sa balikat ng matabihan nya ako.

Hindi ako umimik. Akala ko hihinto na sya, pero hindi pa rin pala. Talagang hindi na magbabago si Kuya Ivan, makulit pa rin talaga.

“Galit ako sa’yo,” masungit kong sabi.

“Hindi, bati na tayo!” pangungulit nya.

“Sino nagsabi sa’yo?” pagtutol ko. Pero ang totoo natatawa na ako sa pangungulit nya.

“Ako! Oh basta, bati na tayo! Hehehe dahil bati na tayo, may sasabihin ako sa’yo.” Kinindatan nya ako ng tingnan nya ako.

Tila naengganyo ako ng sinabi nya. Ano naman kaya ang sasabihin nitong si Kuya Ivan?

“Ano?” tanong ko.

“Gusto mong malaman? Tungkol kay Virgo at Evo.” Humina ang boses nya, ‘yung para bang may sikreto syang nalalaman.

“Ano nga kasi ‘yon Kuya Ivan?” ako na ang nangungulti ngayon.

“Sabihin mo muna na bati na tayo.” Nakakaloko ang ngiti ni Kuya Ivan, ayan na naman sya.

“Oo na, bati na tayo.” Ganun din naman, patatawarin ko na rin naman sya. Tsaka gusto ko nang malaman ang sasabihin nya.

Biglang nagsing seryoso ang mukha ni Kuya Ivan.

“Hays, sige, bahala na. Gusto ko ng malaman mo lahat ng nalalaman ko tungkol sa dalawang lalaki na nagmamahal sa'yo” sa pananalita ni Kuya Ivan, parang may kung ano ang bigla na lang pumitik sa puso ko. Kinakabahan na naman ako.

Mahal ako ni Virgo at pati na rin ni Kuya Evo?

*~~~~~

sacchariferousdream®

Continue Reading

You'll Also Like

107K 4.5K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...