Thirsty

Bởi TheQueenMotherHateu

204K 15.2K 16.5K

2Moons / What The Duck fanfiction. Xem Thêm

Preface
1. Eternal Envy
2. Forty-niner Biatch
3. Dance For Me
4. Boy Under You
5. My Brother, My Lover and My Enemy
6. My Suitor's Bestfriend
7. My First Love
8. You're Mine Eternally
9. Sapnu Puas Gone Wrong
10. My Bother, Ego and Pride
11. My Last Night of being Lily-White
12. Darling of the Night
13. Stop, Please.
14. All You Had To Do Was Stay
15. Love and other Drugs
16. Serpent's Grip
17. Why Don't You Love Me?
18. Into the Serpent's Lair
19. The Snake, The Vulture and The Monkey
20. Begin Again
21. Sorry, Bestfriend
22. H.A.T.E.U
23. Musky-Earthy
24. Tangible & Real
25. My Bestfriend's Boyfriend's Bestfriend
26- A Typical Day with My #1 Fan
27. Pancakes and Hollandaise
28. How I Wish You Only Knew (How I Love You Baby)
29. Heady and Sublime
30. Subtle Invitation
31. Who Are You?
32. Pillow Talk
33. Ominously Hovering
34. The Fall
35. Turning Tables
36. Angels Cry (The Prelude)
37. Memoirs of an Imperfect Angel
38. I Only Wanted
39: Vulnerability (Interlude)
40. Thirsty
41. Obsessed
42. Bad Romance
43. Silicone Saline Poison, Inject Me
44. The Color of Blood
45. My King
46. My P and Nong
47. Family Feud
48. Is This The End?
49. No, It's Just The Beginning
50. Against All Odds
51. The Past
52. GTFO
53. Fly Off With a Wink, Bye Bye Baby
54. Scusami, Wayo Will Call You a Valet
55. Sweet Dream or a Beautiful Nightmare?
56. Proceed with Caution
57. A No No
58. Off With Your Head, Now Slither Out the Door
59. I would be like Ginger, You ain't Gulligan Isle.
60. Limitless Without No Rules
61. Still Just A Frail Shook One
62. Snakes In The Grass, It's Time To Cut The Lawn
63. You'll Never Know What I Already Knew
64. Bulldoze My Heart As If You Planned It
65. I'm the Press Conference, You're Just A Conversation
66. The Rise of Wayo Kahn
67. Don't Forget About Us
68. When I'm with him, I am Thinkin' of You
69. The Art of Letting Go

70. Boy, You're Thirsty

3.6K 199 149
Bởi TheQueenMotherHateu

Qm's Note: Itong chap na 'to ang pinakamahaba kong naisulat! Hahaha. Seriously, 6 days ginugol ko rito! Kung may typos man, intindihin n'yo nalang pows.

Wayo's POV

"Frank listen, totoo yung mga sinabi ko kanina, mahal pa rin talaga kita hanggang ngayon. Kahit nawala ka nang matagal?  Walang nagbago sa mga nararamdaman ko para sa'yo. Ikaw pa rin yung lalaking nagligtas at nagpaniwala sa'kin na hindi ako dapat matakot magmahal kahit ilang beses na akong nasaktan. I'll be eternally grateful to you, my king."

Hindi ko napigilang mapaluha after kong mag-explain kay Frank. Nag-flashback kasi sa isip ko yung mga good memories namin together noon.

Our love was cut short pero sa kan'ya talaga ako pinaka naging masaya.

"You're insisting na mahal mo pa ako Wayo pero bakit 'di mo na ako kayang tanggapin ulit? Bakit tinutulak mo na ako palayo? Don't you think na unfair para samin ni Pree 'tong ginagawa mo?" sobrang frustrated na ng tono ni Frank ngayon.

"You can't be with him dahil ako ang totoong mahal mo.." dagdag pa n'ya.

"Frank shhh.." niyakap ko na s'ya. "I'm insisting na mahal kita dahil 'yan naman talaga ang nararamdaman ko para sa'yo. The thing is, sa tingin ko ay hindi na sapat na dahilan yung pagmamahalan natin para bumalik sa dating 'tayo'. Frank, marami nang nagbago sa mundo nating dalawa. Iba na ang mga odds ngayon. Your absence made me realize things."

Humihikbi na rin si Frank ngayon.

"Yo, wag ka namang ganyan.." he pleaded between his sobs.

"Ayaw ko rin namang maging ganito, Frank." mas hinigpitan ko yung pagyakap ko sa kan'ya. "Pero kasi, sa tingin ko ay ito na yung best choice para sa'ting dalawa. Pagod na pagod na akong lumaban, my king. Gusto ko na lang lumagay sa tahimik at mangyayari lang yun kapag si Pree ang pinili ko. That's something kasi na 'di maibibigay sa'kin ng incestous relationship nating dalawa, our love will only hurt the people around us at ayoko nang mangyari pa 'yun."

Hindi na nakapagsalita si Frank, umiyak na lang s'ya nang umiyak sa dibdib ko.

"In time, maiintindihan mo rin lahat ng mga punto ko Frank.."

•~•~•~•~•~•

*3 years later

"Hindi ka ba talaga sasama samin, Yo? Ikaw lang ang wala sa block natin gurl! Like seriously, even our nerdy classmates will join the winter-break party!"

Halos hilahin na ako ni Gun dahil ayoko talagang sumama sa sinasabi n'yang party.

Gun is my new bestfriend. S'ya yung una kong naging ka-close dito sa med school.

Yeah yeah, med student na nga ako ngayon. 

Nag-home schooling ako after noong mga scandal na kinasangkutan ko years ago to finish my pre-med course at ngayon nga ay freshman student na ako sa isang prestigious med school ng Thailand.

All thanks to Pree, na fiancé ko na ngayon. S'ya yung nag-push sa'kin na mag-aral ulit kahit 'di na kailangan.

"Gun, I really can't. Sinabi ko naman na sa'yo yung dahilan 'di ba? Nakapag-promise na ako kay Meille na pupunta ako sa birthday n'ya."

I'm pertaining to my two-year old niece na anak ni Kuya Nick.

Believe it or not, Kuya Nick is now a married man. Napangasawa n'ya yung flight stewardess na nakilala n'ya after his graduation.

"Yo naman.. Hindi ba pwedeng ibigay mo na lang yung gift mo tapos humabol ka sa party? Inaasahan ka kasi talaga nung mga seniors natin."

Mabilis na nagsalubong yung mga kilay ko dahil sa sinabi ni Gun.

Sabi na't balak n'ya ko ibenta sa mga kupal na seniors eh!

"Nababaliw ka na ba talaga, Gun? Kaibigan ba talaga kita o ikaw ang mamasang ko?!" angil ko sa kan'ya.

"Grabe ka naman sa'kin Wayo! Hindi ba pwedeng ayoko lang mapagtripan? Siguro naman kasing pag-iinitan nanaman nila ako dahil wala ka.."

Out of nothingness, bigla na lang ako natawa kay Gun.

He reminds me of Kit, seriously!

Ganitong-ganito rin yung mga eksena namin noon pagdating sa mga lalaki.

S'ya rin kasi yung palaging binubuliglig ng mga gustong manligaw sa'kin. HaHa!

Speaking of, kamusta na kaya s'ya?

Sa lahat kasi ng mga nakaaway ko noon, si Kit lang yung hindi nakipagbati sa'kin.

Buti pa nga si Pop, kinakausap na ako ngayon kahit nakakulong pa rin s'ya. Pero si Kit? Wala talaga.

"Eh 'di wag ka na lang din um-attend, problema ba yun? If you want, sumama ka na lang sa'kin tonight. Ipapakilala kita sa isang kuya ko.." I suggested.

Obviously, I'm pertaining to Kuya Pent.

Yes, single pa rin ang kuya ko na yun 'til now. After his graduation kasi, nag-fulltime na s'ya sa company ni daddy.

He's a mature businessman now.

"Yung kuya mong borta?" nanlaki yung mga mata ni Gun. "No way! Gusto mo bang malasog-lasog ang katawan ko ron?"

Again, natawa na lang ako kay Gun.

I almost forgot na ayaw nga pala n'ya sa mga borta! HaHaHa!

Payat na body build ang trip n'ya.

In fact nga ay ina-eye n'ya yung payatot na senior namin. Off ata ang pangalan nun if I'm not mistaken.

"Whatever, Gun. Bahala ka na sa buhay mo. I need to go now."

Kinuha ko na yung bag ko at naglakad palabas ng classroom.

Sinubukan pa akong pigilan ni Gun pero 'di ko na lang s'ya pinansin.

Until makalabas na nga ako ng room at agad pinalibutan ng entourage ko.

I'm pertaining to my security guards, lima silang nakapaligid sa'kin ngayon.

Obviously, idea 'to ni Pree.

Wala eh, nakakatanggap pa rin kasi ako ng death threats 'til now.

Hindi ko lang sure if kay Kit pa galing or sa mga kalaban na ni Pree sa business.

"Tell Pree na gagabihin tayo ng uwi.." utos ko sa head ng security ko.

"Sige po, Sir Wayo."

Agad n'yang tinext yung pinasabi ko kay Pree habang naglalakad kami papunta sa parking lot.

Few second later, nag-ring na yung phone ni Kuya Guard.

"Sir Wayo, si Sir Pree po tumatawag.." inabot n'ya sa'kin yung phone.

Agad ko naman 'tong inabot at sinagot.

"Gagabihin kayo ng uwi? Anong meron, mahal ko?" bungad sa'kin ni Pree nung sinagot ko yung tawag.

Hindi ko naman napigilang mapangiti bago nagsalita.

Sa tono kasi ng boses n'ya ngayon ay para bang mawawala ako ng sampong taon.

"Birthday ni Mielle, nakalimutan mo na?"

"Damn nakalimutan ko.. Pwede bang ikaw na lang bumili ng gift ko para sa kan'ya?"

"Why? Hindi ka ba pwedeng humabol later?"

"I'll try mahal ko, andito pa kasi ako sa provincial office hanggang ngayon. Inaayos ko yung problema ni bro rito."

Pree is pertaining to Ming. S'ya na ang head ngayon ng semiconductor business ni Pree sa province.

"Oh I see, sige, no worries. Ako na ang bahala sa gift mo. I-text mo na lang ako kung makakahabol ka pa.."

"Thank you mahal ko! Sige, baba ko na 'to ha? Laters na lang, okay? I love you."

"Sure, sure. I love you too, my love."

~•~•~•~•~•~•~

*birthday

"Bakit ngayon ka lang bunso?"

Si dad ang una kong nakita nung dumating ako dito sa venue ng party.

"Traffic po dad.." yumakap ako sa kan'ya. "Saang gawi po nakaupo sila Ma?" I asked.

Seriously, hindi ko matanaw kung nasaan sila Ma ngayon dahil napakaraming bisita.

Mukhang inimbita nanaman kasi ni dad lahat ng mga employee at business partners n'ya.

"Nasa gawing harap sila bunso.." tinuro ni dad yung direction. "Nasaan nga pala ang paborito kong son-in-law?"

"Try daw n'yang sumunod dad, sa province pa kasi s'ya manggagaling.."

"Ganun ba.. Sige bunso, pumunta ka na sa table nila mama mo. May bisita ka roon."

Napakunot ako ng noo dahil sa sinabi ni dad.

Bisita? Wala naman akong in-invite bukod kay Gun..

I doubt na pumunta rito yung bakla na 'yon.

Tatanungin ko sana si dad kung sino yung bisitang tinutukoy n'ya pero hindi ko na naituloy dahil humarap na s'ya sa mga amigos n'ya.

Ayun, naglakad na lang ako papunta kila mom without knowing kung sino yung bisita ko.

"Wayooo!"

Tinakbo ako palapit nung lalaking katabi ni Ma noong nakita nila ako.

"Frank.." yan lang ang nasabi ko.

Hindi ako masyadong maka-react dahil wagas s'yang makayakap ngayon.

"Na-miss kita.." he whispered.

"Well, I missed you too, bunso. Bakit 'di mo ako tinatawag na kuya?" I joked to regain my composure.

Piningot ko rin s'ya nang very slight para kunwari ay galit ako.

"Yo naman.. Ang awkward kaya 'pag tinawag kitang kuya.. Ate na lang ang itatawag ko sa'yo if gusto mo talaga ng honorifics. HaHa!" tinawanan lang n'ya ako.

Agad ko naman s'yang kinurot sa tagiliran dahil sa sinabi n'ya.

"Napaka-pilyo mo talaga! Eh bakit si Kuya Saint, tinatawag mong kuya eh mas malambot pa sa'kin yon?!"

Mas lalong natawa si Frank dahil sa sinabi ko.

"I heard you, Wayo.. Sabi ko na't sa'yo nagmama si Frank eh!" biglang may lalaki na lumapit sa'min.

Si Kuya Saint!

Hindi ko napansin na andito pala s'ya dahil nakatalikod sa point of view ko yung inuupuan n'yang seat sa table.

"Kuya!" I hugged my eldest half brother. "Anong nangyari? Kailan pa kayo umuwi dito sa Bangkok?"

Sa America na nakatira sina Kuya Saint at Frank.

Tinatapos ni Frank doon yung pre-med course n'ya at Kuya Saint naman ay nagre-residency sa hospital.

"Kahapon lang.. Napaaga ang winter break nila Frank kaya napagdesisyunan naming umuwi muna rito sa Bangkok."

"I see.."

Hindi ko naituloy yung sasabihin ko dahil may lumapit nanaman samin na isang lalaki.

Galing s'ya don sa seat na katabi ng seat ni Kuya Saint.

Si Pa Tawan, my biological father.

"Pa, andito ka rin pala.." I hugged him too.

Yes, good terms na kami ngayon.

Kahit gaano ka-dark yung naging past naming dalawa, pinili ko pa rin ang patawarin s'ya.

"Oo 'nak, in-invite kami ng Ma mo dito sa party nung nalaman n'yang umuwi ang mga kapatid mo."

Oh, now that explains everything kung bakit andito silang lahat.

"I see, I see. So si Ma pala ang culprit ng family reunion natin. HaHa!"

After naming batiang apat ay bumalik na sila sa table.

Ako naman ay na-detour pa sa kabilang table, dinaluhan ko ang mga stepbros ko.

"Happy birthday baby Meille!" inabot ko na sa pamangkin ko yung gifts namin ni Pree.

Imbis na kunin yung gifts n'ya, nagpakarga sa'kin yung bata. Of course kinuha ko naman s'ya agad.

"Big girl na ang baby namin ah! Pwede na magkaroon ng kapatid!" ngumiti ako kay Kuya Nick at Ate Moe, yung asawa n'ya.

Ngumiti lang din naman sila sa biro ko.

"Nako Wayo, wala pang plano sila kuya.. Pinsan na lang ang ibigay mo d'yan kay Meille, mag-anak na kayo ni Pree.."

That's kuya Pent. Just bein' his goofy self.

"Ba't ako?" inirapan ko s'ya kunwari. "Ikaw dapat muna ang mag-anak Kuya Pent, ikaw ang second eldest eh." I retaliated.

"Sige ba, basta ikaw nanay. HaHa!" biro n'ya ulit.

"Gago!" hinampas ko s'ya nang marahan sa balikat. "Baby Meille oh, nababaliw nanaman yang tito mo! Paluin mo nga.."

Nagtawanan na lang kaming lahat noong pinalo-palo nga s'ya ng bata.

"Asan pala si Pree?" tanong ni Kuya Nick.

"Nako, hahabol daw kuya. But I doubt na umabot pa yun. The last time na we text kasi ay malayo pa s'ya dito sa Bangkok."

"I see. Pakahintay-hintay pa naman s'ya ni dad. Alam mo na, ipagmamalaki nanaman n'ya sa mga kaibigan n'ya son-in-law n'ya yung Emperor ng Suppasit Empire. HaHa!"

"Si dad talaga.." natatawang iiling-iling na lang ako sa mga sinabi ni Kuya Nick.

After our small talks, pumunta na ako sa table nila Ma para daluhan ang mga kapatid kong balikbayan.

•~•~•~•~•~•~•

*hours later

Kami nalang nina Kuya Saint ang magkakaharap ngayon sa table.

Si Ma at Pa ay sumama kay dad, andoon na sila sa table ng mga thunders sa likod.

Sina kuya Nick naman ay nauna nang umuwi dahil may kasama silang bata.

Si Kuya Pent ay andito na rin sa table namin.

Bali ito ang ang sitting arrangement namin, sa right side ng table: Kuya Pent, me and Frank. Sa left side: Kuya Saint and Perth.

Yes, dumating yung boyfriend n'ya kanina.

"Tama na yan.."  inagaw ko yung cocktail drink na iniinom ni Frank.

Sobrang pula na kasi n'ya ngayon at halatang lasing na.

"Ang KJ mo naman Yo!" reklamo n'ya sabay kuha ulit nung cocktail n'ya. "Pagbigyan mo na 'ko, ngayon lang kaya ulit ako uminom mula noong tumira kami sa America."

"Pagbigyan mo na yang kapatid mo.." segunda naman ni Kuya Pent.

Bago nagsalita ulit, tumingin muna ako kay Kuya Saint, hoping na may say s'ya sa pag-inom ni Frank.

Unfortunately, wala s'yang say. May sarili na kasi silang mundo nung boyfriend n'ya.

Ayun, hinayaan ko na lang uminom si Frank at his heart's content.

"Wash room muna ako.." I excused myself.

Magpe-prepare na akong umuwi dahil mukhang 'di naman na dadating si Pree..

"I miss you.." biglang may humila sa'kin nung makapasok ako sa washroom.

Niyakap n'ya ako mula sa likod at mabilis na sinara ang pinto.

Damn.

I'm sure na si Kuya Pent 'tong nasa likod ko dahil amoy na amoy ko yung signature scent n'yang musky citrusy.

Seriously, paanong nangyari na andito s'ya ngayon eh iniwan ko silang lahat sa table kanina?!

"Kuya, let go of me.." I tried to repel his upper extremities.

"Ngayon lang Wayo, pagbigyan mo na ako.." mas lalo n'yang hinigpitan yung pagyakap sa'kin.

"Kuya please.. Ano nanaman ba 'to? Okay na tayo 'di ba?"

Sinubukan ko ulit tanggalin yung yakap n'ya pero wala akong magawa dahil mas malakas s'ya sa'kin.

"Ikaw lang ang okay, Wayo.. All these years, mahal pa rin kita.."

What the fuck?!

This time ay tinodo ko na yung lakas ko para kumawala sa yakap n'ya. I succeeded.

"Nababaliw ka na ba Kuya Pent?! Lasing ka lang kaya mo nasasabi yan!"

"No I'm not, Wayo. Diretso pa akong mag-isip at alam ko ang sinasabi ko sa'yo.."

Sobrang kalmado lang ng boses ngayon ni Kuya Pent and it kills me.

Nagsasabi ba talaga s'ya ng totoo?

"Kuya please stop.."

"Gusto ko na ring tumigil Wayo. Pero paano? Hindi mawala sa isip ko yung mga sinabi ni Kit. Pakiramdam ko'y hindi pa ako pwedeng sumuko sa'yo."

Nanlaki yung mga mata ko dahil sa sinabi n'ya.

"Sinabi ni Kit? Nagkakausap kayo?" hindi talaga ako makapaniwala.

"Oo nakausap ko s'ya.. Gusto n'yang iligtas kita kay Pree.."

"Iligtas kay Pree?" I can't help but to use my mocking tone. "You actually believed him kuya? Parang 'di mo naman alam na s'ya yung tunay na gustong manakit sa'kin!"

"Alam ko naman yun Yo pero 'di ko talaga magawang iwasan na kutuban. Ramdam ko na may something off sa fiancé mo."

Napailing-iling na lang ako sa mga sinabi n'ya.

"That's ridiculous kuya. Kung may mali man kay Pree, ako ang unang makakaalam nun dahil kami ang nakatira sa iisang bahay."

Hindi na nakasagot si kuya kaya minabuti ko nang umalis dito sa washroom.

"I hope 'di na mauulit 'tong ginawa mo kuya."

•~•~•~•~•~•

Pagbalik ko sa table namin ay laking gulat ko  dahil nandoon na si Pree.

"Akala ko, hindi ka na dadating.." tumabi ako sa kan'ya.

"Sorry, late na kasi talaga kami natapo.."

Hindi naituloy ni Pree yung sasabihin n'ya dahil dumating na rin si Kuya Pent.

Tumingin lang s'ya sa mata ko and it feels like na he's asking kung bakit galing kami sa iisang direction ni kuya.

Yes, saulo ko na ang mga gestures n'ya.

Alam na rin na sagad hanggang buto yung pagiging seloso n'ya.

"Nagkasabay lang kami sa washroom." bulong ko.

Ngumiti na lang s'ya nang tipid sa'kin.

"Nakita mo na ba si dad? Kanina ka pa hinihintay nun." I changed the topic.

"Yep, nakita ko na s'ya. Pinakamayan nga n'ya sa'kin lahat ng kasama n'ya sa table bago ako pinayagang pumunta dito."

"Really? Si dad talaga.." napakamot na lang ako ng ulo. "Anyways, you look tired. Gusto mo bang umuwi na tayo?"

Medyo nagulat yung expression ni Pree dahil sa sinabi ko.

"Paano sila kung aalis na tayo?" tinuro n'ya si Frank na nakadukdok na ngayon sa lamesa.

"Don't mind us. Alam namin na galing ka pa sa province so it's okay na mauna na kayong umuwi." si Kuya Saint ang sumagot.

"Ganun ba.. Sige, mauuna na kami mga bayaw."

Tumayo na si Pree at nag-wai sa mga kapatid ko para magpaalam.

~•~•~•~•~•~

Nagising ako dahil sa mga light caress ni Pree sa pisngi ko.

Hindi ko namalayang nakatulog pala habang pauwi kami kanina.

Pero teka, naaamoy ko pa rin yung luxurious scent ng kotse ni Pree. Hindi pa rin kami nakakauwi?

Agad kong ginather yung composure ko at mabilis na bumangon para tignan kung anong nangyayari.

Tama ako, nasa kotse pa nga kami.

Naka-park kami sa isang unfamiliar na lugar; pavement at ilaw lang ang nakikita ko ngayon.

"Nasaan tayo?" tanong ko kay Pree.

"Winter gift.." tipid na sagot n'ya.

Ohh..

He's pertaining sa 'seasonal' gifts na binibigay n'ya sa'kin.

Last summer and autumn, binigyan n'ya ako ng diamond jewelries.

Ano naman kayang pakulo n'ya ngayon?

"Nag-aksaya ka nanaman ng milyones mo 'no?" I joked.

Natawa naman s'ya sa biro ko.

"Walang sayang basta para sa'yo, keep that in mind mahal ko." hinalikan n'ya ako sa noo. "Ano? Ready ka na ba sa winter gift mo?"

"Okay." of course 'di na ako nagpakipot.

Wala eh, kakambal ni Pree ang salitang 'luxury' at dapat na 'kong masanay.

"Wear this.." may inabot sa'kin si Pree na blindfold.

"Kailangan pa ba talaga 'to? Kahit ano namang ibigay mo, siguradong magugulat ako."

"Kailangan yan mahal ko.." he chuckled. "Suot mo na, para makababa na tayo."

Since no choice na ako, sinunod ko na lang s'ya at bumaba na nga kami.

"Malayo pa ba?" tanong ko nung napansin kong nakalayo na kami sa kotse.

"Malapit na.."

After few steps ay tumigil na kami sa paglalakad.

"Take this.." inabutan ako ni Pree ng something na malaki at mabigat.

I'm assuming na metal 'to dahil iba talaga yung bigat n'ya.

"Ready?" tanong ulit ni Pree.

Out of nothingness, bigla akong kinabahan sa tanong ni Pree.

Seriously, ano bang meron?

Wala naman kasing mga paganito si Pree noon sa mga past 'seasonal' gifts n'ya sa'kin.

"Mahal ko, ano na? Ba't hindi ka sumasagot?"  he snapped.

"Sorry.. Ready na 'ko.." I muttered.

I swear, kabang-kaba talaga ako ngayon.

"Good. In 3.. 2.. 1.."  tinanggal na ni Pree yung blindfold ko.

For a moment ay parang nabulag ako dahil sa dami ng mga ilaw until naka-adjust na yung mga mata ko..

"This is crazy!!" I ejaculated upon seeing his 'seasonal' gift for me.

It's private jet na may malaking ribbon na nakakabit!

Ngayon lang nag sink in sa'kin na nasa runway pala kami ng isang airport at malaking gunting ang hawak ko.

"Nagustuhan mo ba?" Pree asked.

"Is that even a question? Hindi ko alam kung anong ire-react ko, seryoso."

"Then ano pang hinihintay mo mahal ko? Gupitin mo na yung ribbon.. HaHa!"

Inalalayan na ako ni Pree palapit don sa jet.

Gad. Hindi naman ako nanaginip, 'di ba?

I like it really pero come to think of it, saan ko ba gagamitin 'tong private jet?

Wala naman kaming runway sa university kung gagawin ko 'tong service sa pag-aaral ko!

"Cut it mahal ko.." utos ni Pree nung makalapit na kami.

So I did.

Dahan dahan kong ginupit yung dambuhalang ribbon gamit 'tong malaking gunting na hawak ko.

"Congrats mahal ko, you just owned a private jet.."

Inakap ako ni Pree from behind.

"Thank you, my love. This is too much, to the point na 'di ko na alam kung saan ko 'to gagamitin.."

Again, tinawanan lang ulit ako ni Pree.

"Pasok tayo sa loob para malaman mo mahal ko.."

So we did.

The next thing I knew ay pinagkakabit n'ya na ako ng seatbelt at umaandar na yung engine ng jet.

"Ano 'to? Testdrive ganern?" natatawang tanong ko.

"Nope. We're going to Paris. Winter break n'yo na 'di ba?"

What the fuck?!

"Seryoso ka ba?" pakiramdam ko sasabog na ako ngayon sa dami ng surprises n'ya.

"Yup, seryoso ako mahal ko. Kailan ba ako hindi nagsabi sa'yo ng totoo?"

"Ehh..." wala na akong masabi. "Hindi ba pwedeng mag-change outfit muna ako? Magpalit ng briefs ganon? Seriously, I feel so soiled right now."

"You can do so mahal ko. Pag stable na yung flight mamaya, pwede ka nang maligo sa washroom nitong jet. Nagdala naman ako ng mga damit mo."

Tinuro n'ya yung mga shopping bag sa kabilang seat.

Nakakaloka.

So handa na pala talaga ang lahat bukod sa'kin.

"Eh how about our papers? Visa?"

For the nth time, tinawanan na lang ulit ako ni Pree.

"Mahal ko, relax. Yang mga ganyang bagay ay 'di mo na dapat iniisip dahil plantsado ko na lahat yan ahead of time."

Oo nga naman.

Hindi ko na dapat dina-doubt ang bilyonaryo kong fiancé.

Ayun, 'di na lang ako nagsalita gang nag-take off na 'tong jet.

•~•~•~•~•~•~•

*3rd day in Paris

"May gusto ka pa bang bilhin?" tanong sa'kin ni Pree.

Kalalabas lang namin ngayon sa shop ng Hermès dito sa Champs-Élysées.

"Wala na. Napakarami na kaya nating nabili.."

Nginuso ko yung mga chaperone namin na hindi na magkanda-ugaga sa mga box at shopping bags ng mga pinamili namin.

Seriously, buong umaga na kaming nagsha-shopping. Napasok na nga ata namin lahat ng luxury brands dito sa Champs-Élysées.

"Sigurado ka mahal ko?"

"Yup, nabilan ko na rin naman sina Ma ng pasalubong. We're good to go na.."

I dunno why pero biglang naging disappointed yung expression ni Pree.

"What's wrong?" pagtataka ko.

"Wala.." he gave me an assuring smile. "Nahihinaan lang ako sa'yo mahal ko. I expected kasi na lowest 500M ang mga bibilhin mong goods dito sa Champs-Élysées. Hindi ka pa nakaka-100M.."

Literal na nalaglag yung panga ko dahil sa sinabi ni Pree.

Anue nha?! Barya lang ba talaga sa kan'ya yung mga milyon-milyon?!

"Nababaliw ka na Pree! Sino namang gagastos ng half billion just for shopping?!"

"Meron mahal ko, ikaw at ako. Gusto ko kasing iparamdam sa'yo lahat ng luxury sa mundo.."

Damn.

Hindi ko alam kung kikiligin ako o malulula sa banat nitong fiancé ko eh!

"Crazy!" yan na lang ang nasabi ko. "By the way, saan na tayo ngayon?" I changed the topic.

"Ano pa nga bang hindi natin napupuntahan mahal ko? Halos nalibot na natin lahat kahapon eh.."

He's right, come to think of it, napuntahan na nga namin lahat ng famous landmark dito sa Paris.

Ugh. Where to go next?

Ay wait! May 'di pa pala kami napupuntahan.

Yung catholic church na settings ng novel ni Victor Hugo, Notre-dame ata ang pangalan nun if I'm not mistaken.

"Sa Notre-dame na lang tayo." I suggested. "Gusto kong makita kung saan nakatira si Quasimodo."

"Copy mahal ko. Gusto ko rin makita yun."

Ayun, bumalik na kami sa car at pumunta na nga sa Notre-dame. Yes, may car si Pree dito sa Paris. Binili n'ya raw exclusively para dito sa vacation namin.

•~•~•~•~•~•

*Notre-dame

Grabe, wala akong masabi.

Napakaganda pala nitong Notre-dame, such a stupendous work of architecture.

Mas mukha s'yang medieval na palasyo kesa isang simbahan.

"Gaano na nga raw katanda..."

Hindi ko naituloy yung sasabihin ko, ngayon ko lang kasi napansin na wala na pala si Pree sa tabi ko.

Nasaan na kaya yung baliw na yun? Wala pa naman akong dala na phone.

I tried to look for him but no chance, masyadong madami ang mga turista dito sa loob.

Ayun, nag-umpisa na akong maglakad-lakad para hanapin s'ya thoroughly.

*minutes later

There he is!

Kaya naman pala 'di ko s'ya makita-kita ay nandoon s'ya sa parang restricted na pathway.

"Pree.." I tried to call him with my normal voice dahil bawal sumigaw dito sa loob.

Sadly, 'di n'ya ako narinig.

In fact ay tuluyan na s'yang pumasok doon sa restricted pathway.

Jusko, mapapahamak pa kami sa ginagawa n'ya eh!

Agad ko s'yang hinabol para pigilan pero bigla nanaman s'yang nawala sa paningin ko.

Nasaan nanaman yun?

Since no choice na 'ko, kahit alam kong restricted, pinasok ko na rin yung pathway.

Hanggang sa nakarating ako sa niche sa bandang gitna at nakita kong may hagdan pala ron.

Now it makes sense kung bakit biglang nawala si Pree. Obviously, umakyat s'ya sa taas.

Ayun, umakyat na rin ako kahit medyo creepy yung stairs.

Medyo luma na kasi s'ya at makikita mong gawa talaga sa kahoy.

Until makarating na ako sa tuktok at doon ay inabutan ko na nga si Pree.

Damn. Kung anong kina-creepy ng stairs, ganon naman ang kinaganda nitong taas.

Feels like nasa hidden paradise ako dahil sa dami ng bulaklak dito at idagdag mo pa yung breathtaking view ng buong Paris.

"Anong meron? Bakit andaming bulaklak dito?" tanong ko kay Pree.

Hindi s'ya sumagot agad.

Lumuhod muna s'ya sa harap ko at may kinuhang box mula sa bulsa n'ya.

"Ilang taon na rin mula noong na-engage tayo mahal ko. Sabi ko sa'yo noon, papakasalan kita as soon as possible pero 'di ko natupad dahil sa biglaang expansion ng corporation. I'm sorry mahal ko, hiyang-hiya ako sa sarili ko."

Shit.

Gusto ko mang sagutin yung mga sinabi ni Pree ay 'di ko magawa dahil sa extreme emotions na nararamdaman ko ngayon.

"Pero kahit ganun ang nangyari, kakapalan ko ulit ang mukha ko ngayon, mahal ko. Gusto mo pa bang pakasalan ang isang tulad ko?"

This time ay binuksan na n'ya yung box at nakita ko yung ring na ina-eye n'ya kanina sa Champs-Élysées.

7 million USD ang halaga nun kung 'di ako nagkakamali.

This guy!

Gustong-gusto talaga n'ya akong pinapaiyak sa mga surprise n'ya eh!

"Wag kang humingi ng sorry, naiintindihan ko naman lahat ng nangyari eh." my voice cracked, umiiyak na talaga ako ngayon. "Atsaka huwag mong maliitin ang sarili mo, alam mo namang ikaw ang lahat ko, 'di ba? Mahal na mahal kita Pree. Hindi ko nagsisisi na ikaw ang pinili ko noon. And don't worry, my answer is still a YES! Hindi na ako makapaghintay na maging legal na asawa mo, my love."

Nagsisigaw at binuhat ako ni Pree dahil sa mga sinabi ko.

Ngayon ko lang s'ya ulit nakita na gan'to kasaya.

Pero teka..

"Wait mahal ko.." I stopped him from celebrating. "Bakit may usok?"

Seriously, may usok na nanggagaling sa baba ng stairs.

Kasama ba 'to sa mga surprise n'ya?

Bago pa n'ya nasagot yung tanong ko, biglang nag-ring yung phone n'ya.

Agad n'ya 'tong sinagot at kitang kita ko yung pagbabago ng facial expression n'ya.

From happy to worried real quick.

"May sunog daw sa baba nitong spire.."

Nagtayuan lahat ng mga balahibo ko dahil sa sinabi ni Pree.

Tapos bigla ko pang naalala na gawa sa kahoy 'tong simbahan.

Fuck!

Ayoko pang mamatay.

"Kailangan na nating bumaba.."

Kalmado lang yung tono ni Pree ngayon pero kitang-kita ko yung takot sa mga mata n'ya.

"Bababa? Paano kung masalubong natin yung apoy? Or natupok na yung hagdan?" I protested.

Pakiramdam ko ay mas mabubuhay pa kami kapag tumalon nalang kami mula dito tuktok hanggang sa baba.

"Wala tayong choice mahal ko.. Sa tingin mo ba mabubuhay tayo kung tatalon tayo mula dito hanggang sa baba?"

Nabasa ba n'ya yung iniisip ko?

Pero may point s'ya, ngayon ko lang na-realize na mga 30+ storey building 'tong spire ng Notre-dame.

"Pero natatakot ako, paano kung may mangyari sa'tin?" umiiyak na ako dahil sa takot.

"Wag kang matakot mahal ko. Hindi ko hahayaang masaktan ka.."

Kinuha ni Pree yung panyo n'ya mula sa bulsa at tinali sa mukha ko.

"Kahit anong mangyari, wag kang bibitiw sa'kin, okay?"

Hindi pa man ako nakakasagot ay hinila na n'ya ako pababa sa hagdan.

Sobrang kapal ng usok, to the point na wala na kaming makita.

Katapusan na ba namin?

"Mahal ko wag kang bibitiw ha? Kakayanin natin 'to.." Pree tried to comfort me kahit ubo na s'ya nang ubo dahil sa usok.

Hindi ko na s'ya nasagot, humawak na lang ako nang mahigpit sa kamay n'ya habang umiiyak.

Until unti-unti na akong manghina dahil sa suffocation.

I lose my consciousness.

•~•~•~•~•~•~•

Mukha ni Pree ang una kong nakita noong imulat ko ang mga mata ko.

Natutulog s'ya ngayon sa gilid ng kama na hinihigaan ko.

I can na nasa hospital room kami ngayon dahil may nakakabit na swero at oxygen sa'kin.

Thank God, we lived.

"Mahal ko?" napabalikwas si Pree noong maramdaman n'ya na gumalaw ako.

Ngayon ko lang napansin na may mga benda pala s'ya sa magkabilang braso n'ya.

"Kamusta ang pakiramdam mo? May masakit ba sa'yo?" he asked.

"Okay lang ako.. Ikaw ang dapat tinatanong ko, okay ka lang ba?" tinignan ko yung mga benda n'ya.

"Minor burns lang 'to mahal ko, 'wag kang mag-alala sa'kin." he gave me an assuring smile.

"Pwede bang hindi ko mag-alala? We almost die.."

Pakiramdam ko ay maluluha nanaman ako.  Maybe nagka-slight trauma ako sa mga nangyari kanina.

"Shhh, don't cry mahal ko. Ang mahalaga ay okay na tayo. Magpasalamat na lang tayo sa Diyos at 'di pa ganun kalakas yung apoy kanina kaya naibaba kita nang maayos."

"Pero.."

"Shhh.. Wag na nating isipin, okay? I love you. Matulog ka pa.."

Pinet ni Pree yung ulo ko.

"Matulog ulit? Hindi ba pwedeng kumain muna tayo? Gutom na ako.." I joked to lighten up the mood.

But true enough, gutom na talaga ako.

"Aw oo nga pala, breakfast pa yung huling kain natin. Anong gusto mong kainin mahal ko?"

"Hmm.. anything except hospital food."

"Okay mahal ko, ipagte-take out kita."

Tatayo na sana si Pree pero agad ko s'yang pinigilan.

"Ikaw ang aalis? Hindi ba pwedeng mag-utos ka na lang?" I suggested.

Umiling s'ya sa suggestion ko.

"Hindi pamilyar ang mga tao natin sa mga french cuisine, atsaka 'di nila alam ang mga ayaw at gusto mo. Gusto ko marami kang makain ngayon kaya ako mismo ang aasikaso."

Hindi na 'ko nakapalag sa argument ni Pree.

Ayun, hinayaan ko na lang s'ya sa gusto n'yang gawin.

•~•~•~•~•~•

Medyo inaantok na ako nung biglang may pumasok dito sa hospital room ko.

Akala ko si Pree na pero 'di pa pala, nurse yung pumasok dito.

Tatanungin ko sana s'ya kung kailan ako pwedeng i-discharge pero bigla akong natigilan.

Bigla ko kasing naalala na nasa isang parisian hospital nga pala ako.

Malamang ay pure french lang ang medium dito.

Ayun, pinanood ko na lang s'ya sa mga ginagawa n'ya.

Until bigla n'ya akong tinutukan ng syringe sa mata.

"Wag kang sisigaw.." bulong n'ya sa'kin.

Fuck!

Hindi ko alam kung saan ako magugulat, sa ginawa ba n'ya or dahil nagsalita s'ya ng thai?

Pero mas lalo akong nasindak nung binaba n'ya yung mask n'ya.

Si Kit!!!

"A-anong ginagawa mo dito?" halos magkandabulol-bulol ako dahil sa takot.

Shit. Sinundan n'ya talaga kami hanggang dito sa Paris?

Ayoko sana magbintang pero pakiramdam ko ay may kinalaman s'ya sa sunog na nangyari sa Notre-dame kanina.

"Kalmahin mo ang sarili mo Wayo, 'di kita sasaktan."

"Kalmahin ang sarili ko? Posible ba yun kung tinututukan mo ako ng syringe?" I can't help but to be sarcastic.

Bahala na kung papatayin n'ya ako or whatever.

"Hindi ko na concern kung anong gusto mong paniwalaan Wayo. Basta ang akin lang ay pinuntahan kita rito para balaan.."

"Balaan?" medyo nalito ako sa mga sinabi n'ya.

"Yeah, I'm warning you at ito na ang huling favor na gagawin ko para sa'yo as your old bestfriend."

Ano raw?

Naguguluhan ako sa mga sinasabi n'ya.

"Warning? Favor? Ano ba yang mga sinasabi mo Kit?"

"Tungkol 'to kay Pree, heed my warning Wayo, layuan mo na s'ya hanggang may oras ka pa.."

What the fuck?

Seriously, sa kan'ya pa talaga nanggaling eh halos sunugin n'ya na nga kami sa Notre-dame kanina!?

"Hindi ko maintindihan yang mga sinasabi mo Kit, nababaliw ka na ba?"

"Hindi mo na kailangang maintindihan Wayo dahil siguradong 'di ka rin maniniwala sa'kin kapag sinabi ko. All I'm askin' is for you to heed my warning. Trust me this once.."

"Sorry Kit but I can't. Mas may tiwala ako kay Pree at wala ako makitang dahilan para pagdudahan s'ya. I'll marry him kahit ano pang sabihin mo.."

Kitang-kita ko kung paano nanlungkot yung mga ni Kit dahil sa sinabi ko.

"Kung yan ang desisyon mo, bahala ka na. I rest my case."

Tinalikuran na ako ni Kit at naglakad na s'ya paalis.

Naiwan naman akong tulala dahil hindi mawala sa isip ko yung mga sinabi n'ya.

Until makabalik na si Pree dito sa hospital room.

"Mahal ko, sorry kung natagalan. Traffic pa rin kasi dahil sa aberya roon sa Notre-dame." bati n'ya sa'kin.

I didn't respond.

Sobrang occupied ko talaga ngayon.

"Mahal ko, what's wrong?" tanong n'ya nung mapansin n'yang wala ako sa sarili ko.

"Kit was here." I muttered unconsciously.

"What?!" nanlaki yung mga mata ni Pree. "May ginawa ba s'yang masama sa'yo mahal ko?! Paano s'ya nakapasok eh may tatlong guard sa labas nitong kwarto? I can't believe this, dapat may managot!"

Lalabas sana si Pree para sitahin yung mga guard pero agad ko s'yang pinigilan.

"Kit disguised himself as a parisian nurse. Don't worry, hindi n'ya ako sinaktan or anything.." I started to explain.

"Hindi ka n'ya sinaktan? Then anong ginawa n'ya rito? Bullshit! Kung alam ko lang, pinabantayan na rin sana kita hanggang dito sa loob."

"He warned me about something.."

"A warning? Fuck. I don't wanna say this mahal ko, pero bakit pakiramdam ko connected ang sunog sa Notre-dame kanina at biglaang paglitaw ni Kit?"

"I don't know." napasapo ako ng noo. "Walang nabanggit si Kit about sa fire pero sigurado akong alam n'ya lahat ng nangyari dahil napuntahan n'ya ako dito sa hospital. He only warned me about you Pree.."

"About me?!" gulat na gulat s'ya sa sinabi ko.

"Yes, he said na iwan na raw kita hanggang may oras pa ako. Wala s'yang sinabi kung bakit, basta pinagpilitan lang n'ya yung empty warning n'ya."

"Hindi mo naman s'ya pinaniwalaan, 'di ba?" biglang maging worried yung expression ni Pree.

"Of course, why should I? Wala akong tiwala kay Kit.. Pakiramdam ko ay mina-mind games n'ya ako para sirain ang tiwala ko sa'yo.."

"Buti naman kung ganon.." inakap ako ni Pree nang mahigpit. "Honestly, for a moment ay natakot ako sa mga sinabi mo, mahal ko. Hindi ko kasi alam kung paano ipagtatanggol ang sarili ko sa something na hindi natin alam ang basis. Ayokong wala ang tiwala mo sa'kin."

Pakiramdam ko ay nawala lahat ng mga doubts ko dahil sa gesture at mga sinabi ni Pree.

Sobrang unfair na i-doubt ko s'ya dahil wala naman s'yang ibang ginawa kundi ang iparamdam sa'kin na mahal na mahal n'ya ako.

Tama, hindi ako dapat magpa-sway kay Kit. Si Pree lang ang dapat kong paniwalaan kahit anong mangyari.

"Wag kang mag-alala, sa'yo lang ako maniniwala kahit ano pang sabihin nila. Mahal na mahal kita Pree.."

•~•~•~•~•~•

*Bangkok, few days later

"Good morning, mahal ko." bati sa'kin ni Pree nung dumating ako rito sa dining hall para kumain ng breakfast.

"Good morning din my love.." humalik ako sa pisngi n'ya bago umupo. "Bakit ang aga mo ata nagising? Sabi mo 'di ka papasok today sa office?"

Usually ay mga 11AM na bumangon si Pree kapag 'di s'ya papasok.

Medyo nakakapagtaka dahil quarter to 7AM pa lang ngayon.

"It's our big day mahal ko, hindi ako pwedeng ma-late ng gising." he uttered casually.

"Big day?" natigilan ako sa pagtuhog ng hotdog.

"Yep, ikakasal tayo today 'di ba? Don't tell me na hindi mo alam?" nagpipigil ng tawa si Pree.

"Magtigil ka nga Pree, hindi nakakatawa yang biro mo ha!" I rolled my eyes.

"Biro? You know me, pagsinabi ko, sinabi ko."

Gad! Ano bang meron at ang lakas ng trip n'ya today?

Bumabawi ba s'ya sa'kin at tinulugan ko yung supposedly sex session namin kagabi?

"Ewan ko sa'yo Pree! Aga-aga anlakas ng trip mo.."

"Trip? Mahal ko, I'm saying the truth. Ikakasal na tayo today."

This time ay nagseryoso na si Pree.

Ugh, ayaw n'ya talaga paawat ha?!

"Ayaw mo talaga tumigil? Sige, 'di ako matutulog sa kwarto natin tonight."

Imbis na ma-bother, tinawanan lang ako ni Pree.

"Mahal ko, that's a given. We're not sleeping here tonight dahil sa Philippines tayo magha-honeymoon. You said na mas gusto mo sa Banwa Private Island kesa sa Maldives, 'di ba?"

What fuckery is this?!

Hindi ba talaga s'ya titigil?

"Pree, naiinis na ako ha!" dinabog ko na yung utensils ko.

Seryoso, okay lang naman na pagtripan n'ya ako, wag lang gan'to kaaga.

"Mahal ko naman, hindi kita iniinis. I'm telling you the truth."

"Truth my ass. Ni wala pa nga tayong napa-plano kahit isa for our wedding, tapos sasabihin mo kasal na agad?!"

"Mahal ko, hanggang ngayon ba 'di ka pa rin sanay sa'kin? Call your mom para ma-confirm mo.."

Kahit umuusok na yung ilong ko sa inis, sinunod ko yung sinabi n'ya.

Tinawagan ko si Ma.

"Magsisisi ka pag napatunayan kong pinagtitripan mo lang ako." banta ko kay Pree habang nagri-ring yung call.

Again, tinawan lang n'ya ako.

"Ma..." bati ko nung sinagot ni Ma yung tawag.

"Yes, 'nak? Bakit napatawag ka? Inaatake ka na ba ng wedding jitters? Don't worry, normal lang yan sa mga ikakasal.."

Fuck the what?!

Nabitiwan ko yung phone ko dahil sa mga sinabi ni Ma. I can't move a fuckin' inch, I'm literally petrified right now.

Puta, ikakasal na ba talaga ako?

"Mahal ko, ano, okay ka na ba? Na-confirm mo na? Eat your breakfast na dahil anytime soon ay dadating na yung mga image stylist na mag-aayos sa'yo."

Shit!!

Totoo na ba talaga 'to?!

"How dare you Pree! I know na capable ka sa lahat ng bagay pero bakit ngayon mo lang sinabi sa'kin? Hindi ko tuloy alam ang gagawin ko ngayon. Mamatay na ata ako sa kaba.."

Naiyak na ako, as in.

Tangina naman kasi eh, kasal namin 'to for God's sake. How come na hinayaan n'ya ako na walang alam?

I mean, hindi ako mentally prepared!

"Don't cry mahal ko, I'm sorry kung nabigla kita. Pero ito yung hiling mo sa'kin years ago, 'di ba? You said na gusto mo ng naiiba at unexpected na wedding."

Damn this guy.

Ang ibig ko sabihin sa sinabi ko years ago ay gusto ko ng wedding na mas maganda sa kasal ni Kit.

Hindi ko naman akalain na literal pala yung pagkakaintindi n'ya!

Ayun, since wala na akong magagawa at andito na ang lahat, pinilit ko na lang kalmahin ang sarili ko.

"Sinasabi ko sa'yo Pree, pagpuchu-puchu 'tong kasal natin, idi-divorce kita agad!" ngumiti na ako.

"Not gonna happen mahal ko. Ngayon pa lang, sinabi ko na sa'yo na 'tong kasal natin ang magiging wedding of the century."

•~•~•~•~•~•~•

*wedding

"Wedding of the century my ass."

Chant ko yan sa utak ko habang papunta sa venue ng kasal namin ni Pree.

I swear, sobrang underwhelmed ako ngayon.

Unang-una, dahil dito sa wedding ensemble ko.

I'm only wearing a plain white jeogori chima right now tapos napaka-plain pa ng make-up ko.

Alam n'yo yung pantulog ng mga babae sa Korean historical dramas? Ganun na ganon ang datingan ko ngayon.

Yes, hiniling ko noon kay Pree na ancient chinese/korean dynasty ang gusto kong motif ng kasal namin but not like this.

This is so cheap and disappointing!

Tapos idagdag n'yo pa yung fact walang something fancy sa 'wedding service' ko.

Si Kit-- may wedding yatch noon, tapos ako ngayon, just a plain limousine.

Not to mention sobrang traffic pa ngayon dito sa downtown dahil 6PM rush hour na!

Oh God, this is frustrating!

Ayoko na nga isipin kung ano itsura ng venue ng kasal ko.

For sure kasi another disappointment lang ang mangyayari.

The Siam na yung pinakamagandang hotel dito sa Bangkok, alangan naman don din kami ikasal eh don na yung venue ng kasal nila ni Kit dati 'di ba?

Hays.

For sure ay tinatawanan ako ni Kit ngayon dahil puchu-puchu ang kasal ko.

Fuck!!

"Andito na po tayo sa venue.." the driver announced.

Agad akong tumingin sa labas to check out the venue, tulad ng hinala ko, nasa isang luxury hotel nga kami ngayon pero wala itong panama sa The Siam.

Iiyak na ba ako?

"Sir Wayo isuot n'yo na po ito.."

May parang sako na tela na binigay sa'kin yung isang image stylist ko.

Don't get me wrong, mukha naman elegante yung design at tela nung sako pero puta.. yun na ba yung magiging wedding veil ko?

Kill me now.

"Sir Wayo, okay lang po ba kayo?" the stylist snapped.

"Okay lang ako.." ngumiti ako nang hilaw sa kan'ya sabay abot nung sako.

Sinuot ko na dahil wala naman na kong choice.

Ayun, here comes the human suman ang peg ko ngayon.

"Sir Wayo, wag kayong magalaw ha? May magbubuhat po sa in'yo."

Hindi ko na sinagot yung stylist ko.

Bahala na sila sa gusto nilang gawin total naman wala na ako makita dito sa loob ng sako.

Minute later, naramdaman kong may bumuhat na nga sa'kin.

Hindi endearing na buhat ha, alam n'yo yun nagbubuhat ng mga sako ng palay? Ganon ang ginawa sa'kin.

Again, 'di na lang ako kumibo.

Until naramdaman kong pinasok na ako sa isang kwarto.

I'm sure na maraming tao dito sa loob dahil naririnig ko yung mga bulungan nila.

Nung binaba ako, tinanggal na rin yung sako na nakasuot sa'kin.

I'm right, marami ngang tao dito sa kwarto.

Mga babae na pang-court lady ang suot.

May mga camera man din sa bawat angle nitong kwarto.

Feels like nasa settings kami ng isang historical drama ngayon dahil ancient royal chamber ang interior design nitong kwarto.

Now it makes sense kung bakit ako sinako kanina, dramatic entrance pala yun dito sa 'royal chamber' ko!

"Sir Wayo, ready na po ba kayo? Mag-resume na po tayo ng filming ng same day edit video n'yo."  tanong sa'kin nung parang director ng mga camera man.

"Okay." yan na lang nasabi ko dahil sa excitement.

Ayun, nag-signal na yung director at nag-umpisa na nga ang filming.

Nilapitan ako ng mga 'court ladies' ko at inumpisahan nila akong ayusan.

Take note, mga ancient make up tools talaga yung ginamit nila sa'kin to finish my make-up. As in yung mga nakalagay sa platito.

Even the lip tint, as in crepe paper s'ya na binasa ko ng laway para maiwan yung kulay sa labi ko!

After doin' my make-up, pinatayo na nila ako at inumpisahang suotan ng royal robe.

Pulang 'hanfu' na may gold phoenix design ang sinuot nila sa'kin.

Leche, ngayon ko lang na-realize kung bakit white jeogori chima lang ang suot ko kanina, bali panloob ko lang pala yun!

Matapos nila i-assemble yung hanfu ko, nilapit na nung isang court lady yung tray ng mga golden accessories na susuotin ko.

Una nilang kinabit yung kwintas. Jusko, ilang kilo ba 'to? Napakabigat.

Sunod nilang kinabit ay yung hikaw, just like the necklace, sobrang bigat din n'ya.

Damn, feeling ko ay na-devirginized yung mga butas ng tenga ko! Hindi kasi ako sanay sa gan'to kabigat at kalaki na earrings.

Lastly, yung mga hair ornaments na ang kinabit nila sa'kin.

Puta, sobrang bigat din. Hindi kaya matanggal yung wig ko?

•~•~•~•~•~•~•

After akong maayusan ay pinasakay na ako sa golden palanquin na naka-standby sa labas ng 'royal chamber' ko.

Ang tanging pinagtataka ko na lang ay kung nasaan kami ngayon.

Seriously, hindi naman gan'to yung design ng luxury hotel na binabaan namin kanina.

Para talaga kaming nasa ancient chinese/korean palace ngayon na may touch ng Thai architecture.

Minutes later, dumating na yung mga bubuhat ng palanquin ko.

Sila yung mga security staff namin sa mansion, nakasuot sila ng chinese royal guard costume ngayon.

Ayun, binuhat na nila ako hanggang makarating kami sa isang malaking gate.

Ilang segundo rin kaming nag-standby sa harap ng gate until may nag-aanounce na andito na raw yung 'Empress ng Suppasit Empire'.

After that, bumukas na yung gate at literal na hindi ako nakahinga sa mga nakita ko.

Ngayon alam ko na kung nasaan kami, ito yung replica ng 'Thai Grand Palace' na tinayo dito sa downtown Bangkok a year ago.

Katapat 'to ng luxury hotel na binabaan namin kanina.

Damn, I didn't know na si Pree pala ang nagpatayo nito. According sa rumors kasi, titiran daw 'to ni King Rama X.

Upon entering the gate, nag-illuminate na yung buong palace premise.

Ngayon ko lang napansin na may 'battalion' pala ng Thai fingernail dancers sa magkabilang gilid nung pathway na dadaanan ng palanquin ko.

As we started moving, nag-umpisa na rin silang magsayaw.

My God, this is too much! Hindi ko na dapat dinoubt si Pree from the first place!

I only asked for a historical themed wedding, hindi ko in-expect na mae-experience ko talaga maging monarch!

Pagdating ko sa gitna, natanaw ko na sina Ma sa dulo.

Queen mother ang outfitan ni Ma ngayon!

Now it makes sense kung bakit ayaw n'ya ako puntahan kanina kahit nagwe-wedding jitters na ako!

Katabi ni Ma sina Pa, Dad at mga kapatid ko.

Nakasuot ng pulang gonryongpo(King's dragon robe) yung mga tatay ko at dark blue gonryongpo naman sina Kuya Nick, Pent at Frank.

Si Kuya Saint lang yung naiiba, naka-princess attire s'ya ngayon! HaHa!

Sa kabilang side naman ay mga parents ni Pree. Ganon din ang outfitan nila.

Nung makarating kami sa 3/4 ng pathway ay tumigil na sa pagsasayaw yung mga fingernail dancers tapos binaba na ng mga guards yung palanquin ko.

From traditional music, favorite song ko na yung tumugtog dito sa palace.

Acoustic version of Regina Spektor's Better.

This time ay si Pree naman ang nag-march galing sa dulo ng isle, sasalubungin n'ya ko together with his entourage na pinapangunahan ni Ming at Gun.

Nakasuot s'ya ng golden gonryongpo and I must say na sobrang bagay nun sa kan'ya.

"I hate you!" bulong ko nung kinukuha na n'ya ako sa palanquin.

"Why mahal ko? Hindi mo ba nagustuhan 'tong surprise ko sa'yo?"

"Yan nga eh, puro ka surprise, na-stress ako nang bongga dahil pabago-bago yung mood ko the whole day."

Natawa na lang si Pree sa mga reklamo ko.

"Sorry na mahal ko, 'di bale na, maganda ka pa rin naman kahit stressed ka. I love you."

Ayt nambola nanaman!

Pero sige na nga, hindi na ako papalag.

"I love you too, my emperor." I gave in.

Binigay ko na sa kan'ya yung kamay ko at naglakad na kami sa pathway.

While walking, biglang namatay yung mga ilaw na nag-i-illuminate sa buong palace.

Yung nilalakaran na lang namin ang may ilaw ngayon.

And to add, may dancing fountain din palang naka-install sa gilid ng pathway.

It makes the illusion na para kaming naglalakad ni Pree sa hinating dagat ngayon.

"Salamat sa lahat, my love." my voice cracked.

Umiiyak na ako ngayon dahil nag-umpisa nang mag-flashback yung mga memories namin together.

"Walang anuman, mahal ko. Just like what I've always said, deserve mo lahat ng 'to."

Hinalikan ko ni Pree sa noo bago ang start yung ceremony ng kasal naming dalawa.

•~•~•~•~•~•~•

*Honeymoon, 2nd day

Sobrang busy ako sa paghahanap ng sunblock lotion nung may mapansin akong strange phone sa maleta namin ni Pree.

Maraming phone si Pree pero ngayon ko lang nakita ang isang 'to.

Usually ay 'di ko ginagalaw yung mga phones n'ya dahil puro business lang naman ang transaction but this time ay may gut feeling ako na dapat kong tignan ang phone na 'to.

Ayun, kahit medyo kinakabahan ay binuksan ko na yung phone. Luckily, walang lock.

Una kong tinignan ay yung gallery, walang laman.

Next ay yung messaging app, wala ring laman.

Jusko, wala naman palang kwenta 'to!

Ibababa ko sana 'tong phone pero biglang may nag message sa Line.

"Napadala ko na po yung death threat sa bahay nila Sir Wayo for this month."

Nanlamig ako sa nabasa ko.

Agad akong nag-scroll up at nakita kong 3 years na nilang pinag-uusapan yung mga naipapadalang death threats sa bahay namin.

Tangina!

Si Pree ang nagpapadala ng death threats sa'kin?

Why?! Hindi ko maintindihan kung bakit n'ya ginawa yun..

Para maliwanagan, agad kong tinignan yung ibang mga Line convos dito sa phone.

Fuck!

Pakiramdam ko ay mababaliw ako sa mga nabasa ko dito sa phone.

Si Pree pala ang may pakana ng sunog sa Notre-dame!

Tapos planado rin pala n'ya yung buong med student life ko.

From my professors to my classmates, s'ya lahat ang pumili. In-acquire ni Pree yung pinag-aaralan ko secretly to control everything.

Even my daily activities ay reported sa kan'ya everyday.

What's more? Pinapa-surveillance rin n'ya yung mga ex boyfriend ko!

From Oat to Frank, lahat ay may daily reports!

Tangina, anong fuckery ba 'tong ginagawa ni Pree?!

Ito na ba yung warning ni Kit?!

"I assume na alam mo ang lahat.." biglang may nagsalita sa likod ko.

Si Pree!

Nailaglag ko yung phone na hawak ko dahil sa pagkagulat at mabilis  na lumayo sa kan'ya.

"Wag kang lalapit or else.." I glared at him.

"Mahal ko, relax. Hindi kita sasaktan.." lumapit si Pree sa'kin.

Itutulak ko sana s'ya palayo pero bigla n'ya akong niyapos.

Hindi na ako nakagalaw dahil mas malakas s'ya sa'kin.

"I won't defend myself Wayo, totoo lahat ng mga nabasa mo.."

Pree started to cry.

"Alam kong galit ka sa'kin pero sana intindihin mo rin naman ako. Obsessed na obsessed ako sa'yo Wayo, to the point na takot na takot akong maagaw ka ng ibang lalaki. Ginawa ko lahat yan to control you and to buy myself a peace of mind. I'm sorry mahal ko.."

"..sana mapatawad mo pa ang tulad ko na uhaw na uhaw sa pag-ibig mo..

"..please reconsider this THIRSTY man of yours."

Author's Note:

Maraming salamat sa pagbabasa nitong Thirsty!

Atlast,natapos ko rin s'ya! Hahaha.

Comment and vote po if nag-enjoy kayo!

Always,
QM

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

37.5M 779K 65
(COMPLETED) Montenegro Series #1 Highest Rank: #1 in Romance Category I'm Akira Sapphire Santos-Montenegro, nineteen years old, currently taking Busi...
222K 13.3K 10
Athena wants to be an architect to fulfill her late father's dream, but she secretly loves music and wants to be a composer. At West Town University...
247K 8.1K 71
Si Cedric, isang dakilang Brat na saksakan ng pagka suplado na pinagkakaguluhan ng kababaihan sa isang sikat na University. Palaging tinitilian, pal...
75.8K 3K 38
ayon sa iba, Ang GREATEST LOVE raw ang hinding-hindi mo makakalimutan sa lahat. Ang GREATEST LOVE raw ang nagturo sayo kung paano totoong magmahal...