Part 1

130 35 5
                                    




"ANO'NG sinasabi mong wala na?"

Natigil sa paghakbang paakyat ng hagdan si Rhian ng marinig ang boses na iyon ng Mommy Denisse niya. She knew something was off sa tono palang ng boses ng mommy niyang hysterical at mataas na ang tono.

Sumilip si Rhian sa siwang ng pinto ng kusina kung saan nagmumula ang boses ng mommy niya.

Nakita niya ang mommy niyang nakapamaywang habang kausap nito ang daddy niyang tila litong-lito at halatang problemado.
Pakiramdam niya ay may matinding pasabog ang daddy niya kaya sa kusina nito kinausap ang mommy niya para hindi nila marinig iyon ng kapatid niyang si Stacy, inakala siguro ng mga ito na mahimbing na silang natutulog sa taas ng kuwarto.
Si Stacy ang bunso niyang kapatid, sixteen years old lang ito.

Nagpakawala muna ng buntong-hininga ang daddy niya bago magsalita. "Lahat ng perang inipon natin ng ilang taon ay wala na. I saw this advertisement online sa isang investment stock company, na kapag nag-invest ka ng pera ay tutubo iyon ng doble sa isang buwan lang. At iyon nga dahil maganda ang feedback ay nag-invest ako, pati ang isa kong kaibigan na si pareng Emil ay na-engganyo ko na mag-invest din para malaki-laki ang tutubuin ng pera namin kung saka-sakali .

Turns out na ang pinag-bigyan ko pala ng pera namin ay isang malaking scam at nabalitaan ko nalang sa TV na hina-hunting na pala ang investment company na iyon dahil marami ng nabiktimang tao.

Hanggang ngayon ay pinaghahanap pa rin sila ng mga awtoridad para mabawi ang itinakbong pera namin at ng ibang mga taong nabiktima rin ng kumpanyang iyon. Pero mukhang malabo ng mangyari iyon dahil nangibang bansa na ang mga nagpapatakbo ng mga investment company na iyon.

Mahuli man sila ng mga awtoridad ay hindi naman makakasiguro kung maibabalik ba ang mga perang tinangay ng mga ito.

"Magkano ang perang ininvest mo sa lintik na scam na kompanyang 'yon?"

Sunod-sunod na napabuntong-hininga ang daddy niya. "One hundred million pesos. Kalahati doon ay ipon natin sa loob ng twenty years at ang kalahati ay pera ni pareng Emilio. At ngayon kahit anong paliwanag ko sa kanya na na-scam ako at natangay ang pera namin ay ayaw niyang maniwala. Iginigiit niyang dinouble cross ko siya at sinarili ko ang pera.

Ngayon gusto niyang ibalik ko sa kanya ang pera niya dahil idedemanda niya ako at ipapakulong kapag hindi ko maibabalik ang pera niya. Pero hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pambayad sa kanya gayong pati ipon natin wala na. Kahit ibenta pa natin ang bahay at lupa natin sa bangko ay hindi pa rin iyon sasapat."

Nahahapong napaupo ang mommy Denisse niya sa narinig kahit nga siya ay nanghina din.

Alam niyang pinaghirapan ng mga magulang niya ang perang pinag-ipunan ng mga ito sa loob ng dalawampung taon dahil may balak ng mag-resign ang mga mommy't-daddy niya bilang mga public accountant at magtayo na lang ng sariling negosyo, na hindi na mangyayari dahil na-scam ang daddy Henry niya at itinakbo ang perang pinag-ipunan ng mga ito ng ilang taon para ipampatayo ng sariling negosyo.

"Naku, Henry. Papaano na ngayon niyan? Lahat ng pangarap natin nawala na. Papa'no na ang pangarap nating makapagpatayo ng sariling negosyo? Papa'no na ang mga anak natin kung makukulong ka? Ano ba kasing pumasok sa kukote mo at nag-invest ka pa sa scam na kompanyang 'yan?! Paano ngayon niyan, Henry? Ano ng mangyayari sa atin? Hindi pa nakakapagtapos ng kolehiyo ang mga anak natin. Ano'ng mangyayari sa kanila kapag makukulong ka? Hindi ko maipapangakong maitataguyod ko sila ng maayos ng wala ka. Hindi ko kaya." naluluhang saad ng mommy niya.

Niyakap naman agad ito ng daddy niya. "Sorry na mahal. Gusto ko lang naman kasi na dumoble ang pera natin para makapagnegosyo na tayo at makapagresign ka na sa pagtuturo dahil alam kong pagod ka na rin sa ilang taon mong pagtuturo. Hindi ko naman alam na ganito ang mangyayari."

Napailing-iling ang mommy niya na tila hindi pa rin makapaniwala sa nangyayari."Papaano ngayon niyan?"

"Hindi ko din alam. Pero mahal may binanggit sa'kin na kondisyon si pareng Emilio para hindi niya ako ipakulong."

Natigil sa pag-iyak ang mommy niya at bigla itong napapaling sa daddy niya. "Ano'ng kondisyon?"

"Ipakasal daw natin ang anak nating si Rhian sa lalaking anak nito at sa paraang iyon ay kakalimutan niya ang perang natangay mula sa kanya."

Pakiramdam ni Rhian ay parang bombang sumabog ang katagang iyon na narinig. May mali yata. Bakit pati yata siya biglang nasali? Bakit parang pakiramdam niya ay kung magtatagal pa siya roon para makinig ay sasabog ang dibdib niya sa matinding hinanakit para sa mga magulang.

"Ano'ng ibig mong sabihin?" naguguluhang saad ng mommy niya at mukhang hindi sang-ayon sa ideya.

"Ayon kay pareng Emilio may malaking mana daw ang anak nitong lalaki sa abuelo nitong businessman na nakabase ang mga negosyo sa Amerika pero ang kondisyon ay makukuha lang nito ang mana nito mula sa lolo nito kapag kasal na ang anak nito. Pero hindi na makapaghintay si pareng Emil na makuha ang mana ng anak nito dahil matatagalan pa iyon kung hihintayin nitong mag-asawa ang anak nito kaya sa tulong daw ng anak nating si Rhian ay mapapaaga iyon at mapapasakamay na nila ang mamanahin ng anak niyang tiyak daw na triple o higit pa sa singkwenta milyones na nawala sa kanya."

"Ang ibig mo bang sabihin ay si Rhian ang gagawin nating pambayad sa perang nadispalko mo?"

Mabilis na tumango ang daddy niya. "Oo. Ganoon na nga."

"Maatim ba iyon ng konsensiya mo, Emil?"

"Hindi. Pero wala na akong ibang maisip na paraan, hindi naman mapapasama ang anak nating si Rhian sa pamilya nila. Mabait naman siguro ang anak ni pareng Emil, siguradong aalagaan at mamahalin niya ang anak natin."

Napailing-iling ang mommy niya pero hinawakan ito ng daddy niya sa magkabilang balikat. "Help me convince, Rhian. Ngayon natin kailangan ng anak."

"Sa tingin mo papayag siya?" saad ng mommy niya na mukhang napahinuhod na din ng daddy niya.

"She doesn't have a choice. Rhian is a smart woman. Maiintindihan niya naman siguro tayo."

Marahas na pinahid ni Rhian ang mga luha niyang naglandas sa mga pisngi niya ng hindi niya namamalayan at pumanhik na siya sa hagdan.

Hindi na tinapos na pakinggan ni Rhian ang iba pang sasabihin ng daddy niya. She had enough. Isa lang ang rumehistro sa puso't-isip niya. Hindi siya mahal ng mga magulang niya. Walang nagmamahal na magulang ang kayang ipambayad sa utang ang anak nila.
Hindi niya akalain maririnig niya iyon sa mga magulang niya. She can't marry someone to pay his dad debts. She still have dreams. Third year college pa lang siya, marami pa siyang gustong maabot sa buhay.

Isang beses pa lang niyang nakikita ang kaibigan ng daddy niyang si pareng Emilio ng pumunta ito sa bahay nila para mag-inuman kasama ang daddy niya pero hindi niya pa nakikita ang hitsura ng anak nito na anito'y ipapakasal ng mga ito sa kanya.

Wala naman siyang pakialam at wala siyang balak na kilalanin ang anak nito. Hindi siya magpapakasal sa anak nito, baka mamaya maging battered wife lang siya or worst gawin siyang sex slave ng lalaking iyon. She shivered at the thought.

Kaya bago pa mahuli ang lahat ay kailangan niya ng umexit at magpakalayo-layo bago pa man mahuli ang lahat at maipakasal siya sa lalaking hindi niya mahal at ni hindi niya pa nakikita ang mukha.

RENDEZVOUS Trilogy book 2 (COMPLETED) (RhianandLucas)Where stories live. Discover now