RENDEZVOUS Trilogy book 2 (CO...

By AnnaLou_writes

1.6K 582 179

"My knight in shining enemy" Book 2: RhianAndLucas ❤️ Teaser: Dahil ayaw ni Rhian na maging pambayad ng peran... More

PROLOGUE
Part 1
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7
Part 8
Part 9
Part 10
Part 11
Part 12
Part 13
Part 14
Part 15
Part 16
Part 17
Part 18
Epilogue
Authors message

Part 2

96 30 6
By AnnaLou_writes

"RHIAN, may bagong dating na diner sa table two. Ikaw na muna ang kumuha ng order. Punta lang akong CR. Kanina pa ako nadyi-jebs, eh! Hindi ko na mapigilan. Nag he-hello na siya at napapa-I'm coming out na!" nakangiwing saad ng kaibigan niyang si Marie at mahina pa siyang tinapik sa balikat.

Kaibigan niya si Marie at kapwa waitress niya sa Rendezvous—ang restaurant na pinagta-trabahuan nila. Akala kasi ng kaibigan niya na totoong tibo siya. Iyon kasi ang disguise niya. Nang maglayas siya sa bahay nila ay sa Rendezvous siya napadpad. Doon siya nagta-trabaho bilang isang waitress.

 Pero imbes na naka-palda ang uniporme ay naka-slacks siya at nagpagupit pa siya ng maiksi parang walang ma-kakilala sa kanya. Mahirap na baka may magawi pa sa Rendezvous at may makakilala pa sa kanyang mga dati niyang kaibigan at ka-klase sa dating unibersidad na pinapasukan at makarating pa sa mga magulang niya kung nasaan siya.

 Simula kasi ng lumayas siya sa bahay nila ay huminto na rin siya sa pag-aaral at nag-trabaho. Paraan niya iyon para makatulong sa pagbayad ng na-dispalko na pera ng daddy niya. Kahit naman naglayas siya ay mabuti pa rin siyang anak. Nakikibalita pa rin siya sa estado ng pamilya niya. Sa tulong ng kapatid niyang si Stacy, ito ang nagrereport sa kanya ng mga kaganapan sa bahay nila. Wala naman talaga sa plano niya ang magpanggap bilang tibo pero dahil na din sa binago niya ang hitsura at napagkamalan siya ng mga itong tibo ay hindi niya na itinama ang akala ng mga ito at hinayaan niya na lang ang mga itong isiping isa nga siyang tiboli.

Mas mainam na rin at makakatulong iyon sa pagtatago niya mula sa mga magulang.

Ayon nga raw sa kapatid niya ay binigyan naman ng palugit ng kaibigan ng daddy niya na makapagbayad ito sa perang nadispalko nito. Kaya kada sahod niya ay ibinibigay niya iyon sa pamilya niya at kay Stacy niya iyon inaabot para kahit papaano ay makatulong sa pagbabayad utang ng daddy niya. Pinapalabas nalang nila na kaya nagkakapera si Stacy ay dahil sa nagpa-part time job ang kapatid niya kapag wala itong pasok. Eighteen years old na nag kapatid at freshmen na sa college kaya valid na ang palusot nila at hindi na rin siguro nagtataka nag mga parents niya kung bakit may naabot na pera si Stacy sa mga magulang nila.

Lagi niyang ipinapaalala sa kapatid niyang huwag na huwag sasabihin sa magulang niya ang kinaroroonan niya dahil ayon kay Stacy ay hinahanap pa rin siya ng mga magulang niya at desidido pa rin ang mga ito na gawin siyang pambayad sa perang nadispalko ng daddy niya para matapos na ang problema ng mga ito. Na wala sa hinagap niyang posibleng mangyari dahil never siyang magpapakasal dahil sa pera at sa taong hindi niya mahal.

Noong una ay nahirapang mag-adjust si Rhian pero kalaunanan ay nagamay niya na rin. Nag-eenjoy na kasi siya sa trabaho niya sa Rendezvous at mababait naman ang mga katrabaho niya lalo na ang kaibigan niyang sina Marie at Ella na lagi siyang inaalalayan hanggang sa matuto siya sa trabaho.

"Okay. Sige ako ng bahala. Pumunta ka na ng CR baka dito ka pa magkalat." nakangiting saad niya kay Marie sa matigas na tono ng boses.

"Salamat, tibo!" nakangiting saad ni Marie at sinaluduhan pa siya.

Tumango nalang si Rhian bilang tugon habang si Marie naman ay walang lingon likod na nagmamadaling tinungo na ang CR. Habang siya ay dumiretso na sa table para estimahin ang bagong dating na diner ng resto. Sobrang nadyi-jebs na talaga siguro at hindi na nito mapigilan.

"Hi, sir good day!" Nakangiting bati niya sa lalaking diner na nakaupo sa table two.

 Pinatirik ni Rhian ang mga mata ng hindi napansin ng lalaki ang presensiya niya dahil busy ito sa pagpipindot ng cellphone nito at nakasuot pa ng headset. 

Sino ba naman ang matinong tao na pupunta sa restaurant para magpipindot lang ng cellphone nito at nakasuot pa ng headset?

Sira-ulo!

"Sir?" untag niya sa lalaki ng hindi pa rin ito nagtaas ng tingin.

Naasar na si Rhian dahil dumami na ang taong pumapasok sa loob ng resto, kaya marami na siyang kailangang estimahin na ibang diners at hindi lang ang lalaking iyon.

Asar na padabog na inilapag niya ang menu sa taas ng mesa. Nagtagumpay naman siyang kunin ang atensiyon ng lalaki dahil bigla nitong tinanggal ang headset nito at nag-angat ng tingin ang lalaki sa kanya.

Napakunot-noo ang lalaki nang makita siya. Habang si Rhian ay unti-unting nawala ang inis at gano'n na lang ang panlalaki ng mga mata niya ng mabistahan niya ng husto ang buong mukha ng lalaki. 

Hindi siya pwedeng magkamali ang lalaking nasa harapan niya ngayon ay walang iba kundi si Lucas Natividad! Ang ka-klase niya noong high school na isinusumpa niya dahil wala itong ginawa sa araw-araw na nilikha ito ng diyos kundi bully-hin siya at sirain ang buong araw niya.

Hindi sila puwedeng magkita nito. Ang alam niya ay nasa Amerika ito at doon na nagpatuloy ng pag-aaral. Bakit ito nandoon sa Rendezvous? Hindi sila puwedeng magtagpo nito baka ito pa ang maging dahilan ng pagkabuko ng totoo niyang pagkatao at makakauwi siya bigla sa bahay ng mga magulang niya ng wala sa oras.

Huli na para mag-iwas siya ng tingin para itago ang mukha sa binata dahil maagap na tumayo si Lucas at mas lalo pang inilapit ang mukha nito sa mukha niya na tila ba kinakabisado bawat parte niyon.

Mayamaya ay nagliwanag ang mukha nito na tila ba natuwa sa nakita.

"Rhian?" nanantiyang saad nito na tila naninigurado pa kung tama ito ng pangalang binabanggit. "Rhian Jimenez, right? I'm Lucas Natividad. We're classmates from high school, remember?" pagpapakilala pa nito sa sarili habang hindi inaalis ang paningin sa kanya.

Pinigilan niya naman ang sariling pandilatan si Lucas bagkus ay pilit niyang nginitian ang binata sa pormal na paraan.

"Nagkakamali po kayo, sir. Rhian nga po ang pangalan ko pero hindi po ako ang Rhian na tinutukoy ninyo. Hindi ko po kayo kilala." nagmamaang-maangan na saad niya at kaswal na nginitian ang binata. Kahit sa kalooban niya ay nagha-hyperventilate na sa kaba.

Nagsalubong ang mga kilay nito. "Really? You're not Rhian? kamukha mo kasi siya. Akala ko kasi ikaw 'yong dati kong ka-klase noong high school. Nami-missed ko na siya, actually. Close kasi kami no'n, bestfriends kumbaga. Sa tingin ko nga crush ako no'n dati, eh!"

Ano daw?

"Hoy! Hindi kita crush, 'no! At anong bestfriends? Ni hindi nga tayo magkaibigan in the first place. Ang kapal ng mukha mo! You're a bully and we hate each others guts kaya imposibleng maging magkaibigan tayo noong high school pa—"

Natigil si Rhian sa pagsasalita ng makita niya kung papaano nagliwanag ang mukha ni Lucas at lumapad ang pagkakangisi nito na tila ba satisfied na satisfied ito sa narinig mula sa kanya.

Napamura naman siya sa isip at wala sa sariling naitakip ang mga kamay sa sariling bibig. Hindi siya makapaniwalang ibinuko niya ang sariling pagkatao kay Lucas. Talagang hindi pa rin kumukupas ang talent nito sa panghuhuli at pangko-corner nito sa kanya tulad noong high school pa lang sila.

"Gotcha!" nakangisi pa rin na saad nito at humalukipkip. "Hindi ka pa rin nagbabago, Rhian. You're still as naïve as before. The same Rhian na madaling hulihin at masayang bully-hin noong high school."

"Hindi nga ako si Rhian—"

"Stop it, Rhian. You're really sucked at lying." Nakangiting putol nito sa iba pa niyang sasabihin at umupo na ulit. "So how are you my dear old friend? Na-missed kita. Why did you cut your hair short? Mas bagay sa'yo ang mahabang buhok. Is that the new trend? Or is that a disguise?" saad nito na may nakakalokong ngiti sa mga labi at may kakaibang kislap sa mga mata. Ipinigadiinan pa nito ang salitang 'disguise'.

Napaawang tuloy ang bibig ni Rhian. Kilala niya ang kakaibang kislap ng mga matang iyon. At alam niyang hindi niya magugustuhan ang kakaibang kislap ng mga mata ni Lucas.

"Wait... Tama ako 'no? Disguise mo 'yan, 'no? Bakit ka nagdi-disguise? May pinagtataguan ka ba? May malaking atraso ka ba, Rhian? Hinhunting ka ba? May pabuya ba kapag isinuplong kita sa mga naghahanap sa'yo?" Ngumisi ito. "How much? Oh well, mukhang hindi coincidence ang pagtatagpo natin ulit, ah! Mukhang naka-jackpot yata ako ngayong nagkita tayo ulit. Mukhang magkakapera pa yata ako dahil sa'yo. I think I—"

"Shut up, Lucas!" nandidilat na saad niya at hindi na siya nakapagpigil na tinakpan ang bibig nito gamit ang kamay niya.

Mabilis namang tinanggal nito ang mga kamay niya at tumawa ng makawala ito sa pagtakip niya sa bibig nito.

"Oh! I thought you don't know me. Why are you calling me by my name? Kilala mo na ba ako, Rhian? O natatakot ka lang na isuplong kita sa mga taong pinagtataguan mo?"

"Shhhh....! Oo na! Ako nga si Rhian at kilala kita. Happy?" napilitang pag-amin niya para manahimik na ito. Masyado kasi itong maingay at nangangamba siyang baka may makarinig sa kanilang kakilala ng mga magulang niya.

"Hanggang ngayon hindi ka pa rin nagbabago ang sama pa din ng ugali mo. After all those years. For pete's sake, Lucas. Grow up!" patuloy na saad niya habang tinitingnan si Lucas ng masama.

"Ouch! That really hurt my feelings!" sarkastikong saad nito at eksaheradang sinapo pa ang dibdib.

Pinaikot niya lang ang eyeballs niya at pinamaywangan niya si Lucas. "Feelings, my ass! Ano ba kasing ginagawa mo dito? Bakit ba kasi nagkita pa tayo ulit sa lahat ng taong puwede kung makita ulit, bakit ikaw pa?"

"Ang sweet mo naman." Ngumisi ito. " Anyways, I came here to eat, this is a restaurant right? Lucky me at dito ka pala nagta-trababo. Mukhang makaka-libre pa yata ako ng pagkain ngayong araw. So feed me, Rhian. Magta-thank you na ako in advance."

Namaywang siya. "At sino namang nagsabi sa'yo na ililibre kita dito ng pagkain? Ang mahal kaya ng order dito sa Rendezvous mababawasan pa ang sasahurin ko sa'yo, buwisit ka!"

Lumitaw ulit ang mala-demonyong ngiti nito. "Well, bilang dati naman tayong magkakilala may choice ka naman. Either, ililibre mo 'ko ng pagkain o isusuplong kita sa mga taong pinagtataguan mo. You can choose, madali naman akong kausap." Sambit nito na may matagumpay na ngiti sa mga labi. 

Parang bumalik na naman si Rhian sa high school days niya na lagi siyang binubully ng binata at wala siyang choice kundi sundin ang kagustuhan ni Lucas kundi mapapasama siya.

"Hindi ako nagtatago. Wala akong pinagtataguan!" mariing sambit niya sa pagitan ng nangangalit na mga ngipin.

"Talaga? Bakit mukhang kabado ka?"

Pakiramdam ni Rhian ay umakyat na lahat ng dugo niya sa ulo niya at pulang-pula na ang pisngi niya ng mga sandaling iyon.

Puwede bang pumatay ng tao kahit isang beses lang at maging normal na ulit ang buhay niya?

Dahil sa mga sandaling iyon ay handa na talaga siyang pumatay ng tao. At Lucas ang pangalan.

"Decide quickly, Rhian. I'm hungry!" apura pa ng binata habang tumataas baba ang mga kilay nito.

Aba't demanding pa ang loko!

Nginitian niya ang binata kahit sa isip niya ay sinasakal niya ang binata hanggang sa mawalan ito ng hininga.

"Oo na. Sige na ililibre na kita ng pagkain. Basta manahimik ka na. At puwede ba pagkatapos mong kumain umalis ka na? At puwede ba pagkatapos mong kumain ay umalis ka na at huwag ka ng bumalik dito sa Rendezvous kahit kailan?"

He smirked. "Depende."

"Ano'ng depende?"

"Tell me first what happen to you? Sabihin mo muna sa'kin kung bakit nagdi-disguise ka? Bakit ka nagtatago dito sa restaurant na 'to na may ibang katauhan? Kanino ka may atraso? Sino'ng pinagtataguan mo? Care to tell me what's your dirty little secret? I want to know everything. We have a lot of catching up to do." Sunod-sunod na saad nito without breaking his gaze with her.

Pinandilatan niya ito. "It's none of your business, Lucas! I don't owe you any catching up with. Hindi tayo, close! Umorder ka na nga lang ng matapos ka ng kumain at lumayas ka na sa restaurant na ito. Pati sa buhay ko din, please. Just get lost!"

Nagkibit balikat ito. Hindi na ito tumugon, tumalima na ito at nagsimula ng pumili ng order sa menu. Pagkatapos nitong sabihin ang napili nitong pagkain sa kanya ay hindi na ito umimik pa. Mas lalo tuloy siyang kinabahan kapag hindi ito nagsasalita. Pakiramdam niya tuloy ay may pinaplano si Lucas na hindi niya magugustuhan.

O baka napa-paranoid lang siya.

Continue Reading

You'll Also Like

8M 480K 46
[PUBLISHED UNDER LIB] #3. "If I won't have you then might as well kill me, attorney."
983K 31.3K 41
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
2.9M 180K 59
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
10.4M 566K 22
[PUBLISHED under LIB] #1. "If pleading guilty means protecting you, I will."